16 : Catch fire
Tulad ng paborito kong pelikula
Kung saan kabisa ko ang bawat eksena
Dumating ka nang walang paalala
Kuha mo 'ko sa pagitan ng lungkot at komedya
Mula sa pinakatuktok hanggang sa pinakaibaba at pabalik pa
'Ikaw' pa ang ibig sabihin ng unang linya
***
"Kuya, sa'n pupunta si Mommy?"
Mula sa pagtanaw namin dito ay bumaling sa akin ang kapatid. "She'll be away for a vacation... probably for a couple of months."
Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi tayo kasama?"
Sandali siyang natahimik bago ako nasagot, may kung anong emosyon sa mga mata niyang hindi ko mabasa. "We have school. Hindi tayo pwedeng sumama."
"But she'll be back, right?"
My brother smiled. "Of course. She'll be back. She always comes back."
"Alexis!"
I was pulled out of my reverie upon hearing a familiar voice. Isang lingon at sinalubong ng daliri ang pisngi ko.
Tawa nang tawa ang may saltik na babae habang ako'y nanatili lamang walang reaksyon. Naro'n kami sa hallway, katapat ng homeroom ko.
"Saya mo ah."
She continued pointing at some spots on my face and eventually draw random connecting lines on it. "Dami mo palang nunal. Connect the dots 'yan?"
Pinanood ko lang siya habang ginagawa iyon. Itatanong ko pa lang sana kung bakit siya narito nang makita ko ang hawak niyang kumpol ng papel. Hinarap ko siya para kunin iyon.
"Sa'n mo dadalhin mga 'to?"
"May sakit ka ba? Ba't parang ang tamlay mo?" Ang ngiti niya'y dahan-dahang humupa nang sunod kaming magpalitan ng tingin. "Saan galing 'yung sugat mo? Wala naman 'yan nung nakaraan ah?"
I got it from my father after calling the cops on him the other night. At wala namang nangyari dahil dinaan nila iyon umano sa usapan. My mother's frequent vacation scheme when I was a kid finally made sense. Because apparently, she'd been taking those days away from home in a way of cooling things off between her and my father.
What a fucked up way of reconciliation—or should I call it compensation? Like taking a beating was worth a fucking reward. At bakit pa ba siya bumabalik lagi? Why couldn't she leave that prick for good? She have someone else, right?
I winced a little after recalling the sound and the sight of my father hitting my mom. Ang hindi maipaliwanag na pamumuo ng buhol sa sikmura ko'y hindi nakatutulong.
"Hey. Lex, are you okay?"
I didn't know how or whom I should talk to about it. Pero kailangan pa ba?
Pagkapaling ng ulo ay maigi ko siyang pinagmasdan. "Ganitong-ganito 'yung mukha ng mga naghahabol sa 'kin."
Bahagya siyang napaatras. "Wow? Ano raw? Naghahabol? Ako? Sa 'yo?"
Her laughter was cut off after hearing me say, "Oo, tulad nung mga aso ng kapit-bahay—kamukha mo kasi." Mabilis kong nailagan ang hampas sana niya sa braso ko. Ngayo'y ako naman ang pang-asar na tumatawa sa kaniya.
"Bwisit kang shit ka."
Pikon. "Bwisit na nga shit pa. Angas mo naman po, Ate."
Nauwi sa paglakad-takbo ang muli kong pag-ilag sa isa na naman niyang hampas. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa hallway pero wala akong pakialam.
"'Yung term papers akin na hoy!"
Sinamahan ko siyang dalhin ang mga 'yon sa English Faculty.
"Nag-lunch ka na?"
"Malapit na," tugon niya habang nilalakad namin ang hallway. Magsasalita pa lang sana ako ulit nang bigla siyang sumigaw. "Nagi!" Sabay kaway, malaki ang ngiti.
Lumipad patungo sa direksyon namin ang atensyon nito, ang gulat ay pinta sa ekspresyon nang magsalit sa amin ng tingin.
"Ate Reon..."
"Lunch? Tara, sabay ka na sa 'min."
Hindi na nakasagot si Nagi nang ibinigkis ni Reon ang braso rito at dire-diretsong bumaba ng hagdan. Sumunod ako sa likod nila. Masama ang tingin ko't parang gusto kong tabasin ang magkalingkis nilang braso.
