10 : Sad boy
***
"Sad girl..." Nanigas si Nagi sa kinauupuan nang marinig ang mahina kong pang-aasar. Nandito siya sa tabi ko dahil bawal kuno kaming uminom ng alak, sabi ng matatanda sa kabilang banda ng table.
Nagpapatawa yata.
"Linkin park favourite album?" kaswal kong tanong bago uminom sa sariling baso. Natitigilan, napangiwi na lamang ako nang iba ang lasang inasahan sa aktuwal na nalasahan doon. Tinapunan ko nang masamang tingin ang mga basong may lamang alak sa kabilang banda ng table.
Parang gusto kong dumaing sa inis. May ipinagkaiba pa ba ang hindi ko pag-inom ngayon kung ilang beses na naman akong nakainom nito noon?
Nagpapatawa talaga ang mga ito.
"'Yung una..."
"Ha?" Kunot ang noo kong nabalingan ang katabi.
Muntik pa siyang mapasalag nang sinalubong ang tingin ko. Saka ko lang naalala ang sariling tanong nang klinaro niya ang sinabi.
"Hybrid theory," mahina niyang untag, halos bumulong.
Napalitan ng pahapyaw na ngisi ang pagkakakunot ng noo ko. Humalukipkip ako at tamad na sumandal sa upuan.
"You hated the last one, didn't you?"
Mabilis siyang umiling. "No... it sounds different from their usual genre but I still love it the same."
Dahan-dahan akong napatango. Kung sinabi niyang oo, baka nasinghalan ko siya.
"A place for my head." Maigi kong tinignan ang pagbabago ng ekspresyon niya—mula sa pag-aalinlangan ay napalitan iyon ng pagkakaabala sa pag-iisip.
Ilang beses siyang kumurap bago nagsalita. "Pushing me away."
Hmn. "Bakit wala kang eyeliner?"
Lumipad patungo sa akin ang tingin niya. Pinanatili ko ang blangkong ekspresyon kahit parang gusto ko nang matawa, dahil sa bahagyang pag-almang nakita ko sa mukha niya.
"Hindi naman ako nag-a-eye liner," aniya sa mahina muling tinig.
"Ha? Lakasan mo nga ang boses mo, 'di kita marinig."
Napatalon siya nang kaunti sa puna ko, bahagyang luminaw ang pag-alma sa ekspresyon. Mas malakas at klaro na ang boses niya nang inulit ito, "'Di ako nag-a-eye liner."
Kinapa ko ng dila ang loob ng pisngi. "Pero pumapayag kang hinahagis lang ang mga gamit mo?"
Sinalubong niyang muli ang linya ng mga mata ko at nakikinita ko na ang nalalapit niyang pag-alma. Umangat ang isang sulok ng labi ko. "Sad girl. Nakakalimutan ko ang pangalan mo kaya sad girl na lang ang itatawag ko sa 'yo."
Naging isang matigas na linya ang mga labi niya habang nakikipagpalitan ng tingin sa akin.
Sige, pumalag ka. 'Wag mo akong hayaan kung ayaw mo. Bakit kailangan mong ikahiya ang mga bagay na gusto mo dahil lang pinagtatawanan ka ng iba? Tangina nila hoy.
Pinandilatan ko siya at hinintay na umalma ngunit hindi niya ginawa. Mukhang marami siyang gustong sabihin pero sa huli, kinimkim lang niya ang lahat ng iyon sa sarili.
Nagbubuntonghininga akong nagbitiw ng tingin bago tamad na inabot ang sariling baso sa lamesa. Nilagok ko ang lahat ng laman niyon. At habang nakatingin sa wala nang lamang baso ay may nagdaan sa isip ko.
"Sad girl, kuha mo nga ako ng refill!" Napalingon sa amin ang apat dahil sa lakas ng boses ko. Aninag ko naman ang paninigas ng katabi sa kinauupuan.
"Sad girl? Sino 'yon?" takang ani Reon, natatawa.
"Get it on your own!" singhal ng higanteng babae.
Sumulyap lang sa amin ang bahagyang nakangising si Vance. Si Naik ay natigilan nang makita ang pagtayo ng kapatid.
"Nagi?"
May kung anong pag-apila sa mga mata niya nang salubungin ang sa akin. Hindi ko alam kung naiiyak ba siya o naiinis o siguro pareho. Pahablot ang ginawa niyang pagkuha ng baso ko, bago walang salitang nagtungo para ikuha ako ng bago. Nasundan ko lamang siya ng tingin.
