1 : Pain
Nagsisimula ang araw ko sa gabi
Sa puntong paglisan ng araw
Para magningning ang buwan sa dilim
Isang ilusyon tulad ng natatanging tagpo
Kung kailan ko natanto
Na dahil iyon sa pag-ikot ng mundo
***
Did you ever felt so fucking useless to the point that you just want to die and disappear? 'Yong pakiramdam mo wala kang silbi? Na bukod sa kulang-kulang ka na, kulang na kulang ka pa? That you're never going to be enough? That you're just an irrelevant bloke who's wanted to be gone by everyone?
"Wala kang kwenta, Alexis!"
"Wala ka nang ginawang tama, Alexis!"
"'Tang ina mo, Alexis, bakit ka pa nabuhay?!"
Siraulo akong humagalpak ng tawa matapos isigaw ang mga salitang narinig kay Daddy kanina lang. At least the first two. Kung hindi lang iyon nahiya ay malamang pati nang pangatlo at huling isinigaw ko'y ipinamukha niya rin sa akin, katulad ng araw-araw niyang ginagawa. Ang pagpapamukha sa aking isa akong malaking pagsisising hindi na dapat hinayaang maipanganak.
Gago ba siya? Bakit hindi niya sisihin ang sarili niya sa paggawa ng gagong katulad ko? Sinabi ko bang ako ang buuin nila? Ginusto ko bang maging katulad ko ang kumbinasyon ng mga genes nila? Kung sana kasi pinahid na lang ako sa pader ng 'di na ako nabuo pa. Who else would want to live being me, anyway?
Tumawa ako nang tumawa roon at natigilan lamang nang muntikan na akong malaglag mula sa haligi ng tulay na inuupuan. I hissed and touched the cut in my lip with the back of my hand only to confirm that it was bleeding again. Dahil yata ito sa pagtawa ko, o siguro dahil mamamatay na ako. Tangina. Sana nga mamatay na lang ako. Parang mas madali iyon kaysa ang mamatay nang paunti-unti katulad nito.
Mapait akong natawa sa mga naiisip.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang maramdaman ang paninikip ng lalamunan. Pagkaangat ng tingin ay natanaw ko ang kulay kahel at papalubog nang araw. Hudyat ng pagtatapos ng isang simula.
Hindi nag-aalis ng tingin mula sa pamamaalam ng liwanag, unti-unti akong tumayo at nagbalanse sa sementadong haligi ng tulay. Para akong nahihipnotismo ng tanawing nasa harap. Ang nag-aagaw na liwanag at dilim, mga ibong malayang nagliliparan sa himpapawid, at ang pagtama nang natitirang sinag ng araw sa rumaragasang ilog. Nakakatawa. Dahil kasalungat sa ganda ng nakikita ko ngayong tanawin ang nararamdaman kong pagguho ng mundong kinalalagyan ko.
"Hey, kid!" Galit na boses ng isang babae.
Dahan-dahan kong iniangat ang magkabila kong braso hanggang sa naidipa ko ito kapantay ng ulo. Sinalubong ko ang mabining pag-ihip ng hangin at binalewala ang lahat matapos.
"Hoy sabi!"
Bahagyang kumunot ang noo ko ng marinig ang parehong galit na boses. Ngunit muli ko lamang din itong binalewala. Abala pa ako sa pagtanaw ng natitirang liwanag nang bigla na naman itong nagsalita, mukhang pursigidong magpapansin.
"Kung balak mong magpakamatay, pumili ka ng ibang lugar!"
Tuluyang kumunot ang noo ko pagkalingon sa babae. Kasabay ng pagbagsak ng mga braso ko ang pagtama ng linya ng mga mata namin. Ang galit sa kaniya ay katumbas naman ng iritasyon sa akin.
Ugh. The blue-haired crazy chick. Parang gusto kong suminghal ng agad makilala kung sino ito. Kaklase ni Kuya.
"At nakikialam ka dahil?"
Hindi ako sigurado kung galit ba ang nakita kong kumislap sa mga mata niya, o sadyang nadadaya lang ako ng liwanag mula sa papalubog na araw. Gayunpama'y naisip ko kaagad kung anong pinaglalaban ng galit niya.
"Dahil mga tanga lang ang naniniwalang pagtakas ang kamatayan."
Napababa ako mula sa pagtayo sa railings nang tuluyang maramdaman ang pagkakawalang-gana.
"Tanginang buhay minsan ka na nga lang dumaing may nangingialam pa," bulong-bulong ko habang nakasimangot sa tuluyang paglubog ng araw.
"Anong sinabi mo?"
