7 : Be my escape

Isinulat kita

Sa pagitan ng bawat linya

Tinalunton ang taludtod

Sa bawat himig ng musika

Ngunit bakit hanggang ngayon

Hindi pa rin tayo magtugma

***

Para akong nanigas nang mahinto sa ere ang daliri kong may hawak ng sigarilyo. Napatitig ako sa paglipad ng usok nito nang muling nagbalik ang buhol sa sikmura ko. Mula sa sigarilyo ay unti-unting nabaling ang tingin ko sa waitress—sa nanay ni Reon.

"My mom has been diagnosed with stage four breast cancer... and the bad shit is that... she only has a year... or most probably months to live."

Then why the hell is she still working here?

"Ano na lang ang gusto mong pasalubong?" She even giggled.

Sa nangyari kanina at sa nangyayari sa kaniya ngayon, paano niya nagagawang ngumiti at tumawa na parang normal lang ang lahat? Hindi ganito ang inaasahan kong hitsura ng taong may taning na.

"Wala? Bakit wala? Ayaw mo ba ng—ay talaga namang! Impaktang batang ito, binabaan ako." Tatawa-tawa siyang nagtipa sa cellphone pagkababa niyon mula sa tainga.

Pinitik ko ang sigarilyo kung saan para lang umakma ng muling pagpulot dito. Huminto ako sa gitna ng dapat gagawin para lang mapamura. Bakit ko pupulutin iyon? Wala naman dito si Reon!

Napadaing na lamang ako sa mga naiisip. At nang muli kong nilingon ang nanay ni Reon, ay naabutan ko ang pagkakatigil nito sa pagpasok pabalik para lang sipatin ako. Agad itong ngumiti at magalang na bumati. It felt uncomfortable looking at her right now, after knowing that she's the mother Reon was talking about.

Tipong magpapatuloy na sana ito sa pagpasok pabalik nang marinig ko ang sariling magsalita.

"Tapos na ba ang shift mo?" Why are you even working?

Mukhang nagulat ito sa biglang pagtatanong ko at muling natigilan. The look of confusion on her face was evident as she blinked at my way.

Halos mapamura pa ako nang naisip na sana'y hindi na lang ako nagsalita. Ano bang pakialam ko kung sino siya? O kung mamamatay na siya? O tangina, nasabi ko na edi ituloy-tuloy ko na lang!

Tumingin ako diretso sa kaniya at lakas-loob na tinapos ang gustong sabihin. "Someone might be worried about you. Umuwi ka na lang at huwag mo nang tapusin ang trabaho mo rito." Stop working for good!

Ang gulat sa ekspresyon niya'y unti-unting napalitan ng pagod. Gayunpama'y muling kumurba ang mga labi niya para sa isang mainit na ngiti. "Kanina pa tapos ang shift ko, nagpadagdag na lang ako ng oras dahil kalaunan, kakailanganin ko na ring tumigil."

Bumigat ang paghinga ko nang maitsura ko ang nag-aantay na si Reon sa bahay nila. Refusing to sleep and waiting for her mother to come home. Pero paano kung ang maikling taning na binigay sa kaniya ng doktor, ay mas lalo pang lumiit dahil sa ginagawa niyang ito?

My hands clenched into tight fists. Hindi ko nakontrol ang galit sa boses ko nang sunod akong magsalita. "Madaling kitain ang pera pero ang panahon at buhay ay hindi. Stop bullshitting around and look properly to see what's really important."

Walang sinabi ang gulat niya kanina sa gulat at pagtatakang nasa ekspresyon niya ngayon. Marahil iniisip niya kung sinong siraulo ba ako para sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon. Na wala pa akong alam sa buhay dahil paniguradong bata lang ako sa paningin niya.

Ano bang pakialam ko sa mga rason nilang matatanda? Na kesyo ginagawa nila ang mga bagay-bagay para sa ikabubuti namin? Sino ba sila para magpasyang laging mas matimbang ang mabuti kaysa sa gusto namin? Sino ba sila para magdesisyon kung anong klase ng tao ang gusto naming maging?

Saying stupid stuff like they'd already been where and what we were going through that was why they knew better. Well, fuck knowing better. Just let us do the things we want and figure things out ourselves!

"Adults are fucking selfish," bulong ko sa hangin bago pumasok pabalik sa bar.

Hawak ko na ang cellphone at aktong tatawagan o iti-text si Reon, para sana sabihin ang nalaman ko pero naalala kong wala nga pala akong number niya. Napapamura ko na lamang na ibinalik ang cellphone sa bulsa ng suot kong slacks. Matapos ay iritableng binalingan ang kaibigang halos wala na sa sarili.

