13 : Like you
Pagal sa bagal ng pag-ikot
Naghihintay na makalimot
Sa nilawak ng himpapawid at dagat
Nakaapak, lumulutang
Sa gitna ng pahamak at kalituhan
Nakahanap ako ng nag-iisang tiyak sa pagitan
***
She does?
Natitigilan, kumurap-kurap ako at parang namamalik-mata o ano. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ko? At sumang-ayon siya?
May panibagong tawa ang kumawala sa labi ko, bakas ang kaunti niyong panginginig.
Ano 'tong pinagsasabi ko?
"You like her, right?"
Huminto ako sandali sa paghinga. Sa muling pagbagsak ng tingin ko sa kaniya'y agad siyang bumitiw doon, inalis ang earphone at inumpisahang irolyo.
Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong inatake ng kalituhan. Wala siyang binanggit na pangalan pero langya... bakit mukha niya ang naisip ko?
Parang gusto kong kilabutan ngunit mas nangibabaw sa akin ang pagkakasurpresa. Gusto ko ba siya?
Wala sa sarili kong nasapo ang ulo ng magkabilang palad habang dinidinig siya.
"I like her too."
Yeah, sure. "Every one of you does."
"No... I mean it... in a romantic way."
Tumango ako ng ilang beses para lang mahuli ang sarili at muli na namang matigilan. Kumunot ang noo ko.
"Sandali." My palms balled into fists, clutching a handful of my hair in my growing confusion. "Anong sabi mo?"
Pako ang tingin sa isa't isa, mabagal na pumatak ang sandali. Hinanda ko ang sarilli ko sa pagtawa para sa sunod niyang sasabihin, dahil baka ito na ang ganti niya sa birong ginawa ko kanina. Ngunit imbes na iling ay dahan-dahan siyang tumango.
Halos alanganin ang walang humor kong tawa ng bumagsak ang sarili kong mga braso. "Seryoso ka?"
Hindi ko inasahan ang diretso, buo at walang alinlangan niyang tugon. "I like Ate Reon."
Tangina? Dahan-dahang kumurba ang sulok ng labi ko para sa isang ngisi. With a slight tilt of my head to the side, I traced the inside of my cheek with my tongue. "Pinagtitripan mo ba 'ko?"
She flinched when I started walking towards her. Muli siyang napasandal sa likod ng van matapos kong huminto sa mismong harap niya.
Sa blangkong ekspresyon ay diretso ko siyang tinitigan, binabasa kung totoo ang mga sinabi niya.
Swallowing hard, dahan-dahan niyang isinalag ang mga braso sa sarili. Sa parehong pagkakataon ng muli niyang pagsasalita ang sa akin kaya't hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"B-Bawal ko ba siyang magustuhan?"
"Ba't mas alam mo pang gusto ko siya kaysa sa 'kin?!"
Pumatak ang ilang segundong kapwa kami natigilan para lang tapunan ng litong tingin ang isa't isa.
"Anong sabi mo?"
"You're not aware that you like her?"
Napamura ako nang muli kaming magkasabay. Ang dapat ko pang sasabihin ay naiwan na lang sa dulo ng dila ko. I'm just bored, I don't like her!—pero tama siya. Siguro. Ito na ba 'yon?
I liked mature girls before, well, because I find them attractive in a physical way. Nasaan sa salitang mature si Reon? Eh parang mas bata pa sa akin kung umasta ang isang iyon?
Umatras ako at umiling. "Hindi ko siya gusto." Sabay sunod-sunod na tango, hindi sigurado kung siya ba ang kinukumbinsi ko o ang sarili.
I tried laughing it off, kahit parang ang plastic ng tawa ko maging sa sarili kong tainga.
"Drew and I used t-to be friends."
Nilubayan ko ang pagtawa-tawa para tapunan siya ng nagtatanong na tingin. Naro'n na siya sa gilid ng sasakyan, sa bandang dulo, nang malingunan ko. Talagang dumistansiya sa akin.
"When he found out that I'm both into the same gender, he... he started avoiding me. And eventually..." Nagkibit-balikat siya, tuon ang tingin sa mga paa na para bang kasalanan ang mga sinasabi niya.
