22 : Moment of vulnerability


People leaving, seasons changing, things unfolding

What is this hollow feeling?

***

Listening to my own breathing as I trained my eyes on the opponent ahead, the noise from the crowd was drowning but instead of being distracted I found myself strangely focused. Something to do about needs being more important than wants, I guess.

"New face, I see," anito habang mabagal na humahakbang patagilid, animong sinusukat ako ng tingin.

Mula sa kinatatayuan ay tahimik ko lamang itong sinundan ng tingin. Someone yelled impatiently from the crowd of guys.

Hunching down a little, I raised both my arms in front of me in a fighting stance. Siya naman tumalon-talon ng ilang beses at nag-shadow box. Buong sandaling tuon sa kaniya ang atensyon ko, kaya't nang mabilis siyang sumugod ng hook ay agad ko iyong nasalag ng braso.

Aside from Judo, I had a little knowledge about other martial arts too--thanks to Julian.

Bahagya niyang ipinaling ang ulo habang tila tinatantya ang kung ano. Then all of a sudden, he lunged towards me in full force and tried to tackle me but in reflex, I caught him in a grip. The next thing I know, a thud was followed by pained grunts as he fell flat on the ground after I threw him.

Ang hiyawan sa paligid ay halos nakabibingi alinsunod ng biglaang pagtambol at animong pagwawala ng kung ano sa dibdib ko.

Mabilis itong nakabangon. Ang kaninang pintang ngisi sa mukha nito ay naglaho na ng sunod kaming magpalitan ng tingin. Matapos magbuga ng malalim na hininga ay muli itong sumugod para lang paulanan ako ng mga suntok. Sinubukan kong salagin ng braso ang mga iyon habang maiging tuon ang tingin ko sa mga balikat niya, mula sa pagitan ng mga kamao ko.

When I saw an opening after dodging a straight from him, I immediately landed him a hook--only to be surprised by a jab straight to my face. Kapwa kami napaatras dahil sa sabay na bigayan. Ngunit agad ding nakabawi ng balanse para lang muling magpalitan ng suntok.

Straight sa panga. Jab sa ilong. Ng makaramdam ako ng hingal ay bahagya akong yumuko at mabilis siyang sinunggaban, hanggang sa maideretso at maitulak ko siya sa pader. Tanging daing na lang ang nagawa ko ng masiko ako nito sa likod bago ko siya mabitiwan. Ilang hakbang paatras at hinintay ko ang muli niyang pagbangon para sumugod.

I was ready for another throw as he dashed towards me. Ngunit ng nasunggaban ko ito ay muntikan pa akong malagutan ng hininga dahil sa braso nitong lumibot sa leeg ko. We both struggled until he almost knocked all the air in my lungs. Only that, I was too stubborn to just give in and let him have his way.

Grunting with gritted teeth, I concentrated all the strength I could gather to lift him. A few laboured steps backwards and he smacked on the wall once again, as I consecutively elbowed him in the torso.

Wala na akong sinayang na sandali ng bahagyang lumuwag ang braso niya sa leeg ko. Dalawang magkasunod na suntok ang isinalubong ko sa kaniya bago siya hinablot at muling ibinaligtad. Aktong susugod pa ako para sa inaasahang pagtayo niya ngunit natigilan ako sa paghakbang, ng matagpuang wala na itong malay na nakahandusay sa sementong daan.

Mula sa mabibigat kong paghingang rinig sa panandaliang katahimikan ay tila bombang sumabog ang sunod na hiyawan.

Hango sa ingay ng mga tao sa paligid, halos wala sa sarili kong naiangat ang duguang kamao para lang suriin iyon ng tingin.

"Being its main principle as using your opponent's strength against them tells it all: it's a no violence sports."

Kumawala ang isang pagak na tawa sa pagitan ng mga labi ko.

Hanggang sa mapatid ang linya ng mga iniisip ko nang may sumapo ng braso kong iyon para lang iangat sa ere. One lift of the head and I saw an unfamiliar sight before me: an awed expression from the cheering crowd.

"Kay Dre ako tumaya pero..." Ngumisi sa akin ang isang lalaking lumapit. Inangat nitong bahagya ang palad sa ere matapos. "Good match."

Mula ro'n nagbalik sa mukha niya ang tingin ko bago iyon napagdesisyonang tanggapin ng sariling palad bilang pagkamay. Pagkatango nito ay naaninag ko ang isa pang lalaking nag-imbita sa akin dito, na ngayo'y maligaya nang kausap ang mataas na lalaking nakapormal. Kapwa bumaling ang mga ito sa akin matapos.

