Umuwi siyang umiiyak. Sabi ng mga kaklase niya, may lahi raw siyang unggoy dahil ang daddy niya'y isang orangutan.
"Luke, sweetie. You didn't come down for dinner again. What's wrong?"
Tinalikuran niya ang ina at nagtalukbong pa ng comforter. Dahan-dahan namang binaba ng mommy niya ito at hinagud-hagod ang kanyang likod.
"What's wrong, baby?" masuyo nitong tanong.
Nahihiya sana siyang magsabi ng problema, pero dahil sa kalalambing ng mommy niya napatihaya siya at napakuwento ng nangyari sa eskwelahan. Sinabi niya rito na pinagtutukso na naman siya nina Anders at Elvind tungkol sa pagiging mixed race.
"They say my dad is a descendant of an orangutan in Asia. Is it true, Mommy?"
Ngumiti ang mommy niya at sinapo pa ang kanyang magkabilang pisngi bago siya sinagot ng "Of course not."
"They say I only look white on the outside but on the inside I'm still an ape because my dad is an ape! I hate it, Mommy. I hate being an ape! I hate myself!"
Napailing-iling nang ilang beses ang mommy niya at sinabi sa kanyang huwag niyang paniwalaan lahat iyon.
"You're not an ape. You're far from it."
Ngumiti uli ang mommy niya and this time her eyes were misty.
"But they say---"
"Don't you ever think low of yourself because your classmates say so. You are very special. Everytime I look at you ---I see your father, my one true love."
Nangunot ang noo ng anim na taong gulang na si Luke. Napaisip siya saglit.
"So that makes me an ape afterall," matamlay niyang sagot.
Dinala siya ng mommy niya sa harap ng salamin ng dresser.
"What do you see?" tanong nito.
"Blond hair and blue eyes," naguguluhan niyang sagot.
"There you go," nakangiting sagot ng ina.
Lalong nalito ang batang si Luke pero hindi na nagsalita pang muli.
**********
"Your dad has called many times. When are you going back to the Philippines?"
Dali-dali niyang tinapos ang almusal at tumayo na.
"Luke," ang lolo niya uli.
"I'm staying for good," matamlay niyang sagot.
From the corner of his eyes, he saw his grandparents looked at each other. But they never spoke again until he left the table.
As usual, dinala na naman siya ng mga paa sa Aker Brygge. Sinubukan niyang malibang kahit saglit lang sa kapapanood ng mga dumaraang tao at sa mga nagkakasiyahan sa mga restaurants at bars na nasa waterfront. Pero imbes na mawala sa isipan niya ang mga naiwan sa Pilipinas, mas lalo namang nagsusumiksik sila roon. Naisip niya si Rona at ang baby nila. How he longed to go back and be with them, but he felt he doesn't deserve them anymore. They need somebody better.
Pauwi na siya sa bahay ng mga lolo't lola niya nang may nakabangga siyang mama. Amoy alak ito at mukhang mainit ang ulo. Dinuru-duro siya agad at sinabihang hindi tumitingin sa nilalakaran. Pero mayamaya'y tumigil ito sa katutungayaw at parang natigilan. Pinangunutan siya nito ng noo at parang pinakatitigang mabuti.
"Sandali lang. Johan? Ikaw ba iyan?" bigla na lang ay sabi nito sa salitang Norwegian. Walang pasabing sinapo pa nito ang magkabila niyang pisngi. "Oh. Beklager (sorry). I thought you were my friend, Johan."
Natigilan si Luke. Hindi lang iyon ang unang pagkakataong napagkamalan siya. I guess I look so pretty common here.
**********
Ang sabi ni Eira natawagan na raw niya si Luke at nasabihan pang nakapanganak na siya, subalit hanggang ngayon ay hindi man lang ito nagparamdam. Magdadalawang buwan na ang baby nila. Nakakapanlumo tuloy. Ang hindi maintindihan ni Rona nagsabi pa itong mahal daw siya bago umalis papuntang Norway. Kung wala naman pala itong balak na panindigan siya, ba't pa ito nagsabi-sabi ng ganoon? Disin sana'y hindi siya nahihilong talilong ngayon.
"Wait, baby. Mommy's coming."
Dali-daling binalikan ni Rona ang anak na ngayo'y bigla na lang napalahaw. Nang damhin niya ang diaper nito'y mabigat na sa ihi.
"Kaya naman pala, e. Sorry, sweetie. Saglit lang at papalitan ka na ni Mommy."
Kahit nang mapalitan na ito'y hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iyak.
"Naku, baka nagugutom ka na. Sandali lang, ha? Paparating na marahil ang Tita Elena mo."
Tiningnan ni Rona ang relo. Alas nuwebe na. Dapat kanina pa nakarating sa kanila si Elena. Ano kaya ang nangyari sa babaeng iyon? Saktong alas nuwebe y medya may nag-door bell. Dali-daling tumakbo si Rona sa front door only to be disappointed. Hindi ang kababata ang napagbuksan niya kundi ang matandang Santillan. May kasama itong alalay na hindi magkandaugaga sa mga bitbit nila. Isang basket ng sari-saring prutas at isang malaking supot ng tingin niya'y mga gamit ng bata.