"I'm outta here."

Wala akong nakuhang sagot sa gago kaya't napabuga ako nang mabigat na buntonghininga, pinipigilan ang sariling kaladkarin ito paalis.

"Kung gusto mo ritong abutan ng umaga, bahala ka sa buhay mo." Sabay pakita ko sa susi ng sasakyan niyang naroon sa kamay ko.

Mukhang nahimasmasan si Julian at animong buhay niya ang hawak ko nang matanto kung ano ang naroon. Nakapa niya ang mga bulsa at agad namilog ang mga mata nang hindi niya makita ang hinahanap. "How'd you get my—"

"Come on, brother. The fun's over," panggagaya ko sa pananalita niya habang may pang-uuyam na ngisi, bago tumalikod at umalis doon.

Matapos makarinig ng mga mura at daing ay narinig ko ang pagsunod niya 'di kalaunan.

Halos hindi ako nakatulog magdamag kaiisip sa nangyari at sa nalaman ko. Kating-kati akong sabihin kay Reon kung ano ang ginagawa ng nanay niya pero tangina kasi. Wala akong number niya! Gustuhin ko man siyang puntahan sa kanila, hindi ko rin naman alam ang bahay nila. Isa pa, dis oras na ng gabi.

Ang karagdagang isiping sana'y inalok ko ang nanay niyang ihatid sa kanila ay mas lalong hindi nagpatulog sa akin. Bakit hindi ko iyon naisip kanina? Tanga!

Kaya't pagbangon ko kinabukasan ay dire-diretso agad akong gumayak para sa school. Gusto kong isipin na para kay Reon ang ginagawa ng nanay niya, ngunit hindi ko gustong isikreto iyon sa kaniya. After all, if you're doing something for the sake of someone you care about, you should let them know. Hindi ba ganoon lang kadali iyon? Bakit kailangang isikreto pa at gawing mas kumplikado?

Handa na akong umalis ng bahay nang magkasalubong kami ni Xander, na mukhang galing sa kusina dahil sa kinakain nitong slice bread. Hindi ko na sana papansinin ang ungas ngunit napansin kong hindi siya nakahanda para sa pagpasok. T-shirt at shorts lang ang suot niya at mukha pang bagong gising.

"Why the hell are you wearing your uniform on a weekend?" Litong-lito ang mukha niya habang ngumunguya at sinisipat ako ng tingin.

Para akong nanigas sa kinatatayuan nang matanto ang sinabi niya. Weekend.

Tanging kurap at kunot-noo lamang ang isinukli ko sa kaniya. Tangina. Sabado ba ngayon?!

His snorts turned into a fit of hysterical laughter in just a second. Muntik pang nasamid dahil sa kinakain kaya't kinailangang tumigil sandali.

"Sige isaboy mo 'yang nasa bibig mo," halos mapangiwi sa iritasyon kong kumento. Gagong 'to, ang saya?

"Saan ba kayo nagpunta ni Julian kagabi at mukhang naiwan mo ang utak mo roon?" tawang-tawa pa ring aniya.

Pumipintig na ang ugat sa noo ko sa kalutangang nagawa at sa nakakabwisit na mukha ni Xander sa harap ko. Ayaw ko man siyang tanungin ay mukhang wala na akong choice.

"May number ka ba ni Reon?"

Sa simpleng tanong kong iyon ay dali-dali siyang natigilan sa pagtawa at napatuon ng buong atensyon sa akin. Ang kuryosidad at iba pang bagay na hindi ko mapangalanan ay naglalaro sa mga mata niya, nang sinuri ako ng tingin.

"What is this? Wala kang number ng past time mo?" Malisyoso siyang ngumisi.

Ngumisi akong pabalik. "May number ka ba ng kaklase mo o wala?"

"You must be really bored to want to go to school on a weekend just to see her, huh?"

Kung magma-manifest ang pasensya ko, siguro mas maliit lang 'yon ng isang pulgada kay Reon. "Wala kang kwentang kausap. Number lang ang tinatanong ko, ang dami mo pang sinasabi."

"So grumpy," iling niya sabay kagat sa loaf bread. "Anyway, some of my classmates are coming over for a group meeting."

"Mamatay nang nagtanong," bagot kong tugon bago siya talikuran.

"You sure you don't want to stick around and see who's coming?"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lamang sa paglakad pabalik sa sariling kwarto. Anong pakialam ko sa mga kaklase niya?

"Is that your final answer?"

Bahala ka sa buhay mo. Wala akong pakialam kung sinong kulapo man iyan.

