21 : Faded


Will our story remain unwritten,

If our journey ends in the middle?

***

Huminga ako nang malalim habang nakatingala sa madilim na langit, sinasalubong ang maliliit na butil ng ambon sa mukha. Mabagal ang lakad ko sa gilid ng basang kalsada. Tahimik iyon at malamig.

I hung my head low and kick at anything I saw on the paved ground idly. Nakakabingi.

Staring ahead at the end of the road long enough to welcome unwanted, racing thoughts, I felt numb. I kept walking even though it felt like I was floating and I was seeing myself from a far view.

Wala bang lalapit sa akin para tutukan ako ng baril sa sentido at pasabugin ang ulo ko?

"Tanginang headspace 'yan!"

Tila nagbalik ako sa sarili at sa reyalidad pagkarinig sa boses ng isang babae. Naro'n ako sa loob ng convenience store para bumili ng sigarilyo. Pasado alas dos na ng madaling araw kaya wala nang tao ro'n gaano.

"Ay, sorry, sir." May bakas ng kaunting hiyang ngumiti sa akin ang babae sa cashier nang magtagal ang tingin ko sa kaniya. Bahagya niyang kinatok ang ulo matapos na para bang gustong pagalitan ang sarili.

Rinig ang pagbukas-sara ng pinto sa paglabas ng tanging customer bukod sa akin. Hindi ko pa rin maialis ang tingin sa babaeng staff, hanggang sa iniabot nito sa akin ang kaha ng sigarilyong binili ko.

Parang may gusto akong sabihin pero hindi ko mahanap ang tamang salita. Sa huli ay tinanggap ko na lang ang sukli at kinuha ang kaha. Muli namang ngumiti sa akin ang babae bago inabala ang sarili.

Lumabas ako ng convenience store para matigilan dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Squinting at the dark, empty street, I stood at the side of the store and lit a smoke. Nilalamon ng malakas na buhos ng ulan ang tahimik na kalsada sa harap ko nang tunghayan ko iyon.

Mula sa wala sa sariling pagbuga ng usok ay nahagip ng paningin ko ang bulto sa tabi. It was the girl staff in the cashier a while ago. Isang stick ng sigarilyo ang nakaipit sa pagitan ng mga labi, kumakapa ito sa bulsa nang mapadaing bago matuon sa akin ang tingin.

I blinked, she smiled.

"Lighter, pahiram?"

Pagkahugot niyon sa bulsa ng suot kong hoodie ay inabot ko iyon sa nakalahad niyang palad. I just nodded when she gave it back with a thanks. Kapwa namin tahimik na pinanood ang pagbagsak ng ulan matapos. Sinasakop ng mararahas niyong patak ang pandinig ko nang sinulyapan ko ang babae.

Pamilyar. Mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Ah! She was that grade twelve senior. 'Di ko lang sigurado kung anong strand. Basta ang alam ko nakita o nakasalubong ko na siya sa campus. Madalas sa building kaya paniguradong pareho kaming senior. Aside from the piercings on her left ear that gave it away.

"Yes?" Bahagyang nakataas ang isa niyang kilay nang biglang bumaling sa akin pagkabuga niya ng usok sa kabilang banda.

Mukhang napatagal yata ang paninitig ko. Isipin pa nito mangho-hold up ako rito. Mahina na lang akong natawa sa naisip bago nagbitiw ng tingin. Imbes na sumagot ay suminghap ako sa hawak na sigarilyo at dahan-dahang ibinuga ang usok niyon. Ramdam ko ang pananatili ng tingin niya sa akin ngunit nanatiling tahimik.

Buti. Ayoko ng kausap.

Mabilis naman niyang pinatay ang sigarilyo para bumalik at asikasuhin ang pumasok na customer sa loob.

Pagkasinghap ay dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata sa pag-alingawngaw ng bell. Kunot-noo kong pinasadahan ng tingin ang mga nagsisilisawan palabas kong kaklase para sa lunch break matapos. Wala akong ganang kumain pero dahil sa uhaw ay nagpasya akong tumayo at lumabas na rin.

Suksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot na hoodie, tinahak ko ang kahabaan ng maingay na hallway pababa ng building. Hindi ko alintana ang mga tinging natatanggap mula sa mga nakakasalubong habang tamad na naglalakad.

"Nakita ko 'yun isang gabi, naglalakad mag-isa. Ang weird niya! Parang laging mananakit, nakakatakot!"

"The transferee guy?"

"Oo! Tapos sabi pa nila nakapatay daw 'yun. Yikes."

"Paano siya nakapasok at tinanggap dito kung gano'n?"

"Ewan ko, connections siguro? Anak daw ng mayor."

"Sinuntok daw no'n si Milo saka pinagbantaan 'yung grupo nila."