Kumukumpas ako ng chop pagkalabas namin ng building ng nilingon ako ni Nagi. Natigilan ako agad sa ginagawa para lang tapunan siya ng nagtatanong na tingin.
Wala siyang sinabi bago ako binalewala pero hindi nakawala sa paningin ko ang gumuhit na ngiti sa mukha niya.
I scoffed in disbelief. Naituro ko pa siya kahit nakatalikod na uilt sa akin. That was a fucking smirk, wasn't it?!
Sa inis ko ay umamba akong muli ng chop sa hangin, ngunit ngayo'y nakaasinta na mismo sa kaniya. Akala yata ng isang ito ay nanalo siya sa kung ano.
Ang abala sa pagsasalitang si Reon ay natigilan nang sumulpot ako sa kabilang gilid niya, sabay kawit ng braso ko sa kaniya.
"Ano bang trip natin today?" Alanganin siyang tumawa matapos pasadahan ng tingin ang pwesto naming tatlo sa paglakad.
Ibinalik ko naman ang ngisi ni Nagi sa akin kanina pagkatyempong baling niya. Nanalo ka pala ah.
"One, two!" Salitang iniangat ni Reon ang magkabilang binti patagilid sabay ng paglakad, animong rumarampa o ano. "Sabayan n'yo ko! Dali—one, two! One, two!"
"Para namang gago," angal ko sabay angat din ng binti alinsunod ng kaniya. "One! Two! One—"
Bumunghalit ng tawa ang may saltik na babae. Pinagtitinginan na kami ng mga nakakasalubong sa pinaggagawa't ingay namin. Si Nagi ay napatakip ng mukha sa kahihiyan, pigil ang mga tawa. Patuloy naman ako sa pagbilang kasabay ng ginagawa.
"Kaliwa! Kaliwa kanan kaliwa! Hoy ayusin mo!" singhal ko ng 'di na kami magkasabay dahil sa katatawa niya. Natagpuan ko na lang ang sariling nakangiti pagkatapak namin sa cafeteria.
Sandali pa akong natigilan sa paglapag ng hawak na tray sa lamesa nang magpalitan kami ng Tingin ni Nagi. Sa tabi niya ang bakanteng upuan. Pagkaupo ko ro'n ay agad akong sinalubong ng ngiti ni Reon sa tapat.
"Kain na!"
Nagbuga ako ng hangin at inumpisahan na lang ang pagkain.
"Thank you!"
Para lang matigilan sa akmang pagsubo ng makitang may inilagay si Nagi sa plato ni Reon. Kunot-noo kong sinuri ng tingin iyon.
"T'yan ng bangus?"
"Paborito niya..." Nagpalitan kami ng tingin ng nagsalitang si Nagi.
"Ayaw kasi ni Nagi nito."
Bahagya kong naitabingii ang ulo ng bumagsak ang tingin ko sa sariling plato. Mabilis akong nagdesisyon ng sumandok ako ro'n para ilipat sa plato ni Reon.
She blinked at me in question.
Ngumiti naman ako. "Ayaw ko ng kalabasa."
Kumurap siya ulit.
"Iyo na lang."
Pagkangiwi ay iniamba niya sa akin ang kamay na may hawak na kutsara. "Ba't mo binibigay sa 'kin? Kung ayaw mo, ba't ito pinili mo?!"
"O, may sitaw pa baka gusto—"
"Ubusin mo nga 'yan! Parang bata."
"Galit agad."
Someone snorted. Sandali kaming natahimik bago nagsalita ulit si Reon.
"'Di ba same lang kayo ng building? Bakit hindi kayo sabay mag-lunch?"
"'Di ba magkakilala kayo ni Julian? Bakit hindi ko kayo nakikitang nag-uusap?" balik kong tanong imbes na sagutin ang tanong niya. Na parang gusto kong bawiin. Dahil sa pagkakatigil niya at biglaang pagkakabalisa. Parang nakakain ng sirang pagkain o ano.
"We can have lunch together like this," salo ni Nagi.
Pilit lang na ngumiti si Reon dito at hindi na nagsalita pagkatapos. Samantalang buong sandali ko namang iniisip kung paano babawi sa nasabi ko. Tangina? Isa na nga yata sa mga ipinagbabawal na salita ang pangalan ng ungas.
