18 : Sunflower
Pinagtagpi-tagpi ko
Ang ikaw ang ako
Sinubukang bumuo ng tayo
Sa hinaba ng tinakbong layo
Lahat ng pinanggalingan ko
Ang patutunguhan ay lagi't laging sa 'yo
***
Naro'n ako sa malayong espasyo katabi ng isang palm tree habang pinanonood sina Reon sa stage. Halong dagundong ng pagtugtog nila at hiyawan ng mga tao ang sumakop sa buong lugar. Nangingibabaw ang pagliliwaliw ng iba't ibang kulay ng strobe lights mula sa stage hanggang sa bulto ng mga nagkakasiyahang manonood.
Palibot na mga banderitas at thread lights ang nakasabit at nakakonekta sa bawat puno sa buong event. Lipana rin ang iba't ibang booth sa paligid.
Inumpisahan ko ang paglalakad sa backstage nang malapit na nilang matapos ang huling kanta. Pagkababa ng stage ay sinalubong ko sila isa-isa ng high five.
"Pwede sa mukha?" Umamba ang higante. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko at nakaiwas ako agad sa sakuna. "Tsk."
Binalewala ko ito nang malampasan ako. Pagkabaling ay kusang nabanat ang mga labi ko sa isang ngiti pagkakita kay Reon. Sinalubong ko sa ere ang magkabila niyang palad matapos. She giggled in exhilaration. Pawisan man at mukhang pagod ay nakahahawa pa rin ang malaki niyang ngiti.
Lumapit ako para hagurin ng palad ang pawis niya sa noo pataas. Wala kasi akong panyo. "Angas naman n'yan. Kailan n'yo ba tutugtugin 'yung kantang sinulat mo?"
Matalim siyang nag-angat ng tingin sa akin kahit nakangiti. Ang dapat niyang hampas ay mabilis kong nailagan. May allergy talaga sa compliment.
"Sa'n tayo?" tanong ni Vance.
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay naglibot kami sa lugar, may kani-kaniyang hawak na bote ng beer.
"Last year tutugtog din dapat kami rito. Kaya lang itong si Naik—"
"Bro, walang laglagan sa pamilya 'di ba?!"
"He got a shitload—literal na inilabas." Hagalpakan sila ng tawa matapos sabihin iyon ng higante.
Si Naik ay napasapo na lang ng mukha habang naiiling. "Thanks, Cove."
"May..." Nauna pa ang tawa ni Reon bago sabihin ang dapat sasabihin. "May constipation kasi siya bago 'yon. Tapos..." She trailed off and bursts into a fit of an uncontrollable laughter.
Ang boteng hawak niya'y sinapo ko bago pa man niya mabitiwan. Kaunti na lang ang natirang laman niyon.
"We had to back out on the last minute!"
"Sige, ipaalala n'yo lang. Hindi naman na ako nasasaktan, tanggap ko na."
Pagkalapit sa nagsalitang si Naik ay hinigit ito ni Reon sa braso, tawa pa rin nang tawa. Muntik pang matumba. May tama na 'tong babaeng 'to.
Nang aktong lalapitan ko na para alalayan sa paglakad ay naunahan ako ni Vance. Hawak niya sa braso si Reon nang balingan siya nito.
"Careful."
Nagtagal ang tingin ko sa dalawa. Ayaw ko man ay parang demonyong bumubulong sa akin ang mga sinabi ni Julian. Tungkol kay Vance—sa kanilang dalawa.
"Ah! Lex!"
Natigilan ako sa paglakad dahil sa tawag niya. May kung ano siyang pinulot sa buhanginan at saka dali-daling bumaling at lumapit sa akin. Holding a yellow flower, her arm was outstretched towards me.
"Look! A Sunflower!"
Mula sa kaunting pagkakagulat ay bahagya akong natawa. "Lasing ka na nga, 'di 'yan Sunflower. Ang liit n'yan o."
Sumimangot agad siya sa narinig bago muling inobserbahan ang hawak habang nanliliit ang mata. "Sunflower kaya 'to—a baby one!"
Inabot ko naman ang kamay niya para kunin iyon. "This is more like a yellow bell or something like it."
Pagkalapit sa kaniya ay yumukod ako nang kaunti, hinawi ang takas niyang buhok patungo sa likod ng tainga at isinuksok ang bulaklak doon. Bahagya pa akong yumukod para hanapin ang linya ng mga mata niya matapos.
Hawak ko na ang atensyon niya nang sinabi ko ito, "I'll be the sun if you're gonna be my Sunflower."