"G-good m-morning, Mr. Santillan. Kayo ho pala."
Walang kangiti-ngiting pumasok ito sa loob ng apartment niya. Naasiwa si Rona. Ang nakasanayan kasi niyang Mr. Santillan ay ang mabagsik at walang modong kawangis ni Dracula, hindi ang parang maamong tupa na nilalang.
"I have to apologize. My son has not decided yet when to be back, so here I am again, doing what's supposed to be his responsibilities."
"You don't have to be good to us, Mr. Santillan. It's not your job."
"What? And let my only grandson suffer in---"
Natigilan ito. Hindi na itinuloy. Nakita siguro ang pagngiwi ni Rona.
"Anyway, I came to tell you that you need to go back to our condo, at least for the time being. Pinapaayos ko pa ang isa naming bahay sa White Plains dahil balak kong ibigay iyon sa apo ko," ang sabi pa. Nagtaas ito agad ng dalawang kamay para putulin ang kung ano mang pagtutol ni Rona. "The baby deserved it. He's a Santillan."
"Malapit na pong matapos ang pinapagawa kong bahay. Do'n po namin balak lumipat."
"I'm not trying to be a pest here, Rona, but I want to give the best of everything to my grandson. It's the least I can do to him for everything that has happened in the past. Please let me be a grandfather to him," tila pagsusumamo nito. Tinitigan siya nang matiim sa mga mata.
Nangunot ang noo ni Rona. Nawiwirduhan siya sa matanda. Ang sabihing nagulat siya sa pag-iba ng pakikitungo nito sa kanya ay hindi sapat. Katunayan, gulat, pagkamangha at pagkalito ang nararamdaman niya sa pag-iba ng ugali nito. Naiintriga tuloy siya kung ano ang mga inihabilin dito ni Luke bago tumungong Oslo.
Kaalis lang ng matanda nang humahangos namang dumating si Elena. Sinimangutan agad ito ni Rona at sinita kung bakit naantala.
"Sorry, Rona. Dumaan pa kasi akong post office. Hindi ko alam na mata-traffic ako sa pagpunta rito. Pasensya na."
Napahinga nang malalim si Rona. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Pinapasok niya ang kababata at sinabihang magpahinga muna.
"You can freshen up in the bathroom while I get the breastpump."
**********
Nakayuko ang kapatid niya sa waiting room nang dumating siya sa ospital. Umangat lang ito ng mukha nang maramdaman ang pagdating niya.
"Ate!" naibulalas nito agad at biglang umaliwalas ang mukha.
"Ano'ng nangyari kay Papa?"
"Nagka-mild stroke siya sabi ng mga doktor, but he's fine now. Puwede na siyang bisitahin sa kuwarto niya. Nasa loob nga sina Gary at Mommy. If you want, you can get inside, too. Hinihintay ka talaga niya."
For the first time, hindi niya ito inangilan. Pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang kinaroroonang silid ng ama, dali-dali na siyang pumunta roon.
"It's good that you're finally here, hija," malumanay na bati sa kanya ni Mrs. Perez. Magalang ding bumati ang bunso nitong anak na si Gary bago nila nilisan ang silid.
"Rona, anak," tila nahihirapang tawag sa kanya ng papa niya. "Mabuti't nakarating ka. Kahapon pa sana kita pinapatawag."
"I'm sorry, Pa. Hindi ko agad nakuha ang mensahe n'yo dahil busy ako kay Johan. Nagkasinat po kasi, e. Kumusta na po kayo?"
"I'm all right. Kumusta ang apo ko?"
"Mabuti-buti na po. Iniwan ko saglit kay Elena."
Ginagap nito ang isa niyang palad at pinisil.
"Come here," sabi pa nito. Nang makalapit siya, kaagad siya nitong niyakap at hinagkan sa sentido. "Mahal na mahal kita, anak. Huwag mong isipin na hindi kita minahal."
Napangiti si Rona. Kung narinig niya iyon a few months ago, it would surely make her feel uncomfortable at tiyak na aangilan pa niya ang ama. But this time, it's different. Kahit na nakadulot sa kanya ng matinding kalituhan ang mga DNA tests na isinagawa para mapatunayan kung sino ang tunay niyang ama, nakadulot din iyon ng kabutihan. It has made the two of them closer than ever.
Nang bitawan siya ng papa niya, nakita ng dalagang hilam na sa luha ang mga pisngi nito. Kinabahan siya tuloy. Namamaalam na ba ito? Ganoon kasi ang eksena sa mga pelikula kung pakiramdam ng character ay kakaunti na lang ang itatagal nila sa mundo.
"Pa naman, e. I didn't come here for some drama."
Mahigpit na pisil sa palad ang sinagot ng matanda.
"I have something for you," at itinuro nito ang isang maliit na package na nasa ibabaw ng bedside table. "Take it."
