20 : Freedom


Ilalatag ko ang lahat ng bala

Kunin mo, gamitin mo

Hanggang sa tuluyan ka nang maging malaya

Sa bawat sugat na nagpilat,

Tutumbasan ng daing at palahaw

Ang unti-unting pag-alpas

***

A judo match only lasted for five minutes. A clear mind, precise reaction time and being in control are the necessary factors for a successful ippon or a full point score to win.

Malakas at maingay ang sigawan sa loob ng gym nang maibagsak ako ng kalaban ko para sa huling match. I didn't want to get up from the mat but I had to—para pormal itong kamayan.

Coach was saying something, only that I couldn't hear any of it. Nabingi na yata ako. O namanhid. O 'di ko alam, siguro nababaliw. Dahil pagkatapos ng ilang buwang hirap ko sa pagti-training at pagpupursigi para lang sa pagkakataong 'to, heto ako, tumatawa sa pagkatalo ko. Tanginang siraulo.

"Alexis, nakikinig ka ba?"

I traced the inside of my cheek with my tongue as I looked at my coach. Kunot ang noo nito sa akin, hindi ko malaman kung lito ba o iritasyon ang nakapinta sa ekspresyon. Oh, I know! That was the familiar look of someone disappointed in me. How could I forget?

Masyado na yata akong nagpakabulag sa mga panahong pinaniwalaan kong may mga taong kayang sikmurain 'tong pagkatao ko.

"Anong nangyari? Kuhang-kuha mo sa training 'yon ah? Kayang-kaya mong ipanalo 'yung huling match na 'yon. Nasaan na naman lumilipad ang isip mo, Alexis?"

That was the funny thing. I did my best this time. Pero anong magagawa ko kung iyon lang ang kinaya ng best na mayro'n ako ngayon? I wasn't as powerful as a God to be always at my fucking peak. Siguro nga hindi na talaga para sa akin 'to. Siguro nga pinipilit ko na lang ang sarili ko sa pagbalik. Siguro nga matagal na akong walang pagmamahal sa larangang 'to. Siguro nga.

Bakit pa ba ako nananatili rito kung gano'n?

"How did it go?" kunot-noong bungad sa akin ni Xander.

Isa pa 'to. Nagtatanong pa, alam naman niya panigurado kung anong nangyari.

Sarkastiko akong ngumisi sabay lahad ng magkabilang palad sa ere. "O, nasaan na 'yung palakpak ko?"

Imbes na sumagot ay mas lalo lamang nangunot ang noo niya sa akin. Natuluyan naman ako sa pagtawa. Mabagal akong pumalakpak sa harap niya matapos.

Grinning, I mocked, "Salamat ah?"

Being the youngest with an over-achiever set of elder brothers, I'd never felt the need to prove myself in terms of acquiring any huge achievements. Because I thought it was unnecessary anymore given that they already did the honor. All I did was to do what I want and I wouldn't lie, I was complacent.

But there was something liberating about failing from doing something I was competent with, about being aware of my limitations—of finally having what I deserve. Does that mean I was always deemed to be a fucking failure? Probably. Because that was what I had always believed in.

Isa pa, kung minsan mas madaling maging talunan. Mas madaling maging masama sa paningin ng iba kaysa paulit-ulit mong kailanganing patunayan ang sarili mo sa mga tao. Kaya sige, ako na lang 'yong gago. Ako na lang 'yong may kasalanan. Ako na lang 'yong mali. Tapos tangina na lang nilang lahat. Wala na akong pakialam.

I'd let them think whatever it was that helped them sleep fucking soundly at night. They're welcome! Always. Anytime.

Dati pa namang gano'n 'di ba?

Mula sa hallway ay pababa na sana ako ng hagdan nang sandaling matigilan. It was past ten in the evening and I could hear someone's quiet sobs. Tinungo ko kung saan iyon nanggagaling para lang makita ang isang pamilyar na bulto sa terrace.

Seated on a steel chair, my father's palm was covered on his eyes as he held a glass of liquor on the other. His silent sobs were heard from where I stood.

