CHAPTER TWENTY-THREE
YOU CAN ALSO READ THE COMPLETE COPY ON BOOKLAT FOR FREE: https://www.booklat.com.ph/story/info/15692/BETTER%20PLACE
OR YOU MAY LOOK FOR GRETISBORED THERE AS WELL!!!! SALAMAT!
**********
Hindi alam ni Rona kung ano ang gagawin ngayong kaharap na niya si Caloy makaraan ang kung ilang taong pag-iiwasan nila. Huli na para umiwas dahil nakorner na siya nito sa dati nilang kalye.
"Rona, sana naman kausapin mo na ako nang maayos ngayon. Ilang taon na lang halos isang dekada na ang nakalipas simula no'ng---no'ng nangyari iyon sa atin. Sana mapatawad mo na ako sa lahat ng naging kasalanan ko sa iyo."
"Ang dali-dali para sa iyo ang hingin iyon sa akin. Hindi mo ba naisip kung paano mo ako pinahiya noon? Ang kapal talaga ng mukha mo!"
"Kaya nga nagsusumamo ako sa iyo ngayon, patawarin mo na ako. Alam mo bang bawat gabi ng buhay ko, simula no'ng ginawa ko iyon sa iyo, hindi na ako mapanatag? Palagi kitang naiisip at sa maniwala ka man o hindi sising-sisi talaga ako sa ginawa ko. Pasensya na kung hindi ako tumupad sa pangako."
Sasagot pa sana si Rona, pero nakita niya ang pagsilip ni Eliza mula sa dating bakuran ng kababata. Kalong-kalong nito ang pang-apat nilang anak. Babae raw uli ang bunso nila. Siguro naramdaman ni Caloy na nasa likuran lang ang mag-ina nito kung kaya't lumingon ito. He looked at them with warmth and pride in his eyes. No'n napagtanto ng dalaga na hindi lang pala madaliang desisyon ang pakikipagtanan nito kay Eliza noon. Marahil naging bulag lang siya sa palatandaan na matagal nang hindi na siya ang mahal ni Caloy.
"I named my youngest daughter Ronalyn, hango sa pangalan mo," nakangiting sabi pa nito. Parang nahihiya ito na natatakot na ikagalit niya iyon.
Ang totoo, nagulat siya roon, pero wala siyang nakapang galit sa dibdib. Bagkus, she felt honored.
"Kaya kami lumuwas uli ng Maynila, gusto talaga namin ni Eliza na makausap ka nang masinsinan. Gusto rin niyang humingi ng tawad sa iyo, pero sinabihan kong ako na lang muna para hindi ka mabigla. Gusto na naming mamuhay nang tahimik."
Napasulyap uli si Rona kay Eliza. Sa pagkakataong ito, nagtama ang kanilang paningin. Bahagyang yumuko sa kanya ang babae. May nangilid pang luha sa kanyang mga mata. Naisip ni Rona na kung sadyang maldita at bruha si Eliza ay hindi na ito magbabalak pang humingi ng tawad sa kanya. Wala naman kasi itong kasalanan kung tutuusin. Si Caloy ang naging nobyo niya at ang siyang dapat sumaalang-alang sa damdamin niya noon.
Napansin na lang ni Rona na napatango siya kay Eliza bilang pagtanggap ng paghingi nito ng tawad. Nang tumingin na siya uli kay Caloy nakita niya ang pangingilid din ng luha sa mga mata nito. Parang nag-uumapaw din ang kaligayahan ng dating nobyo sa ginawa niya para sa asawa nito..
"Maraming salamat, Rona!"
Tango na lang ulit ang sagot niya. And she felt like a huge chunk of burden was lifted from her shoulders.
**********
Hindi mapakali si Rona sa kalagayan ni Johan. Patuloy sa pagtaas-baba ang blood sugar nito. Kung anu-ano na tuloy ang kanyang naiisip lalo pa nang isuhestiyon ng pediatrician ng bata na ipapadala sa Australia ang blood specimen nito para doon patingnan sa mga eksperto.
