17 : Hate

Simula at wakas

Nagtagpuan kita sa pagitan

Nag-iisa, naglalakbay

Sa walang kasiguraduhang daan

Pwede ba kitang samahan?

***

It had been a month since. Naging abala ako sa strength training para makundisyon sa darating na judo summer tournament. Kababalik ko pa lang pero hindi ko na kinuwestyon ang desisyon ni coach na isama ako sa mga magko-compete. Imbes na magduda ay inisip ko na lang na malaki ang tiwala niya sa akin kaya gano'n.

Pinipisil ko ang captains of crush sa isang kamay habang nilalakad ang pasilyo ng ospital, pasado alas otso ng gabi. Hindi ko na nasabayan sa pag-alis ng school si Reon kanina dahil sa open mat practice namin sa gym. Nag-shower na ako bago umalis kaya't bagong shirt na ang suot ko.

She was done with her part-time and headed straight here. I didn't ask if she had eaten dinner but I bought us some food nonetheless. Nagdala na rin ako ng prutas para sa nanay niya.

Pagkarating sa fourth floor ay inisa-isa ko ang number ng mga room sa bawat pinto. Malapit na ako sa bandang dulo ng hallway nang makarinig ako ng mga boses na nagtatalo. Ang pagbabanda ng mga boses nito sa katahimikan ay mas nagiging malinaw sa paglapit ko.

"Are you fucking stupid? Bakit hindi mo sinabi?! You think you can do magic and the money will fucking materialize?!"

"I'll do something about it! Ang tagal nang kami lang ni Mama—hindi namin kayo kailangan!"

A familiar sarcastic laugh resounded. "Ah talaga? At anong magagawa mo? Ni kalahati ng isang treatment hindi mo kayang bayaran!"

Dalawang bulto ang tanaw ko mula sa ilang metrong layo. Natigilan ko agad ang pagpisil sa hawak nang mamukhaan ko ang mga ito.

"What would you do, huh? Spread your legs and be a fucking whore too?!"

"Leave. If you're here just to rub that shits on my face then just leave!"

"Taas ng pride mo ah." Pagkaduro sa noo'y tinulak niya mula ro'n si Reon. "Nasa kritikal na kundisyon na siya't lahat mas importante pa rin sa 'yo 'yang pride mo?"

Napaatras siya sa muli nitong tulak. Isang hawi sa braso nito at naaninag ko ang panginginig ng mga balikat niya.

"If you just swallowed your fucking pride and ask for help—'di sana siya naghihirap! Nasa'n bang utak mo, ha?"

Lumaki ang bawat hakbang ko. Gumawa ng mumunting ingay ang mga hawak ko nang bitiwan ko ang mga iyon.

"Julian!"

Halos tumilapon ito pagkatama ng kamao ko sa panga niya. Pagkabawi nito sa balanse ay agad kong nilapitan at hinablot sa kwelyo. Wala akong sinayang na oras nang muling umamba ng suntok. Pero naunahan ako ng ungas.

"Lex!"

He tackled me and made consecutive blows on my stomach. Ilang sandaling naubos ang hangin sa baga ko bago ako muling nakakilos. Bumundol siya sa kabilang pader matapos tanggapin ang tadyak ko. The fucker looked up at me heatedly, sapo ang sikmura. But right after lunging himself towards me, his back met the cold floor when I grabbed then threw him upside down. It was over in an instant.

Halong mga daing at hapo ang sunod na umalingawngaw sa bakanteng hallway. Ang mga sigaw ng pag-awat ni Reon ay rumehistro lang sa akin matapos kong kumalma nang kaunti.

"Fucking—son of a bitch!"

"Tama na kayo! Lex!" Pumagitna kaagad sa amin si Reon nang umakma pa ako ng paglapit sa ungas.

"What the fuck are you doing here?" utas ko sa pagitan ng mabigat na paghinga. Matalim ang tingin ko sa pagdaing nang nakahandusay sa sahig na si Julian.

"Lex, ako nang magpapaliwanag. Julian, please, umalis ka na."

"Oh fuck, right!" Umalingawngaw bigla ang halakhak ng gago.

Kunot-noo kong pinanood ang mabagal niyang pagtayo. Tinuro niya kaming dalawa ni Reon tulad ng isang komedyanteng may birong nakahanda nang bitiwan.

