14 : Congratulations


Kahit ilang beses kong punitin at ulitin

Hindi ko na mababago ang mga nakatala

Sa luma nating pahina

Wala na marahil tamang salita

Kundi paalam at pagpapalaya

***

"I looked at him dead in the eyes and told him to go fuck himself and die."

Muntik nang naibuga ni Naik ang iniinom nang mapabunghalit ng tawa, habang nakikinig sa pagkukwento ng higanteng babae. It got something to do about her ex breaking up with her.

"Poor guy," kumento ni Vance. Ang katabi nitong si Reon ay nakangiwi at bahagyang natatawa habang umiiling. Si Naik ay tawa pa rin nang tawa.

Umakto ang higanteng babaeng nasusuka sabay singhal nito, "Kasalanan ko bang marami siyang insecurities sa buhay niya? If he can't get over himself and level with me then that's not my problem! It's not my responsibility to fix him or whatever! I'm not a soldier for me to fight his battles for him!"

"Lagi ka talagang galit 'no?" puna ko, bahagyang natatawa.

Tumarak sa akin ang matalim niyang tingin pagkabaling. "Normal kong tono 'yon, shithead!"

"Ah." Mabagal ang tango ko. "Default mode: angry. Rawr?"

Mabilis kong nasalag ng braso ang ibinalibag sa aking throw pillow ng higante. Naro'n kaming lima sa bakanteng VIP room ng bar. Maaga silang natapos sa isang gig kaya't napagdesisyunang magpalipas muna ng oras dito.

"She's right though. He's responsible to deal with his own shit."

Mula sa pagtawa-tawa ko'y bumagsak ang tingin ko sa nagsalitang si Reon. Hindi ko alam kung ako lang ngunit parang natahimik si Vance sa tabi niya o ano. Ilang sandali matapos niyang magbuga ng hangin ay tumayo siya at nagpaalam para mag-CR.

Ayaw ko mang punahin ay hindi ko maiwasan ang pagpansin sa pamumuo ng kaunting tensyon sa hangin. Sandaling katahimikan ang lumipas bago muling nagpatuloy sa kwentuhan ang tatlo. Lumipad naman ang tingin ko sa pintuang nilabasan ni Reon. Hanggang sa kalaunan ay nakapagdesisyon akong umahon sa pagkakaupo at sumunod sa kaniya palabas.

Bakante ang malapit na common CR nang marating ko iyon. Tsamba namang nadatnan ko siya sa balkonahe mula sa second floor, nang doon ako sunod na magpunta.

Nakasandig sa bakal na railings ang magkakrus niyang braso habang nakapahinga ro'n ang baba. Sinasayaw ng panggabing hangin ang maikli at asul niyang buhok kaakibat ng dilim, nang sandali kong pagmasdan.

"May sasabihin ka ba?" aniya, walang lingon.

Nasapo ko ang ulo at napakamot panandali ro'n. Sumandal ako sa haligi matapos, suksok ang magkabilang kamay sa itim na pantalon. Nakitanaw ako sa madilim na kalsada sa babang nililiwanagan ng mga poste ng ilaw. Tanging tunog ng madalang na pagdaan ng ilang sasakyan ang rinig sa katahimikan ng gabi.

"Si Nagi ba?"

Kumunot ng bahagya ang noo ko. "I'm not looking for her."

"'Di mo ba itatanong kung bakit hindi siya sumama?"

"Ano kayo ni Vance?"

She stiffened. Tuon naman ang buo kong atensyon sa kaniya hanggang sa wakas ay bumaling siya sa akin. Sa tagal ng ginawa niyang pagtitig ay wala siyang kahit anong sinabi. Muli lamang siyang nagbalik sa dating pwesto at nagbutonghininga ilang sandali ang makalipas.

Nakuha ko kaagad na ayaw niyang pag-usapan iyon.

Bahagya akong napanguso bago humakbang palapit sa tabi niya. I gripped the railing with both my hands as she turned her head and looked up at me. Her cheek rested still on her crossed arms.