"Everything will be all right. Just have faith," masuyong bulong sa kanya ni Luke habang niyayakap siya.
Marami siyang gustong isumbat kay Luke. Pakiramdam niya kasi isa ito sa mga dahilan kung bakit ipananganak na sakitin si Johan. Kaso nga lang, abala ang kanyang puso't isipan sa pag-iisip ng maaaring gawin para bumuti-buti ang lagay ng baby niya. Makakapaghintay ang komprontasyon nilang dalawa.
"How's the baby?" tanong ng dad ni Luke nang dumating ito sa ospital nang umagang iyon. May kung anu-ano na namang dala para sa kanila ang matanda. Sinalubong ito ni Rona ng halik sa pisngi. Ilang linggo na niyang naging gawain ang ganoon. No'ng una lang lang siya naasiwa, pero ngayon it just felt right. Napansin niya lang na medyo malungkot si Luke nang makita siyang ganoon na ka-close sa dad nito. Naguluhan si Rona sa ipinakita nito, pero isinantabi muna niya ang pag-aanalisa ng ganoong reaksiyon ni Luke.
"The doctor doesn't seem to know what's the problem with him," tila nag-aalalang sagot ni Luke sa ama.
Lumapit ang matanda sa bata at pinadaan ang hinlalaki sa noo nito at pisngi nito.
"He really looks like you," nakangiting lingon ni Mr. Santillan sa anak. "He's got your nose, your chin, and your lips. But I think he's got my forehead, right?"
Nakita ni Rona na dahan-dahang napangiti si Luke. Lumapit ito sa ama at umakbay pa habang pinapanood nila ang pagtulog ni Johan. Pinakatitigan din niya ang tatlo at hinahanap sa hitsura ng bata ang sinasabi ni Mr. Santillan na pagkakahawig nito sa kanila. Sumasang-ayon siya sa sinabi nitong nakuha ng baby ang ilong, baba, at mga labi ni Luke pero mukhang malayo yata sa matandang Santillan ang noo ni Johan. Ganunpaman, hindi na kumontra roon si Rona.
Kaaalis lang ni Mr. Santillan nang dumating uli ang doktor at kinausap sila nang masinsinan ni Luke. Abot-langit ang kaba nila pareho.
"I won't lie to both of you. I think you deserved to know what's going on with your child."
Pagkarinig doon, napahagulgol si Rona. Kinailangan uli siyang yakapin at aluin ni Luke para tumahan. Tumahimik tuloy ang doktor. Nang huminahon si Rona, saka lang ulit nagpatuloy ang lalaki.
"We decided to take off all the apparatus from your child and let you hold him. In some cases, it helped the patient a lot. Powerful din kasi ang tinatawag nating mother's touch."
Napayakap uli nang mahigpit si Rona kay Luke. Halos wala na siyang lakas tumayong mag-isa pero kailangan niyang magpakatatag para sa baby nila. Sinabihan sila ng nurses na kapwa nila hawakan ang bata kung kaya naunang naupo sa katabing rocking chair si Luke pagkatapos ay pinaupo si Rona sa kanyang kandungan. Sa ibang pagkakataon siguro'y maaasiwa ang dalaga sa posisyon nila pero nang mga sandaling iyon walang ibang laman ang puso't isipan niya kundi ang kaligtasan ni Johan. Nang komportable na sila pareho, binigay ng nurse kay Rona ang bata. Umiyak ito nang walang humpay, pero nang hagkan-hagkan nila pareho ay dahan-dahang tumahan. Nakita pa ni Rona na para itong napatingala sa kanilang dalawa. Siguro nga nakikilala na siya dahil halos tatlong buwan na ito, pero marahil ay nagtataka ito kung sino si Luke.