Kinuha ni Rona ang nasabing kahon. Naintriga siya. Ano na naman kaya ang pinadala sa ama niya? Hindi naman siguro ito DNA result uli. If ever may kinalaman na naman sa resulta ng pagsusuri nila, hindi naman siguro ipapadala sa kahon. Isinantabi muna niya ang mga katanungan sa isipan at binuksan ang naturang package. May nakita siya roong isang baby book na nakabalot sa plastic. Mukhang luma na ang nasabing libro. Lalong nahiwagaan doon si Rona.
"It's from your mother. Somebody sent that to me a few days ago. I felt it is only right that you read the entries in that book because it's all about you and who you are."
Nagkatitigan silang mag-ama. Binalot na naman ng matinding takot at kaba ang dalaga.
**********
Habang pinagmamasdan ang anak na may nakakabit na kung anu-anong apparatus, napahikbi si Rona. Ang hindi niya maintindihan mukhang okay naman ito nang ipanganak niya kung bakit nagkaroon ng hypoglycemia.
"Doc, kumusta po ang baby ko? Okay lang po ba siya?"
"We are still checking his blood sugar, Mrs. Ramirez. Pero mukha namang maganda ang response niya sa treatment. We'll see in the next few days."
Napatingin sa kanya si Mrs. Santillan. Mababanaag sa asul nitong mga mata ang pag-aalala para sa kanyang apo.
"What did the doctor say? How's Johan?"
"He's all right, now," pagsisinungaling niya rito.
Napangiti nang mapakla ang ginang. Tinitigan nito ang apo at nangilid ang kanyang mga luha.
"He really looks like someone very dear to my heart," sabi nito na parang wala sa sarili. Napatingin din tuloy si Rona sa anak niya at napatango-tango. Kamukha nga ni Luke, pwera na lang sa kulay ng mga mata't buhok. Kung kulay mais ang buhok ng ama, dark brown naman ang sa bata. Gano'n din ang kulay ng mga mata. Ganunpaman, magkawangis na magkawangis silang mag-ama sa hugis ng mukha at kulay ng balat. Hindi nga maikakailang magkadugo sila. Napangiti siya tuloy nang maalala si Jason. Kung hindi pa rin niya tinigilan ang pagpapanggap nila, tiyak na napahiya na silang dalawa ngayon.
Narinig ni Rona ang pagbuntong-hininga ni Mrs. Santillan. She looked so sad. Nabahala siya. "Don't worry, Mrs. Santillan, he'll be all right. Why don't you go home and rest? I'll take care of Johan. I'll just keep you posted about his condition."
"Why don't you call me Mom?"
Nabigla si Rona at hindi niya napigilang mapatitig sa babae.
"You brought him back to life and for that I am very grateful."
"P-po?" Awtomatikong dumagundong ang puso ni Rona. Natakot siya bigla. Naisip niya agad si Luke. Ano'ng nangyari kay Luke?
"Okay, I'll leave him in your hands. Please take care of my grandson," sabi pa nito at lumabas na ng silid ng bata.
May panginginig ang mga kamay na pinindot ni Rona ang numero ni Eira. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa kapatid nito. Hindi na maganda ang pakiramdam niya. Posibleng may tinatagong hindi magandang balita ang mommy nila. Lalong inatake ng kaba ang dalaga nang hindi makontak-kontak si Eira. Just when she started giving up at pinaubaya na lang sa Diyos ang lahat bumukas ang pintuan at niluwa nito ang lalaking ilang buwan na niyang pinangungulilaan.
"Luke!"
Nakalimutan ni Rona ang lahat ng pagdaramdam sa lalaki. Ang naisip lamang niya nang mga sandaling iyon ay ligtas ito at buhay na buhay. Dininig ng Diyos ang kanyang panalangin. Sinalubong niya si Luke ng mahigpit na yakap. Narinig niya itong napabungisngis.
"Did you miss me that much?" tanong nito.
"Are you all right? What happened?"
Nalito si Luke sa mga katanungan niya.
"Why? What's wrong with me?"
Sinimangutan ito ni Rona. Napangiti naman ang mokong at niyakap siya. This time may kasama nang halik sa kanyang noo iyon. Mayamaya pa, kumalas ito at dahan-dahang lumapit sa higaan ng bata. Pinangiliran ng luha ang mga mata nito habang hinahaplos-haplos ang kamay at braso ng anak. Lumuhod pa ito sa tabi ng kama at hinagkan-hagkan sa noo ang baby.
"What's his name?" pabulong nitong tanong kay Rona habang nakamasid sa sanggol.
"I named him Johan Reidar. Mom---I mean your mom---she says they're the most beautiful Norwegian names for a baby boy," nakangiting sagot ni Rona. Medyo nahihiya pa siya sa pagkadulas. Baka akalain ng damuho na nagpi-feeling wifey na siya nito.
Napalingon si Luke sa kanya. His mouth agape. Parang napapantastikuhan ito sa sinabi niya.
"Sorry kung hindi kita natanong. Kasalanan mo rin. You were out of the country for too long. Ni hindi ko alam kung babalik ka pa o hindi. You didn't even call like you told me."
"I'm sorry," paanas nitong sagot at kinuha ang isa niyang palad para bigyan ito ng isang masuyong halik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top