Barumbado kong ipinagpag ang magkabilang palad sa unipormeng suot at saka siya hinarap. Humakbang akong palapit dahil gusto kong iparamdam sa kaniya ang iritasyong nadarama. Standing for almost a hundred and eighty centimetres high in junior high sure had its own pros and cons. At aaminin ko, sa tapang at tigas ng ekspresyon niya ngayon habang nakatingin sa akin ay parang gusto ko siyang takutin. Parang gusto ko siyang ilagay sa dapat niyang kalagyan.
Ngunit nang nakalapit na ako't nakatayo na't lahat doon sa harapan niya, ay mas lalo lang akong nairita nang walang nagbago sa matigas niyang ekspresyon. Umiigting ang panga at kumukunot ang noo kong sinuklian ang mga titig niya.
"Walang magpapakamatay dito. Ang mapapatay dahil sa pangingialam, manapa." Umangat ang isang gilid ng mga labi ko para sa isang madilim na ngisi.
Buong sandali'y hindi ako nagbitiw ng tingin sa kaniya, ayaw magpatalo. Ngunit ang ngisi ko'y agarang naging hilaw nang marinig ko siyang biglang bumunghalit ng tawa. Pinandilatan ko siya hanggang sa halos maiyak na siya roon.
Tangina, mas malaki yata ang sira sa ulo ng babaeng ito kaysa sa akin.
She looked fucking amused about something. Parang gusto ko nang manapak sa panibagong iritasyon ng matantong pinagtatawanan niya ako. Pinagtatawanan lang niya ako! Anong nakakatawa?! Ako?!
"Listen here, kid. If you think you can intimidate me with your height and your glare then think again—because it's definitely not working."
Kid? Tinawag ba niya akong bata? Sa laki ng height difference namin naatim niya akong tawaging bata?! Mukha lang ba akong bata rito sa harap niya?!
Parang gusto ko na talagang manapak!
Frustrated with my own thoughts, I was left speechless in front of her. My fucking mouth had stopped working for no apparent reason.
Isang ngiti ang tuluyang nagpalambot ng ekspresyon niya. "Go home, Alexis. 'Wag mo nang hintaying sunduin ka pa rito ng mga kuya mo. Xander wouldn't be happy to know what your business here is if he finds you."
Pagkarinig sa pangalan ng kapatid ay agad akong nawalan ng interes sa usapan at sa lahat. Ang magaling kong kapatid. Ang magagaling kong mga kapatid na 'di tulad ko'y may silbi.
I shrugged with dead eyes. "Edi ayos. If he'll kill me then I don't have to do it myself."
"Your life isn't that miserable compared to others who can't even afford to live even though—"
"And who the fuck do you think you are to tell me how I should feel my pain?!" Natigilan siya agad sa sigaw ko at halatang nagulat. Maging ako'y nagulat sa galit na mabilis nakahanap ng espasyo sa akin.
"Ang gusto ko lang sabihin—"
"Oh, you shut the hell up!" Bahagya akong umatras at napahinga nang malalim, pinipigilan ang sariling makapanakit dahil sa galit. "Hindi mo alam at wala kang ideya kung anong pakiramdam maging ako. Kaya wala kang karapatang sabihin sa 'kin ang mga basurang 'yan!"
Mabilis ang pahinga ko pati nang pintig ng puso. Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa sobra-sobra at magkakahalong galit, hinanakit at pagkabigo ko sa mundo, lalo na sa sarili ko.
"Lex, calm down I'm not trying to—"
Halos magdilim na ang paningin ko ng binawi ko ang hakbang paatras. Nang hindi pa nakuntento ay halos wala na akong tinirang distansya sa pagitan naming dalawa. It was by impulse when I grabbed her necktie and pulled it closer to my raging expression. Ilang sandali pa bago tuluyang rumehistro sa akin ang bahagyang takot sa mukha niya. Ngunit bukod doon, mas higit na nangibabaw ang simpatya sa ekspresyon niya.
Hindi ko ito naintindihan noon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang maunawaan.
"It's okay..."
Kung paanong ang simpleng mga katagang iyon, ang gumiba nang matatayog na pader na siyang nagsilbing sandalan ko sa tinagal na panahon.
"I'm sorry," patuloy niya, ang luha ay nanggigilid na.
Gulat at lito, para akong nanghina ng binitiwan ko ang necktie ng uniporme niya. Gusto ko siyang takutin kanina ngunit nang nakikita ko siyang ganito ay parang hindi naman ako natutuwa.
Suminghap siyang bigla at ang sunod na ekspresyong nakita ko sa mukha niya ay hindi ko mapangalanan. Ang alam ko lang ay ayaw ko itong makita. Kaya't nag-iwas ako ng tingin at sinubukang ibaling ang atensyon sa tahimik na paligid.