Habang nagpapalit ng damit ay tumatakbo na sa isip ko kung paano ko mahahanap si Reon. Hindi ko malaman sa sarili kung bakit kating-kati talaga akong sabihin sa kaniya ang nalaman ko. Basta ang alam ko, hindi ako makakatulog nang maayos sa bawat gabi, hanggang sa masabi ko sa kaniya iyon.

Mabilis nang pumapasok sa isip ko ang mga posibleng lugar na maaari kong paghanapan sa kaniya. Sa tulay. Sa bar. Sa 7eleven?

At kung hindi ko siya matyempuhan sa mga lugar na iyon, siguro naman makakatsamba akong makakita ng mga kakilala niya roon. Basta kailangan ko siyang makita. Hindi bukas. O sa susunod. Ngayon.

Bumababa pa lang ako sa hagdan ay rinig ko na ang ilang hindi kilalang boses na nag-uusap. Mga kaklase panigurado ni Xander. Saktong naroon na ako sa kitchen nang maisuot ko ang dalang itim na pullover hoodie. Isang bote ng protein drink ang kinuha ko sa ref at inumpisahang inumin. Natuto akong uminom nito noong nasa judo club pa ako. Nakasanayan ko na lang kaya't hanggang ngayon ay ginagawa ko pa rin.

Okupado ang isip ko at animong lutang habang tinatapos ang pag-inom, nang lumipad ang paningin ko sa grupo ng mga boses na palapit. Babalewalain ko na sana ang mga nagdaang kaklase ni Xander, nang mapadpad ang tingin ko sa isang naroon.

Suot nito ang itim na band shirt at maong shorts na pinarisan ng dilaw na chuck at mahabang puting medyas. Ang maikli nitong buhok ay asul. At tanging ang itim na bag na nakasukbit sa likod nito ang bago sa paningin ko.

Ang huling lagok ko ng iniinom ay halos maibuga ko pa dahil sa pagkakasamid. Nakuha ng pag-ubo ko ang atensyon ng ilan sa mga ito. Sumulyap sandali ang ilan sa akin bago muling nagpatuloy sa paglakad. Iisa lang ang tumigil panandalian para punahin ang presensya ko roon.

Matapos bahagyang mamilog ng mga mata ay animong bata itong ngumiti at maligayang kumaway sa direksyon ko. "Lex! Hey!"

Naintindihan ko kaagad kung ano ang pinaglalaban ng kapatid kanina nang tinatanong niya ako.

"Ree, you coming?"

Sumulyap ito kay Xander. "Just a sec. Sunod ako."

"Okay." Isang makahulugang ngisi at sulyap ang itinapon sa akin ng kapatid, bago ito sumunod sa tinutungo ng mga kasama.

Pinunasan ko ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad at binalewala lamang ito.

"Hey, big guy. How's the party?" Ngumsi siya agad pagkalapit sa kinatatayuan ko. "Someone's in a bad mood. 'Nyare sa 'yo?"

Matapos itapon ang basyo ng bote ay sumulyap ako sa kaniya. Ang mga salitang buong gabi kong inisip ay tila naglaho nang parang bula ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Parang gago.

"Huy! Okay ka lang?" Bahagya nang kumunot ang noo niya nang sunod akong pinagmasdan.

Tumikhim ako at humalukipkip pagkasandal sa haligi ng sink. Bahagya rin akong yumuko para lang hindi ko masalubong ang mga mata niya. Pero dahil maliit siya, kahit anong yuko ang gawin ko'y tanaw ko pa rin ang mukha niya.

"How's your mom?" halos bulong kong tanong.

Sandali siyang natahimik kaya't dali-dali akong nagbaling ng tingin sa kaniya. Binabantayan at sinusukat ang bawat ekspresyon sa mukha niya. Mula sa sandaling pagiging blangko niyon dala ng pag-iisip, hanggang sa pag-ukit ng kabang pilit niyang pinagtatakpan gamit ang ngiti.

Naalala ko kaagad ang nanginginig na mga kamay ng nanay niya kagabi pati nang pagngiti nito. She took a lot of her facial features from her mother now that I'm looking at her closely.

"She's... I think she's doing fine. I hope so. Bakit mo naitanong?"

Kung kanina'y ayaw ko siyang tignan, ngayon nama'y hindi ko na maialis sa kaniya ang atensyon ko. Something's telling me that this isn't the right time to tell her about what I know yet. Kung bakit ay hindi ko na alam.

"Give me your phone," sabi ko sabay lahad ng palad imbes na sagutin ang tanong niya.

"Ha? Bakit?" aniya, lito.

"Tagal."

"Bakit nga?"