She tried laughing it off too, but like I was, she just ended up trailing off. Naintindihan ko kaagad kung sino ang tinutukoy niyang ungas—iyong nangbu-bully sa kaniyang naghagis ng bag niya sa hallway.
Isinilid ko ang magkabilang kamay sa bulsa ng jacket, sumandal sa likod ng van at saka tiningala ang langit. Mabigat ang pinakawalan kong buntonghininga matapos.
"Let me guess, they're teasing him for liking you?" Nang hindi siya sumagot ay bahagya kong sinilip. Pinanatili ko ang tingin sa kaniya hanggang sa unti-unti siyang tumango bilang kumpirmasyon.
Ang malutong kong mura ay sinundan ng sarkastikong tawa. Parang gago naman pala.
"H-Hindi pa alam nina Kuya o kahit sino sa bahay namin. Kaya hindi ko rin masabing..."
Kaya hindi niya masabing b-inub-ully siya?
Kunot-noo, muli kong isinandig ang ulo para tumingala. "Kung ako 'yon sinapak ko na lang."
Matagal kaming binalot ng katahimikan matapos. Bakas na ang lamig ng gabi mula sa bawat ulop galing sa hanging ibinubuga namin.
"I had boy crushes before but I'm more into girls. Growing up in a religious household, I am taught that being gay is a sin. But don't get me wrong, my parents are nice—sobra-sobra nga yata to the point na pakiramdam ko nasa akin talaga ang mali. That's why at times, I can't help the feeling of wanting to just pack my things... leave and be somewhere else... tulad ng sinabi mo..."
Sigurado na ba siyang sinasabi niya sa akin ang mga 'to? Hindi ko malaman kung magugulat ba ako sa mga naririnig ko o ano. I wouldn't say I understand all of it because that would sound so fucking pretentious. But somehow, I could picture out what she meant.
Malalim ang pinakawalan niyang hininga, nanatili naman akong walang imik. Ngunit ang aktong pagsisimula niya muling magsalita ay naputol nang malalakas na boses papalapit. Agad siyang napaahon sa pagkakasandig sa gilid ng van para salubungin ang mga ito matapos.
Muli namang nagbalik sa akin ang tagpong nakita kanina. Inang 'yan.
Bumulaga si Reon nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Pinta pa rin ang malaki niyang ngiti tulad kanina nang magsalit sa amin ni Nagi ang tingin.
"Ang seryoso n'yong dalawa ah. Anong pinag-uusapan n'yo?"
"Ikaw."
Namilog ang mga mata ni Nagi. Bahagya namang kumunot ang noo ni Reon. Samantalang ako'y nag-iisip kung paano ko makukumpirma ang isang bagay.
"Pinagchi-chismisan n'yo 'ko?" Umiling agad si Nagi kay Reon.
"Si Vance, sa'n?"
"Nauna na. Bakit?"
Nagtagal pa ng ilang sandali ang tingin ko sa kaniya bago ako umiling. 'Di bale na nga.
Matapos dumaan sa isang buffet para kumain sandali ay bumiyahe na kaming pauwi sa Crestfall. Mula sa maingay na kwentuhan at tawanan ay pare-pareho na silang tahimik sa loob ng van.
Wala sa oras kong nahugot ang magkakrus kong braso para sana saluhin ang pagbagsak ng ulo ni Reon. Ngunit imbes na masalo ay nagpalitan kami ng tingin ng nasa kabilang banda nitong si Nagi, gaya ko'y iyon din sana ang gagawin.
Bahagya akong tumango sa direksyon niya, may halong pagtatanong ang tingin. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tapunan ako ng tingin, medyo parang masama. Lalo na nang sinapo ko ang bumabagsak na ulo ni Reon para alalayan patungo sa balikat ko.
Pinigilan ko ang matawa nang gumuhit ang malinaw at tahimik na pag-apila sa ekspresyon ni Nagi. She wasn't really kidding about liking her huh. Hindi ko tuloy napigilan ang kumurbang ngisi sa labi ko. Sarap lang mang-asar.
Dis oras na ng gabi nang makarating kami sa bar. Pagkababa ng van ay kani-kaniya silang mutawi ng pagod. Natapos na naming ibaba ni Naik ang ilang gamit mula sa sasakyan, nang maabutan ko si Reon sa likod niyon.