"You kinda look different."

Bumagsak ang tingin ko sa kaniya. May kung anong kislap ang mga mata niya mula sa dilim, hindi ko lang sigurado kung replika lang iyon ng liwanag mula sa may kalayuang poste o ano.

"Different how?"

Dumapo ang isang mahinang ngiti sa labi niya. Pagkaahon mula sa pagkakasandig sa railing ay tumingkayad siya para abutin ng isang palad ang tuktok ng ulo ko, sabay gulo niyon.

"First of, your grades look promising—kumpara sa dati." She flashed a smile with a thumbs up. "Good job!"

Hindi ko maipaliwanag ang dalang gaan sa akin ng mahina niyang tawa. Something was telling me to keep it—to protect that smile from any possible harm. At tingin ko handa akong gawin ano man ang maging kapalit niyon.

"'Kala ko sasabihin mo good boy eh. Kakahol na sana 'ko."

She was laughing then as she reached for the top of my head again. Bahagya muli siyang tumingkayad nang tinapik iyon ng ilang beses habang nakatingin sa akin. "Good boy ka na ba, Alexis?"

Ang pumintang ngiti sa labi ko'y hindi ko napigilan, hanggang sa unti-unting kumawala ro'n ang mga tawa ko. 'Sing bilis ng ginawa kong paghablot sa braso niya ang bigla niyang pagtili—dahil sa akma ko sanang pagkagat do'n.

"Good boy my ass. I fucking bite!"

Lumakas ang tawa ko kasabay ng paghampas niya sa braso ko. Pet mo pala 'ko ah. Kagatin kita!

"Bwisit ka!" angil niya alinsunod ng pagtawa, sabay bawi ng braso.

Para naman akong tangang tumunganga sa kaniya ro'n. Sa bawat reklamo at pagbabago ng ekspresyon niya.

Bahagya akong sumandig sa railing para pantayan at hanapin ang linya ng mga mata niya.

"Reon."

"Ano?"

"Gusto kita."

Tumawa siya agad. Ngunit nang manatili akong seryoso habang nakatitig sa kaniya ay unti-unting humupa ang tawa't ngiti niya. Hanggang sa matahimik siya nang mapako ang tingin namin sa isa't isa. Isa, dalawa, inabot ng limang segundo bago siya nagbitiw ng tingin. Kumukurap sa kawalan at mukhang sinusubukang i-sink in ang narinig.

"Hindi ako nakainom ah." Inunahan ko na siya sa pagkumento n'on.

Imbes na sumagot ay mabagal lang siyang tumango, nakatanaw sa kawalan.

Hindi ko sigurado kung nagulat ba siya sa sinabi ko. Hinihintay kong sabihin o klaruhin niya sa akin kung pwede ko bang maramdaman iyon o ano. Pero wala siyang sinabi at nanatili lang tahimik. At hindi rin naman ako umaasang susuklian niya iyon ng pareho.

Pahikab-hikab ako habang naglalakad malapit sa bus stop ng mahagip ko ang isang pamilyar na pigura. Mag-isa lang ito kasalo sa ilang pasaherong naghihintay sa shed ng bumagal ang hakbang ko paglapit.

Pasulyap-sulyap ako rito hanggang sa dumating at huminto ang bus. Naiwan ito ng maunang makasakay ang ilang pasehero, dahil sa dami ng dala.

Napapakamot ng ulo, sandali pang nagsalit ang tingin ko rito at sa bus bago nagdesisyong lumapit at buhatin ang ilang kahong dala nito.

"Ako na."

Bakas ang gulat sa bahagyang namimilog nitong mga mata ng sumulyap ako at saka tumungo paakyat ng bus.

"Salamat."

Tanging tango ang isinukli ko sa ngiti nito matapos naming kapwa makaupo sa loob. May gusto sana akong sabihin ngunit hindi na ginawa. Hindi ba dapat at nagpapahinga lang siya dahil sa kundisyon niya?