"Hindi ako maghahalungkat ng porn d'yan, marami na 'ko n'yan!"

Tumawa siya. "Gago, anong porn?!"

"Bilis!"

Sa kabila ng pagkalito ay inabot naman niya iyon sa akin. Dumungaw siya agad sa ginagawa kong pagtipa. Walang tiwala.

Isang huling tap at ilang saglit ang lumipas ay naramdaman ko na ang pag-vibrate ng sarili kong phone sa bulsa. Pinatay ko ang tawag at inabot pabalik ang phone niya. Habang sini-save ang number niya sa contacts ko ay muli akong nagsalita.

"Aga naman ng group meeting n'yo. Matagal ba 'yon?"

"Number mo ba 'to?"

"Hindi. Number 'yan nung drug dealer sa ilalim ng tulay. Baka lang mag-trip ka't maghanap ng bato."

"Ah sideline mo?" Mapang-asar siyang ngumisi.

"Oo number ko."

"Saan ka pala pupunta?"

"Ha?"

"Wala ka bang lakad?"

Kumurap ako ng ilang beses at mabagal na umiling matapos. Tinanong ko ulit, "Tagal meeting n'yo?"

Nagkibit siya ng balikat. "Depends."

I nodded. "Usap tayo pagkatapos."

"Tungkol saan? Hindi pa ba tayo nag-uusap ngayon?" lito niyang tawa.

"Pagkatapos."

Sandali pa muna kaming nagtapunan ng tingin. "That's kinda weird but okay."

"Antayin kita."

Siya naman ang mabagal na tumango. "Okay."

"Sisipain ko si Xander 'pag nainip ako." Ngumisi ako habang pinapanood ang paghakbang niyang paalis.

Bahagya siyang natawa habang umiiling.

Pinagdiskitahan ko ang sariling phone habang nag-aantay. Naroon ako nakaupo sa chaise lounge sa veranda tanaw ang pool. At habang tumatagal ay tila nagiging kumportable ako roon.

Nang muli kong imulat ang mga mata ko'y halos masilaw ako sa liwanag ng araw. Kabaligtaran nang banayad na tugtog na sinasabayan ng paghimig. Wala pa ako sa sariling ulirat nang matagpuan kung saan nanggagaling iyon.

Bahagya kong itinabingi ang ulo at pinanood ang pagkalabit ni Reon sa hawak na ukulele. Naroon siya sa katabing lounge ng inuupuan ko at mukhang absorb sa patuloy na pagtipa at paghimig. Para bang kahit narito lang siya sa malapit ko'y tila nasa malayong lugar siya. Ayaw ko siyang mawala sa konsentrasyon kaya't tahimik na lamang akong nanood at nakinig.

Ang paghimig niya'y katumbas ng tamang presko ng pantanghaling hangin. Para ako nitong hinihilang muli sa paghimbing ngunit hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. It felt like I was in a state between reality and a dream. And I don't want to wake up yet. I don't want to see what's real and what's not. Parang ayaw ko nang matapos pa ang sandali.

Kulang pa yata ako sa tulog!

"If you're already awake then say something," aniya matapos ngumiti at huminto sa pagkalabit. Ipinahinga niya ang hawak na ukulele sa kandungan para lang lingunin ang pagkakatulala ko o ano.

"Tapos nang group meeting n'yo?" Malat ang boses ko galing sa pagkakatulog.

"Yep."

Tumikhim ako bago umayos ng upo. Pinanood ko ang pagsinop niya sa ukulele habang nags-stretch ako ng braso at balikat.

"What's the song you're humming?"

Bigla siyang natigilan sa ginagawa. Ang bahagyang pamumula ng pisngi niya'y hindi nakawala sa paningin ko.

"Just a random song that came up my mind."

"Title?" Nanliit ang mga mata ko nang mas lalong namula ang pisngi niya. She won't be flustered like this unless, "You wrote it?"

Namimilog ang mga mata niyang lumingon sa akin. Ang hindi matagong panic sa ekspresyon niya ang nagkumpirmang oo ang sagot sa tanong ko.

"Hmn."

"W-Wala pang title..."

Ipinahinga ko ang magkabila kong braso sa mga hita at pinagdugtong ang mga daliri. Ang ngisi sa mga labi ko'y gawa ng purong interes at kuryosidad para sa kaniya.

"So you write songs."

A nervous chuckle. "Kinda. I think?"

"I wanna hear it."

"Ha?!"

"Sabi ko parinig."

"H-Hindi ko pa tapos! Wala pa ngang title..."

I nodded patiently. "I can wait 'till it's done. Will you sing it to me then?"