"Did you just call my kid sister sad girl?" tanong ni Naik sa seryosong ekspresyon.
Simple akong tumango, walang bakas ng emosyon ang mukha.
Matagal kaming nagpalitan ng tingin ni Naik mula sa magkabilang banda ng lamesa. Hanggang sa bigla siyang bumunghalit ng tawa, bahagya pang namula dahil do'n.
"Sabi ko na—you have the hots for her!"
Sabay-sabay akong tinapunan nang mapang-asar na tingin ng tatlo pang naroon matapos. Si Reon ay humahagikgik habang bumubulong-bulong kay Vance. Ang higanteng babae ay palihim na bumubungisngis naman sa mga palad.
Sinuklian ko ang mga ito ng sarkastikong ngisi. "Uminom na lang kayo riyan." Sabay pahabol na bulong, "Mabilaukan sana kayo."
Bumalik ang kapatid ni Naik na dala ang baso kong may refill na. Tumapon ang kaunting laman niyon nang padarag niyang inilapag sa lamesa. Buong sandali ko naman siyang pinanood. Nakailang mura na kaya sa 'kin ang isang ito sa isip niya?
"Found a new friend?" Nakangising mukha ni Reon ang bumungad sa akin nang bumaling ako sa tabi. "Nagi seemed shy but she's actually a cool kid. Parang ikaw lang din..."
"Ha?" Parang ako? Paanong naging parang ako? "Maliit ka pero nakakakita ka naman siguro nang maayos, 'di ba?"
She shook a hand together with her head in disagreement. "Ang ibig kong sabihin, marami kayong similarities. Nagi's just like you, minus ang pagiging maangas at barumbado—pati nang pagiging palamura. Gets?"
Ngumiwi ako, mas lalong nangunot ang noo. Tumunganga naman siya sa akin at parang naghihintay na matanto ko ang kalokohang sinabi niya.
"Nakailang tagay ka ba?" sabi ko na lang sabay balewala na sa mga kinukuda niya.
Pagkalipat ng green light para sa mga pedestrian ay patawid na rin sana ako, kung hindi lang niya hinilang pabalik ang braso ko. Hinayaan ko siyang tangayin iyon paharap sa kaniya. Walang gana kong sinalubong ang mga mata niya matapos.
"Alam mo kung anong ibig sabihin n'on?" aniya, bahagyang nakatingala sa akin at ang kamay ay nanatiling nakahawak sa braso ko.
I motioned my head for her to go on because I was too lazy to speak.
"If she's a sad girl, then you're a sad boy."
Unti-unti siya muling ngumisi habang nagpapalitan kami ng tingin. Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko hanggang sa dahan-dahan siyang bumungisngis, na nauwi sa paghagalpak ng tawa.
Mahina akong napabuga ng hangin habang pinanonood ang pamumula ng mukha niya, hindi lang dahil sa pagtawa kundi dahil sa kalasingan. Hinahampas-hampas pa ang braso ko sa katuwaan. Wala namang nakakatawa?
"Ah sad boy..." Balewala akong tumango bilang pagsakay. Sunod ay tamad na inusisa ang gusto niyang ipaglaban para lang 'di siya makatulog sa kalasingan. "O tapos? Ano bang mga pagkakapareho namin?"
May naiwang ngiti sa mukha niya nang huminahon sa pagtawa. Nga lang, pulang-pula pa rin ang pisngi at wala nang mata. Humilig siya sa braso ko at halos yakapin na niya iyon kaya't bahagya muling kumunot ang noo ko.
She was always talking to me about being careful because I'm a kid, but look at her huh. Ang daling pagsamantalahan 'pag nalalasing tapos lakas ng loob pagsabihan ako. Hah!
"Umayos ka nga, Reon." Bahagya kong binawi ang braso para bumitiw siya pero hindi niya napansin.
"What would you do?"
"Ha?" kunot-noo ko.
"'Di ba sabi mo gusto mong umalis sa lugar na 'to? Then what if you did? What would you do then?" walang bakas ng kahit anong ngisi ang mukha niya nang seryoso itong tinanong sa akin.
Nanuyo ang lalamunan ko at tila tinakasan ako ng mga salita. Iyon ang tanong na lumiligid sa isip ko nang mga nakaraang araw.