Hindi ko malaman sa sarili kung bakit bumaba ako sa parehong babaan niya para lang muling bitbitin ang kahon. Natagpuan ko na lang ang sariling umaakyat sa hagdang stone path para do'n.

Aalis na sana ako ng maiakyat iyon ng pinigilan niya ako.

"Mag-merienda ka muna. Gusto mo ba ng tubig? Tuloy ka!"

Hindi na ako nakaangal ni nakatanggi ng dire-diretso itong pumasok sa loob ng bahay nila. Naiwan na lang akong naro'n sa tapat ng pinto at napapakibit-balikat.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng umalingawngaw ang ilang katok sa main door.

"Makikisuyo pakibukas!" sigaw ng nanay ni Reon mula sa kusina.

Pagkabitiw ng dalang bag sa gilid ng upuan ay tinungo ko iyon para buksan. Para lang sandaling matigilan.

Ang taong naro'n ay bahagya pang napaatras matapos magtama ng linya ng mga mata namin. "A-Anong ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay umangat lang ang isang sulok ng mga labi ko. Sabay tango sa direksyon ng bitbit niyang paperbag. "Ano 'yan?"

Wala siyang imik. Ng aktong sisilipin ko na iyon ay tuluyan siyang napaatras, animong may talim akong itinutok sa kaniya o ano.

"Sino 'yan?"

Hanggang sa marinig ko ang paglapit ng boses ng nanay ni Reon mula sa loob ng bahay nila. Humakbang ako sa gilid para lang bigyan ito ng daan.

"Nagi! Ano 'yon? Pasok ka!" anito habang suot ang malaking ngiti.

I guess that's where Reon got her smile from.

"H-Hindi na po--ano..." Sumulyap sa akin si Nagi. "Ipinabibigay po ni Mommy." Sabay abot ng dalang paperbag.

Pagkatanggap ay nagsalit dito ang tingin ng nanay ni Reon at kay Nagi. "Herbal juice! Pakisabi salamat!"

The latter nodded and was about to scram when Reon's mother spoke of another invitation to go inside. Kita ko ang pagtatalo sa ekspresyon ni Nagi ng hindi siya makatanggi sa alok nito.

"Sabayan mo nang mag-merienda si Alexis!"

Kapwa kami nakaupo sa couch habang nakatunghay sa buhay na TV. Ang nanay naman ni Reon ay abala muli sa kusina. Balewala akong kumakain ng pancit ng marinig kong magsalita ang katabi.

"Drew apologizes to me."

"Anong sinabi mo?" tanong ko habang tuon pa rin ang atensyon sa screen. Hindi siya sumagot kaya binalingan ko. Bahagyang kunot na noo ang sumalubong sa aking ekspresyon niya.

"He doesn't look sincere about it."

May mahinang tawang kumawala sa pagitan ng mga labi ko. "How so?"

"Tingin ko sinabi lang niya 'yon dahil sa 'yo."

"Ako? Sa 'kin? Paano mo nasabi?" Nagtuon ako ng atensyon sa kaniya. Ang sandaling katahimikan sa pagitan namin ay pinunan ng tunog mula sa bukas na TV.

Slowly, she turned to look at me. "Y-You know your reputation, right?"

Imbes na sumagot ay pinanatili ko lang ang tingin sa kaniya ng ilang sandali, bago ko muling pinagdiskitahan ang kinakain at kung anong naro'n sa screen.

"I k-kind of figured out why you did that, although..." she trailed off.

"You got pissed so bad, I could tell," natatawa kong kumento. "Pero dahil ba talaga sa 'kin?"

Hindi siya ulit sumagot. Hinayaan ko namang muling punan ng palabas ang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa muli siyang magsalita.

"H-He's been ignoring me... or should I say... he's been leaving me alone, like what I asked."

"Lakasan mo nga ang boses mo, hindi ko marinig."

Katahimikan ang nakuha kong sagot. Ng salubungin ako ng matalim niyang tingin ay hindi ko napigil ang kumawala kong tawa.