Hinaplos-haplos ni Luke ang pisngi ng bata bago hinagkan sa noo. Pareho nilang niyakap ni Rona ang bata habang pinapagalaw back and forth ang rocking chair. Mayamaya pa, nakita nila itong dahan-dahang pumikit. Nataranta na naman si Rona.
"Doc! Doc, look at him. Ano'ng nangyayari?"
Pinulsuhan ng doktor ang bata at napangiti siya kay Rona.
"He's sleeping."
Iniwan sila saglit ng medical team para magkaroon ng privacy. Kung kailan silang tatlo na lang saka nakaramdam ng hiya si Rona. She shifted position and she heard Luke took a deep breath.
"I'm sorry for not being here with you when you gave birth to him. I'm sorry, too, for all the pain and disappointments that I have caused you in the last few months. I was an asshole, that I admit."
Napalingon si Rona kay Luke at nakita niya itong parang nakatingin sa kawalan habang hinihimas-himas ang braso ng anak.
"I've always taken things for granted because I thought I was entitled to everything---that it was my birth right. It was only a few months ago that I learned the things I used to think as my own were never mine in the first place."
Nagkasalubong na ang kilay ni Rona. Naguguluhan na siya sa mga pinagsasabi nito.
"Remember when I asked you several times to repeat the DNA test and you refused?"
Tumango si Rona.
"I took it upon myself to clarify things up. I went to the laboratory where I took you for the first test. I asked them to perform a DNA test for me if indeed Dad is my biological father."
Natigil sa paghahagod at paghahalik ng noo ni Johan si Rona at napatingin kay Luke.
"Mine was easy to determine because I had my mom's specimen with me, too. They told me that having both parents' specimen were more conclusive because it was easy for them to determine which of my DNA came from my mom and dad. That's when I found out that Dad is not my biological father."
Parang bombang sumabog sa pandinig ni Rona ang sinabi ni Luke. Napa-what siya nang malakas dahilan para magising si Johan at umiyak. Nagpalahaw ito kaya kinailangan niyang tumayo at ipaghele ang bata. Ganunpaman, mukhang sa sobrang gulat ay hindi ito mapatahan-tahan nang lubusan. Tumayo na rin si Luke at pinahiran nito ang luha ng bata sabay halik sa pisngi nito.
"I love you so much, baby. Whoever gave us both that chin, that lips, and that nose---there's one thing I want you to know. Daddy is grateful to him for the good genes," at napangiti pa si Luke sa huling sinabi. "But that doesn't mean that Daddy is turning his back to the man who has made him what he is today. I hope you will love Grandpa as much as Daddy loves him." Sa puntong ito, napatingin na si Luke kay Rona. This time parang may kung anong hindi mawari ang dalaga sa ekspresyon ng mga mata nito.
"I---I love you but if you feel like I don't deserve you now that---that you're the rightful heir, I'll understand," sabi pa ni Luke sa mahinang-mahinang boses. Ganunpaman, parang ikinagulat pa rin iyon ni Rona. Napa-what siya uli nanag malakas. Nang umingit na naman si baby Johan tinalikuran niya saglit si Luke at isinayaw-sayaw ang bata.
"I think the lab test where you went to---the one that said you and your papa are not related are telling the truth. I think you're Dad's real child."
Natawa nang malakas si Rona.
"You're crazy to even believe them."
"There's only one legit reason for Dad to change his mind about you. You see, he is very kind to you now. He is even spending a lot of his time and resources for you which he had not done before."
Napangiti si Rona. But this time ang ngiti niya ay may kasamang lungkot. Sinabihan niya si Luke na dukutin ang kapirasong papel sa bulsa ng kanyang jacket. Nangunot ang noo ni Luke pero tumalima rin ito. While he was unfolding the paper, Rona explained.
