6 : Birds of the same feather


May mga paalam palang tila pagkamatay

Tulad ng pagtigil sa paghinga at pag-usad

Kahit ang mga paa ay nanatiling lapat sa sahig

Isang magandang musika

Na nagtapos sa palyadong nota

***

"Nababaliw ka na ba?!" Isang malutong na kutos ang iginawad ko sa kaniya, baka sakali lang na magtino ang takbo ng isip. "Anong pinagsasabi mong tinanggap mo 'yu—ARAY!"

Bahagya akong napatungo dahil sa natamong malakas na hampas sa ulo. Ang ugat sa noo ko'y mabilis na pumintig sa iritasyon, habang nandidilat ko siyang inaangilan at halos higitin na sa kwelyo.

Sapo ang sariling tuktok ng ulo'y mangiyak-ngiyak niyang sinalubong ang galit ko. "Hoy, ang sakit ng kutos mo! Ba't mo naman tinotoong mananakit ka?!"

Anong klaseng ekspresyon 'yan?

Suminghal ako kahit natatawa na. "Masakit? Gusto mo ng isa pa? Ulitin mo 'yung sinabi mong tinanggap mo 'yung offer ng ungas at makakaulit ka talaga!"

"Pangit ka-bonding! Nakarinig ka na ba ng joke?! Hindi pa 'no?!"

"'Wag kang sumigaw tangina 'di ako bingi." Sabay ngisi nang nakitang nanggigilid pa rin ang luha niya. Mukha siyang batang napikon sa asaran.

At akalain mong sa tigas ng ulo niyang 'yan nasaktan pala siya sa kutos ko?

"O, pwede ka nang kiligin. Ikaw na ang nauna." Mas lalo akong ngumisi para lalo siyang mainis. Nakakatawa kasi 'yong mukha niya. Lalo 'pag naaasar.

Pamatay na ang tingin ng babaeng may saltik sa akin nang pabulong na umismid. "Shit ka."

Bukod sa height difference namin, para talaga siyang bata. Lalo sa isip.

"Sigurado ka bang kumpleto ka sa buwan?"

Nang umakma siya ng paghampas ay dali-dali akong nagtatakbo palayo sa panganib, hanggang sa makarating at makalabas ako ng gate. Pikon siyang tumakbo pasunod pero dahil maikli ang biyas niya'y nagkandahirap pa siyang makahabol. Edi nakaganti rin ako!

"Habol, bonsai!" Nakakainis ang pagtawa ko maging sa sarili kong pandinig.

"Sir."

Libang pa ako sa pagtawa habang pinapanood ang nagkakandarapang paghabol ni Reon, nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Sir."

Pagkalingon ay nakita ko kaagad ang isa sa mga tauhan ni Dad. Natigilan ako at animong sinampal para magising. Wala na ni bakas ng ngisi sa mukha ko pagkakitang nasa likod nito ang isa sa mga sasakyan namin. Ang tuwang kaninang nararamdaman ko'y ganoon lang kadaling naglaho.

"Bakit? Anong kailangan mo?" I could taste the sourness in my mouth as I gritted my teeth.

Ano na naman ang mayroon? May nagawa na naman ba ako at kailangan pang sinusundo? O may katarantaduhan na namang okasyon?

"Pinapasundo ka ni Sir Alex dahil may gaganaping party mamaya kina Gov—"

"Anong kinalaman ko ro'n? Sabihin mo sa kanila hindi ako interesadong maki—"

"Oh. Hey, Reon! Are you with Lex? We're just about to pick him up." Mabilis akong napalingon sa isa pang boses na narinig. At hindi nga ako nagkamali kung sino iyon pagkakita sa malademonyo nitong ngisi.

Sumulyap sa akin si Reon bago binalingan ng ngiti si Xander at bahagyang kinawayan. Sa pagitan ng pagkakahingal ay sinabi niya ito, "Hi! Lex... didn't tell me... that he had plans ahead." She shook her hand and continued with an unsure chuckle. "But it's fine!"

"Hindi ako sasama—"

"You can come with us, Ree, if you want to."

"What—" The fuck is he saying? "Bakit siya—"

"Are you coming then?" baling sa akin ng kapatid, ang nakakairitang ngisi sa mukha nito'y hindi nawawala.