"Of course I'm the fucking bad guy!" He made a slow, mocking clap. Sabay turong muli kay Reon. "You planned this, huh? Oh! Anak ako sa labas! My mom has cancer, we don't have money, pity on me!" He laughed. Bumaling siya sa akin. "You fell for that stupid trick, Lex?"

"Julian, pwede ba? Umalis ka na lang."

"Kulang ba 'yung sapak ko?"

"Lex!" Kung hindi ako pinigilan ni Reon ay malamang bagsak ulit sa sahig ang isang ito. "Stop. 'Wag mong patulan."

"I get it. She looks like a charity case to you, right? Nakakaawa nga naman. And oh brother, you wanted so bad to be the hero. So yeah, why not save the damsel in fucking distress? Who knows, if you keep the good guy act then she might let you fuck her."

"No!"

Hindi ko naituloy ang akmang pagsugod nang humigpit ang hawak ni Reon sa braso ko. Ang nahimigan kong pangangatal ng boses niya'y nagpanatili sa akin sa kinatatayuan. Kahit kabaligtaran niyon ang gusto kong gawin.

"Lex, 'wag mo nang patulan. Please. Let him talk, he'll leave when he's done."

Kasabay ng tensyong nag-iigting sa panga ang panginginig ng kuyom kong mga kamao. Ang bawat bigay-bawi ko ng hangin ay mabibigat habang nakatitig direkta kay Julian. Gustong-gusto kong hablutin at saktan ang gago para lang bawiin niya ang mga sinabi.

"Someone's fucking whipped." The bastard was chuckling. "You're so quick to take her side, huh? The fucking kid who used to follow me around really grew a pair! You think you can outdo me now, huh, Lex?" Tinaas niya ang magkabilang palad, tila tanda ng pagsuko o ano. Ngunit salungat niyon ang may pagbabanta niyang boses nang sinabi ito, "Alright. Let's see how that works for you, then."

"I had it enough with your bullshits, brother," may panunuyang gaya ko sa pananalita niya. "Now leave the fuck out of here before I beat the hell out of you."

He scoffed. Matapos kaming tapunan nang matalim na tingin nang matagal ay sarkastiko siyang napangisi sa sarili. Isang pihit at dire-diretso siyang lumakad, nilampasan ang ilang staff ng ospital na nasa hallway hanggang sa mawala siya sa paningin namin.

"He's my brother," si Reon nang nilalakad na namin ang daan pauwi sa kanila. "As you know, hindi kami lumaki ng magkasama. And he didn't know that we're related until almost a year ago. Before the governor made him leave the town and transfer to another school."

"Well, fuck. Sinasabi mo bang..." Pagkabaling ay nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Halos mapahinto pa ako mula sa sabay naming paglalakad. "You two have the same mother?" At anak siya ng governor?

She nodded without looking at me.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Naalala ko ang tungo ni Julian sa nanay nila noon sa hostess bar, kung paano niya sigaw-sigawan at murahin ito. I'm not one to talk. But that bastard! He said we were birds of the same feather and he was damn right. Pero para na lang siyang salamin ngayon ng dating ako.

"Don't hate him because of me. Gago talaga 'yon, pero magkaibigan kayo 'di ba?"

May kung anong nanlambot sa akin nang balingan ako ng pagod niyang mga mata.

"Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagalit ng gano'n kanina. He got a point, matigas lang talaga ang ulo ko. Si Mama pa tuloy ang naapektuhan."

"He didn't have to be an asshole just to prove a fucking point."

"You didn't have to use violence to dominate and stop him."

Natahimik ako ro'n. Gusto ko sanang magrason pero hindi ko na lang ginawa. Tama naman siya. Akala ko kahit paano'y kaya ko nang pamahalaan ang disposisyon ko. Pero ewan ko ba kung bakit pagdating sa kaniya, konting danggil lang sa pisi ko'y para na akong mawawala sa katinuan. Hindi lang sa galit kundi maging sa iba ko pang emosyon.

"The governor doesn't want the public to know about it, kaya bilang lang ang nakakaalam. Julian's acting the way he is probably out of the fear that the truth will come out. You know what will come after if that happens."

"Gago pa rin siya."