Inokupa ko ang bakanteng pwesto sa bukas na trunk, at saka siya pinanood sa ginagawang pagsinop ng naiwang mahabang kurdon. Bakas ang pagod sa seryoso niyang ekspresyon habang tuon ang atensyon doon.
"Nauna na sila."
Tanging tango ang tinugon niya. Nanatili naman ang tingin ko sa mukha niya, hanggang ngayon ay iniisip pa rin ang isang bagay. Pero langya, kailangan pa bang pag-isipan ang mga gano'n? Kung hindi totoo ang sinabi ni Nagi, bakit nagdadalawang-isip ako ngayon?
Huli na bago ko pa man matantong hawak ko ang pulso niya. Nakuha ko agad ang atensyon niya nang mula sa ginagawa'y lumipad ang nagtatanong niyang tingin sa akin.
"Bakit?"
"Gusto yata kita."
A defeaning silence stretched between us. Hanggang sa unti-unting umawang ang mga labi niya sabay ng pagkurap. Samantalang ako'y walang ibang ginawa kundi ang titigan ang bawat pagbabago ng ekspresyon niya.
"Lex."
Pagkabitiw ng hawak ay lumapit siya sa akin. Ang kulang tatlong pulgadang natirang distansiya sa pagitan ng mga mukha nami'y halos umubos ng natira kong hininga.
She sniffed at me then crinkled her nose all of a sudden. Matigas ang tono niya nang tinanong ito matapos, "Nakainom ka ba?"
Matagal kaming nagpalitan ng tingin hanggang sa dahan-dahan siyang matawa. Napapailing, umatras siya at tinapos ang ginagawa. May naiiwan pang tingin sa akin bago ako iniwan doon para dalhin ang dala sa loob ng bar.
Mag-isa akong natulala sandali sa kawalan nang tuluyan kong matanto kung ano ang nasabi ko.
Idiot fuck. Anong yata? Eh ano bang dapat kong sinabi? Hindi naman talaga ako sigurado.
I should've just kept my silence. Probably. Gago? Sinabi ko na, tapos mukhang hindi naman siya naniwala? Tinawanan niya lang ako? Tingin niya nagbibiro ako? Bakit, seryoso na ba akong gusto ko siya? Yata.
Hindi ko mabilang ang mga murang naimutawi ko bago ako mapatalon sa gulat dahil sa pagtawag niya.
"Anong ginagawa mo? Wala ka bang balak umuwi? 'Lika na."
Nabawi ko ang magkabilang palad na wala sa sariling nakasapo sa ulo ko. I don't know what the hell it means to like someone in a specific sense, iyong tulad ng mayro'n si Nagi sa kaniya.
Never mind. She's probably thinking I'm losing my mind and there's nothing new to that. Siraulo naman talaga ako sa paningin niya. Needless to say that she sees me as a kid. Yeah, okay.
Hindi ko inasahan ang iritasyong nakahanap ng lugar sa akin. At hindi rin ako sigurado kung para saan o kanino iyon. Sa sarili ko—siguro. Isang linggo yata akong parang gago kaiisip sa kung anu-anong bagay na wala namang saysay.
Tulad ng pagkumbinsi ko kay Reon na tuwing may exam na lang niya ako i-tutor. Nakakabagot man, sinusubukan kong makinig sa mga lectures para lang pumayag siyang turuan ako kunong mag-guitara, imbes na turuan ako sa acads—para sa mga araw na walang malapit na exam o ano.
"Sigurado kang hindi ka talaga marunong?" She threw me a questioning side look.
Ngumiti naman ako nang matamis at saka umiling. "Magpapaturo ba 'ko kung marunong ako?" Dagdag points para sa ticket papuntang impyerno.
"Anong gusto mong kanta?"
Inangat ko ang isang binti sa upuan at isinandal ang gilid ng ulo sa kamaong nakasandig sa sandalan. Diretso ang tingin ko sa ginagawa niyang pagkalabit at pagtono ng guitara kong hawak niya.
Hmn. "Yellow."
"Coldplay?"
I nodded slowly. "Coldplay."
Mula sa akin ay bumagsak ang tingin niya sa guitara para magsimulang tumipa. She tried different chords quickly while humming softly. Matapos patayin ang strings ay inumpisahan niya ang tamang ritmo para sa intro. Tumingin siya sa akin.