Naging isang matigas na linya ang mga labi ko. Umiigting ang pangang tinitigan ko ito habang pinipigilan ang sariling huwag siyang sapakin. Hindi ko alam, basta tuwing nakikita ko talaga ang mukha niya'y may kung anong galit ang nabubuhay sa akin. I just probably hate him this much.

"Just go with your brother, Lex. It's probably important."

"Importante? Saan naging importante ang mga kagaguhan nilang party?" At bakit ba kailangang naroon pa ako? Wala naman akong kinalaman doon at lalong wala akong pakialam sa kung anong mayroon do'n.

The son of a gun chuckled. "You heard the lady." Sabay bulong sa akin, "Come now while I'm being nice, kid brother."

Napasinghal ako roon. Tinatakot ba ako nito? Ako?!

"Ah! Ahh shit nakalimutan ko! Shit!" histeryang bigla ni Reon mula sa kawalan.

Bahagyang kumunot ang noo ko habang pinapanood ang biglang pagkabalisa niya.

"You sure do forget a lot of things," Xander said the words at the tip of my tongue with a chuckle.

"Aalis ba tayo o aalis?" Barumbado akong nagtungo sa sasakyan pagkatalikod sa ganap.

"See you, then."

Napangiwi ako sa naiiwang ngiti nito sa babaeng aligaga na sa pag-check ng sariling phone.

"B-Bye!" Sinuklian niya nang alanganing ngiti si Xander bago tarantang nagtatakbo paalis.

Naroon na ako sa loob ng sasakyan ngunit nanatili ang tingin ko rito, hanggang sa makapasok rin ang kapatid at maupo sa backseat kung nasaan ako.

Agad akong nagbaling ng tingin sa labas ng bintana, palayo sa nakakairita niyang mukha.

Nang mag-umpisang umandar ang sasakyan ay narinig ko ang buntonghininga niya, na sinundan nang mahinang tawa.

"I see." Another chuckle.

Binalewala ko lamang siya. Nababaliw na yata?

"Reon, huh?"

Mabilis ang pagkunot ng noo ko pati nang paglingon ko sa kaniya. Bumaling din siya sa akin at ang malademonyong ngisi ay sumalubong sa madilim kong tingin.

"What's the score between you two?"

"What fucking score are you talking about?" matigas kong sabi.

"My kid brother is all grown up!" Ngumisi niya sabay aktong tatapikin ako, na mabilis ko namang iniwasan. Tinawanan lang niya ang ginawa ko. "You like her?"

It was my time to sneer. "This is how bored I am."

He kept looking at me and said nothing for a long time. Alam kong binabasa niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. At wala akong ibang ginawa kundi ang hayaan siyang gawin iyon. Dahil wala akong sinumang niloloko nang sinabi ko iyon.

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan at pang-oobserba sa akin, ay biglang nawala ang kanina pang ngisi sa mukha niya. Wala na ring anumang interes ang natira sa ekspresyon niya nang sunod akong tignan, animong nakatingin na siya sa kung anong bagay na walang kwenta.

"What a let-down." He fished out his phone from his pocket and busied himself with it for the rest of the drive home.

Psychopathy really is genetic. And given our bloodline, I sometimes wonder if I was one of their kind too.

The party goes like usual. Ilang pagbati at pakilala sa mga politikong kapartido ni Dad pati nang mga pamilya nito. Halos kilala ko na ang mga naroon sa mukha pwera sa pangalan. Wala na akong sapat na interes at panahon pa para tandaan kung sino-sinu at ano-anu ang mga taong narito. I just kept my eyes busy looking at some girls but none of them catches my attention so much. They all look generic, not even enough to pass for a past time. My last resort was the food. It was such a relief that it always never disappoints.

Niluwagan ko ang necktie ng suot na button down hanggang sa halos matanggal na iyon. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong um-attend ng mga party ay dahil dito. Bakit pa ba kailangang magsuot ng pormal kung puro katarantaduhan lang naman ang narito?

Naroon ako sa balcony ng second floor at tahimik na tinatanaw ang pagkaka-landscape ng garden sa baba, nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"This party sucks like these people do!"

Matapos uminom sa hawak na baso ay natawa ako bilang pagsang-ayon. I was just about to turn around and see who it was, but a voice from below calling out to me caught my attention.

"Get down here, Alexis! Julian is here with his cousins!"

