19 : Under the influence

Tila lulan ng ulan ang lumbay

Yakap ng lamig ang sakit

Hila ng dilim ang bigat

Lunod ng bawat patak ang lumang alaala

Ngunit dala ng hangin ang daluyong

Na ang katumbas ng pagtatapos ay paghilom

***

Taking a recreational drug was the same as how some prescribed medicine had their dosages of intake. It shouldn't be too much or too little but just enough. In my case, I didn't know exactly which of the two caused having a trip like this. But if there was something I'm sure of it's that, I wasn't liking it—not even a goddamn bit.

"Can you say that again?" Malat ang boses ko nang magsalita makalipas ang mahabang katahimikan. Buong sandali ng paglalakad namin patungo sa kanila ay hinayaan ko lang siyang magsalita at magkwento.

Matapos makaakyat sa pinakataas ng stone path ay nilingon niya ako.

"Say what again? Wala naman akong sinasabi." Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi niya, tila natatawa.

"I never told you anything about the scholarship... or that uniform prank."

Blinking in a sudden stupor, she tried laughing it off after realizing something. Ipinaling niya ang ulo patagilid at napakamot sa sentido.

"Hindi mo ba nasabi?"

A wave of suspicion crashes towards me without any hint of warning. Ang panghuling baitang ay hindi ko pa halos mahakbang nang mag-umpisang pumintig nang marahas ang dibdib ko. Followed by my straining breaths, I directed my sight on the paved pathway we were standing at. Hindi iyon galing sa hingal mula sa pag-akyat ng batong hagdan kundi sa ibang dahilan.

"Lex?"

"Sinong nagsabi sa 'yo?"

She made a light chuckle, almost dismissive. "Importante pa ba 'yon? Baka nabanggit mo sa 'kin kanina, hindi mo lang matandaan. Pero... sayang naman 'yung scholarship kung hindi mo tatanggapin."

They're taking you for a fucking fool. Like the gullible kid that you are! Heh.

"Like I said, I didn't tell you anything about that. So how come..."

"I don't know. Baka si Xander ang nagbanggit—"

"Ano pa?"

"Huh?"

My head snapped up towards her direction. Humupa ang kaunti niyang ngiti nang magpalitan kami ng tingin matapos.

"Anong ano pa?"

Oh. She wanted to play the dumb game first. Haven't I told her I was no fan of beating around the bush?

Humugot ako nang malalim na hininga para lang pakalmahin ang halos nakabibinging dagundong ng dibdib ko.

"You've been talking about me behind my back all this time?" Hindi ko napigil ang sarkastikong tawang kumawala sa pagitan ng mga labi ko.

"Ano?"

"How many times do I have to repeat myself?!"

Dahil hindi iyon basta tungkol lang sa kung anong maaaring pinag-usapan nila o ano. It wasn't probably even about them at all. Because this raging, boiling feeling had always been inside me for a long time. Only that I wasn't aware that I had it, that I had been carrying it with me since I could remember. Like a covered up rotten part, unnoticed until it started infecting and eventually destroying the remaining good parts.

Or it was probably the other way around in my case. Because I was nothing but a rotten fruit, trying so hard to find something good left of me. But turned out I was wrong... 'cause there was none.

Palms clenching into tight fists, I stared at her stunned expression under the yellowish rays of the lamppost.

"I asked you. I fucking asked you." Halos marinig ko ang pagngingitngit ng mga ngipin ko dahil sa namumuong galit. "Pero sino nga naman bang siraulo ang aaminin sa kagaguhan nila."

"Lex, we're not..." Mariin siyang pumikit at dahan-dahang nagbuga ng hangin. "Whatever it is you're thinking, it's not like that."

"Palibhasa anak ng mayor kaya mayabang!"

Kaakibat nang walang humpay at paulit-ulit na paninikip ng dibdib ay nagawa ko pa ring matawa. Nasapo ko ang ulo ko at napahagod paatas ng buhok pagkatingala para lang subukang humagilap ng hangin. Ang liwanag mula sa lamppost ay muntik nang maging pula sa paningin ko pagkadaing.

Remembering my sudden belonging to their group. Tagging along wherever they go and having a new set of friends in an instant.