"Pupunta kang ospital mamaya?" maingat kong tanong nang pabalik na kami sa mga building namin.
She nodded then gasped all of a sudden. "Shit, shit! 'Yung mga art com nakalimutan ko!"
"Huh?" kunot-noo ko.
Matapos lumipad ng ilan pang mura ay nagpaalam siya sa amin ni Nagi at saka naghahadaling tumakbo paalis. Isang lingon at nagkatinginan kami ng kasama, parehong lito.
Dismissal nang tinungo ko ang music room sa third floor kung nasa'n si Reon. Habang naglalakad ay rinig ang mahinay na tunog ng isang organ sa kahabaan ng tahimik na hallway. Pamilyar ang tono niyon. Na siyang natanto ko lang nang marinig ko ang pagsabay nang malumanay na boses.
Supermarket flowers.
Bumagal ang hakbang ko. Mula sa parihabang salaming bahagi ng pinto ay sandali ko pang pinanood si Reon sa loob. Tanaw ang bakanteng hilera ng mga upuan sa likod niya habang kaharap at tumitipa siya sa organ. Her short midnight-blue hair was in a messy half-bun. As her voice reverberated in the room basking with the rays of the setting sun, the scene looked divine. As if an angel unknowingly descended from the heavens. Never mind that she had on a green pair of socks in her yellow chuck.
Marahan kong tinulak pabukas ang pinto nang huminto siya sa pagtugtog. Hawak ang lapis, abala na siya ngayon sa kung anong sinusulat at ginuguhit.
"Sino 'yan?" Leaning a bit, I was scrutinizing her portrait sketch when she turned her head to me. Pagkapaling ko ng atensyon pabalik sa kaniya ay napako ang tingin namin sa isa't isa. Tatlong pulgadang distansya.
"Someone." Dumapo ang tingin ko sa labi niya matapos kumurba niyon sa isang ngiti. Nagbalik siya ng atensyon sa ginagawa at muling naging abala. Ang kaninang pinagsusulatang papel ay isinilid niya sa ilalim ng pinagguguhitan.
Naiwan pa ng ilang sandali ang tingin ko sa kaniya bago ako mabagal na napatango. I was pursing my lips as I watched her glance back and fort from her phone to her sketch. Kalaunan ay humila ako ng isang upuan. Sandig ang mga braso ko sa sandalan niyon habang patuloy akong nakatunghay sa ginagawa niya.
"My mom left."
Natigilan siya sandali para sulyapan ako.
"She used to... mula no'ng bata pa kami." Tumikhim ako. "Kada pagkatapos nilang mag-away ni Dad."
"Where did she go? She's... she won't be gone for good, is she?" Tuon na ang buo niyang atensyon sa akin, hinihintay akong sumagot.
I shrugged. "I don't know where. But she'll come back."
Nasa akin pa rin ang tingin niya. "Do you miss her?"
Kumawala ang tawa ko sa narinig na para akong nakarinig ng isang biro.
"Bakit?"
Umiiling, binasa ko ang labi. Natatawa pa rin ako nang magbalik ng tingin sa kaniya. "I don't know. Not sure. No?" Naalala ko lang yata dahil sa kinanta niya kanina.
"Okay..." After narrowing her eyes a bit at me, she smiled. Tuon na ulit ang atensyon niya sa ginagawa nang hindi na ako nagsalita. Sabay bigla niyang deklara, "You miss her."
I let out a mocking laugh. Hindi na ako nakipagtalo. Edi sige.
Itinukod ko ang baba sa mga braso at pinagmasdan siya. Ang bawat takas na buhok sa gilid ng mukha niya. Pag-angat baba ng mga kilay. Pagkurap ng seryosong mga mata. Pagkurba nang maninipis na mga labi.
Hindi ko alam pero sa tuwing titignan ko siya, para bang ang dali ng mga bagay. She made it look like everything was effortlessly easy—just like breathing. Para bang may sarili siyang paraan ng paghinga o ano. At gusto ko 'yong sabayan.
Seeing how she always try to give her best to overcome every hardships had been my source of courage to try again.
"I decided going back doing judo."