She chuckled under her breath. Nagkukusot na siya ng mata nang marating namin ang mataas na stone path. Mukhang pagod na.

"Kausapin mo na lang—kung 'di labag sa loob mo."

Buo na ang desisyong kong hindi ko gagawin 'yon. Para lang matagpuan ang sariling pinag-iisipan ang sinabi niya. Totoo namang walang kasalanan sa akin si Julian. Kung bakit kasi tarantado siyang likas, na ginagamit pa niya sa kapatid at sa nanay niya.

Simplehan ko na lang. Walang kasalanan, walang away. O edi tangina kausapin ko na nga.


You:

San ka ungas


Napakamot ako ng ulo nang wala akong reply na natanggap ilang minuto ang makalipas. Gago tunog naghahanap ng away imbes na makikipagbati.

Bago magtipa ulit ay tumikhim ako.


You:

Usap tayo

Retro lounge maya?

Julian:

Who tf is this?


Namilog ang mga mata ko sa screen ng phone. Gago ba 'to?

Ang dami ko nang nai-type na mga mura sa inis ko bago ko napagdesisyonang burahin iyon at kalmahin ang sarili. Saka ako nagtipa ulit.


You:

Alexis Fabregas III

Mahina ba signal sa impyerno?

Julian:

You should know. don ka galing di ba?

You:

Namo Julian

Pupunta ka ba mamaya o pupunta?

Julian:

Not interested to hang out with u and ur fcking friends

Why the hell r u even talking to me? did that cunt put you up to this?


I groaned. Bakit ko nga ba naisipang makipag-ayos sa ungas na 'to?


You:

I won't say sorry

But I'll give u the benefit of the doubt

Usap tayo mamaya

Pumunta ka kung gusto mo. kung ayaw mo, bahala ka


Ibinaba ko ang phone at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Nagbalik ako sa ginagawang pang-huling tatlong set ng squat. Ang maya't maya kong daing dahil sa kung anong sakit sa bandang tadyang ay binalewala ko. Ang lakas pa ring sumuntok ng gago. Sana masakit ang panga at likod niya sa ginawa ko para patas kami!


You:

Punta ko ng retro lounge

San ka?


Wala akong natanggap na reply kay Reon. Huling message niya sa 'kin ay kanina pang umaga. Hindi ko rin maintindihan ang karamihan sa mga ginagawa niya nitong nakararaan. Pero sa dami niyon ay lagi siyang abala.

Ginugulo ko ang mamasa-masa pang buhok habang tinutungo ang mga stool sa bar. Pagkatuon ng atensyon sa hilera niyon ay bahagya akong natigilan sa nakita.

"Lex."

Tinanguan kong pabalik ang nakaupo ro'ng si Vance. Nawaglit lang ang tingin ko sa kaniya nang mahagip ang palapit na pigura ni Julian. Patalikod itong naupo sa stool na katabi ng kay Vance matapos, ang isang siko ay tukod sa bar counter habang hawak sa isang kamay ang baso ng alkohol.

Magtataka pa ba ako kung bakit magkasama ang dalawang ito?

"What do you want us to talk about, brother?" halong uyam at iritasyon ang boses ng huli sa tanong.

Isang huling pasada ang ginawa ko para makumpirmang wala rito sina Naik.

"She told me about you." Mariin kong tinapunan ng tingin ang nandilim niyang ekspresyon. "Why do you have to act like a dick to them?"

Wala siyang kahit anong sinabi. Igting ang panga, nanatili lamang siyang nakatanaw sa bandang tumutugtog sa stage. Hanggang sa matuon ang atensyon ko sa babaeng lumapit kay Vance.

Kunot-noo kong sinulyapan ang tahimik na pagngisi ni Julian sa kawalan matapos sumulyap sa ngayo'y nag-uusap nang dalawa. Nang magpaalam si Vance paalis kasama ang babae kalaunan ay tumango siya rito at saka lamang siya sumulyap sa akin. Ang nanatiling ngisi sa labi niya'y hindi ko agad naintindihan kung para saan.

Lumapit ako sa katabi niyang stool at naupo na lang din do'n. Um-order ako ng non-alcoholic drink sa bartender matapos.

Humalakhak si Julian sa pagpansin, napapailing.