"Kada huling byernes ng bawat buwan," sinabi nito ang tanong na hindi ko naimutawi. Nang sinundan niya ang linya ng tingin ko'y bahagya siyang ngumisi. "Si Sir Siklo 'yan. Ito mga bata niya."

"'Di ka kasama?"

Mahina siyang natawa sa pagpuna ko bago dahan-dahang umiling. "Hindi pa."

Natuon sa kaniya ang atensyon ko. "Gang?"

Ngunit imbes na sagutin iyon ay tanging kibit-balikat lang ang ibinalik niya sa akin. I was pretty sure by that time that what I was getting into wasn't a good thing. Pero tulad ng sinabi ko, ano pa nga bang mawawala kung maghahanap ako ng sunod kong dismaya?

Ah, that sounds so fucking dark.

"Ygo nga pala, pre."

Tumango ako rito. "Alexis."

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Ayoko pa sanang bumangon kundi lang sa nagrereklamo kong sikmura. Nakakaasar. Iniisip ko pa lang na kailangan kong lumabas para lang bumili ay para na akong hinihila pabalik ng kama.

I liked the quiet from living alone. But having to do everything on my own sucks.

Napamura pa ako ng malingunan ang maruruming damit kong tambak na. Isang mabilis na pasada sa kabuuan ng silid ng apartment at walang ibang tumambad sa akin kundi gulo--makalat.

Napapikit ako nang mariin dahil sa frustration. Bahala na nga, gutom na ako.

Pagkadampot ng itim na shirt na naro'n sa sandalan ng upuan ay tumayo na ako at nagdiretso na sa labas. Hindi ko malaman kung bakit habang naglalakad ako ay panay ang lingon at sulyap sa akin ng mga nakakasalubong.

Naroon na ako sa convenience store at kumakain sa mga stool ng matanto ko kung bakit. With a scoff, I just continued eating my instant noodles and disregard what I looked like from my reflection on the glass wall. Para sugat at pasa lang.

Hinugot ko ang phone mula sa bulsa ng jeans para lang abalahin ang sarili habang kumakain. Ng maalala ko ang message ni Reon ay natigilan ako sandali at muntik pang mawalan ng gana. Ang tagal kong inisip kung magre-reply ba 'ko ro'n hanggang sa natagpuan ko na lang ang sariling nagtitipa.


You:

Masayang walang ligaya

Kayo ang kamusta


Ibinaba ko ang hawak para lang tapusin ang pagkain. Umiinom ako sa bottled water ng mag-beep ang phone para sa message notif. Hindi ko pa sana papansinin ngunit ng makitang sa kaniya iyon galing ay agad kong binuksan.


Reon:

Make sure to take better care of yourself, mag isa ka lang dyan

Check on your brother from time to time too


I couldn't help but scoffed at her messages.


You:

Right, almost forgot

Pakisabi kay xander gago sya

Also, stop it with the nagging

Ur not my mother


Kunot-noo kong inubos ang iniinom para lang makaalis na ro'n.


Reon:

Good morning too mister grumpy

You:

U didn't answer my question

Reon:

Wats yer question my child

You:

He let's u message other boys huh

Reon:

Just checking if we're on the same page here my boy

Who is 'he'?

You:

R u gonna call me ur child or ur boy, make up ur damn mind woman

Sino pa ba? U rily want me to mention his name?

Reon:

Yea, that would be really helpful since I don't think I know who ur referring to

Enlighten me, kid


I was gritting my teeth before I typed it in.


You:

Vance

Reon:

Pls tell me you're not serious

You:

Guess Im not since I'm ur kid?

Reon:

Thought I was the one with problems on remembering things here

Haha lex. Did you hit your head recently?


The hell is she talking about?


Reon:

If you don't remember then nevermind

:)


"What?" anas ko sa nagdaang hangin dala ng kalituhan. I replied, asking what it was but failed to receive any replies from her.

At dahil nabuburyo akong mag-isa sa apartment ay napagdesisyunan kong lumakad at tumambay sa parke habang nagyoyosi. Kunot-noo kong pinanonood ang mga batang naglalaro sa slide ng playground mula sa inuupuan kong swing. Ang ilang batang nagtatangkang lumapit sa katabing swing ay kung 'di natitigilan ay napapatakbo sa tuwing malalapatan ko ng tingin.