"Makinig ka."
Sinapo ko ng daliri ang dumapong ngiti sa labi ko nang magsimula siyang salit na humimig at kumanta. Bawat sulyap niya sa akin para kumpirmahin kung nakukuha ko ba ang ginagawa niya'y sinusuklian ko siya ng tango.
Kalaunan ay pinasubok niya sa aking itugtog iyon.
"Ang sakit naman nito," reklamo ko habang nakatingin sa kaniya, imbes na sa pag-ayos niya sa pwesto ng mga daliri ko.
"Yep... because some things are worth the pain."
"Tangina may paghugot ah." Ano siya, masokista?
"'Pag gusto kasing matuto, dapat hindi inuuna ang pagrereklamo."
Bahagya ko siyang pinandilatan. "Bakit, bawal dumaing kahit kaunti? It's one of my fucking rights."
Pinigilan ko ang matawa nang pinandilatan niya akong pabalik. "Sinabi ko bang bawal? Ang sabi ko 'wag unahin."
"Sige po, Ate, noted po," mabilis kong sang-ayon nang may kasamang ngiti, pang-asar lang.
"Gago," aniya, natatawa. "Itugtog mo na nga lang!"
I did what I was told then eventually asked her for another song. Nang muli siyang tumipa ng mabilis habang humihimig ay napatanong na ako.
"Perfect pitch ka 'no?"
With her palm on the strings, she turned to me with a nod like having a perfect pitch was the most natural thing in the world. I cleared my throat with yet another smile creeping on the corner of my mouth that I was failing to supress.
Because perfect pitch was either innate or acquired from having a lot of experience. And damn, I thought: what's not to fucking like?
Tungo sa bar ang lakad ko isang gabi ng weekday. Malapit na ako sa bukana papasok do'n nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura. Natigilan, dahan-dahan akong umatras at binawi ang ilang hakbang para lang makita si Nagi.
Naiwan siyang mag-isa ro'n sa maliit na eskinita sa pagitan ng building habang nakatalungko. Tanging sulyap na lang ang nagawa ko nang mahagip ng paningin ang umalis na lalaking kasama niya ro'n. Tuon ang atensyon sa nilalakaran, hindi ko nakita ang mukha nito dahil sa sumbrelong suot.
Sandali pa munang nagsalit ang tingin ko sa direksyon niya sunod sa pasukan ng bar, bago ako nakapagdesisyong lumapit.
"Ginagawa mo rito?" Bukod sa mukhang mas gusto niyang kasama ang pusang galang 'to o baka 'yong lalaking umalis.
Mula sa panonood dito ay lumipad paangat sa akin ang atensyon niya. Bahagyang awang ang mga labi, bakas ang gulat sa ekspresyon niya nang hindi pa agad nakasagot.
I nodded towards the bar's direction, both my hands were shoved on my pockets. "Wala ba sila ro'n?"
Muling bumagsak ang tingin niya sa pusang abala sa pagkain. "Nando'n... gusto ko lang magpahangin. Uh..."
Napahugot ako ng palad para lang mapakamot sa ulo. Hindi ko malaman sa sarili kung bakit ko siya nilapitan dito at kinakausap. Pero sigurado ako sa isang bagay: hindi siya kumportable sa 'kin. Mukha ba talaga akong kriminal?
"Okay..." Matapos magkibit ng balikat ay pumihit ako at akma na sanang aalis.
"Wait!"
I half turned to her with my head, hinihintay siyang magpatuloy.
"Can you keep it? 'Yung... 'yung sinabi ko sa 'yo."
We didn't talk much. Kaya nakuha ko kaagad kung ano o alin doon ang ibig niyang sabihin. Though I don't think I get it—how can she entrust something like that to someone she barely knew? She's scared of me but she can put her trust in me? Oh, the fucking irony.
Chuckling under my breath, I just made another shrug before heading inside the bar. Na siyang agad kong pinagsisihan matapos makita ang grupo nina Reon. Ah mali, si Reon at si Vance doon sa stools, mukhang may maiging pinag-uusapan.
I was about to just walk away and spare myself from the unpleasant feeling. Ngunit natigilan nang malingunan si Nagi na kapapasok pa lang. Nagtapunan kami ng tingin kasabay ng tawag ng kapatid niya.