Ngunit laking gulat ko ng maramdaman ko ang pagbalot nang maninipis niyang braso sa akin. Nanigas na ako sa kinatatayuan ng sunod kong maramdaman ang pagbaon niya ng mukha sa dibdib ko. She was sobbing then but her voice remained firm as I remembered it.
"Crying is okay."
Kumurap-kurap ako at nagtaka sa naramdamang tubig sa sariling pisngi. Umiiyak pala ako. Umiiyak? Ako?
Pagak ang tawang lumabas sa akin at sigurado akong nasisiraan na naman ako ng ulo, katulad ng madalas sinasabi sa akin ni Dad. Na siyang sinasang-ayunan naman ni Mommy at ginagatungan ng mga kapatid ko.
"Sinapak mo raw ang teacher mo? Wala ka na bang ibang alam gawin kundi katarantaduhan?!"
Ginawa niya akong katatawanan sa buong klase ng ilang buwan at pinalagpas ko iyon. Sinabi niyang bastos ako at walang galang, ginawa ko lang totoo, masama ba 'yon? Edi tama na siya ngayon, bukod sa tamang sinapit niya sa akin!
"Para ka namang bago nang bago sa anak mo, Alex. Eh that's the only thing he's good at!"
Just like how you're good at running your mouth, huh?
"Noong isang araw nga nakita ko pa 'yang nakikipagtalo sa mga senior na ka-batch ko. For God's sake, hiyang-hiya ako na pati ako nasasangkot sa mga kabulastugan niya!"
Sana alam mo rin na sukang-suka akong magkaroon ng kapatid na kagaya mo.
"Lex, for once, can you try to knock some sense in your head before doing something disgraceful? Isipin mo na lang anong magiging impact ng mga ginagawa mo sa pamilya natin. Kahit para na lang sa pamilya since mukhang wala ka namang pakialam sa sarili mo!"
Hell yeah. At tingin mo magkakaroon pa ako ng paki sa ganitong klase ng pamilya?
"Kung kailan malapit nang eleksyon 'tsaka mo paiiralin 'yang katarantaduhan mo? Wala ka talagang utak! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?! Na wala akong kwentang magulang, dahil nagpapalaki ako ng walang silbi at may sira sa ulong anak?!"
Mula sa pagkakatulala ay kumawala ang mahina kong tawa, na unti-unting nauwi sa paghagalpak. Natahimik silang apat para lang sipatin ako na para bang nasisiraan na talaga ako ng ulo.
"O bakit? Hindi ba totoo? 'Di ba 'yan nga ang palaging bukang bibig mo? Na siraulo ako? Edi totoo ring wala kang kwentang—"
Hindi ako pumikit. Hindi ako umilag. Buong-loob kong tinanggap ang suntok at lahat ng masasakit na salitang binitiwan niya.
Ayos lang. Sanay na ako.
"Wala kang kwenta! Narinig mo?! Narito ka sa poder ko kaya 'wag kang magmalaki sa 'kin!
"Kung wala kang planong maganda sa buhay mo, gayahin mo ang mga kapatid mo! Kahit kailan hindi sumakit ang ulo ko sa dalawang 'yan! Ikaw lang ang natatanging walang ibang ginawa kundi ipahiya ako at ang pamilyang ito!
"Gamitin mo 'yang utak mo, Alexis! Hindi ka binigyan niyan para lang hayaang palutangin at bulukin!"
If pain was addicting, I guess I'll always gonna be high.
"Crying is okay but trying to kill yourself is not!"
Para akong hinugot pabalik sa reyalidad nang marinig ko ang sigaw niya. Muli akong kumurap-kurap nang natantong naroon na siya nakatayo sa harap ko, maiging nakatitig sa akin at hindi mabasa ang ekspresyong nasa mukha. Bahagya pa siyang nakatingala dahil sa height difference namin.
Naisip ko tuloy bigla kung totoo ba ang nangyari... kung totoo bang niyakap niya ako... dahil bakit niya 'yon gagawin kung halos saktan ko na siya kanina rito dahil sa galit ko? Hindi ba talaga siya natatakot sa 'kin?
She threw a weak punch on my chest. Bumagsak ang pagod kong mga mata sa kamao niya nang manatili ito roon.
"The world is full of shit... shitty people... shitty places... shitty situations... but there's also good shits... and sometimes... sometimes that's enough to help us carry on..."
Mabagal akong humugot ng hininga. After idling a little, I heard myself chuckling weakly with all the shits—good shits. Right.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, bahagyang iritable kahit may bakas pa ng luha ang mga mata. "Are you listening to me you little shit? Life is one hell of a good shit kaya 'wag mong basta na lang ibasura!"
Napahalakhak na ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko talaga alam...
"Fucking crazy blue-haired chick full of shit," tatawa-tawang bulong ko sa sarili ng tinalikuran ko ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top