Isang kurap at suminghap ako at tila nagbalik sa reyalidad nang dire-diretsong hinakbang ang hallway pababa ng hagdan. Suksok ang magkabila kong palad sa suot na itim na hoodie habang tinatahak ang tahimik na kalsada. Tanging pagkaskas lamang ng swelas ng sapatos ko sa aspalto ang rinig, alinsunod ng mga makina ng sasakyang madalang nang magdaan.

You finally get what you want. This is what amounts your talent and hard-work: a failure. And your fucked up family is falling apart. The monster that is your father is now paying his due.

My palms balled into tight fists inside my pocket. Ang lakad ko ay unti-unting bumilis kasabay ng bawat bigay-bawi ko ng hangin sa baga. Something inside me felt tight... suffocating.

This is what you want, right? You want them to suffer the same way that you did—with the way they try to mould you into someone else you're not, into something like this fuckup useless idiot you've become.

Hinugot ko ang makabilang palad hanggang sa ang mabilis kong paglakad ay unti-unting naging takbo. Bawat sinag ng posteng nadaraanan at nagbibigay liwanag sa daan ko'y tila mga senyales, gabay sa madilim, mahaba at walang kasiguraduhang daan.

"'Di ba sabi mo gusto mong umalis sa lugar na 'to? Then what if you did? What would you do then?"

I don't know.

What is freedom to you?

I don't fucking know!

What are you trying to escape from?

My breathing started to strain.

Huminto ako sa pagtakbo para lang habulin ang sariling hininga. Ang pawis ko'y nag-umpisang mamuo mula sa ginawa.

I found myself standing in front of a dark alley. Ang ilang grupo ng mga kalalakihang may hinihithit na kung anong naro'n ay napapasulyap sa akin.

Niyuko ko ang hawak na tuhod at nagtuon ng tingin do'n hanggang sa kumalma ang paghinga ko.

What is making you feel so caged?

Me.

Pagkatayo nang diretso ay hinakbang ko ang distansya ng pinakamalapit na tao sa akin at hinablot ito.

I wanted a break and to break.

"Hoy!" Naalerto ang grupong naro'n nang inumpisahan kong sugurin ng suntok sa panga ang pangalawang lalaki.

I wanted to feel pain from a bruise on the outside.

"Tarantadong—" Pagkahablot ay pwersahan akong ibinato ng taong lumapit, para lang mauwi itong nakahandusay sa malamig na kalsada. Sinundan ito ng pagsugod sa akin ng ilan pang lalaking naro'n.

I wanted to pour and let go of all the hurt I inflicted on myself on the inside.

Tulong-tulong ang mga ito sa pagsugod sa akin. Suntok sa mukha, sikmura, sipa, tadyak—wala akong maramdaman. Wala akong makita. Wala akong magawa kundi ang tumanggap ng bawat sakit at galit.

Dapat lang. I fucking deserve this.

Kaya sige lang. Ayos lang. Accepting pain straight out of my own mistakes was liberating. It made me feel in control. Is this freedom?

I coughed up blood as soon as I came to. The empty, dark street was dead quiet with my ragged breathing as I lie with my back on the damp and cold road. My whole body was aching when I tried to get up only to end up lying flat again when I couldn't.

Left with no choice but to stare up at the night sky, everything went blurry until I heard myself letting out a choking sob. My every breath was accompanied by a stabbing pain from my chest all throughout my body. A broken heart and a broken mind now ending with shattered bones and dreams...

Why is it so dark here?

It was when I started to shake from my uncontrollable sobs echoing in the silence as I realized... that there had never been a mould. I wasn't imprisoned by anyone but myself. She had always been right—everything was just all in my fucking head.

The freedom that I longed for wasn't about getting free from any place but being free from myself—I wanted to get out of my own head. I wanted so bad to have a place, a safe space for every dark thoughts circling inside my mind. And for the longest time, I've only been a prison, crying desperately for someone to come save me from my own demons. When all I've been longing for was to have peace within me, to not be defeated by this monster I created and I kept on feeding on inside my head.

I want to be free from me.

Unless I made peace with my demons, I would never be at peace wherever I go, whoever I'm with and whatever I have. That was what I kept telling myself when I left—or at least when my father finally decided to banish me from our town. I was rejected from PJF after several attempts of reconsideration for the scholarship. Tinanggal din ako ni coach sa team dahil sa kairesponsablehang ginawa ko umano sa grupo ng mga lalaki.