She snorted all of a sudden. Sinapo niya ng palad ang mukha nang 'di napigilan ang mga kumawalang tawa.
"Ang baduy mo!"
Hinuli ko kaagad ang palad niyang tumapal sa mukha ko. Namumula na ang mukha niya katatawa nang manatiling tuon sa kaniya ang tingin ko.
Baduy daw, tawang-tawa naman?
Bumahid ang ngiti sa labi ko. "Kinilig ka naman sa kabaduyan ko?" Marahan kong hinila ang braso niya matapos.
Ang pagtawa niya'y agad napalitan ng mga tili sabay ng pagpasag mula sa bigla kong pagbitbit sa kaniya.
"Alexis!" Pero tawa pa rin nang tawa ang may saltik na babae. Ang mga braso niya'y pilit akong inaabot o hinahampas o 'di ko alam—para lang makawala.
"Baduy pala ah."
"Hoy!"
Nag-umpisa akong maglakad habang bitbit ko siya sa gilid ko mula sa baywang niya.
"Sandali, nasu—"
Pero huli na ang lahat bago ko pa man siya mabitiwan dahil nasuka na nga siya ro'n. Natigilan ako agad sa paglakad at animong naestatwa. Noon ko lang natantong nakahinto at pinanonood kami ng tatlo mula sa 'di kalayuan. 'Di ko malaman kung natatawa ba ang mga ito sa amin o ano.
"Ang harot mo kasi!" sapo ang magkabilang tuhod niyang reklamo pagkabitiw ko.
Bahagya akong napangiwi bago hinubad ang suot na pullover mula sa batok. Lumapit ako sa kaniya para punasan ang baba niya pati nang suot na vest na nabakasan nang kaunting suka.
"Grabe naman, nasuka sa kabaduyan?" I chuckled under my breath when she threw me a sharp look with a jab on my arm.
Pumanhik na rin kami sa nirentahang mga kwarto pagkatapos n'on, dala na rin ng pagod nila mula sa pagtugtog.
Madaling araw nang maalimpungatan ako at hindi na makabalik sa pagtulog. Ang lakas kasing humilik ni Naik!
Lumabas ako sa kwarto namin para lang makita ang bulto sa balcony. Si Reon ang naabutan kong naro'n pagkalapit ko. Angat ang magkabilang paa sa inuupuan.
"Sober?"
Mabagal siyang tumango habang nakatanaw sa malayong pampang. Sabay inom sa hawak na mug. "Kape?"
"Yes, please." Naupo ako sa kahabaan ng bench, sa bandang likod niya. Pagkatuko kong palapit mula sa balikat niya ay saktong lingon niya sa akin.
Inabot ko naman ang hawak niyang mug ng isang palad at inilapit sa labi ko para makihigop. Hindi siya gumagalaw.
"Hmn." Hanggang sa balingan ko. Sandali kaming nagpalitan ng tingin bago siya nagbitiw do'n. Her hair brushed on the side of my face as I kept staring at her. She smelled like flowers.
"Timpla ka ng sa 'yo," aniya kalaunan.
Dumapo ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit. Slowly, I rested my chin on her shoulder as we both stare ahead. Ang katahimikan ay nilalamon nang malalayong alon mula sa pampang.
"Bango ng kape," I almost slurred.
She breathed out a heavy sigh. Sabay lapit sa mukha ko ng hawak niyang mug. "O."
I chuckled.
"'Kala ko ba gusto mo?"
Nakiinom ako ulit habang hawak niya iyon. Para na siguro akong gago kangingiti ko. Buti na lang hindi niya ako nakikita. Nga ba?
"Reon..."
"Hmn?"
"Wala lang."
"Inaantok ka pa ba?"
"Gising na 'ko."
"Ba't ang aga mong bumangon?"
"May pokemon sa kwarto."
"Huh?"
"Si Snorlax."
"Ha?"
I chuckled lightly. "Wala."
"Bukas na ba 'yung summer camp mo?"
"Bukas pa."
"After that?"
"Competition. Plano raw ni coach na isali 'yung ilan sa 'min sa nationals kaya todo 'yung training."
"That's nice."
Pareho kaming natahimik. Wala siyang sinabi noon sa confession ko. At hindi ko rin naman siya inoobligang bigyan ako ng sagot o ano. Pero para lang alam niya at malinaw na hindi ako nandito para lang sa pagkakaibigan.
"Nasabi ko na bang gusto kita?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Kaya kahit gustuhin ko o hindi, nabibigyan ko ng malisya lahat."
"Ano?" Naipaling niya sa akin ang tingin, bakas ang nagbabadyang pagtawa.