"Did they mention why? That guy—"

Sinundan ng ilang singhap ang pagkalampag ng palad ko sa vending machine. Mabagal kong binalingan ang mga natahimik na kaninang nagkukwentuhang mga estudyanteng naro'n sa tapat matapos.

Wala na bang ibang interesanteng bagay na mapag-usapan ang mga tao rito?

Mabilis nagbitiw ng tingin sa akin ang dalawa. Ngunit ang isang pamilyar na junior ay nanatili ang tuon sa akin. Imbes na guilt dahil sa pagkakahuli ko sa kanila ay purong kuryosidad ang nabasa ko sa ekspresyon niya ng sandali kaming magpalitan ng tingin.

Mariin kong binalingan at tinitigan ang hawak niyang tetra pack ng strawberry yogurt drink, habang kumukuha ako ng barya sa bulsa matapos.

"I'm not sure about a threat. But I think weird is not the right word for him."

Matalim ang tingin ko nang muli kong idirekta ang mata sa kaniya. Ang dalawa pang junior sa likod niya'y napapaatras na at halos hilahin na siya paalis, palayo sa peligrong sasapitin sa akin.

"Aqi..."

Bahagya niyang itinabingi ang ulo at animong sarili ang tinatanong nang sinabing, "Undefined?"

"Tabi."

Ng muli kong makuha ang atensyon niya ay marahan siyang umatras palayo mula sa tapat ng vending machine para hayaan ako ro'n. Aninag ko pa ang tahimik niyang pag-inom mula sa straw ng hawak habang nagmamanipula ako sa machine. Palihim akong sumulyap sa banda niya para lang makitang hila na siya ng mga kasama paalis, kahit naiiwan pa rin ang kuryosong tingin sa akin.

Undefined? Ako? Ano? Sino ba ang isang 'yon? Lakas ng loob.

My day went uneventful like the usual ones I had since I got here. Bitbit ko ang plastic bag laman ang ilang in-can beer habang naglalakad pabalik sa apartment, o sa convenience store, o 'di ko alam, parang hindi na kasi pamilyar ang dinaraanan ko.

Idinaan ko sa mahinang pagtawa ang pagkakaligaw bago uminom sa hawak na in-can. Hanggang sa may marinig akong sitsit.

"Pst, oy!"

Gago muntik ko pang mailuwa ang nainom ko bago malingon ang tumawag. Limang hakbang mula sa nilalakaran ay tumambad sa akin ang grupo ng ilang kalalakihan. Kita na ang edad ng mga ito sa ilang guhit na naro'n sa mukha. Sandali pa kaming nagpalitan ng seryosong tingin ng tumawag hanggang sa bigla itong ngumiti sa akin.

"Beer ba 'yang dala mo? Bilhin ko na!"

I scoffed as I downed all the remaining beer in my can. Kinuyom ko ang kamao para ikumin ang in-can matapos. Huli na nang matanto kong naro'n na 'ko nakaupo sa lamesa nila, habang maligayang inilalabas pahilera ro'n ang mga in-can sa dala kong plastic.

"Magkano 'yan?"

Umiling ako agad sabay ng kumpas ng palad sa ere. "Bakit mo babayaran?" Nakangisi akong kumuha at nagbukas ng panibagong in-can matapos.

Hindi ko maintindihan ang alinman sa mga pinag-uusapan nila nang magpatuloy ako sa pag-inom. Pwera sa isang lalaking humahagulgol. He was talking about his bed-ridden mother or something. Sa kailangang gamot o treatment nito na hindi niya kayang tustusan.

"Naghihirap 'yung nanay ko, pare, pero wala akong magawa. Anong silbi kong anak kung mamamatay 'yung nanay ko nang wala man lang akong nagawa?!"

Natulala ako sa hawak na in-can habang pinakikinggan ang mga iyak nito. I remember someone for some reason.

"Matanda na 'yung nanay ko, gusto ko na lang na maging maayos 'yung natitira niyang buhay, pero ba't gano'n? Ba't kailangang pahirapan nila 'yung nanay ko, pare? Ba't 'di na lang ako?!"

I sniffed and wiped my face with my palm when he suddenly stood up just to throw up. Sinundan siya ng mga kaibigan para lang aluin sa pagsuka sa malapit na drainage matapos.

Para akong dinibdiban matapos sunod-sunod na sikmuraan nang panandalian akong maiwang mag-isa sa lamesa.

Ang kapal ng mukha mong magreklamo, Alexis. Nakikita mo bang mga taong 'yan? Alcohol was already a luxury for them—but look at you.

Marahan akong suminghap habang hinuhugot ang wallet sa bulsa ng jeans. Walang pag-iisip kong hinugot ang laman niyon at nagtira ng ilan. Palihim kong isinuksok ang pera sa bag nito matapos.