"Lexy boy!"
Parang gusto kong matawa nang bumaling ako at tuluyang magtungo palapit sa kanila. Something to do about some things being worth the pain and shit.
Anong katangahan ba 'to?
Ang simpleng tanungin ko lang si Reon kung anong mayro'n sa kanila pero bakit hindi ko magawa? Gaano kahirap marinig ang totoo? O siguro gusto ko lang talagang magpakagago kahit alam ko naman talaga ang sagot.
Late ako sa first period Monday ng umaga. Pero kung maglakad ako sa walang taong hallway ay parang hawak ko ang buong araw sa dami ng oras na mayro'n ako.
Ngunit mula sa wala sa sariling pagkanta ay sandali akong natigilan sa nakita. Luminga pa ako sa paligid para lang siguraduhing totoo ang nakikita ko. Alam kong mataas ang araw pero...
"Hoy."
Natigilan ang nakatalikod sa aking pigura mula sa paglalakad. Unti-unti namang kumunot ang noo ko matapos ko siyang mapasadahan ng tingin. Inalis ko ang suot na headphone at ipinahinga pababa sa leeg.
"Swimming ba PE n'yo? Ba't basang-basa ka?" puna ko, natatawa. Palapit na sana ako nang muli akong matigilan dahil sa dali-dali at walang lingon niyang pagtakbo paalis.
Tanging pagtataka ang naiwan sa akin habang pinanonood ang pagpasok ni Nagi sa homeroom nila. Bumagsak na lang ang tingin ko sa sahig kung saan naiwan pa ang ilang lusak ng tubig mula sa damit niya.
Ipinagpatuloy ko ang paglakad sa hallway at babalewalain na lang sana iyon. Ngunit animong natulos ang mga paa ko sa sahig nang makarinig ako ng mahihinang hikbi. Isang baling at tumambad sa akin ang bakanteng room. Sarado ang pintuan niyon ngunit bukas ang lahat ng bintana.
Kunot ang noo, natuon ang mariin kong tingin sa sahig. Ang malakas na tunog mula sa headphone ko'y alinsunod ng pag-iyak ni Nagi mula ro'n sa loob.
Hindi ko alintana kung gaano ako katagal na tumayo at nanatili ro'n. Ang namumuong buhol sa sikmura ko'y hindi ko inasahan. May hinuha man kung anong posibleng nangyari, mas pinili kong magpatuloy sa paglakad patungo sa sarili kong homeroom.
I'm no hero, after all.
Ngunit nang muli ko siyang makita nang araw na iyon suot ang parehong P.E. uniform, doon sa hallway kasama iyong Drew at ilang kaklase niya'y tila may kung anong gustong maghimagsik sa akin.
Nakakairita.
Lagi man nilang sinasabing may dahilan sa kabila ng bawat kilos o akto ng isang tao, wala akong pakialam sa kung anong posibleng dyastipikasyon mayro'n ang isang ito ngayon. Some people are just plain asshole or they choose to be one and that's it—no fucking excuses.
"Pakopya lang ng assignment eh! Ano ba 'tong mga pinagsusulat mo sa likod ng libro?" Malakas na tawanan. "Ano 'to, puso—pumupuso!"
"Stop it—akin na!"
"Sino ba 'to? Ba't burado pangalan? Crush mo? Oy gago, may crush si sad girl! Tignan mo, tignan mo!"
Ang hagalpakan ng mga ungas ay umaalingawngaw sa hallway. Parang mga bloke ng abala silang naro'n nakatambak sa daan. Ang sakit sa mata.
"Sa letrang E... 'di ko mabasa 'yung ibang letter. Ikaw yata 'to Drew!"
"Gago! Tingin nga ulit. Luh."
"Akin na kasi!"
"Ayoko nga."
"Hindi ikaw 'yan. Give it back!"
"Ah, o nga pala—iba trip mo 'di ba? Sige. Ibabalik ko 'to pero ikaw gagawa ng term paper ko. Ano?"
Pagkahugot ng itim kong chuck ay pinuntirya ko ang ulo ng ungas at saka iyon buong lakas na inihagis.
Tumahimik ang kaninang maingay na hallway.