"I never knew this day will come," aniya sabay baling sa akin. "You, lecturing me like you're a good ass fellow. Sounds fucking ridiculous coming from someone who used to put hate at everything. Do you think you're better than me now just because you happen to know about my affiliation to that cunt?"

Pinanatili kong kalmado ang ekspresyon, salungat ng panimulang pagtangis ng galit sa kaniya.

Ngunit ang bakas ng kasarkastikuhan ay hindi ko napigil nang magsalita. "Why does everything has to be a competition to you?"

I wouldn't say I understand his grudge towards them because I didn't. Anak din siya sa labas? Paano naging kasalanan ng kapatid niya 'yon?

Pagak siyang tumawa. "Don't concern yourself with me, Lex. Kung may dapat kang isipin dito, sarili mo 'yon. You think that cunt will stay with you?"

"Stop calling her like that."

"Pardon, but are you even together?"

He cocked his head in the direction across the room. Malapit sa stage ang pigura ni Vance kasama ang kaninang babae nang mahagip ko ng tingin.

"Hindi 'di ba?"

Igting ang pangang bumalik sa kaniya ang atensyon ko. "What are you trying to say?"

"You know too well what I'm trying to say." Smirking as he took a sip on his drink, his expression darkened. "They're together in a band for a long time. After deciding to disband, why do you think she still comes back?"

Hindi ko gusto ang pinupunto niya. At alam kong sinasabi lang niya ang mga ito para sirain si Reon sa akin o ano.

"Tapos na sila."

"'Wag mong lokohin ang sarili mo, Lex." He chuckled under his breath. "They broke up? Yeah, okay. Pero tingin mo hanggang do'n na lang 'yon? I'd known him for years, you know. I told you we're friends for a reason and that goes the same with him. At sa dami ng nagdaang babae sa buhay niya, what do you think is so different about her, huh? Wala... dahil sino bang seseryoso sa mga babaeng katulad niya?"

"Shut the fuck up. Sinabi ko nang 'wag mo siyang pag—"

"That guy had his fair share of fubus before. And unless she was good at bed then I doubt he'll stay with her. No wonder he didn't!"

Basag ang basong hawak niya matapos niya iyong mabitiwan. Ang kwelyo niya'y mahigpit kong hablot sa pagitan ng mabibigat kong hininga. Gustong-gusto ko siyang ibalibag paalis sa kinauupuan at paulanan ng suntok. The only thing that was holding me back was his relation with her. How she begged me not to hurt his brother back at the hospital. The way she tried to understand even if she had all the reasons to hate this bastard.

Humahalakhak siya habang nagpapalitan kami ng tingin. "I see, that sets you off." Pagkatapik sa braso ko'y umiling siya. Sabay taas ng magkabilang palad sa ere. "I'm just messing with you, brother. Seriously."

Matagal kong pinanatili ang mariing tingin sa ungas, binabasa kung ginagago ba niya ako o ano. Pero mukhang hindi ko iyon malalaman dahil pursigido siyang panindigang tarantado siya.

Pabalya ko siyang binitiwan nang matantong wala akong mapapala kung papatol ako, tulad ng sinabi ni Reon.

"She's still my sister, you know—no matter how much I hate her." Naging seryosong bigla ang boses niya.

Kunot-noo ko lang siyang pinagmasdan.

"Why else would I go to the hospital to check on our mother if I don't give a damn?"

Is he spitting out bullshits? Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Julian o ano. At ayaw ko mang isipin at pagtuunan ng pansin ang mga sinabi niya, may ilang pagkakataon pa ring dumaraan iyon sa isip ko. Minsan tuwing nagpa-practice sila ng tugtog. Madalas naman 'pag hindi ako nakakanood doon dahil sa training ko.

Ang pamilyar na pakiramdam ng pagdududa ay muli akong dinadalaw. Pilit ko mang balewalain iyon at ipagtulakan sa likod ng isip ko'y, patuloy pa rin iyon sa pagligid. Animong isang mabigat na paalala.

Naimbitahan silang tumugtog sa music and art festival sa malayong bayan nang dumating ang Summer. Muntik na akong hindi makasama dahil sa pagiging abala ko para sa nalalapit na tournament. Nonetheless, I made myself available for them. Kinausap ko si coach at siniguradong makakasama ako sa summer camp. Kaya't pumayag siyang mag-skip ako ng ilang araw sa training.