Both corner of her mouth immediately stretched for a smile as her head snapped up at me. Ang kulay kahel na sinag nang papalubog na araw ay tila gintong tumama sa nagliwanag niyang ekspresyon. Nakangiti na rin ako nang hindi ko namamalayan. Mukha kasing mas excited pa siya sa pagbalik ko ro'n kaysa sa 'kin.
"You did? Kailan pa? Sasali ka na ulit sa mga tournament?"
Bahagya akong umiling. "Nope, I don't think so. Kababalik ko pa lang, depende pa."
"I'll cheer on you." Ipinantapik niya ang kamay na may hawak ng lapis sa dibdib. Ang pintang ngiti ay mas lumawak. "So you better join! Gusto mo may pompoms pa 'tsaka board!"
Kumawala ang mahina kong tawa sa pagkakatuwa niya. Lumaki rin tuloy ang ngisi ko. "May fangirl na pala 'ko. Ayos. Gusto ko may choreography 'yung cheer ah."
"Demanding naman," she whispered while chuckling under breath, eyes now back on her sketch.
Sandali kaming natahimik. Hanggang sa binitiwan niya ang lapis nang matapos siya sa ginagawa. Isa-isa pa muna niyang kinunan ng piciture iyon. Pagkakuha sa bag na naro'n sa gilid ng organ sa sahig ay may inilabas siyang clear folder. Mula sa maraming okupadong pahina ro'n ay isinuksok niya ang natapos na sketch.
"Tapos na!" She heaved out a heavy sigh after stretching both of her arms up.
Bumagsak naman ang tingin ko sa clear folder. "Ano 'yan, portfolio mo?"
Pinipisil na niya ang mga balikat nang bahagyang ngumiti. "Parang." Pagkasinop ng iba pang gamit ay binitbit na niya ang bag at tumayo.
Sumunod naman ako sa kaniya palabas ng music room. "Sa'n tayo?"
"Delivery!"
Habang nilalagay namin ang bawat sketch niya sa tig-iisang folder ay hindi ko maiwasang tahimik na mamangha sa pagpuna ng mga detalye niyon. Mula sa ilang caricature ay kita ang busisi ng pagkakagawa. Isa-isa namin iyong ibinigay sa mga kliyente niya. Kada abot ni Reon sa gawa ay sandali pang magtatagal ang tingin sa akin ng mga ito. Parang may gustong sabihin o ano.
"Salamat."
Pahikab-hikab pa ako nang masulyapan ko ang pagngiti ng huli niyang kliyente bago ito tumalikod sa amin.
"Okay na? Tara?"
Naro'n kami sa 7eleven pasado alas nuebe nang matapos naming maibigay ang karamihan sa art commissions niya.
"O." Pagkababa sa lamesa ng bote ng soy milk ay naupo ako sa stool na katabi ng inuupuan niya. Inabot ko agad ang kanan niyang kamay at dinala palapit sa akin.
Nagulat, bahagya niyang binawi iyon pagkaahon mula sa pagkakadukdok. "Bakit?"
Nagpalitan kami ng tingin sandali bago ko inilapag ang box ng plaster sa mesa. Pinagmasdan ko nang mabuti ang kamay niyang hawak ko matapos. Bawat daliri, harap at likod niyon. Nagsalubong ang kilay ko.
Hindi ko alam kung gaano niya katagal ginawa ang mga portrait sketch pero sa dami niyon, mukhang kakalyuhin nga ang daliri niya.
"Nag-drawing ka nang may sugat?" Kumuha ako ng plaster mula sa box.
She started sipping on the straw while watching me. "Ang liit-liit lang n'yan, 'di naman masakit."
Sumulyap ako sa kaniya bago kumuha ng bagong plaster.
"Bukas ulit?" tanong niyang bigla, bahagya nang namamalat ang boses.
"Ang alin?"
"Lunch. Si Nagi isabay mo... pagpunta sa cafeteria."
Natigilan ako matapos mailagay ang panghuling plaster sa daliri niya. Tuon ang tingin ko ro'n nang magsalita ako gamit ang mababang tinig.
"Stop it."
"Hmn?"