"Hatid mo na nga 'to, lasing na 'to."

Looking at these people living their humble lives made me rethink things about mine. Alam ko namang dapat nagpapasalamat ako sa mga bagay na mayro'n ako. But that was the thing about pain. The same way that that dude yowled about his mother's fate, I couldn't see anything outside my pain too.

Ang daling sabihing magiging ayos din ang lahat, na lilipas din 'yan, na magiging leksyon at alaala na lang 'yan paglipas ng panahon. Alam ko. At hindi ko man sigurado kung nasaan na ako banda ngayon pero alam kong naro'n na ako sa proseso. Hindi naman maling umaray at magreklamo 'pag may masakit, gaano pa man kagaan o kabigat ang dahilan.

Tulad na lang nang magising ako sa sakit ng ulo kinabukasan. O ang pagsermon sa akin ng teacher nang hindi ako nakasagot sa recitation dahil sa pag-idlip. Pati nang pagkakaiwan kong mag-isa matapos mag-grupo-grupo ng mga kaklase ko para sa isang group project. At ngayong kaharap ko ang ATM machine para lang makitang wala nang laman ang card ko.

Parang gusto kong magmura nang walang humpay sa magkakasunod na kamalasang sinapit. Nagtipa ako ng text para sa kapatid para lang makatanggap ng pangaral—na dapat akong matutong mag-budget ng allowance o ano.

Muntik ko nang masipa ang machine sa inis ko. Nasa kalahati pa lang ng buwan, anong gagawin ko ngayon?

Reon:

How are you?

Panandalian akong napatigil sa paghinga dahil sa nabasa. Halos manginig ang kamay kong may hawak ng phone nang dahan-dahan kong ilapit ang screen sa paningin.

Am I reading this right? She texted me?

Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagdagundong. Pinanlakihan ko ng mata ang sariling phone sa pagkakataranta—sa dami ng gusto kong sabihin ay wala nang buong pangungusap ang umandar sa isip ko. Sa huli ay naaaligaga kong tuluyang binuksan ang message thread. Para lang matigilan sa pangalawang pagkakataon.

You:

I miss you

Tuluyan akong natigil sa paghinga. Hanggang sa dahan-dahan akong mapamutawi ng 'di matapos na mga mura.

Are you fucking kidding me?!

Gago ka ba, Alexis?! Anong 'I miss you'?!

Ang kaninang kaba ko'y dumoble. Ngunit ngayon ay dahil na sa halong inis sa sarili. Ang gigil ko'y ibinunton ko sa paulit-ulit na pagtama ng kuyom na kamao sa pader.

Tanaw sa malayo, naro'n ako sa tapat ng tindahan habang pinaglalaruan ang toothpick sa pagitan ng mga labi. Tamad na nakadantay ang isa kong braso sa nakaangat na tuhod habang nakaupo ako sa sementong upuan. Panay akong buntonghininga dahil wala akong pambiling yosi. Asar.

Matapos magbuga ng panibagong malalim na buntonghininga ay may tumapik sa braso ko. Pagkabaling ay sinalubong ako ng isang pamilyar na ngiti.

"Ikaw 'yon, 'no?" Ito 'yong lalaking sumitsit sa 'kin kagabi.

Nagsalubong ang kilay ko sa bati niya. "Ha?" Alin, alam ba niya?

He threw me a knowing look after scanning me for a second. Naupo siya sa tabi ng batong inuupuan ko matapos. "'Yung bagong salta!" Sabay halakhak.

"Tss." Napapailing ko siyang binalewala kahit may sinusupil na ngiti. 'Kala ko makakarinig na naman ako ng tungkol sa bali-balita na 'yan. Nakakatawa, kailan pa ba 'ko naging artista para maging usap-usapan? Hah! An outcast one at that!

"Nabilan ni Tupe ng gamot 'yung nanay niya."

Nanatili akong nakatanaw sa malayo at walang ibinigay na reaksyon. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya pero mukhang alam ko kung sino 'yon.

"Tuwang-tuwa nga, akala mo nakanood ng himala. Pa'no, may napulot daw siyang pera sa sarili niyang bag!" Malakas siyang tumawa. "Bungol, paanong napulot kung nasa kaniya naman talaga?"

Dahan-dahan akong napatango, pilit sinusubukang 'wag siyang bigyan ng kahit anong reaksyon.

"Ayos."

"O, eh naniniwala ka bang bigla na lang lilipad 'yung pera sa bag niya ng walang naglalagay?"

Tahimik pa rin ako ng hilaw na tumawa. Bakit ba ako kinakausap ng isang ito? Nakita ba niya 'yung ginawa ko kagabi?

"Kanina ka pa rito, hindi ka ba magyoyosi?"