Someone died, they said. Hindi ko man maalala nang buo ang nangyari ng gabing 'yon, sigurado naman akong wala akong pinatay na tao. The death was identified as drug overdose but the news that reverberated throughout our town became twisted, as they kept telling that someone killed the man or something.

"Tama ka, your father tried to compensate me to ensure that you'll be trained to win in the tournament. Pero hindi ko 'yon tinanggap dahil iyon naman talaga ang trabaho ko hindi lang sa 'yo, kundi maging sa lahat ng athletes na hawak ko. At wala akong ibang layunin bukod do'n, Alexis.

"Ilang taon mo akong naging coach. Wala kang tiwala sa kakayahan mo kaya hindi mo rin ako nagawang pagkatiwalaan, gano'n ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na ito ang dahilan mo sa pagku-quit?"

My senior high started in a different town and I had no single idea how and where I was supposed to go from here. Sa isang punto, napagtanto kong nakakapagod ang magdesisyon para sa sarili. Para kasing puro na lang palya. Gawin ko man ang tingin kong tama o hindi, parang balewala rin.

Maybe the adults were right. Maybe we should just go on and live out their plans of the future for us. Maybe our say about our lives didn't matter. Sana pala nakinig na lang ako sa kanila kung gano'n.

That made me laugh. Yeah? Okay.

"Shakespeare wrote this line from The Tempest: Hell is empty and all the devils are here."

That was probably the only thing that resonated with me from my teacher's lecture. Because like what that dude said, my head is empty and all the demons inside made it here.

Having the freedom I'd been dying for but still being imprisoned and chained by my self-doubt. Finally getting away from people who hurt me but wanting to hear from them at the same time. Being in a new place but longing to be somewhere familiar.

The fear wasn't in trying. It was in realizing that what I wanted wasn't what I was expecting it to be. But is this really what I want?

I was only seventeen and I'm already so fucking tired and disappointed with myself. Alam ko namang walang bago ro'n dahil matagal ko nang pinaniwala ang sarili ko sa katotohanang 'yon. Kaya ano pa bang ikinatatakot ko? Ano pa bang mawawala sa akin kung magpapatuloy ako sa paghahanap ng sunod na bagay na magiging rason ng pagkabigo ko?

Maybe there wasn't any concrete or straight road to find where I should belong. Maybe the path wasn't meant to be found but created. The same way that I needed to accept and make a safe space for myself, so that nothing and no one could get in my way—I won't get in my way.

Freedom was being alone and at peace with myself all along. Ang pilit lang namang pakikisalamuha sa mga pekeng tao ang dahilan kung bakit nabubuhay ang mga demonyo sa isip ko. If they weren't around me, then my demons wouldn't be able to feed on anything until it eventually die.

I once traded my freedom for the so called affinity but I promised myself to not do it again. I won't betray myself again.

I would always choose my freedom over affinity without any second thoughts. Because not belonging to anywhere and anyone meant being allowed to be whatever and whoever I wanted me to be.

That was why just like having a contagious disease, I distanced myself from everyone and kept everything to no one but myself. From now on, every time someone would look at me, I would let them see whatever they imagined me to be.

"Sino? 'Yung transferee?"

"Oo, balita ko nakapatay daw 'yon kaya pinatapon dito. Gago, baka mamaya may baon 'yang ice peak sa bag 'tas bigla na lang manaksak!"

"Kapapanood mo 'yan ng horror movies."

"Nakita mo ba 'yung itsura? Laging nakaitim tapos walang kinakausap. Parang may sariling mundo. Sama pa kung makatingin, 'kala mo papatay talaga."

Umalingawngaw ang tawanan mula sa baba ng hagdang binababa ko. These fucktards were talking about me huh. Iyon na ba 'yon? I can diss myself better.

Hindi ko sinasadya ang pagkakatama sa ilang nagkalat na karton mula sa katatapos pa lang na event, doon sa baba ng hagdan. Nakuha ko agad ang atensyon ng grupo ng mga senior at agad tumahimik ang mga ito. Pagkabaling sa direksyon ng mga ito ay wala ni isang sumalubong ng tingin ko. Sandali pa akong nagtagal do'n ngunit nanatili lang silang tahimik.