Mga pamilyar na mukha ang tumambad sa akin pagkauwi ko sa bahay, Friday ng hapon. Halong kamag-anak at ilang tagasuporta ng mga kapartido ni Dad ang naro'n. Hindi ko sigurado kung anong mayro'n, ang alam ko lang ay kulang isang buwan na lang at eleksyon na.


Reon:

No sched today. See you sa wed


Kunot-noo kong binabasa ang natanggap na text nang may bumagsak na braso sa balikat ko. Isang lingon at nakangising mukha ni Julian ang sumalubong sa akin. Nandito na naman pala ang ungas na 'to.

"What you been up to? Got yourself a girlfriend? I've been hearing things about you lately." Malaki ang ngisi niya habang sinasabi iyon, kuryoso ang direktang tingin sa akin. "Can I have a name here, brother?"

"Kanino mo naman narinig 'yan?" walang-gana kong utas bago nagtipa ng reply.


You:

Bakit?


Mula sa abalang mga tao ay bumagsak ang tingin ko sa kapatid, naro'n ito sa kabilang banda ng silid kausap ang ilang kaedaran nitong kamag-anak ng politiko. Blangko ang ekspresyon nito nang sandali kaming magpalitan ng tingin bago ako binalewala.

"Lex! Come on, spill. Don't be a bummer!" Nagpatianod ako nang mag-umpisa siyang maglakad patungo sa veranda. "Hindi mo man lang ba ipapakilala sa 'kin?"

Kapwa kami nakaupo sa tag-isang chase lounge nang magsindi siya ng sigarilyo. Inabutan niya ako ng isa ngunit tanging iling ang itinugon ko ro'n, kahit parang nananawagan ang sistema ko ng isa.

Hindi ko siya girlfriend—gusto ko sanang sabihin ngunit imbes ay napabuntonghininga na lang ako sa dismaya. Guess I wouldn't be seeing her today.

Bahagyang tumawa si Julian, ako nama'y nanatiling kunot-noo.

"Ayaw mo talaga?" He gestured on the pocket of cigarettes with an unwavering mocking grin across his face, pertaining to it and to his previous question.

Sa kung anong dahilan ay wala akong ganang sakyan ang mga kagaguhan niya. Abala ako sa pagsulyap sa screen ng phone, naghihintay ng reply na hindi dumating. In the end, I just ended up typing another message for her.


You:

Everything okay?

San ka?


"What happened?" Nakuha agad ni Julian ang atensyon ko dahil sa biglaang pagbaba ng boses niya. Seryoso siyang nakatanaw sa kawalan habang nagbubuga ng usok nang muling magsalita. "Liking your new life yet?"

Tila napatid ang linya ng mga iniisip ko nang maalala ang pagbanggit ni Reon sa kaniya noon. Isang beses nagdaan sa isip kong marahil siya ang dahilan kung bakit wala ito ngayon.

Ilang sandali ko pang pinanatili ang mariing tingin sa kaniya bago tinanong, "Pa'no mo nakilala si Reon?"

Dumapong pabalik ang ngisi sa labi niya hanggang sa unti-unti iyong nauwi sa mahinang tawa, tila may nakumpirma o ano.

Kunot-noo ko siyang sinipat. "May nakakatawa ba?"

"Reon?" aniya, sabay angat ng tingin sa akin. "Lex, brother, have you gone mad?" Mas lumakas ang tawa niya.

Hindi ko alam kung may biro ba akong nabanggit na siya lang ang nakarinig. Pinanatili ko lang ang matigas na tingin sa kaniya ng manatili akong tahimik.

"Ah fuck. You still mad at me?" Matapos pakalmahin ang sarili sa pagtawa ay tinapunan niya ako ng dismayadong tingin. "I expected more from you, Lex. Seriously."

"Happy to disappoint you then." Sarkastiko akong ngumisi.

Tumango siya nang mabagal. "I see." Hanggang sa tuluyang maging hungkag ang ekspresyon. "But I don't understand why you keep denying what you are, speaking honestly. Is it because of your new-found little group? You think you finally found your circle or something?"