"M-Malayo pa ako sa katotohanan." Umiling siya, animong may kinatatakutan.

"Okay lang. Marami akong oras." 'Kala mo makakaligtas ka sa 'kin? Hah!

"Seryoso ka?"

Matamis akong ngumiti. "Mukha ba akong nagbibiro?"

A humourless laugh escaped in between her lips. Napalunok pa siya at bahagyang namutla. "Ano nga kasing gusto mong pag-usapan?"

Ang ngisi ko'y agad nawala nang maalala ang dapat kong sabihin sa kaniya. Tangina oo nga pala. Bahala na nga. Wala naman akong ibang pakay kundi sabihin ang nalaman ko sa kaniya. Iyon lang. Simpleng-simple.

"'Yung tatay mo?" Ha?

"Uh... what about him?"

"Kilala mo ba siya?" Bakit may pagtatanong? Ano 'to? Sa'n galing 'to?

Bahagyang kumunot ang noo niya, napapaisip. "Bakit..."

"May binibigay ba siyang sustento sa inyo ng mama mo?" Tangina sabi ko sasabihin ko lang ah?

Nagbuga siya nang mabigat na buntonghininga. "Dude, seriously what is this about?"

Umigting ang panga ko nang makita ang pagkabalisa sa ekspresyon niya. Naintindihan ko kaagad kung dahil saan iyon. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa tatay niya. At masyadong personal ang mga lintek kong tanong.

Ilang sandali ko pa munang kinapa ng dila ang loob ng pisngi, bago ako tumikhim at sa wakas ay nakapagdesisyon kung paano ito sasabihin.

"I just think that your mom should stop working for good."

Ilang beses siyang kumurap, nalilito. "Anong ibig mong sabihin? We already talked about her quitting her job. Ang sabi niya hindi naman ganoon kabigat ang trabaho niya kaya... saka na siya titigil." Habang sinasabi niya ito'y unti-unti nang nangungunot ang noo niya na animong may natatanto.

Saan naging madali ang trabahong iyon kung may mga customer na kagaya ng siraulong si Julian?

"Did she tell you where..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

Titig na titig siya sa akin at tila nanlilisik ang mga mata niya, sa kung anong mga bagay na tumatakbo sa isip dahil sa simple kong tanong.

"Shit." Pagkasinghap ay kita na ang unti-unting pamumula ng mga mata niya. "Is it what I think it is?"

Hindi ako sumagot. My jaw tightened as I watched how her expression shift from stern to tender, until she broke into sobs and shivered like she was breaking. Awang ang mga labi ko at kahit gaano ko kagustong bawiin ang nasabi ay hindi ko magawa.

"Shit!" Pagkapalis ng mga luha ay dali-dali niyang hinugot ang phone sa dalang bag at nagtipa ro'n. "Why won't she ever listen to me?!"

"Hey, calm down."

Pagkalagay ng cellphone sa tainga ay tumayo sya at tarantang nagpabalik-balik ng lakad.

"Answer the goddamn phone!"

"Reon."

"Tangina!"

"Kumalma ka nga."

"She fucking lied to me! Ang sabi niya matagal na siyang umalis sa trabaho niya sa hostess club na 'yon! Ang tanga-tanga ko naman para maniwala!" Sapo ang noo, patuloy siyang humikbi.

"Kausapin mo muna."

"What do you think I'm trying to do?!"

"Talk to her after you've calmed down." Hindi ko kailanman naisip na manggagaling sa akin ang mga salitang ito. Calm wasn't in my vocabulary but strangely enough, I feel completely calm right now.

Sinapo niya ang mga hikbi at pinalis ang mga luha, pilit na inaayos ang sarili.

"Wala ba siyang pakialam sa maiiwan niya? Wala ba siyang pakialam sa 'kin?!"

Napaahon na ako mula sa pagkakaupo nang mag-umpisa siyang humakbang paalis. Mabilis akong sumunod sa mga yapak niya matapos.

"Sa'n ka pupunta?"

"Pupuntahan ko siya sa trabaho. Mag-uusap kami!"

"Okay," kibit-balikat ko bago sumunod sa kung saan ang tungo niya. Ngunit nang mapansin kong wala ang itim na bag na kaninang dala niya'y, lumingon akong pabalik sa pinanggalingan namin.

Napabuga pa muna ako ng hangin bago dali-daling binawi ang mga hakbang, para lang balikan ang naiwan niyang ukulele. Pagkahablot dito'y patakbo akong sumunod palabas. Paalis na siya kaagad ng gate kaya mas binilisan ko ang takbo.

"Hoy, sandali!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top