15 : Keep it
Umatras ako ng isa
Tumalikod siya
Para humakbang ng dobleng layo
Magkabilang banda
Doon nga siguro naaayon tayong dalawa
***
Ramdam ko ang bigat at pagod ng katawan pagkaharap sa mga pulis. Tila wala ako sa sarili habang kinukuhanan ng statement, tungkol sa gulong nangyari kagabi sa Retro Lounge. Someone got stabbed or something.
Nang tuluyang makaalis ang mga ito'y 'tsaka ko lamang pilit sinubukang alalahanin ang mga nangyari. Sina Reon at Vance, Nagi at Julian pati nang higanteng babae. Did I... oh, I got wasted and stoned last night.
"Since when did you start hanging out in that bar?" si Mommy.
Since when did you care?—gusto ko sanang sabihin, ngunit imbes ay kunot-noong bumagsak ang tingin ko sa kung anong napansin sa braso niya. Na siyang mabilis naman niyang itinago sa suot na robe at pagkrus niyon sa tapat ng dibdib.
Pasa. "Sa'n galing 'yan?" Malalaki iyon at hindi normal.
"Stop going there for the mean time." Bahagyang namutla at napaatras si Mommy nang hinarap ako ni Dad. "Ilang araw na lang at eleksyon na. Baka dahil sa mga katarantaduhang pinapasok mo'y bumagsak pa ang ratings ko!" Mula sa akmang pagtalikod ay muli niya akong binalingan, tila nagpipigil o ano. "Why don't you stop involving yourself in any trouble for good? Nang may maganda ka namang magawa!"
"Wala akong kinalaman sa gulong nangyari ro'n."
"Tinatanong ba kita?!" Bumwelo siyang bigla ng pagbuhat ng kamay.
"Alex!"
Mabigat ang paghinga at namimilog ang mga mata sa galit, halos makasugat ang nanlilisik niyang tingin sa akin. Wala naman akong ibang ginawa ro'n kundi ang manatiling nakatayo para suklian siya ng tingin, hinihintay na ituloy niya ang gagawin.
I waited for a while more but he didn't do anything. And he sure as hell can't make me do what he wanted me to.
You:
Anong nangyari kagabi?
Julian:
What you mean? Did you space out to mars?
You:
I can't remember shit
Julian:
Hahaha ur kidding right?
You:
Gaano kahirap sagutin yung tanong ko?
Anong ginawa mo ron?
Julian:
Oh, brother
Let me give you a rundown then
You got wasted, looking like ur having the best night of your life
You keep talking about a girl with another girl
Partied like an animal
Ano?
Julian:
Did you get dumped?
Hahahaha
You:
What the fck r u talking about
Julian:
That cunt who have a whore of a mother—reon? Siya ba?
U can't be serious about liking her
Humigpit ang hawak ko sa phone nang tuluyang magbalik sa akin ang mga nangyari. I didn't know exactly where my anger was coming from, as a twitching pain started crawling inside me altogether. And I was itching to let it all out.
You:
Nandito ka pa ba sa crestfall?
Julian:
Still am. Y?
You:
Kita tayo
Kay aga kong naro'n sa convenience store dahil ayaw kong manatili sa bahay. Igting ang panga, pagkatanaw ko sa pagparada ni Julian ay agad na akong tumayo. Pagkababa niya ro'n at saktong pagpasok ay bumuwelo ako at sinalubong siya ng suntok.
Ang sinasabi niya'y hindi na naituloy matapos sapuhin ang panga. Malinaw ang gumuhit na gulat sa namimilog niyang mga mata nang bumaling sa akin.
Ang bumalot na katahimikan sa convenience store matapos ay hindi normal.
"Call her names again and I'll assure you a punch won't suffice," mutawi ko sa blangkong ekspresyon habang direkta ang tingin sa kaniya, kasalungat ng kuyom at halos manginig kong mga kamao.
Mula sa pagkakagulat ay napalitan ng mangha ang ekspresyon niya, hanggang sa dahan-dahang napahalakhak. Binasa niya ang labi at napahimas sa panga matapos.