Pagkalingon sa direksyon ng mga tinutukoy ni Dad ay bahagyang nagtaas ng kamay sa ere si Julian sa akin. The grin on their faces seemed like it came from a fun conversation they were having, only that I knew better. And I'm betting that these motherfuckers are having their fun because of something outrageous again. Though I wasn't really one to talk.

Cursing under my breath, I was nodding as I turn my back to them and reluctantly made my way downstairs, all the while grimacing in contempt. He's here? Tss.

Julian was the second son of the governor. He was a year older than me and my Dad here had been pushing me to befriend the bastard. Dahil sa pagiging partido nila ni Gov o dahil may plano siyang tumakbo at palitan ang posisyon nito o wala na akong pakialam. Nonetheless, Julian used to be a friend of mine. Just for a short awful time, fortunately.

Siya ang nagturo sa akin ng mga kabulastugang alam ko. Mula sa pag-inom, paninigarilyo, pagpunta sa mga bar, pag-pick up ng mga babae at iba pang mga hindi kanais-nais na bagay. I had grown tired of it all besides drinking. Alcohol is my best friend now, thanks to this fucker.

"Lex! Have you grown again?" bating pagsalubong sa akin ni Julian, ang magkabilang braso ay nakalahad pa sa ere.

"Have you ever heard of the word puberty, Julian? I'm turning fucking seventeen." Sarkastiko akong ngumisi.

"Oh! Still feisty, brother. I see." Humahalakhak niya akong nilapitan at inakbayan. Sandali pa muna siyang uminom sa kopitang hawak bago muling nagsalita. "I heard that you finally grew a pair too. Causing trouble here and there, eh? You learned from the best, after all."

Umigting lamang ang panga ko at hindi na nagkumento. Ang mga pinsan niyang naroon ay nakatingin lamang sa amin at mukhang kuntento na sa munting palabas ni Julian.

"Been a while, huh? What are you up to these days?"

I narrowed my eyes as though I was thinking. "Something like..." then I turned to him, all emotions on my expression gone. "None of your fucking business."

Mula sa nakaawang na mga labi ay kumurba ito para sa isang madilim na ngisi. He even laughed after looking at me twice. Na para bang namamangha siya sa akin o ano.

Buong sandali akong nakatingin lamang sa kaniya at hindi nagbibitiw ng tingin.

"The kid really grew a pair, I see."

Tapping my shoulder now, he leaned a little closer to me then said, "How 'bout you come with us after the party? Let's have our fun like usual, what do you think?"

Hindi ako sumagot. Pinanatili ko lamang ang matigas kong tingin sa kaniya. I was dead bored with the past months because of his disappearance. And no, Julian never used to be a friend of mine. Because he's still one. Or at least until he transferred school and forgot the hell about me. Kaya mas pinili kong sa akin na manggaling na hindi ko na siya kaibigan. Pero sino bang niloloko ko rito?

"Oh, don't go all silent on me now, brother." There was a hidden menace in his voice only I can hear.

"You should come with us! I wanna hear how you punch your teacher in the face!" anang isa sa mga pinsan niya.

Julian suddenly sneered. "You should've killed him instead."

Natahimik bigla ang mga pinsan niya. Ako nama'y muntik nang kinilabutan nang sandali kong maisip na seryoso siya sa sinabi. Fucking psycho. Matagal ko nang naiisip na baka mas magkakasundo talaga sila ni Xander dahil parehong itim ang dugong dumadaloy sa kanila.

Hanggang sa umalingawngaw ang malakas at halos histerikal niyang halakhak.

"What's with your faces? Nagbibiro lang ako?" aniya pagkapasada ng tingin sa mga pinsan niya. Huling bumagsak ang mga mata niya sa akin. "Come on, brother."

Hindi ako pumayag ngunit hindi rin ako umalma nang nag-umpisa siyang maglakad, ang braso ay nanatiling nakaakbay sa akin. Pumasok kami sa loob ng bahay nila, kasunod sa likod namin ang dalawang pinsan niya, ang iba ay nagpaiwan sa garden. All of us went inside their playroom. Walang ibang tao roon bukod sa amin kaya't tahimik, bukod sa mga kwentuhan ng mga pinsan niya.