Unti-unti kong ipinalibot sa baywang niya ang mga braso ko. "Malisyoso ako, para mas madali."
Ramdam ko ang pag-uga ng balikat niya matapos niyang matuluyan sa paghalakhak kasabay ko.
"Baka ang ibig mong sabihin, nanliligaw ka."
"'O, parang gano'n... kung ano pa man ang tawag do'n."
Para akong siraulong pumikit habang nakangiti at saka huminga nang malalim. Parang nawawala lahat ng bigat sa dibdib ko tuwing naririnig ko siyang tumawa. Kung alam ko lang na posibleng maging ganito ang pakiramdam sa bawat paggising sa umaga, sana noon ko pa siya nakilala.
Para akong nakatuklas ng recreational drug sa isang tao.
"Hajime!"
Pagkabalik ay nagdiretso ako sa summer camp bilang paghahanda sa nalalapit na judo tournament. Inimporma rin kami ni coach tungkol sa opportunity para sa scholarship sa Philippine Judo Federation. Magiging basehan sa pagpili niyon ang magiging performance ng mga sasali sa nalalapit na tournament.
Although he also said that the chance was little to none since the PJF had a really high standard. Pero open naman umano ito sa mga batang athlete na nakikitaan nila ng malaking potensyal.
"Ano kayang pakiramdam maging national athlete 'no? Angas siguro n'on."
I heard one of my teammates scoffed. "Malamang mamamatay ka muna sa training bago ka makatuntong do'n."
"Halimaw 'yung mga national athletes sinasabi ko sa 'yo. Kaya unless 'di ka handang mag-sacrifice ng mga bagay-bagay, 'wag mo nang pangaraping maging isa sa kanila!"
"Pwede bang isakripisyo ang kaluluwa? Ito na o, kunin na nila."
Umalingawngaw ang ilang tawanan mula sa mga ito. Ako naman ay sandaling napaisip.
Sacrifices? Tulad ng?
Naisip ko rin kung para saan nga ba ang muli kong pagbalik sa judo. Was it because I wanted to right my wrong decision of quitting years ago? Or was it because I wanted to aim and be more? Pero ano nga bang eksaktong gusto kong marating sa pagpapatuloy nito? It should be the latter, of course. Of course.
Inayos ko ang suot na gi pagkabangon mula sa mat. Bahagya pa akong hingal nang tumayo sa gilid niyon para mag-bow, kaharap sa kabilang banda ang naka-sparring. Isa pa muling bow pagkahakbang palabas ng mat at tuluyan na akong tumalikod paalis doon.
Ginulo ko ng mga daliri ang basang buhok. Sunod kong hinawi nang kaunti ang sleeve ng pullover para tignan ang oras sa wrist watch. Nagbuga ako ng hangin pagkakitang quarter to five na. Matapos kunin ang phone mula sa loob ng locker ay isinara ko iyon, ibinulsa ang kinuha at saka dire-diretsong lumabas ng locker-room.
Sinuklay kong pataas ng mga daliri ang basang buhok na tumabing sa mga mata habang tinatahak ang gilid ng kalsada. I was then jugging my way up to the stone path for Reon's house as the sun started to set.
Saktong naro'n na 'ko sa tapat ng main door nila para kumatok nang bumukas ang pinto. Gulat na mukha ni Reon ang tumambad sa akin nang binuksan ko ang bahagyang nakaangat na kamao at ikinaway habang nakangiti.
"Just on time." Nagbuga ako ng hangin sabay ng pagbaba ng palad.
Kumurap siya sa akin habang higit ang strap ng suot na bag. "Galing ka pang training?"
Simple akong tumango. "Tara? Sa'n ka?"
"Wait!"
Suksok na ang magkabilang kamay sa bulsa ng pullover, natigilan ako mula sa akmang pagtalikod. "Bakit?"
"May..." Pointing at her back with a thumb, she said, "niluto ako, baka gusto mo munang kumain."
It was my time to blink at her in confusion as she waited for my response. Sniffing a little, parang may naaamoy akong mabango sa loob ng bahay nila. Wala sa oras ko tuloy nasalat ang sikmura bago muling tumango.
"Sige." Madali naman akong kausap.
Para akong batang binilhan ng kiddie meal habang maligayang kumakain. Hindi naman ito ang unang beses kong nakakain ng sinigang na bangus. Pero sa kung anong dahilan ay parang ngayon lang ako nakatikim niyon sa tuwa ko.
I heard her chuckling as she placed a cold glass of water on the table near me.
"Masyado namang ginugutom 'yan," asar niya sabay tapik pa sa tuktok ng ulo ko.