"I see." Mabagal siyang humakbang palapit. While nodding slowly, he jabbed a fist on my chest as the corner of his mouth slowly rose for a mocking grin. "You're making a mistake, Lex. You're not seeing this right.
"Remember when I told you we're the same?" An amused chuckle. "That's because I created you, you fucker! Narinig mo 'yon? If it weren't for me, you'll be no one—you'll be nothing. Tulad ng tingin mo sa sarili mo."
My fists are clenched as I watched the grin widened across his face.
"A mould, you said—or whatever the fuck it's called. You hated it, right? But who's trying so hard now to sink himself just to fit in in someone else's mould, is what I'm saying." Matagal kaming nagsukatan ng tingin, walang gustong magpatalo. "Don't try so hard, brother. You'll only hurt yourself."
With another jab, he turned around to make his leave. Sinundan ko lamang siya ng tingin.
Bandang hapon nang matagpuan ko ang sarili sa tapat ng mataas na hagdang stonepath. Ang pagtapon ng kulay kahel at papalubog na araw ro'n ay nagbigay ng kalma sa akin. Inumpisahan kong hakbangin ang bawat baitang patungo sa bahay nina Reon matapos.
I shouldn't be here. Pero 'di ko maintindihan kung bakit gusto ko pa rin siyang makita.
Ilang hakbang na lang ako mula sa pinakataas niyon nang huminto ako pagkakita sa pag-upo niya sa isang baitang. Sapo niya ng magkabilang palad ang mukha at bahagyang nanginginig ang mga balikat. Ang mga hikbi niya'y mahihina at halos pigil na para bang ayaw niyang may kahit sinong makarinig.
Matapos ko siyang pagmasdan ng ilang sandali ay walang imik akong lumapit at naupo sa parehong baitang katabi niya. Nagbuga ako ng hangin kahit parang gusto ko na lang siyang yakapin. Ang galit at sakit na naramdam ko kanina ay ang daling naglaho at nilipad ng hangin. Kailangan ko lang pala siyang makita.
"Problema?"
Pagkasinghap ay bigla siyang nag-angat ng tingin.
"Lex? Anong... bakit ka nandito?" Her swollen eyes looked tired from the hues of the setting sun.
And as much as I wanted to tear my gaze away from her, for some reason I couldn't. Quietly, I just kept staring at her for the next while, thinking.
She was never the answer and I'd always known that from the beginning. She couldn't be my way of escape and I was bluffing no one but myself. Dahil napakadali para sa 'king gumawa at makisali sa gulo kahit wala siya. At siguro nga hindi ko naman talaga gustong maging malaya at umalis sa lugar na 'to. Siguro nga, gusto ko lang na magkaroon ng ligtas na lugar sa katauhan ng ilang tao. And I think I've found one with her—I've found a safe space with them.
Maybe freedom wasn't about escaping but belonging, after all.
I extended an arm and come a little closer to reach for her face as I wipe away the tears on her cheek with my thumb.
"Sino na namang nagpaiyak sa 'yo?" pabiro kong untag nang may hapyaw na ngiti. "Iyakin. Ano, sapakin ko na lang. Sino ba 'yan?"
Pagkabawi ko ng kamay ay agad siyang nagbitiw ng tingin. Umiiling, suminghot siya at pinunasan ang panibagong luhang tumulo. Sinubukan niyang tumawa ngunit bahaw ang kinalabasan niyon.
"Ang dami ko lang hindi maintindihan. Alam mo 'yon? One moment I was happy then something will happen and the next thing I know..." She end it with a shrug. "Nasa ospital ngayon si Mama... hindi na raw advisable na magtrabaho pa siya dahil kailangan na raw niyang mag-undergo ng treatment sabi ng doktor. And I'm actually supposed to be at my part time job right now but I can't..." She trailed off, heaving out a shaky sigh. Then continued, "Parang... lagi na lang mabigat. Hindi na ba gagaan? Hindi ba ako pwedeng maging masaya lang?"