He ordered some of their servants to bring us drinks and foods. We played beerpong and made bets for more than an hour. And for a moment, it felt like the old times. Only that it didn't feel exactly the same. I wonder what changed.

Tapos na ang party at naroon na kami sa loob ng sasakyan ni Julian, para magtungo sa tinutukoy niya nang sinabi niyang bigla ito, "Listen here, Lex. Alam kong masama ang loob mo sa 'kin dahil sa bigla kong pag-alis, but we are brothers, okay?"

May tama na ako at alam kong ganoon din siya kaya't natawa na lamang ako. "Gago ka pa rin, Julian, dahil bigla ka na lang umalis. 'Wag mo 'kong daanin sa brother-brother mo na 'yan ulol!"

He was laughing as he reached for my shoulder with his free hand and patted it. "Kung ulol ako, ulol ka rin, Lex. We are birds of the same feather that's why we should flock together!"

"Don't use idioms and shit on me!"

"Oh, don't cry now, brother. Bumalik na nga ako o?"

Tanginang gago sinong umiiyak pinagsasabi nito?

Tanging mahinang tunog lang ng makina ang dinig dahil sa sandaling katahimikan. Halos bulong ang boses ko nang muli akong magsalita. "Sino bang nagsabi sa 'yong bumalik ka?"

"Bibisita ako rito paminsan-minsan."

Pasinghal akong natawa. Remembering how we used to talk about hating it here. How we both want to be free from this small, caging town. At ngayong nakalaya na siya, babalik pa siya? "Tanga ka rin kung minsan."

"I told you we're the same! Edi tanga ka rin!"

Matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya. Parang gusto ko pa ngang saktan. "Nakapag-drive ka na ba ng hilo dahil sa suntok?"

Tawa nang tawa ang gago hanggang sa makarating kami sa isang bar. Hindi basta ordinaryong bar kundi isang rental bar ng mga babae. Hindi para sa mga babae kundi literal na 'mga babae'. A hostess bar to put it simply.

Regular si Julian dito noon at madalas din niya akong sinasama. Just to kill time after school, he said. It had been fun and games until his dad, the governor, learned about his mischief. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pagkatapos noon. It was just all a guess when I think that his sudden transferring of school was about that.

Nakakatawa mang isipin pero ngayong nakikita ko siya at mukhang nasisiyahan siya sa kalayaan niya'y, mas lalo akong nauudyok na pumasok sa kalokohan. Maybe I didn't really need that crazy blue-haired chick to get my freedom after all.

I flinched a little with the sudden thought of her. That was when it started to feel uncomfortable. Nasa loob na kami ng bar at kasama na namin ang mga babaeng napili ni Julian. Hinayaan ko siyang mamili, dahil abala pa ako sa nakababalisang pakiramdam na bigla na lamang akong inatake.

Abala si Julian at ang babaeng pinili niya sa sarili nilang mundo, samantalang ako'y tahimik lamang na hinahayaan ang babae sa tabi kong dumaldal. She couldn't seem to stop talking and for some reason, her touches made almost no effect on me. I was still wondering what changed. But every time I tried to think it through, her face always pop inside my head. How absurd. Am I really still this bored?

Nasa kalagitnaan ako ng tila malalim na pag-iisip nang bahagya akong mabalik sa reyalidad, dahil sa malakas na tunog ng pagkakalaglag ng kung ano sa sahig. Everyone in the room fell silent.

Hanggang sa biglang sinigawan ni Julian ang waitress, na abala na sa paglinis ng natapong pagkain na in-order namin. "Fucking old hag! Ginulat mo kami! Ang simple-simple lang ng trabaho mo ah?"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa direksyon ni Julian nang makitang lasing na lasing na siya. He looked disoriented and far from sobering up. Suot pa rin niya ang button down ngunit tanggal na ang lahat ng butones nito. Ang kasama niyang babae ay halos wala na ring saplot. And goddamn, the familiar sight didn't feel as nostalgically pleasing anymore.

"Sorry, sir!" The waitress smiled apologetically at us as she continued cleaning the floor.

Mabigat at galit na bumuntonghininga si Julian. "Just get the fuck out and be gone bago pa ako mawalan ng gana! 'Wag ka nang babalik dito kung hindi mo kayang gawin nang maayos ang trabaho mo!"

"Sorry po," nakangiti pa ring anang waitress bilang pagtanggap sa galit at mga reklamo ni Julian.