Binitiwan ko ang mga kubyertos para kunin ang baso. Nanatili siya sa gilid ko habang umiinom ako ro'n.
"O masarap lang akong magluto?"
Sinabayan nang mahinang sigaw niya ang pagbuga ko ng iniinom.
Tangina. "Sorry!" Hindi ko alam kung uunahin ko bang matawa o magsisi sa 'di sinasadya kong pagkakasaboy ng tubig sa kaniya.
"Ang baboy mo, may kanin pang kasama!"
Ibinaba ko kaagad ang baso para maghanap ng basahan pamunas. Pero nang nilingon ko siya'y iritableng ngiwi ang isinalubong niya sa akin. Hindi ko napigil ang kumawala kong mahinang tawa bago ko sinubukang punasan ang damit niya.
"Anong nakakatawa?!"
Pinandilatan niya ako kaya pinanlakihan ko rin siya ng mga mata. Kasi, "Hindi ko alam!" Basta natatawa ako siguro dahil... wala lang, masaya lang ako. Kahit parang ang gago pakinggan.
"Dati ka bang baliw?" Masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"Ikaw, dati ka bang clown?"
"Alam mo minsan, wala ka talagang kwentang kausap. No offense."
"Sige, kunyari 'di ko alam." I grinned then clutched at the chest part of my pullover. Suminghap ako sabay, "Ouch."
Tumitirik ang mga mata, iritable siyang nagbuga ng hangin, halos padaing.
"Magpapalit na lang ako!"
Mabilis kong tinapos ang pagkain at hinintay siyang magpalit ng shirt. Madilim na sa labas nang tinahak namin ang stone path pababa.
"Another party this weekend at the governor's house?"
Natigilan ako sa akmang pagpapak ng hawak na popcorn mula sa bucket niyon. May pintang kaunting pagtataka ang ekspresyon ko nang binalingan ko ang nagtanong at nasa booth na si Reon. Abala siya ro'n para ihanda ang order ng isang customer nang magtagal ang tingin ko sa kaniya.
"Parang gano'n." Pa'no niya nalaman? Bukod sa tatay niya 'yon—sandali, akala ko ba hindi sila nag-uusap?
"Thank you," may ngiti niyang mutawi matapos tanggapin ang bayad nito.
Umahon naman ako sa inuupuang bench at lumapit sa kaniya. Yakap ko ang bucket ng popcorn sa kabilang braso, nang ipinahinga ko ang kabila sa salamin ng booth na nakapagitan sa amin.
"Gusto mong pumunta?"
Mula sa pag-aayos sa hilera ng mga bucket ay mahina siyang natawa, animong nakarinig ng biro.
"Bakit hindi ka pwedeng pumunta, tatay mo naman 'yon?"
Umiiling siyang napabuga ng hangin bago nagbaling ng tingin sa akin. Some of the short wavy strands of her hair was sticking out from her visor cap.
"Gusto mo ng eskandalo? Ako ayoko." Sabay sarkastikong ngiti.
Ang sasabihin ko sana'y hindi ko na naimutawi nang may panibagong customer na dumating.
Hands slid down my pockets, my back was on the side of the booth as I was dozing off in the bench. Ang halong ingay ng parke para sa mga taong nagdaraan at ilang booths ay hindi ko alintana. Hanggang sa marinig ko ang pagkanta ng mahina at malumanay na boses sa tabi ko.
I didn't have to open my eyes to check who that is when I started to sing along with her on my mind. Maingay ang paligid pero tahimik.
Slowly, I rested my head on her shoulder as I hummed along with her song. Hearing it first as a hum and when she sang it before, madaling matandaan ang tono niyon.
"You shouldn't have stayed if you're tired."
"I'm not tired..."
"Kaya pala ang sarap ng tulog mo rito?"
Bahagya umuga ang sinasandalan kong balikat niya nang mahina siyang tumawa pagkabuntonghininga ko.
"Tapos na ba shift mo?"
"Hmn."
Sandali kaming natahimik. Hanggang sa magsalita siya ulit.
"Maaga ka pa bukas."
Imbes na sumagot ay mabagal akong nagmulat ng mga mata. Hindi ako gumalaw dahil hindi rin naman siya tumayo. Kapwa namin tinunghayan ang madilim na parke mula sa sinag ng mga nakapalibot na poste. Noon ko lang natantong bilang na lang sa daliri ang mga taong naro'n dala ng katahimikan.
"Is my brother up for something?"
"Like what?"
"Ewan. Kagaguhan?" I chuckled but she stayed silent as I jested, "Something like... you two conspiring just to get to me?"