"Kung oo, ano ngayon sa 'yo?"

A smirk slowly rose on the corner of his mouth. Para bang sa wakas ay narinig na niya ang kanina niya pang gustong marinig.

"Oh." Pagkayukod nang bahagya palapit sa akin ay sinabi niya ito, "Why don't we get out of here and start having our fun, eh?" Binitiwan niya ang sigarilyong hawak at inapakan pagkatayo.

May bahid ng pagtataka ang tinging isinunod ko sa kaniya bago ako umahon at dire-diretsong naglakad pasunod sa daang tinatahak niya.

I've been strangely at peace lately but I might choose violence today. Though it still depends on this bastard.

Ang pamilyar na kalsadang tinahak namin lulan ng sasakyan niya'y naging klaro lang sa akin, nang kapwa na kami nakatayo sa tapat ng isang bar. The one where Reon and her friends got together.

Aktong magtatanong pa lang ako kung bakit kami naro'n o kung paano niya nalaman ang lugar na iyon, nang dire-diretso na siyang tumungo papasok.

Balot man ng kalituhan, wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Otomatikong napadpad ang tingin ko sa pwestong madalas upuan nina Reon—pero wala sila ro'n. Mabilis akong nagdesisyong iwan at hayaan si Julian sa ilang bumati sa kaniya.

Nilalakad ko ang pasilyo para sa mga VIP room nang matanaw ko si Nagi.

"Nandito ba sila?"

"Wait!"

Huli na bago pa man niya ako mapigilan sa pagbukas ng pinto. Ngunit mula sa bahagyang pagkakaawang niyon ay natigilan ako at natulos sa kinatatayuan.

"N-Nand'yan sila."

From the muffled sound of the blaring music, I could still make out the sound of her voice inside the room. Tangan ang ukulele, marahan ang pagkanta niya ng isang pamilyar na kanta. Isang cake na may sinindihang kandila ang naro'n sa lamesang nakapagitan sa kanila ng nakangiti at nakatunghay sa kaniyang si Vance.

"Basta sa 'kin mo unang ipaparinig 'yung kantang sinusulat mo pag natapos mo na."

I swallowed hard. It was that song—she'd been writing that for him. Now that made fucking sense.

Nahila ko nang pasara ang pinto bago ko pa man masaksihan ang pagyukod ni Vance kay Reon, matapos niyang hipan ang kandila. Bumagsak ang likod ko sa pinto dahil parang bibigay ang mga tuhod ko sa panghihina.

I tried to steady my breathing but I couldn't control the pain shooting in my chest.

"It's Kuya Vance's birthday... Ate Reon planned a surprise party for him."

Bakas ang panginginig sa bahaw kong tawa. Party? Para kanino, sa kanilang dalawa?

"They're together now or should I say, got back together?" Halos malasahan ko ang pait sa tono ng sarili kong boses. At para namang may silbi pa ang pagtatanong ko niyon kung halata naman kung ano ang sagot.

"You didn't really lose her walkman, right?" Naaninag ko ang pagsulyap niya sa akin. "Si Kuya Vance ang nagregalo n'on sa kaniya."

Oh. Okay.

This time, my laugh was full of sarcasm. "Congratu-fucking-lations to them." Sabay ahon ko sa pagkakasandal at dire-diretsong lakad paalis.

Natagpuan ko na lang ang sariling nakaupo sa linya ng mga stools kung nasaan si Julian pati nang ilang kakilala niya. Sa ingay at lakas ng tugtog sa loob ng bar ay wala akong marinig. At wala rin akong ibang maramdaman kundi ang paulit-ulit na paninikip ng dibdib, na pilit kong nilulunod ng alkohol sa pag-asang mamamanhid iyon.

Why didn't she tell me to fuck off when she already likes someone else?

Did I look like I was bluffing with my confession? She didn't want to take me seriously, was that it? Bakit? Dahil tingin niya bata lang akong nangti-trip? Tangina naman.