"Binigay ng dad mo sa akin noong nagpupumilit akong huwag magpatulong sa pagpapagamot kay Johan. Ang sabi sa akin ni Elena, mariing pinakiusap daw iyan ng mama ko ilang buwan bago siya naratay sa ospital. Si Elena, iyong kinukuwento kong nagpapadede kay baby no'ng minsang inubo ako nang matagal ang siyang naghulog ng sulat ilang buwan bago ako nanganak."
Pigil ang hiningang binasa ni Luke ang nasabing sulat.
Dear Mr. Santillan,
It felt awkward now to call you Dad just like I used to call you in college because a lot of things has happened between us and you're no longer my 'big daddy'. Siguro tama lang na tawagin na kitang Mr. Greg Santillan. Please don't ever think that I am being sarcastic here. I am not trying to sound distant and cold. I just want to give you some respect for what you have achieved for yourself and your family. Sino ang mag-aakala na ang dating happy-go-lucky na college sweetheart ko ay isa na ngayon sa mga kinikilalang haligi ng Philippine business group? I am so proud of what you have become. I guess you made the right choice afterall.
Hindi ko inisip na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa ating dalawa ay magkakaroon pa ako ng dahilan para sumulat sa iyo. Noong naghiwalay tayo sa ikalawang pagkakataon, I promised myself I will never dwell on the past anymore, subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. I found myself a guy whom I thought would be my forever, but unfortunately for me and my baby, he left us for another woman. It's so easy to blame everything on you, but I know better. Alam kong mayroon din akong kasalanan sa kanya. I was never a hundred percent honest with him. I said I loved him when all along it had always been you my heart longed for. Nakakahiya mang aminin na sa kabila ng lahat mong ginawa, sa hindi pagkakaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ako sa mga magulang mo, nandito pa rin ako na patuloy na nagmamahal sa iyo.
Before I got carried away with the memories of the past, let me get straight to the point now. I wrote this letter to ask you a favor. You see, I have a beautiful baby named Rona Ramirez. She grew up lacking in everything. Malaki ang naging kasalanan natin sa kanya. Because of us and our past, we deprived her of what could have been a happy family for her.
Naalala mo noong nagkabanggaan tayo sa Makati after a long time? Iyong araw na niyaya mo akong sumama sa iyo kahit na may asawa ka na at may kinakasama na akong iba? I was already carrying her in my womb. Pero gaano ko man ka paliwanag sa lalaking iyon na wala ngang nangyari sa atin noon, hindi niya ako pinaniwalaan. He thought I gave in again to temptation. Noong pinanganak ko si Rona, akala ko mabubura na ang lahat niyang pagdududa at agam-agam dahil mas sa pamilya niya nagmana ng hitsura ang bata, pero nagkamali ako. Although he acknowledged Rona as his daughter, I felt it wasn't a hundred percent on his part because he was never there for my child when she needed him. Kaya---favor naman sana---I'm begging you in this letter because I feel like I will no longer have a chance to say this to you in person---please help me make up for my daughter's sufferings. Please make her feel like she indeed has a father. Sana hindi mo na ako bibiguin ngayon.
Yours forever,
Isadora
P.S. Oo, hindi ko pinagamit sa beybi ko ang pangalan ng tatay niya dahil pakiramdam ko hindi siya karapat-dapat kilalaning ama ng pinakamamahal kong anak.
May nangilid na luha sa mga mata ni Luke nang matapos basahin ang sulat. Kaagad nitong sinunggaban si Rona at siniil ng halik sa labi. Nang matapos ang silakbo ng damdamin, itinukod ni Luke ang noo sa noo ng dalaga at nakapikit na humingi uli ng tawad dito sa lahat ng pagkukulang niya. Haplos sa pisngi ang naging kasagutan agad ni Rona.
"Apology accepted," nakangiti pang sabi ng dalaga.
Kagaya ng pagpapatawad niya noon kay Caloy, ibayong ligaya rin ang naging dulot ng pagtanggap niya ng paghingi ng paumanhin ni Luke sa lahat ng mga nagawang pagpapasakit sa damdamin niya. She has never felt so blissful and free.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top