"Iba talaga ang nagagawa 'pag may inspirasyon."

How fucking convenient was all that to be nothing as coincidences?

"Lex."

"Was it fun?

"Did you all have a fucking good time pretending and lying in front of my face?!" Inunahan ko ang akma niyang pagsasalita. "I've been taking part in a fucking circus all this time with fucking clowns! Kailan n'yo balak na sabihin sa 'kin na hoy gago, 'di totoo lahat 'yan? O meron ba, kasi parang wala!"

She was shaking her head in silence.

"Is that why you didn't dump me?" Sarkastiko ang tawang napakawalan ko habang mariing nakatingin sa kaniya. "To make me let my guard down and stick around until it was easy enough to manipulate me? For what? So that I would be under your fucking mercy?!"

Hindi siya makasagot. Ibig sabihin totoo. Na magmula pa noon, ginagago na nila akong lahat. Tulad ng ginawang pagbabayad ni Dad sa naka-match ko para lang hayaan akong manalo. Tulad ng mga ipokritong tao sa paligid ko na pilit akong tinatanggap hindi dahil gusto nila kundi dahil kailangan.

"We didn't mean any harm. I don't know how I could say this enough but we're just trying to help you."

Oh, now here goes the pity party.

"Talaga?" I traced the inside of my cheeks with my tongue. How could something so harmless felt so fucking wrong? Why did it feel like taking a beating in the gut while being completely defenseless and vulnerable? "Putang ina. Anong tingin n'yo sa mga sarili n'yo? Banal? Luluhuran ko na ba kayo isa-isa para pasalamatan?!"

I was once again being reminded why I find it hard to trust anyone. Maybe this was my fate... not belonging anywhere.

"What the hell are you yapping about Dad compensating your opponents? Why would he stoop down to that kind of scheme?"

Pwersado akong napabuga ng hangin sa pagkamangha. "Narinig ko! He fucking paid all of them—kasama si coach! 'Di na rin ako magugulat kung ginawa niya 'yon pati na sa mga teammates ko o tangina, sa lahat siguro ng taong nakakasalamuha ko. Para lang tratuhin nila 'ko nang maayos—o para siguro gaguhin!"

"Don't be stupid, he won't do that."

Bumagsak ang mga braso ko sa magkabilang gilid. "You know what? Fuck it. Wala na 'kong pake kung ano man do'n ang totoo!" Tinalikuran ko ang kapatid. Binitbit ko ang nabitiwang bag ngunit ang akma kong pag-alis ay natigil nang bumara siya sa daan.

Mariin ang tinging sunod niyang itinapon sa akin. "Then why did you decline the scholarship offer? Lex, that's the Philippine Judo Federation! Why did you turn them down? That was your chance!"

Nose flaring, I gritted my teeth then said, "I'm not fucking greedy. I didn't even know if I deserve it—pagkatapos ng ginawa ni Dad! Tingin mo wala siyang kinalaman do'n? Paanong napili nila 'ko agad kung 'di pa tapos ang competition? Coach clearly said that the selection will be based on our performances on the tournament!"

"Are you fucking serious right now?" Disbelief ang pumalit na ekspresyon sa mukha niya. "Wanting to have what you deserve is not called greed, Lex. Ito na nga, ibinibigay na sa 'yo, bakit kailangan mo pang kwestyunin? You know what I think? This is just you not believing enough in yourself. It was never Dad's or anyone's fault but yours. You can keep pointing fingers all you want but we all know what's really wrong."

Paulit-ulit akong umiling, ayaw tanggapin at ni hindi maproseso ang narinig. "Alam mo, d'yan ka lang magaling eh. You keep on pushing me to do and try things. Pampering me with praises, validating my wins. Tapos ano? Aalis ka rin lang."

"What are you on about?"

Namuo ang tensyon sa panga ko alinsunod ng pagbigat ng paghinga. "You supported me when I joined the team. Pero nung nag-quit ako, nasaan ka? You didn't even take my side!"

"Because you're acting stupid! Quitting like that all of a sudden—how do you think I'll support you for an impractical decision?"

Sarkastiko ang tawang kumawala sa akin. Nahilamusan ko ng palad ang mukha matapos iyong sapuhin. Hindi ko maintindihan kung para saan ang paninikip ng lalamunan nang hinarap ko ang kapatid.