Pumako ang tingin namin sa isa't isa nang mag-angat at magtuon ako ng tingin sa kaniya. I didn't want her having the wrong idea. Kaya't sa seryosong tinig ay klinaro ko ito, "Ikaw ang gusto ko, Reon, hindi siya. Playing cupid just to make Nagi and I closer won't change that."
Natigilan siya sa paghigop mula sa bote. Blinking, she swallowed hard as we exchange gazes for the next while.
"Hmn." Hanggang sa magbitiw siya ro'n makalipas ang ilang sandali. Binawi niya ang kamay ngunit nang hindi ko binitiwan ay muling bumagsak sa akin ang tingin niya.
"You don't have to force yourself to do anything about me. I know what I'm doing so just please... let me."
Mula sa kaunting pagkakagulat ay lumamlam ang ekspresyon niya. Brows knitting a bit, the hesitation painting on her expression was washed over by a small, tight smile. Matapos magbuga ng hangin ay bumagsak ang tingin niya sa kamay na hawak ko.
"Lex..."
Hinintay ko kung ano pa man ang sasabihin niya ngunit hindi niya iyon itinuloy. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Natigilan ako sandali sa paghinga. Ngunit ang inaasahan kong gagawin niyang haplos do'n ay nauwi sa kurot.
"Ah." Nasapo ko ang pisngi. Tangina. Ang seryoso ko rito ah?
"Cute mo."
Isang lingon at napangiwi ako sa inis nang makitang tumatakas na siyang paalis.
"Hoy!" Hindi ko alam kung saan doon ako unang magrereklamo. Sa pisil o sa cute mo.
Groaning in frustration, I ran my fingers on my hair until I ended up messing it while spitting out curses endlessly.
Pet talaga ang tingin sa akin ng isang ito, sigurado na ako.
"Hoy, Reon!" Malapit ko na talaga siyang kagatin.
Tatlo lang kami sa hapag, isang weekend. Halos mag-iisang linggo na mula nang umalis si Mommy. Sa isang araw na ang eleksyon kaya tingin ko'y pagtapos pa niyon siya uuwi—kung babalik pa nga ba siya.
"I heard you went back doing judo, Alexis," panimula ni Dad.
Tuon ang tingin ko sa pagkain nang maaninag ang pagbaling sa akin ng nasa tabing si Xander.
"Finally, a sensible decision!" Humalakhak siya. "You should start with your training nang makasali ka na ulit sa tournament. It only had been two years since you quit, right? That's fine, madali ka namang makakahabol sa mga ka-team mo."
Hindi ako sumagot nang mag-umpisang mamuo ang tensyon sa panga ko. Nanatili ang atensyon ko sa ginagawang pagkain kahit parang unti-unti na akong nawawalan ng gana ro'n.
"It's even surprising that your coach take you back after what you've done. Kaya 'wag mong sayangin ang pagkakataong binigay ngayon sa 'yo. Don't disappoint us again, Lex."
Pagkasinghap ay binitiwan ko ang kubyertos. Ayaw ko nang alalahanin ang mga nangyari noon, lalo nang dahilan kung bakit ako umalis sa team. Ngunit hindi ko kayang kontrolin ang pagbuhos ng mga pagdududa sa akin.
He probably paid my coach to take me back. And he could do it all over again: paying my way up to the top. Pero hindi naman ako bumalik para lang doon. At kahit gaano ko pa kagustong bitiwan iyon ulit para lang patunayan sa kaniya ang intensyon ko, hindi ko na 'yon gagawin ulit. Hindi ko na bibitiwan ang mga bagay at taong gusto ko dahil lang sa pangingialam niya.
"I don't want to be your fucking puppet!"
"He had it in him."
Mabigat ang paghinga, ang mga salitang gusto ko sanang sabihin ay hindi ko nasabi nang magsalita ang kapatid. Kunot-noo ko itong nilingon sa tabi.
"Once he put his mind to it, he can do anything." Kumurba ang isang hapyaw na ngiti sa labi niya matapos akong sulyapan.
Hindi ko alam kung para saan ang biglaang paninikip ng lalamunan. Sa tinagal na panahong pinagbuntunan ko ng galit at sisi ang pamilya ko, ngayon ko lang natantong narito sila—narito pa rin sila.
One glance at the seat across from mine where my mother used to sit, I gasped, got up from my seat and left the table.
Stupid fucking tears.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top