Hindi ako nagsalita at pinanood lamang ang patuloy nitong paglilinis, sa kabila ng namumuong tensyon sa hangin. Ang babae sa tabi ko'y patuloy sa pagsasalita at nagkukumento pa sa katangahan umano ng waitress.

Kinuha ko na lamang ang sariling baso at uminom doon. Ngunit mula sa kalagitnaan ng pag-inom ay napansin ko ang panginginig ng mga kamay ng waitress, habang pinupulot ang ilang basag na pinggan at natapong pagkain sa sahig.

Dahan-dahan kong ibinaba ang baso pabalik sa lamesa at nagtuon ng tingin sa mukha nito. She didn't look that old, probably on her late thirties. May kung ano sa mukha nitong pamilyar ngunit alam kong ngayon ko lang siya nakita.

"Putang ina! Sinabi nang umalis ka na!" Nagpupuyos sa galit na napatayo si Julian at aktong susugurin na ang waitress.

Mabilis naman akong umahon para sapuhin ng palad ang balikat niya bilang pagpigil. Nagpaawat naman siya at nanatili sa kinatatayuan. Mabibigat ang bawat paghinga at pasinghal-singhal ng mga mura.

Mas nagiging gago pa rin pala ang isang ito 'pag lasing.

Pagkalingon sa waitress ay naabutan ko ang gulat at takot sa ekspresyon nito, na mabilis nitong itinago sa isang alanganing ngiti.

"Sorry, sir. Tatapusin ko lang po ito—"

"Just leave it," sabi ko bago pa man muling magsisigaw si Julian.

"Ah. Okay, sir. Pasensya na po." The waitress got to her feet. Buong sandali itong nakatungo habang paulit-ulit na humihingi ng tawad, hanggang sa makalabas ng kwartong iyon.

"Fucking useless son of a bitch," Julian murmured before going back on his seat as if nothing happened.

Matalim ang mga mata ko nang sinulyapan siya. This bastard was one to talk. Parang gusto ko siyang sapakin, baka sakaling 'pag mawala ang pagkalasing niya'y kahit pano'y mabawasan ang pagiging gago.

Ngunit imbes na gawin ang naiisip ay nilingon ko ang kalat ng natapong pagkain sa sahig. May kung anong buhol ang namuo sa sikmura ko, nang maalala ang mga nanginginig na kamay ng waitress kanina. Pati nang paghingi nito ng tawad at pagdungo, na animong may malaking kasalanang nagawa.

Bumuntonghininga ako at humakbang patungo sa pinto.

"S'an ka pupunta?" Binalewala ko ang tanong ng babaeng nasa tabi ko kanina at dire-diretsong lumabas doon. Si Julian ay abala na naman sa sarili niyang mundo kaya't hindi na napansin ang pag-alis ko.

Naroon ako sa labas ng bar nang sinindihan ko ang biniling sigarilyo at nag-umpisang hithitin iyon. Bahagya pa akong nanibago sa hagod niyon sa lalamunan ko, dahil matagal na rin mula nang huli.

Tahimik ang madilim na kalsada dahil medyo liblib na ang pwesto ng bar. Walang gaanong maririnig doon bukod sa malayong tunog ng busina at makina ng mga sasakyan.

"Pauwi na ako, 'wag mo na akong sermonan!"

Sa kalagitnaan ng paghithit ng sigarilyo ay halos matigilan pa ako pagkakita sa kaninang waitress. Nasa tainga ang cellphone niya at mukhang may kausap. Masyadong tahimik ang paligid kaya't nangingibabaw ang boses niya. Gustuhin ko mang balewalain iyon ay hindi ko magawa.

"Ayos nga lang ako! Ano ba naman ang batang—hoy! Anong pinagsasabi mo ha? Ako ba ang nanay dito o ikaw?" Narinig ko ang magaan niyang pagtawa. "Uuwi na nga ako... oo marunong akong mag-ingat! Anong club? Ano 'yon? Wala ako ro'n, gaga ka! Sige na, uuwi na ako! Matulog ka na, 'wag mo na akong hintayin!" She paused. "Ay ang kulit—ilang beses ba kitang inire, Reon?!"

Pinanood ko ang pagkakalagas ng ilang upos mula sa dulo ng sigarilyong hawak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top