"I just told you about Dad's scheme. Kung ako ikaw, anong mararamdaman mo? All of my fucking hardships felt like for naught! Ah, sandali, 'o nga pala!" Mula sa pagsigaw ay bahagyang bumaba at huminahon ang boses ko.

Mariin kong sinabi ang sunod na mga salita matapos habang direktang nakatingin kay Xander. "You only clap at my success. You're only there when it's a sure win—when it's convenient for you. Pero paano naman 'yung mga labang hindi ko kayang ipanalo agad? Paano 'pag 'di ako laging nasa tuktok? Nasaan ka n'on? Kaya mo pa rin ba 'kong palakpakan? 'Di ba hindi?

"I get it, you want to see me win! Pero nasaan ka ng mga panahong kailangan ko ng kasiguraduhan? Nasa'n ka ng mga panahong kailangan ko ng may magsasabi sa 'king hindi masamang magkamali—na ayos lang maging hindi sigurado minsan at maligaw? Na ayos lang tumalikod at iwan ang mga bagay at taong nagdulot sa 'kin ng sakit?"

With bloodshot eyes, he started shaking his head. "Oh, no, you don't want to go down that road."

Mabilis kong hinilamusan ng palad ang mukha para palisin ang luhang tumulo. "You don't know how it feels like to feel undeserving of anything—especially those things I work hard for. 'Di mo 'ko naiintindihan."

"Talaga?" He scoffed. "Tell you what, Lex. You didn't know the constant need to please someone. You didn't know how it feels like to always consider everyone's feelings before yours. You didn't know how painful and scary it is to disappoint someone. You didn't know how to go through such unimaginable lengths just to feel validated."

Natigilan, hindi ako kumibo nang sa unang pagkakataon ay makita ko ang tila pagkakawasak ng kapatid. My brother had always been calm and composed. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang nayanig ng kahit anong bagay. He always looked strong and capable to me and I admired him for that. Pero tulad ng mga hinanaing at hinanakit ko sa kaniya, mukhang hindi rin nalalayo ro'n ang mayro'n siya sa akin.

"Sinong laging pinagbibigyan at pinapaboran sa ating tatlo ni Kuya Xavier, Lex? Sinabi ko noon kay Dad na gusto kong mag-pursue ng arts pero hindi siya pumayag. Ayaw kong tumakbo bilang SK pero inobliga niya ako. Hindi ako matalino, pero sinusubukan kong sumali sa mga academic competitions dahil kailangan kong patunayan lagi ang sarili ko kina Dad. Sumasali ako sa mga clubs at tumakbo sa SC—lahat ng pwede kong gawin para lang pansinin ako nina Dad, Lex, ginagawa ko. Hindi mo alam! Ikaw?

"You didn't even have to beg just to join the Judo team. You didn't have to put on a façade in front of everyone just to prove something. You didn't even have to do anything and everyone still accepts you! You're allowed to chase after anything you want! Hindi mo ba 'yon makita? Dad even named you after him!

"But now what, you'll just let your doubt decide for you? Ang dali sa 'yo, 'di ba? Kasi hindi mo makita kung paano maghirap at paghirapan ng mga tao sa paligid mo ang mga bagay! All you ever think about is yourself! Everything's about you!

"At tingin mo iniwan kita? Na hindi kita kayang samahan sa mga pagkatalo mo? Lex, ano sa tingin mo 'tong ginagawa ko ngayon? You think I'm doing all this for myself? No! Tinutulungan ka na nga naming bumangon ulit, hindi mo pa rin makita? Anong tulong pa ba ang kailangan mo?"

Bakit parang utang na loob ko pa? Hiningi ko bang gawin nila lahat ng 'yon?

"How pained are you to see everything as a threat?"

"Since when were you all pretending?"

Pagkasinghap ay sinubukan niyang magtuon ng tingin sa akin, pula na ang mga mata pagkailing nang marahan.

"I don't know what you want me to say but, Lex, please don't take it the wrong way." Natigilan siya sa akmang paglapit nang umatras ako. Biting her lip, her grip tightened on the strap of her sling bag. "I-It's for you. We just did what we know was best to help you."