Nakakatawa.

Matapos manginain ng ilang streetfoods maghapon ay at saka ko napagdesisyonang umuwi na. Tumapon na ang sinag ng kahel at papalubog nang araw sa kalsadang nilalakaran ko, ng makaramdam ako ng kakaiba. Nang una ay binalewala ko lang iyon ngunit ng tipong halos mamalipit na ako sa sakit ay natigilan ako sa paglalakad.

Sapo ko ang tiyan ng maitukod ko ang palad sa posteng nasa gilid. Animong may kung anong halimaw ang nagwawala sa bituka ko at gustong kunin ang lahat ng lakas ko. Inisip ko agad kung ilang hakbang ang layo ko sa apartment, para lang mapamura ng matantong aabutan na ako bago pa ako makauwi.

Muli akong napamutawi ng mga mura ng makitang puros bahay ang nasa paligid ko at wala ni isang establisyemento.

Anong gagawin ko hayop!

Sa kabila ng panghihina ay sinubukan kong lumakad ulit sa pinakamabilis na kaya ko. Para lang muling matigilan dahil sa pag-ikot ng sakit sa tiyan, tila pursigidong patigilin ako.

Hanggang sa mapatid ang lahat ng iniisip ko ng makakita ako ng pamilyar na mukha. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko ay ang junior na may bitbit na garbage bag. Bago bitiwan ang mga iyon ay napasulyap pa muna ito sa direksyon ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang mura ang naimutawi ko sa hangin matapos makaisip ng ideya. Lalo na nang maaninag kong patalikod na ito para bumalik sa pinanggalingan.

Nauna ko pang maitaas ang palad habang sapo ng isa pa ang tiyan.

"Hoy, teka!" Ngunit daing ang sunod namutawi sa pagitan ng mga labi ko ng mawala na ito sa paningin ko.

Wala akong nagugustuhang alinmang sa mga ideyang sunod kong naisip matapos, nang walang anu-ano'y naaninag ko ang ginawang pag-atras nito sabay baling sa akin.

"Are you pertaining to me? Ayos ka lang?" anito habang litong turo ang sarili.

Nilunon ko ang lahat ng kahihiyang mayroon ako ng sunod na inilapag ito, "P-Pagamit ng banyo..."

"Huh?"

Mabilis kinain ng mga hakbang ko ang distansya sa pagitan namin. Animong tinatakasan ng lakas, nasapo at napisil ko pa ang balikat niya para lang manatiling nakatayo habang iniinda ang pamimilipit ng tiyan ko.

"CR..." Mga daing. "Pa-CR!"

Mula sa kalituhan ay unti-unting namilog ang mga mata niya sa pagkakatanto. "Oh."

Naghahadali kong sinundan ang daang tinahak niya patungo sa bahay nila matapos. Para kong sinangla ang dangal ko ng makalabas ako ng CR nila matapos kong gawin do'n ang ipinunta.

Marahan ang sunod kong mga hakbang. Ng mapansin iyon ay nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawang pagluluto.

"You're done?"

Tangina. Sa bilang na pagkakataong nakaramdam ako ng hiya, ba't naman kailangang sa harap pa ng isang ito?

Balewala kuno akong tumango, hindi pa makatingin sa kaniya. "Oo. Uh... salamat?"

Tumango siyang pabalik bago pinagpatuloy ang ginagawa. "Bowel movement is a natural thing. Pwera kung na-food poison ka. Masakit pa ba?"

Imbes na sumagot ay mura ang naimutawi ko. Narinig yata niya kaya nag-angat siya ulit ng tingin sa 'kin.

Pilit kong kinunot ang noo ko ng tumikhim. "'Di, okay na." Sabay tango at akmang lakad na palabas. "Alis na 'ko."

Para lang matigilan ng may biglang pumasok mula ro'n. Kapwa kami natigilan ng magtama at magpalitan ng tingin nito matapos.

"O? May bisita ka, anak?"

Sa kung anong dahilan ay nanigas ako sa kinatatayuan at hindi pa agad nakapagsalita.

"Nakigamit siya ng--"

"Oo! Bisita niya 'ko, bisita, oo tama." Halos mapamura ko sa narinig kong sariling bulalas para lang maisalba ang sarili sa panibagong kahihiyan.

Saktong pagbagsak pabalik sa akin ng tuon nito ay may malaki nang ngiting pinta sa labi.