Bumagsak ang tingin ko sa sariling mga palad. I shouldn't be asking this but, to hell with it. "Hindi ba kayo... nagkabalikan ni Vance?"
Ang tagal bago siya nakasagot, mukhang nagulat sa tanong ko o ano.
"No, we haven't but—how did you know about us?"
I shrugged with nonchalance. "Wasn't hard to tell." Pero sandali. Napabaling ako sa kaniya. "You didn't get back together?"
Flinching, pain crossed her expression before she managed to slightly shake her head no.
Kumunot naman ang noo ko.
Hindi? Ano 'yong nakita ko kahapon?
Sa kabila ng pagtataka ay may sumibol sa aking kaunting tuwa—na siyang agad kong isinantabi nang matantong masakit sa kaniya iyon. Ang gago ko naman kung matutuwa ako pero... gago naman talaga 'ko.
"Tungkol kay Julian... paano kayo nagkakila-kilala?"
She instantly turned uncomfortable, hindi na makatingin sa akin.
"Covy's family are into politics too—their parents are pairing them up. And he's... he's also friends with Vance."
"At ikaw?"
Swallowing hard, it took her a few moments before saying this in a small voice, "Can we not talk about him?"
Nagtagal ang tingin ko sa kaniya, pilit iniisip kung saan nanggagaling ang galit ni Julian. Maybe I should've asked the bastard earlier.
"Inom?"
Mahina siyang natawa. "Gusto mo ba 'kong maging alcoholic o ano?"
"Ano na lang ang gusto mo? May kinain ka na ba mula kanina?"
Isa-isa nang nagsisibukasan ang mga poste ng ilaw, hudyat ng tuluyang paglubog ng araw.
Shaking her head, she wiped the remains of her tears and composed herself. "I shouldn't be moping here. Kailangan kong pumasok sa part time ko." Sabay tayo.
Now that's the crazy girl I know. But, "Kumain ka muna." 'Di na naman yata ako narinig.
Bumuntonghininga na lang ako nang dire-diretso siyang nagtungo sa bahay nila. Sumunod ako, ang buong akala'y gagawin niya ang sinabi ko o ano. Ngunit mabilis din siyang lumabas doon, dala na ang bag at mukhang naghilamos lang. Pinupusod niya ang maikling buhok nang nilampasan ako.
"Reon." Wala akong ibang nagawa kundi ang muling sumunod sa kaniya pababa ng stonepath. "Hoy."
"Pagkatapos."
"Pagkatapos ng ano? Shift mo? 'Tsaka ka lang kakain? Gusto mong sumunod sa ospital?"
"Pagkatapos ko sa part time, pupunta akong ospital, tama."
Nahilamusan ko ng palad ang mukha. Babaeng 'to.
Nagulat pa siya ng sumakay din ako sa tricycle.
"Sasama ka sa part time ko?"
"Sa'n ba 'yon?"
"Alam mo, umuwi ka na."
"Alam mo, wala ka namang magagawa."
Bumaling ako sa kaniya ng matahimik siya. She was staring at me with a frown on her face. Pero hindi ko lang talaga siya maseryoso dahil sa namamaga niyang mata, para kasing batang inaway at napikon.
"Anong gagawin mo ro'n?"
Pinapanood ko siyang mag-abot ng flyers sa mga nagdaraan para sa promo ng isang resto bar. She was smiling from ear to ear for everyone like she didn't have a breakdown earlier. And for some reason, I failed to see the sight in any way pleasing.
Pagkasapo sa braso niya ay kinuha ko ang hawak niyang flyers. Ipinalit ko ro'n ang isang brown bag na may lamang takeout.
"Ako na rito, kumain ka muna."
"Huh?"
Inumpisahan kong abutan ng flyer ang bawat taong nagdaraan.
"Huy, ako na 'yan!"
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang naupo siya sa upan ng table sa labas ng restobar at inumpisahang kumain.