Muntik na 'kong natawa ro'n, kabaligtaran ng bayolente at nakabibinging dagundong ng dibdib.

"That's why I'm asking if I should be kneeling in front of you right now while spouting my gratitude." Halos makasugat ang lamig ng boses ko.

"Can't you see? It's starting to pay off. 'Di ba ito 'yung gusto mo?"

"Bullshit!" I scoffed in sarcasm, my sight was beginning to get blurry. "I didn't ask to be a part of fucking play-pretend! Tangina, gusto n'yo pala ng gag show, ba't 'di n'yo sinabi?! Ah! Kasi ako pala 'yung joke! Tama ba?!"

"No. Lex... hindi pa ito ang mundo. 'Wag mong limitahin ang sarili mo sa lugar na 'to." Nabasag ang boses niya kasabay ng ginawa niyang mabilis na pagpalis sa luhang tumulo. Sa kabila niyon ay nanatiling pirmi ang boses niya nang magpatuloy. "Ang bata pa natin. Marami ka pang makikilala. Lalawak pa 'yang mundo mo. May iba ka pang magugustuhan at madidiskubreng mga tao at bagay. And that scholarship might bring you to places in the future. Baka nga 'pag naalala mo 'tong eksaktong oras na 'to, matatawa ka na lang kasi tama ka ng desisyon—na tanggapin 'yung mga dumarating na oportunidad para sa 'yo."

She doesn't need you here so leave her the fuck alone, that's what she's saying. Take the hint, fucker!

Mariin ko siyang tinitigan sa kabila ng init na namumuo sa sulok ng mga mata at paulit-ulit na paninikip ng dibdib ko.

"Chase after your dreams. Go tell the PJF that you're reconsidering their offer. Please... leave this town... matagal mo nang gusto 'yon, 'di ba? Ito na..." She trailed off from a sob as she tore her gaze away from mine. Gumawa ng anino sa nakayuko niyang pigura ang liwanag na galing sa lamppost.

Pilit niyang sinubukang panatilihing buo ang boses kaakibat ng pagkakabasag niyon nang sinabing, "I can't... I don't want you to bind yourself here with me. You deserve to be free... to not be in a cage. And if I'll end up to be one of the chains that will hinder you from being more..." she trailed off, failing to control her voice from trembling.

I didn't know what's more painful anymore. Whether for the fact that they've been pretending around me or that she's right—all of them.

Kahit kailan hindi naging mahirap sa 'kin ang mga bagay. I'd always gone after something that I want all out. Kung gusto ko o ayaw ko—wala akong pakialam anoman ang kahinatnan ng mga iyon. Basta't alam kong nagawa ko ang lahat ng kaya ko para sa bagay na gusto ko, wala na akong kahit anong panghihinayang do'n.

"Stop talking bullshits."

Pero hindi ko magawang tanggaping ganito. I know I should be grateful for everything but fuck. Why do I feel betrayed?

Binabalikan ko ang lahat at naninikip na kaagad ang dibdib ko. I could no longer tell who among them were my friends or my foes. My pain already took the wheel, tainting every single memory I had with a darker shade. Distorting and twisting my beliefs into something unrecognizable. Compelling me to believe but at the same time don't. Begging me to stay but wanting me to leave. Like an endless tug of war without a winner in sight.

Kasalanan ba nila kung may maganda silang intensyon? Was I the problem then, like what my brother said?

Bakit ba ako naging ganito?

But whatever the fuck this farce was all about, may isang totoo ro'n, "Pare-pare lang kayong mapagpanggap."

Pagkatalikod ay dire-diretso kong tinahak ang stone path nang walang lingon, bitbit ang mabigat kong puso. Hindi ko halos maramdaman ang mga binti ko habang wala sa sariling naglalakad pauwi.

"Annulment? Nahihibang ka na ba? Tingin mo kaya mo nang wala ako? Ano, aalis ka rito?"

Isang higit mula sa sumusunod sa kaniyang si Dad at nabitiwan ni Mommy ang dalang maleta at ilang bag.

"Sawang-sawa na 'ko sa 'yo, Alex! If you think you can scare me to stay with you and your bullcrap then think again! Any place is better than this hell, you abusive bastard!"