Sapo ang ulong tinamaan, naibaba nito ang hawak na libro ni Nagi para lang marahas na lingunin ang direksyon ko. Maging ang ilang estudyante at kaklase nilang pauwi na'y napapalingon at natitigilan pa.
Humakbang akong palapit habang bitbit ang strap ng bag sa isang kamay. Ang tingin ko'y hindi kailanman nawaglit doon sa Drew, na ngayo'y hindi na makuhang tumingin sa akin nang diretso matapos bahagyang mapaatras.
Sa blangkong ekspresyon ay walang alinlangan kong ibinalibag ang hawak mula sa corridor ng second floor matapos. Halong singhap ng mga natigilan at natahimik na estudyante ang nagpuno ng sunod na katahimikan.
Diretso pa rin ang tingin ko sa parehong tao nang sinabi ko ito sa malamig na tinig, "Kunin mo."
No one moved, as if everyone was frozen in time. Ang mga padaan sanang estudyante ay aninag ko rin ang pagkakatigil para lang punahin kami ro'n.
Malinaw ang namuong tensyon sa panga noong Drew nang sulyapan ang direksyon kung saan ko itinapon ang bag ko. Ngunit ang aktong paghakbang sana nito'y naudlot.
"Nagi." Ako ang pinakahuling bumaling sa kaniya. Sabay ulit nito, "Kunin mo."
Namilog ang basa niyang mga mata at naestatwa sa narinig, tila binuhusan ng malamig na tubig o ano.
Sa kabila ng pagtataka sa bawat namumuong ingay ng ilang bulungan at tapunan ng tingin ng mga naro'n ay pinanatili ko ang titig sa kaniya. Iyong Drew at dalawang kaklase niya'y nagsasalit na sa amin ang tingin, naguguluhan.
Ipinaling ko ng bahagya ang ulo at saka hinakbang ang natirang distansya sa pagitan namin, hanggang sa makatayo ako sa harap niya.
"Hindi mo ba 'ko narinig? Ang sabi ko kunin mo 'yung bag ko." Mababa ngunit may pagbabanta ang boses ko.
Tuloy-tuloy ang pamumuo at pagtulo ng mga bago niyang luha nang mag-angat ng tingin sa akin.
Ano, iiyak ka na lang?
Hanggang sa unti-unting mamuo at maging malinaw ang pagtutol sa ekspresyon niya, mukhang maraming gustong sabihin. Sa nanginginig na labi ay sinubukan niyang magsalita, kuyom ang mga kamao.
"Ayoko."
"Ano?"
Biting her lip just to prevent it from shaking, she stood still for the next while. Bakas man ang panginginig ng boses ay muli siyang nagsalita.
"Ayoko."
"Hindi ko marinig."
"Ayaw kong kunin!" Buo at malinaw ang galit sa mga mata niya nang makipagsukatan sa akin ng tingin. Hindi ako sigurado kung para kanino ang galit niya ngunit mukhang matagal na niya iyong dala. "Ikaw ang nagtapon, ikaw ang kumuha. Hindi mo 'ko utusan."
Kapa ng dila ang loob ng pisngi, pilit kong pinigilan ang pagkurba ng ngisi ngunit nabigo ako. Ang pagtango ko'y mabagal. Isang buntonghininga at binalingan ko iyong Drew. Mula sa laglag na panga nito'y 'di rin maikaiila ang kalituhan sa ekspresyon, pati nang ilang naro'n na para bang maging sila'y natatakot o ano sa pwede kong gawin dahil sa sinabi ni Nagi.
"Kung 'di kita utusan, ano ka ng mga 'to?" Bumagsak pabalik ang tingin ko sa huli.
Marahas niyang pinalis ang luha sa pisngi kahit hindi pa rin niya magawang pigilan iyon sa pagtulo. Tumingin siya ro'n sa Drew, nanginginig ang kuyom na mga kamao. Tumabi naman ako at binigyan siya ng daan nang nilapitan niya ito. Hinablot niya ang hawak nitong libro matapos.
"I did nothing wrong to you." Natigilan siya sandali dahil sa pagkakabasag ng boses. Ngunit muling nagpatuloy sa kabila ng pilit pagpigil sa panibagong mga hikbi. "If you can't understand what I am... then just leave me the hell alone."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top