"The gentle way? How is it so?"

Tumango ako habang pinagmamasdan at hinahayaan siyang subukang hablot-hablutin ako mula sa suot kong pullover, tulad sa mga match ko sa Judo.

"Unlike other martial arts, Judo doesn't require any equipment." Bahagya akong yumukod palapit sa kaniya bilang bow. "Hindi rin allowed ang mang-injure, manapak, manipa..." Agad kong nakuha ang atensyon niya matapos kong ilapat sa pisngi niya ang palad ko. "O humawak sa mukha ng kalaban. Being its main principle as using your opponent's strength against them tells it all: it's a no violence sports."

While looking up at me, she grinned. "Does that mean I can utilize your strength to counter and throw you if I have the skills?"

Kumawala ang mahina kong tawa. Ibabalibag daw niya ako. Oh, she's trying to be cute. "Gusto mong subukan? I can teach you how."

Ang pangingislap ng mga mata niya'y naudlot ng dinugtungan ko ang sinabi.

"Pero bago 'yon, ipapakita ko muna sa 'yo kung pa'no. That means I'll be needing to throw you first."

Pagkabitiw sa akin ay agad namilog ang mga mata niya. Ang akma niyang pagtakas ay naudlot nang mabilis kong nasapo ang siko niya.

"Sandali!"

"Your feet should be squared like this." Ipinosisyon ko ang mga paa tapat ng kaniya. Sabay abot at bahagyang higit ko sa bandang kwelyo ng itim niyang denim vest.

"Lex!" Purong takot at taranta ang gumuhit sa ekspresyon niya nang umamba ako ng pagbuhat para sa throw.

Ngunit imbes na iyon ang gawin ay hinigit ko siya palapit at pinihit. Tawang-tawa ako habang nakapalibot at nakakulong siya sa mga braso ko.

"Takot na takot? 'Kala mo naman itutumba talaga kita?"

Tiningala niya ako mula sa likod niya, masama ang tingin. Mas lalo lang akong natawa. Ngunit agad iyong napalitan ng mga daing matapos niyang abutin ang tainga ko.

"Aray!"

Pagkabitiw ko'y agad niya akong hinablot at sinubukang ibalibag, ginagaya kung paano kami sa mga open mat practice 'pag nanonood siya. Ni hindi niya ako matangay pero nagpanggap akong naaapektuhan ng paghigit niya. Hanggang sa isinabay ko ang pagkakabaligtad sa hilang ginawa niya.

Sumadlak ako sa buhanginan, kunwaring dumadaing. Siya naman ay muling namilog ang mga mata sa gulat at mangha. Naituro pa niya ako.

"Nakita mo 'yon?"

"That was one hell of a throw!" Ang mga daing ko'y naging totoo nang bigla niya akong dinamba. Pinandilatan ko siya. Tangina para akong malalagutan ng hininga!

"No, it's not! Sinadya mong bumaligtad, 'kala mo sa 'kin uto-uto?" angal niya. Ang bigat ng upper body niya'y tuon sa magkabilang brasong naro'n nakadagan sa dibdib ko.

Sa kabila ng pagkakaubos ng hangin ay nakuha ko pang matawa pagkabawi. "MMA yata ang trip mo!"

Ngumisi sa akin ang babae na animong nanalo siya sa kung ano.

"Ree." Mula sa paghandusay ay sabay kaming napalingon sa boses ng tumawag. Malapit sa isang palm tree ang pigura ni Vance nang sandali kaming pinagmasdan. "Sound check's done, stand-by na raw tayo."

"Okay." Tumayo agad si Reon at lumapit dito habang nagpapagpag ng buhangin sa damit.

Pagkaahon paupo ay pinanood ko pa ang paglakad ng dalawa paalis. Ang kung anong buhol na dumalaw sa sikmura ko'y hindi ko nagustuhan.

"Alexis!" Lumingon si Reon sabay kumpas ng braso. "Halika na!"

Matapos magbuga ng hangin ay umahon ako sa buhanginan at sumunod na sa kanila.

Aside from the hate and blues, doubt had always been a friend of mine. And the same goes for misery attracts company, I guess there were some things that inevitably bud alongside another. Regardless if we wanted to have it or not. Jealousy, being one of those wasn't a pleasant feeling at all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top