"Dad!" Dali-daling pumagitna si Xander sa mga ito matapos pagbuhatan ng kamay ni Dad si Mommy.

While I just stood there and watched all of them before me with a blank expression. My mother was sobbing when her eyes landed on me.

"Magsasama na ba kayo ng lalaki mo, ha? Kaya malakas ang loob mong lumayas dito?!"

Looking at the enraged expression of my father, I couldn't help but wonder why I turned out like this. And like what my mother said, maybe I would be like him for the years to come—an abusive bastard.

That made me laugh silently.

Matapos kuning muli ang mga bitbit na bagahe ay dire-diretsong tinungo ni Mommy ang main door. Huminto pa siya sandali para lang tapunan ako ng tingin. Pula ang mga mata niya at hindi ko mabasa ang emosyong naro'n.

She's leaving you in this hellhole.

"Sige! Lumayas ka! 'Wag na 'wag ko nang makikitang aapak ka ulit dito sa pamamahay ko! Putangina ako pang tinakot mo?!"

No. I won't be like him. I don't want to be like him.

"Dad..."

"Ano, gusto mong sumama sa Mommy mo? Lumayas ka na rin!" Sapo ng magkabilang palad ang ulo, nanggagalaiti siya habang pabalik-balik na naglalakad sa living room, tila hindi mapakali. Hanggang sa huminto siya matapos kumalmang bahagya. Hinugot niya ang tumunog na phone sa bulsa ng pantalon at napamura sa kung anong naro'n.

Sinulyapan ko ang nanatiling kapatid sa kabilang banda ng silid bago ako nag-umpisang maglakad na paalis. Ngunit bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay halos patalon akong natigilan sa tila kulog na sigaw.

"Alexis! Tanginang bata ka! Halika nga rito!" Sinundan iyon ng mga palapit at mabibigat na yabag.

Hindi pa man ako nakapagsisimulang maglakad pabalik ay sinalubong na niya ako kaagad ng isang malakas na sampal. Pumilig ang mukha ko patagilid kasabay ng pagrehistro ng hapdi sa kalahati niyon. Sunod kong nalasahan ang metal sa bibig matapos matulala sa sahig.

"Ano 'tong sinasabi ng coach mo?!" Wala na akong naintindihan ni sinubukang pakinggan sa mga sunod niyang sinabi.

Alam ko naman na kung ano ang mga 'yon. Isang bagay na lang ang gusto kong malaman. Isang bagay na lang ang gusto kong siguraduhin.

Matapos tanggapin lahat ng sinabi niya ay tuloy-tuloy kong tinahak muli ang bahay namin palabas, pabalik kina Reon. Wala akong pakialam sa nagdurugo kong bibig. O sa mga taong nasasagi ko sa kalsada dala ng pagmamadali.

Kailangan ko lang siyang mapuntahan at makita. Kailangan ko siyang tanungin para alamin kung totoo ba ang lahat ng 'yon. Na hindi lang 'yon gawa-gawa ng isip ko. Wala na akong pakialam kung nagpanggap silang lahat o ano.

If they wanted to help me then I would gladly accept it. I would gladly let them make sense about everything that was going on because I don't think I can do it alone.

Babawiin ko lahat ng sinabi ko. Tangina, 'di ko dapat sinabi ang mga 'yon sa kaniya. Magso-sorry ako. Tutuloy ako sa PJF kung 'yon ang tingin niyang tama. I'll fucking beg on my knees for her to forgive me if she wanted me to. Siya lang. Siya lang ang kailangan ko ngayon.

Ilang hakbang mula sa bukana ng stone path ay natigilan ako sa nakita. Si Vance, pababa ro'n habang nagsusuot ng shirt.

"Wala ka namang totoong problema kundi 'yang mga bagay na tumatakbo sa isip mo!"

Does that make things easier? Hindi ba mas nakakatakot ang mga bagay at problemang hindi nakikita?

"Wala 'yon sa lugar, Lex... na sa 'yo."

Oh, yeah? Like how only wild animals survived the wilderness?

"Please don't hate yourself too much..."

Could anyone please tell me how to accept anything from anyone when I couldn't even accept myself?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top