"A-Aalis na--"

"Buti at nag-uwi ka ng kaibigan! Anong pangalan mo, anak? Halika, sa loob at dito ka na maggabihan!" The man laughed heartily as he threaded inside.

Ng masundan ko ito ng tingin ay nahagip ko ang kuryosong tingin ng junior sa akin.

"Bakit ka nand'yan? Pumasok ka rito, sige na," anito ng makaupo sa couch. Ang malaking ngiti ay hindi nawala ng ikinumpas pa ang kamay bilang pag-aya.

Uttering curses inwardly, I was left with no choice but to do what I was told. Ilang hakbang at natagpuan ko na lang ang sariling nakaupo sa katapat na upuang inuupuan nito.

"Anong pangalan mo, anak?"

Anak?

Nagbitiw ako ng tingin mula sa nakangiti nitong mukha para tumikhim. "Alexis... po."

Aninag ko ang ginawa nitong pagtango. "Alexis."

Slowly, I lifted my head when he turned silent. His smile wasn't as wide as earlier but there's still an evident gentle calmness on his expression.

"Saan galing ang mga sugat mo?"

Tila nanuyo ang lalamunan ko sa tanong nito. Mahabang katahimikan ang namayani bago ito muling nagsalita matapos magbuntonghininga.

"Mukhang sariwa pa, wala ka bang balak gamutin?"

Tuon ang tingin sa magkasalikop na palad, halos hindi ko marinig ang sariling tinig ng sinabing, "Gagaling din 'to."

Hindi muli siya nagsalita. Ng magbalik ako ng tingin ay naabutan ko siyang marahang nakangiti habang nakatuon sa akin.

"Pareho ba kayo ng pinapasukang school ni Aqi?"

Napasulyap ako sa junior ng matantong siya ang tinutukoy nito. Tanging tango ang isinagot ko rito matapos.

"Ah! Ako nga pala si Quinton. At ito ang maganda kong asawa," anito sabay lahad ng palad tungo sa isang estante.

I was about to ask where that woman is when I saw a candle and a vase with flowers beside her framed picture. Bahagyang umawang ang mga labi ko ng sandaling matigilan.

She's gone.

"Kumain na tayo." Naligaw lang ang atensyon ko ng magsalita ang junior. Nakapaghain na ito sa lamesa nila ng bumaling ako.

"Halika na," anang tatay niya ng mapansing hindi pa ako tumayo.

Hesitantly, I got up and walked towards their dining table and gingerly sat on the chair.

Matapos ibaba ang maliit na mangkok sa gilid ng pinggan ko'y ngumiti siya sa akin, mainit tulad ng mga ulop sa sabay na laman niyon. Kumportable at magaan tulad ng tahananng inuuwian matapos ang mahabang araw.

Tila natigilan ako ng matuon ang atensyon ko sa sabaw na naro'n sa mangkok. Ang biglaang paninikip ng dibdib ko'y hindi ko maintindihan kung para saan. Pwera sa isang bagay na pilit kong pinipigilan--ang ibaba ang lahat ng haligi sa paligid ko at bitiwan ang lahat. Hanggang sa banggitin niya ang sunod na mga salita.

"Hindi ko alam kung saan ka nanggaling pero mukhang pagod ka. Mukha ring hindi madali ang pinagdaanan mo pero nandito ka pa rin. Nandito ka para sabayan kami sa hapag. At kung wala pang nagsasabi sa 'yo, nakikita ko na matatag kang bata. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon lakas pampisikal ang batayan n'on. At sana alam mo 'yon, Alexis."

Isang singhap at dahan-dahang nanlabo ang paningin ko. Malakas ang mabilis ang bawat hampas ng dibdib ko nang sinubukan kong huminga nang malalim.

Kaakibat ng paulit-ulit na pagsikip ng dibdib ay inabot ko ang kubyertos at sinimulang kumain. Dire-diretso ang subo ko kasabay ng una at sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko. Halos masamid ako dahil sa ginagawa ngunit patuloy pa rin ako sa pagkain. Panay ako singhot habang ngumunguya. Ang mga luha ko'y hinayaan kong umagos.

I'd always known that it would only took a few kind words to make me want to break down my walls. Just a few fucking kind words and here I go, bawling my eyes out.

Mukha siguro akong gago ritong humihikbi habang kumakain. Samantalang ang dalawang kasalo ko naman sa hapag ay patuloy lang sa pagkain, ang mantsa ng marahang ngiti ay pinta sa mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top