"Why are you so obsessed about leaving this town when you don't even know what you wanted to do once you're freed?"
Para akong binatukan gamit ang makapal na libro sa tanong niya. Dahil ang totoo...
"You're just an angsty lost boy who wanted to rebel against his parents, because he can't think of anything fun to do! Tama, 'di ba?" Bumitiw siya sa akin para ituro ako. Nang hindi ako nakasagot ay napahalakhak siya na animo'y nagwagi sa kung anong bagay.
Ramdam ko ang tensyon sa panga habang nakapako ang mariing tingin sa bawat linya ng pedestrian lane. May kung anong namumuo sa loob ko at timpla kong hindi ito maganda.
"You know what, Lex? Your life isn't that shitty, you are the one who's making it looks like it! Wala ka namang totoong problema kundi 'yang mga bagay na tumatakbo sa isip mo!
"And let's face it—if you can't be happy with what you have and what you are right now, then you can't be happy anywhere else! Wala 'yon sa lugar, Lex... na sa 'yo."
"Can you shut up now?" walang tono kong utas pagkalingon sa kaniya. "No one fucking asked for your bullshits."
Sinapo niya ng magkabilang palad ang mukha at mabagal na bumuntonghininga ro'n matapos.
"Shit. I'm so fucking drunk..." aniya sa parehong posisyon. Sabay mabilis na baba ng palad para ilitaw ang namumungay na mga mata. "But that's how I really see it."
Huminga ako nang malalim at napasinghal. Nahugot ko ang nakakuyom kong mga kamao mula sa bulsa ng suot na pullover. Sinabi ko na sa kaniya 'to noon. Pero tangina naman.
Tuluyan niyang binaba ang kamay at sinalubong ang mabibigat kong tingin. "What do you want to do, Lex? Tell me... anong pangarap mo? Anong pinaglalaban mo? Why do you keep on whining how your life sucks? Because I don't get it!
"Binayaran ng dad mo ang mga kalaban mo noon para ipanalo ka? So what? Hindi mo alam kung totoo sa 'yo ang mga tao sa paligid mo? Who fucking give a damn?!"
"I said shut up."
"You are a Fabregas but can't you see? You don't have to be like them because you can be anything you wanted to be!"
Sarkastiko akong suminghal nang hindi na nakapagtimpi. Humakbang akong palapit sa kaniya. "What the fuck do you know about my family?!"
Pikit ang mga mata, umiling siya nang may bahid ng ngisi ang mga labi. "You don't get it, do you? Look at your brothers and tell me—was there anything that you did and sacrificed for your family... for your parents? Mayro'n ba, Lex?"
Sabay angat ng tingin sa akin. "Wala 'di ba? You know why? Because out of the three of you, ikaw ang pinakamalaya! Ikaw ang pinakapinagbibigyan!
"And you are talented! You have all the time in the world to be anything you want to be! The world is your fucking oyster! Pero imbes na iyon ang atupagin mo, anong ginagawa mo? Here you are, whining about shits in your life which doesn't even exist! Everytime I look at you, you know what I see? I see someone full of wasted potential..."
Matigas ang tango ko dahil sa bigat ng paghinga. "Tapos ka na? Iyon lang ba? Baka may gusto ka pang ihabol?"
"Lex..." Ipinikit niya ang mga mata. Sabay bulong ng huling mga salita, "Please don't hate yourself too much..."
Pagkabitiw ng tingin sa kaniya'y nahilamusan ko ng palad ang mukha. Mabilis ang pintig ng puso ko sa galit at dismaya. Gusto kong sumigaw, magwala at magmura nang paulit-ulit. Pero nakakapanghina. Tangina.
Kinain ng katahimikan ng gabi ang hangin sa pagitan naming dalawa nang wala nang nagsalita makalipas ang ilang sandali.
Hanggang sa tila kinalabit na buton nang ilapag ko ang desisyong naisip. "Umuwi kang mag-isa."
Walang lingon akong tumawid sa kalsada na bibihira na lang ang nagdaraang sasakyan. Iniwan ko siya roon at wala akong pakialam kung makauwi siya ng bahay nila o kung dito siya magpalipas ng gabi sa kalsada. Bahala siya. Wala akong pakialam. Anong karapatan niyang iinvalidate ulit ang nararamdaman ko? Sino ba siya sa tingin niya para sabihin ang mga 'yon?