"Xander's your brother, you know."
"And so is Julian to you." Natahimik siya ro'n sandali.
Hanggang sa makahanap ng sasabihin. "That's way different."
"I can't see how."
I chuckled lightly again when she ended up heaving out a sigh of defeat.
I didn't know what got into me while looking at the same sight I'd been seeing before me for the past years. Because somehow, something about it didn't look and feel the same. And for a second I thought that... this town wasn't so bad after all.
"Doing good so far. Iba talaga ang nagagawa 'pag may inspirasyon."
Wala akong balak patulan ni pansinin ang isa sa mga madalas na asar sa 'kin ni Xander. But something about it halted me from my tracks. May ilang salita sa dulo ng dila kong nagbara at hindi ko nagawang sabihin, matapos kong mabalingan ang pagngisi niya.
"What?" The son of a gun chuckled from my frown. "I'm just saying keep it up, kid brother." Pagkalapit ay tinapik niya ako ng dalawang beses sa braso bago naunang pumanhik ng hagdan.
Kunot-noo ko siyang nasundan ng tingin. Parang gusto ko pa ngang bitbitin at paulanan ng mga tanong hanggang sa sabihin niya sa 'kin ang gusto kong marinig. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon eksakto.
Everything was going well, I was doing good like what he said. But something started to feel off.
"Ay pucha! Ano 'yan—sinong gumawa n'yan?!"
Salungat ng halong singhap at gulat ng mga teammates kong naro'n sa locker-room, ang kawalan ko ng maimutawing salita sa nakita pagkabukas ng sariling locker.
Lito, hindi ko inasahan ang dumalaw at umusbong sa aking takot.
"Bakit, anong nangyari?"
Nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan at hindi ko maiwaglit ang diretsong tuon sa puti kong gi na naro'n sa locker. May kung anong gumagapang na lamig sa sikmura ko habang pinagmamasdan ang mga pulang markang itinapon ro'n. Tuyo na iyon ngunit ang ilang naiwang marka ng pagsaboy ay naiwan pa sa sahig ng locker ko.
"D-Dugo ba 'yan?"
'Di alintana ang paglapit at pagkulumpon ng mga ito palapit sa akin, bahagya kong hinigit ang uniform at inamoy. Mas lalong kumunot ang noo ko ng maamoy ang lansa niyon. Tulad ng mga naiiwang dugo sa sariwang karne.
Halos magkagulo ang mga teammates ko sa loob ng locker-room. Buong training period ay iyon ang bukambibig nila habang pasulyap-sulyap sa akin. Samantalang ako'y hindi makapag-concentrate dahil sa pag-iisip. Hindi sa kung sino ang gumawa n'on kundi kung bakit.
Alam ko namang may mga taong lihim na may galit sa 'kin dahil sa iba't ibang dahilan. Pero ito? Anong mapapala nila kung gagawin nila 'to?
Is this some kind of a sick warning? It was just probably a lame prank from one of my teammates, right?
Habang palapit nang palapit ang tournament ay siya ring unti-unting paglago ng pagkabahala ko. I couldn't remember the last time I felt shit scared like this because I had never been. Hindi sa kahit na sino man. At kung paulit-ulit kong iisipin kung sino ang nasa likod nito, magsasayang lang ako panigurado ng oras dahil napakahaba ng listahan. Pero kung sino man iyon, isa siyang malaking duwag kung sa ganitong paraan niya ako balak gantihan.
"Parang wala ka sa tamang wisyo nitong nakakaraang araw, Alexis. May problema ba?"
I snapped out of my reverie as I cleared my throat. "Wala, coach."
"Sigurado ka?" Nagtagal pa ang tingin niya sa akin mula sa pagkakahilera namin sa gilid ng mat ng mga ka-team ko. Ang iba sa mga ito ay napapasulyap-sulyap sa amin. "Kung dahil 'to ro'n sa naglagay ng dugo sa uniform mo, wala 'yon sa mga kagrupo mo rito. Naisa-isa ko na silang lahat at kampante akong wala sa kanila ang kayang gumawa n'on."
Huminga ako nang malaman bago tinapunan ng tingin ang hilera ng mga ka-team ko. Some of them just innocently blinked back at me while the others couldn't meet my gaze.
"At kung sino man 'yon, paniguradong isa lang 'yon sa mga pilyong estudyanteng naghahanap ng pagkakatuwaan."
Muli akong tumikhim at marahang tumango kay coach kaakibat ng pamumuo ng tensyon sa panga. An unpleasant memory flashed on my mind but I was quick to dismiss it. But I wasn't sure if I could do the same with my growing discomfort.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top