Wala na 'kong panahon sa mga ganito.

The new town was dead quiet with its empty streets as I took a walk every night. Only the blaring sound in my headphone was heard as I tread alone on the roadside without any destination in mind. It made me feel calm and at ease from the voices inside my head, as if my demons and I were finally having a truce.

"I'm still in tenth grade. Wala pa 'ko ng mga subjects ng ABM."

"Kayang-kaya mo namang pag-aralan 'to. Saka 'di ba 'yun din naman kukunin mong strand?"

"Yes. Pero hindi ko makita ang koneksyon kung bakit ako ang kailangang gumawa ng projects n'yo."

Nasulyapan ko ang nagtatawanang grupo ng grade eleven doon sa gilid ng convenience store. Pinalilibutan ng mga ito ang isang pamilyar na junior sa pareho kong school.

Ibinaba ko ang headphone sa leeg at muling isinuksok ang magkabilang kamay sa itim na pullover.

"Oy, kulto! Dalas kitang makita sa labas 'pag gabi ah?"

Nadaanan ko na ang mga ito at paakyat na sana ako ng hagdan para sa pinto, nang matigilan dahil sa pagbara nang pinakamatangkad sa kanila sa daraanan ko.

"Nakahanap ka na ba ng sunod mong biktima? O naghahanap ka ng bato?" Muling umalingawngaw ang tawanan ng mga ito.

Nanatili ang walang gana kong tuon sa lalaki. Gago ba 'to?

"Ano, Aqi, bayaran ka na lang namin."

"Kung wala kang magandang sasabihin, pwedeng lumayas ka sa harap ko?" walang gana kong tugon.

Natigilan ito sa pagtawa para lang pandilatan ako. Halos mag 'sing taas lang kami, ngunit kung tapunan ako nito ng tingin ay para lang akong upos na sigarilyong gusto nitong apakan. That put a smirk on my face. Mukhang may gustong patunayan ang ungas.

"Pag-iisipan ko."

"'Yon!"

"Bagong salta ka lang, angas mo na ah." Humakbang ito palapit sa akin hanggang sa halos magsukatan na kami ng tingin. Mayabang itong tumango sa direksyon ko matapos. "May pinagmamalaki ka ba bukod sa nakapatay ka?"

Bumuntonghininga ako. Bakit kahit saan ako magpunta hindi nauubos ang mga taong tulad ng isang 'to? Sinabi ko na bang wala na akong panahon sa mga ganito?

Walang interes ko itong nilagpasan saka muling hinakbang ang ilang baitang na hagdan papasok. Ilang sipol at kantyawan ang narinig ko bago may biglang humablot sa isa kong braso.

Nakabibinging katahimikan ang sunod na bumalot sa gabi, alinsunod nang pag-uumpisang pagbigat ng paghinga ko. Sabay ng pagrehistro ng hapdi sa buko ko ang pagkakatanto sa ginawang pagsuntok sa panga, ng ngayo'y nakahandusay na sa kalsadang lalaki.

"Sinong nagsabi sa 'yong pwede mo 'kong hawakan?"

Kapwa namimilog ang mga mata, natigilan ang mga ito nang matuon sa akin ang buong atensyon. Pumatak ang ilang sandaling animong natulos ang mga ito sa kinatatayuan hanggang sa humakbang ako ng isa. Agaran ang pamumutla ng mga ito, nang mag-unahang magpulasan paalis habang palingon-lingon pa sa akin. Para bang inaantabayanan nila kung hahabulin ko sila nang may hawak na kutsilyo, baril o ano.

Lumipad ang tingin ko patungo sa tunog nang paghigop mula sa straw nang naubos nang inumin. Tetra pack ng strawberry yogurt drink ang hawak nang naiwang junior na ngayon ay nakatingin sa akin. Kalmado ang ekspresyon nito at walang bahid ng kahit anong takot o ano pa man nang sandali kaming magpalitan ng tingin.

Muli akong bumuntonghininga para lang pakawalan ang namuong tensyon sa kalamnan. Dire-diretso kong tinungo ang convenience store para kumain ng dinner matapos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top