She's not even accountable for my fucking well-being! Kapatid ko ba siya? Nanay? Malayong kamag-anak? At ano, wala ba akong karapatan para indahin ang sarili kong buhay at mga problemang nilebelan niyang 'walang kwenta'? Putang ina.
O, edi siya na ang may mga totoong problema! Siya na ang nakakaputangina ang buhay! Siya na ang may karapatang magreklamo sa mundo!
Hayop na 'yan.
"Miss?"
Sinipa ko ang nadaanang fire hydrant dahil sa sobrang gigil.
"Miss!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad at mas binilisan ko iyon. Hindi ako lilingon.
"Miss, bawal matulog dito!"
Hindi sabi ako lilingon! Uuwi na ako at bahala siyang mapaano rito tutal at—
"Wala ka bang uuwian? Gusto mo dalhin na lang kita sa 'min?"
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Marahas akong bumaling pabalik at pinagsisipa ulit ang nadaanang inosenteng fire hydrant. Bawat pagtama ng talampakan ko ro'n ay may mura akong minumutawi. Inis na inis akong napakamot sa ulo, hanggang sa kalaunan ay bayolente kong nagulo ang buhok. Sa malalaking hakbang ay tinungo ko pabalik ang lugar kung saan ko siya iniwan.
Para 'kong gago. Iniwan tapos babalikan din pala.
Sinapo ko sa braso ang lalaking kanina pang kumakalabit at yumuyugyog sa kaniya. 'Kala yata ng ungas na 'to nanalo siya sa loto at sinuswerte siya.
"Ako nang bahala rito," malamig kong utas bago ito binitiwan para harapin ang babaeng ngayon ay nakaupo, yakap ang mga binti at pikit ang mata habang nakasandal sa poste. Pahakbang na sana akong palapit sa kaniya ngunit natigilan dahil sa palad na bumagsak sa balikat ko.
"Pare, ako ang unang nakakita... minsan lang makatyempo ng ganitong pagkakataon." Narinig ko ang halakhak niya. "Pwede naman pagkatapos mo—salitan tayo."
Tumigil ako sa paghinga. At nagkamali ako para isiping nagalit ako kanina. Dahil ngayo'y tila nagliyab ang buong paligid at wala akong ibang makita at maisip—kundi kung ano ang pakiramdam nang paulit-ulit na pagtama ng kamao ko sa mukha ng tarantadong manyak na 'to.
"Anong sabi mo?"
"May alam akong lugar. Do'n na lang natin dalhin para walang—"
Isang lingon at walang habas na pinalipad ko sa pagmumukha nito ang nanginginig sa galit kong kamao. Namimilog sa gulat ang mga mata, humandusay ito sa semento habang sapu-sapo ang panga. Tatlong segundo ko itong tinitigan sa nanlilisik na mga mata bago umamba ng muling sapak.
"Alexis..." Humagikgik si Reon. "Lex... sad boy..."
Pikit ang mga matang ngumiti siya hanggang sa dahan-dahang nahulog ang ulo. Muntik na siyang humantong sa kalsada kung hindi ko maagap na nasalo.
Iritable akong napadaing at napamura nang maaninag ko ang pagtakbo ng ungas.
"Hoy!"
Frustrated, I made consecutive punches on the paved road with my free hand. Halos sumigaw na ako roon dahil sa mga galit na daing. Hanggang sa bumagsak ang mga mata ko sa mukha ng may saltik na babae, na ngayo'y sapu-sapo ng isang palad ko.
"Wala kamo akong totoong problema?" Pagalit akong nagbuga ng hangin. "Eh anong tawag mo sa sarili mo? Tignan mo nga, ang liit-liit mo pero ang laki-laki mong problema," angil kong may kasamang daing.
Hindi siya sumagot. Dahil hindi na naman niya ako naririnig. At ilang beses pa ba niyang susukatin ang hangganan ng kontrol ko?
Bakas ang himbing ng tulog niya sa payapang mukha habang nakasandig sa palad ko. Nang magtagal ang tingin ko sa kaniya'y napabuntonghininga na lang ako. Mukha pa ring tanga kahit tulog.
Hindi ko maiwasang matawa nang mahina. Tama bang gano'n na lang 'yon? Tama bang wala na akong makapang galit sa akin sa mga sinabi niya kanina? Ganito lang? Pwede bang gano'n?
"Tangina... anong kadayaan 'to."
Pinisil ko ang ilong niya at napangisi na lang sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top