Ang sarap batukan ng mga nagdaraang tumatanggap nga pero itinatapon naman kung saan nang hindi man lang tinitignan. At nakakairita man pero mabuti pa 'yong ibang parang walang nakikita, kahit halos isampal ko na sa mukha nila 'yong inaabot kong flyer.
"Si Alexis 'yan 'di ba?"
"Hala?"
"Ba't siya namimigay ng flyers?"
"Ewan."
"Baka dahil do'n sa saksakang nangyari sa isang bar kagabi. Ang alam ko naro'n daw siya."
"Ano 'yan, parusa ni Mayor?"
"Siya ba 'yung nakasaksak?"
"Gagi, marinig ka."
Napaigtad ang isang grupo ng mga kabataang nagdaraan ng masalubong ang tingin ko. Bumilis ang lakad ng mga ito matapos, pasulyap-sulyap pa rin sa direksyon ko kahit palayo na. Binalewala ko na lang at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Natatawa si Reon nang lumapit ako sa kaniya matapos kong maubos ang flyers. Kunot-noo ko naman siyang sinipat, nagtatanong.
"Hindi ko alam kung promotion ba ang ginagawa mo o pananakot." She was laughing as she pointed at my face. "Hindi ka man lang ngumingiti!"
Sarkastiko ko siyang binigyan ng ngisi. "Anong gagawin ko kung ganito talaga mukha ko?" Napapailing, bumulong-bulong pa ako sa hangin. "'Pag pangiti-ngiti 'di raw seryoso sa buhay, 'pag normal na ekspresyon naman masama raw ang loob. Sa'n ba naman lulugar?"
Lumakas ng bahagya ang tawa niya, narinig yata ang sinabi ko.
"Have you heard the word balance before? 'Di pa 'no?"
"Ano 'yan?" Tumango ako sa direksyon ng nakaunat na tissue sa harap niya. May kung ano kasing nakasulat do'n.
"I made you a poem." She waved it briefly in the air, a smile on her face.
"Uh-huh." Sumandig ako sa lamesang nasa pagitan namin, tuon ang buong atensyon sa kaniya. "Parinig nga."
Clearing her throat, she started reciting, "He's sturdy like an oak tree, but easily catches fire like a grumpy. He says he's a bad guy, but in all honesty he's just a softie. He's always there when I need him, even more so when I say I don't.
"And now here we are standing at the border, but fear is clouding my sight as I wonder. Caught in between staying or crossing the line further. Will everything be worthy or will it just be another heartbreak to get over?"
Pagkaunat niya ng tissue sa lamesa ay matagal kaming nagpalitan ng tingin mula sa magkabilang banda ng table. Ang biglang pagkalabog ng dibdib ko'y hindi makatarungan.
She snorted and bursts into a fit of uncontrolled laughter afterwards. Aktong kukunin niya ang tissue para isama sa mga basura nang pinigilan ko siya.
It was probably just another one of her jokes but I don't give a damn. "Ba't mo itatapon?" Kinuha ko iyon.
She shrugged. "Keep it, then."
Matapos dumaan sa bahay nila para kumuha ng mga kakailanganin ng nanay niya ay nagdiretso kami sa ospital. Dis oras na ng gabi ng maihatid ko siya pabalik sa kanila.
"Magkano bang kailangan para sa treatment?"
Umiling siya agad habang inaakyat namin ang stonepath. "It's fine, I'll do something about it."
"I can lend you a spare of my allowance—"
"No, it's okay," putol niya sabay baling sa akin, may hapyaw na ngiti.
Nagtagal lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa huminto siya sa pinakataas ng stonepath. Pagkaalis ng strap ay iniabot ko sa kaniya ang bag niyang bitbit ko.
Gusto kong banggitin ang tatay niya ngunit hindi ko na ginawa. Imbes ay iminuwestra ko ang daan pababa para magpaalam na ng pag-alis. She just nodded at me with a tired smile still plastered on her face.
"Lex!"
Suksok ang magkabilang kamay sa suot na jeans, nakakailang hakbang na ako pababa ng matigilan. Pagkalingon ko'y naabutan ko siyang bumababa pasunod.