Halos mayakap ko ang poste habang sumusuka sa tabi niyon. Umiikot ang paningin ko at hindi ko matandaan kung anong mga pinaggagawa ko bago ako napadpad sa labas ng bar. Sa 'di kalayuan ay rinig ko ang alingawngaw ng ilang tawa.

"Tubig?"

Matapos kong hilamusan ng palad ang mukha ay tinanggap ko ang bote niyon at walang anu-ano'y ininom.

"Okay ka lang?"

Hindi ko napigil ang kumawala kong tawa, na siyang agarang napanis nang malamig akong tumugon ng, "Hindi."

Pagkapisil sa bakanteng bote ay itinapon ko iyon kung saan, para lang umakma ng pagpulot. Ngunit sa kalagitnaan ng paggawa niyon ay gigil kong sinapo ang ulo at napakuyom ng mga kamay sa buhok. Pinagsisipa ko ang poste habang sumisigaw ng mga mura matapos.

I've been taking my studies and everything about my life religiously like some prescribed medicine—thanks to her. But that wasn't the plan! Dapat ay gulo ang pinapasok ko imbes na kaayusan, hindi ba? Gusto kong umalis sa lugar na 'to, 'di ba? Gusto kong kumawala sa kulungan at maging malaya pero anong 'tong pinaggagawa ko?

Muling umalingawngaw ang mga tawa, ngayo'y palapit na iyon.

"Lex, brother, you're scaring your friend here."

Mula sa mabigat na paghinga ay nag-angat ako ng tingin kay Julian, sa malapit niya ay si Nagi, hindi maipinta ang ekspresyon. Bahagya itong napatalon bago nagbitiw ng tingin sa akin nang masalubong ang tingin ko.

Pagkahithit sa hawak ay lumapit pa si Julian para iabot at ialok iyon sa akin—a joint. Mula ro'n ay nagsalit ang tingin ko sa kaniya at kay Nagi.

Nahihilo pa rin ako sa mga nainom ko pero tangina bahala na.

Tinanggap ko iyon. Isang singhap at agad akong napaubo. Tatawa-tawa naman akong pinanood ni Julian.

"Nagi!" Mabibilis at mabibigat na yabag mula sa pamilyar na boses. "Why are you—oh you shithead, what are you doing here?!"

"Ate Cove!" awat ni Nagi.

"My, the bitch is here."

"What did you just call me?"

"Bitch?"

"You fucking son of a—"

"Ate!"

Kumunot ang noo ko sabay ng pagtama ng kung ano sa sistema ko. Bigla akong naging alerto. "Magkakilala kayo?"

"I see." Humalakhak si Julian. "You're hanging out with these losers, Lex?"

"Watch your fucking mouth."

"Oops! How am I supposed to watch it when I can't even see it?" Matapos ngumuso-nguso ay parang nasisiraang bumunghalit ng tawa si Julian.

Tanginang gago 'to, hindi ko rin alam kung bakit pati ako'y natawa.

My head and limbs started to feel lighter. Ang hilong dala ng alak ay unti-unti nang sinasalitan ng antok, kaakibat ng pagiging gising ng isip at mabilis na pintig ng dibdib. Ubos na ang hawak ko ng hindi ko namamalayan. Ni hindi ko na rin nasundan ang usapan nila dahil hindi na malinaw ang dating niyon sa pandinig ko.

Halong tawa at sigawan na lang ang rumerehistro sa akin kasama ng mga bulto nilang naro'n. Ang mga haligi sa paligid ay tila umaalon sa paningin ko. Mabagal ang bawat galaw ng mga bagay habang pinakikinggan ko ang sariling mga tawa.

Sinubukan kong magsalita ngunit tila hindi ko mawari kung ano ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Humakbang ako para lang matumba at mahantong sa kalsada.

My limbs were slowly turning numb when I heard an ear-splitting scream nearby. I didn't know any shit about what happened. Nagising na lang ako kinabukasan sa bahay na mayro'ng mga pulis para kausapin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top