Pagkakurap ay bahagya ko nang naramdaman ang lamig sa sikmura. Malapit ko nang masigurong may alam siya ng dinugtungan niya ang sinabi.

"Mamayang alas dose, magpunta ka sa underground alley."

"Huh?" Tanging pagtataka ang naitapon kong ekspresyon sa ibinulong niya.

Mula sa seryosong hulma ng mukha ay unti-unti siyang ngumisi sa akin sabay tango. "Bayad sa beer."

Naibaba ko ang nakataas na binti ng tinapik ako nito sa balikat ng ilang beses bago tuluyang tumayo at pumihit paalis. Tipong magsasalita pa lang sana ako ulit ng lumingon ito sandali.

"Antayin kita."

The fuck was that?

Grunting, my grumbling stomach wakes me in the middle of the night. Agad kong kinapa ang phone sa gilid ng hinihigaang kama, ng salubungin ako ng dilim pagkadilat.

It was already past eleven when I checked the time.

Hinilamusan ko ng palad ang mukha sabay ng pag-upo. Tila wala pa ako sa sarili ng dahan-dahang umahon doon para lang lumabas at bumili ng makakain, matapos matantong hindi pa pala ako kumakain ng gabihan o ano.

I was munching a chocolate bar when a sudden thought hit me. Isang lingon at nakita kong ilang minuto makalipas ang alas dose ang oras na naro'n sa wall clock ng convenience store.

"Bayad sa beer."

If it was a supposed payment, then maybe it was good thing. Right?

Mahina akong natawa sa sarili habang kunot-noong pinapangas ang pangalawa kong chocolate bar. Yeah right. As if a stranger offering something from somewhere secluded like an underground alley, was not fishy.

That was what I kept telling myself, as I threaded the way and found myself standing at the stone staircase, ready to descend what awaits me from a few feet under.

With both hands tucked on the pockets of my jacket, my next steps was welcomed with the cacophony of hoots and screams from a group of big guys occupied by something.

Taking a few more steps closer, a quiet gasp escaped in between my lips as I half to a stop, when someone smacked on the graffitied walls. The roar from the group of guys reverberated as I saw blood on the beat up dude's face who's then lying on the ground. While the other one who's left standing was throwing both of his hands in the air as the crowd cheered for his triumph.

I didn't need to be told what was unfolding before me if it weren't from someone who draped an arm on my shoulder.

"Sabi ko na pupunta ka na eh!"

Kunot-noo ko itong binalingan at akto pang aalisin ang braso nito sa akin, nang mag-umpisa itong maglakad patungo sa kumpulan ng grupo.

"Sinong gustong sumunod?"

"Ito! Ito!"

Napabaling sa amin ang grupo ng naghahadali siyang lumapit habang turo ako. Samantalang parang gusto kong magmura ng masalubong ko ang linya ng tingin ng isang naro'n. Mula sa kumpulan ay tila nangingibabaw ang pormal nitong damit halo sa iba pang naro'n.

Hinawi ko agad ang brasong nasa balikat ng sa wakas ay huminto ito sa paglakad. Isang lingon at isiniwalat ko ang kanina pang nasa isip.

"Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo 'kong gawing pamato?" Sarkastiko akong nagbuga ng hangin. "Bayad ang tawag mo rito? Gago ka ba?"

Sandaling natahimik ang ilang naro'n sa malapit namin. Samantalang ang taong kaharap ko'y mas lalo lang ngumisi na para bang naiintindihan niya ang reaksyon ko o ano. Marahan siyang tumango matapos.

"Ano, tatayo ka na lang ba d'yan? Inaantay ka ni Dre." The man in the tux jerked his head towards the direction of the guy who won the match.

Isang pasada ng tingin dito at pansin agad ang hindi nalalayong bikas nito sa akin. Hindi ko napigil ang mahinang pagbuga ng hangin, tila hindi makapaniwala na matapos kong masangkot at makaalis sa gulo ay heto na naman ako sa panibago. Ngunit 'di tulad ng huli, siguro naman may mapapala ako ngayon.

"Magkano?"

Mangha itong humalakhak na animong sa wakas ay narinig na rin ang kanina pang salitang hinihintay.

"Bente singko, pero sa 'kin muna kalahati kasi ako nagdala sa 'yo dito."

Unti-unting kumurba ang mga labi ko para sa isang ngisi. Akala naman ng ungas may susunod pa.

"Ge." Pagkatango ay bahagya akong yumuko para higitin ang suot na pullover pahubad. Hindi ko pa man iyon nabibitiwan ay agad na niya iyong tinanggap.

Halong hiyawan at bulungan ang umalingawngaw ng hinakbang ko ang distansya nito mula sa kinatatayuan ko. Tuon direkta sa mga mata nito ang tingin, dahan-dahang puminta ang madilim nitong ngisi sa akin.

"Oh, I'll be damned."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top