"Bakit?"
Huminto siya isang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Ang kislap na namuo sa mga mata niya'y hindi ko sigurado kung galing ba sa naninilaw na liwanag sa poste ng ilaw o dahil sa ibang dahilan.
"May nakalimutan ka pa b—"
Nasimento ako sa kinatatayuan nang bumalot sa akin ang mga braso niya para sa isang yakap. I could feel her breathing as her hair brushed the side of my face. For a second, I thought she was crying when I tried to reach for her back with my palm. I started stroking it lightly.
"Hoy. Bakit?"
"Salamat."
I was taken aback for the second time. Iba't ibang hindi mapangalanang emosyon ang sabay-sabay na umatake sa akin. Ni hindi ko mamamalayang akap ko na rin siyang pabalik kung hindi siya bahagyang bumitiw.
Facing me then, she placed her palm on top of my head, ruffling my hair. Handa na akong umangil ng reklamo kundi ko lang nakita ang magaang ngiti sa mukha niya.
"Ingat ka sa pag-uwi." With a last pat, she turned around and ascended on the remaining steps of the stonepath.
Para naman akong tangang tumunganga ro'n at pinanood pa siyang patalikod na naglalakad habang kumakaway sa akin.
Sapo ang ulo, kalaunan ay napakamot na lang ako ro'n bago nag-umpisang lumakad paalis. May pintang ngiti sa labi na siyang agad naglaho nang makatapak ako sa bahay.
"We're have you been?" malamig na bungad sa akin ni Xander nang mahagip ng tingin ang pagpasok ko mula sa main door.
Babalewalain ko na lang sana ito nang makarinig ako nang malakas na kalabog mula sa hallway na pinanggalingan niya. Nasundan ko ng tingin ang kapatid nang dali-dali itong tumungo pabalik do'n.
"Mom!"
Kitang-kita ko kung paanong walang habas na dumapo ang palad ni Dad kay Mommy sabay ng eksaktong sigaw ni Xander. Sa lakas niyon ay humantong ito sa sahig.
Walang pasubaling binalot ng lamig ang sikmura ko. Hindi ko makuhang gumalaw ni huminga nang maayos nang tila matulos ako sa kinatatayuan.
"Dad--Dad, please tama na!"
"Dis oras na ng gabi may tumatawag pa sa 'yo? Sino bang tarantadong Danny na 'yan?!"
"Dad!" pigil ni Xander sa muli sana nitong pag-amba ng sugod.
"I told you he was no one, Alex! You're just being paranoid!" Ginagap ni Mommy ang sarili at tumayo, sapo ang namumulang kalahating parte ng mukha.
Ano 'to? Anong nangyayari?
"Paranoid? Ako pang gagaguhin mo? Bakit ka tatawagan n'yan ng ganitong oras kung hindi mo 'yan lalaki?!"
"Dad!"
"'Wag kang makialam dito, Xander!" anito, duro ang kapatid ko.
"Oh, God. Ano bang paliwanag ang gusto mo pang marinig? I already told you that he's calling for the coming campaign parade—"
"Dad! Dad, please!"
Hindi ko napakawalan ang singhap nang walang habas na sumadlak si Mommy sa pader, dahil sa ginawang pagsunggab ng sakal ni Dad.
Naro'n ako, nakatayo. Hindi makagalaw, walang magawa at tila paralisado ng kalituhan at nabubuhay na takot at panlulumo. Kuyom ang magkabilang kamao para sa namumuong galit na hindi ko alam kung saan o kung kanino ko ibabaling.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong may gawin. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang matulos sa kinatatayuan, habang pinanonood ang unti-unting pagguho ng bagay na hindi man perpekto ngunit buo at matibay—o iyon lang marahil ang inakala ko noon. Dahil tulad ng pagkaka-peste, at saka lamang mapagtutuunan ng pansin ang mga pinsala kung kailan malala na iyon.
The same goes for how some things only made sense in the end—we could only see that something truly matters when we're standing at the edge of its impending destruction.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top