CHAPTER TWENTY-FIVE


A/N: Last chapter na po ito. Ang kasunod nito'y epilogue na. Salamat sa lahat na nagsubaybay sa kuwento ni Rona Ramirez.

**********

Pagpasok ni Rona sa eskinita papunta sa luma nilang bahay nanibago siya. Parang may kulang. Nang marating niya ang kanila saka niya napagtantong ilang bahay malapit doon ay wala na at isa sa mga iyon ay ang kina Elena at Edong.

"Nagkasunog dito noong isang buwan at isa sa mga naabong bahay ay ang kina Aling Maring," balita ng isang kapitbahay kay Rona. Ang Aling Maring na tinutukoy nito ay ang ina ni Elena. "Kawawa nga ang mga iyon, e. Wala man lang naisalbang gamit."

Biglang inatake ng takot at kaba si Rona. Naisip niya agad ang pitong anak ng kababata.

"Ang mga bata po?"

"Sa awa ng Diyos, ligtas naman silang lahat. Iyon nga lang, tanging saplot sa katawan ang naisalba nila. No'ng una'y nag-ambag-ambag kami rito para sa pang-araw-araw nilang pangangailangang mag-anak pero kinalaunan ay hindi na rin namin kinaya. Alam mo naman ang buhay namin dito, di ba?"

"Nasa'n na po sila ngayon?"

"Iyan ang hindi namin alam. Pero may bali-balita rito na nasa ilalim ng tulay na raw sila naninirahan ngayon."

Hindi kayang isipin ni Rona ang ganoong sitwasyon para sa kababata. Sa lahat kasi ng tagaroon ay si Elena ang napalapit sa kanya nang husto lalo na noong panahong iniwan siya ni Caloy at no'ng nagkasakit ang mama niya.

"Sige po, Aling Berta. Salamat po."

Nang makarating si Rona sa kanila naisip na naman niya ang mga anak ni Elena. Hindi na niya matandaan kung ilang taon na ang panganay, pero alam niya na wala pang tatlong buwan ang bunso. Parang kinukurot ang puso niya habang iniisip na pati ang sanggol na iyon ay namumuhay sa ilalim ng tulay kaya nagdesisyon siya agad. Tumingala na lang siya sa itaas at humingi ng tawad sa ina.

"Pasensya na kung hindi ako makakatupad sa pangako ko sa inyong alagaan itong bahay natin habambuhay, Mama. Hindi sa binabalewala ko ang pinaghirapan nila lolo't lola, pero mas may nangangailangan nito. Don't worry about me. Nakakuha po ako ng lupa sa isang exclusive subdivision. Balak ko pong pagtayuan iyon ng bahay---ang dream house natin. Tutuparin ko po ang isa kong pangako sa inyo. Ipagpapatayo ko po kayo ng mansyon!"

**********

"Don't be silly! You're a Santillan! Always has been and always will be!"

Natigil sa paglakad patungo sa living room si Rona. Nadaig siya ng kyuryosidad kaya napasilip siya sa bahagyang nakabukas na study room ng matandang Santillan. Nakita nga niya roon si Luke. Nakatayo ito patalikod sa pintuan habang kausap ang ama-amahan na nakaupo naman sa swivel chair kaharap ng wooden desk nito.

"But it's unfair to Eira, Dad. The Santillan's fortune is her birthright."

"And it is yours, too."

Sa puntong ito, hindi na nakasagot si Luke. Yumuko lamang ito. Tumayo na ang matanda at umikot sa desk para makalapit sa anak. Dahan-dahan namang ipininid ni Rona ang pintuan. No'n naman napadaan si Eira. Sumulyap ito saglit sa nakapinid na pinto bago tumingin sa kanya. Nag-init kaagd ang mukha ni Rona. She felt like she was caught doing something so bad.

"Are they arguing again?" kaswal na tanong ng babae habang pini-finger comb ang buhok. May hawak na namang mansanas ang isang kamay nito.

"Sort of," medyo nahihiyang sagot ni Rona. Para na rin kasing pag-amin iyon na pinakinggan nga niya ang usapan ng ibang tao.

"Those two," naiiling lang na sagot nito bago tumungo sa living room at pinaandar ang TV doon. Sinundan ito ni Rona.

"Aren't you---I mean---o-okay lang ba sa iyo na walang nabago sa arrangement ng dad n'yo tungkol sa business ng pamilya? I mean you could demand to do what Luke is doing right now dahil ikaw naman pala ang rightful heir noon."

Para itong nagulat. Nang makabawi na'y napabunghalit ito ng tawa.

"You're funny. What do I know about running a business empire?"

"It can be studied."

"I'm fine being on the sideline. Plus, I hate it!"

"So you'll just leave them all to Luke?"

"Yeah. He's doing more than okay."

"Are you also fine with him sharing your inheritance, I mean---not that it's important to me, I'm just curious. Don't get me wrong, ha? Hindi naman ako nagtatanong dahil Luke and I are together na. Kahit naman kasi mahirap si Luke, Johan and I will always be here for him."

Tumawa na naman ito nang malakas at hinarap na siya.

"I have always known that Luke is not Dad's biological son, but it has never changed my affection for him. When we were still living in Norway, I've heard a lot of people telling Mom that Luke looked like this person I don't know about. When I went to junior high, I did a research on Dad's side of the family in Spain. None of them has blond hair nor blue eyes. So although mom has all those features, I was told in school they will never come out in us, their children unless both of them have genes for those traits. Genes for blue eyes and blond hair are both recessive, you know."

Napaawang ang labi ni Rona sa narinig. Kung gano'n noong hilong talilong sila ni Luke kung magkapatid sila o hindi, alam na pala ng lokaret no'n na wala silang chance maging magkadugo pero bakit hindi man lang ito nagsabi kahit sa kuya niya lang? Hindi nakatiis si Rona. Nailabas niya ang ganoong himutok.

"I love my brother. I don't care if we don't have the same father. For me, he will always be a Santillan. He will always be Dad's only son," nakangiting sagot ng dalaga. Nang makitang hindi pa rin iyon ikinatuwa ni Rona, humingi ito ng paumanhin. Ayaw lang daw niya kasing maging bearer of bad news. Alam daw niya kasi kung gaano ka-proud ang kapatid bilang isang Santillan. Hindi na nagsalita pa si Rona lalo pa't nakita na niyang lumabas ng study room si Luke at papunta na sa kanila.

"Are you guys talking about me?" tanong nito sa kanila bago humalik sa pisngi ni Rona.

"Why would we be? There are so many interesting things to talk about," sagot naman ni Eira, bahagyang nakataas pa ang isang kilay.

Dinampot ni Luke ang isang throw pillow sa sofa at hinagis sa kapatid. Natawa na si Rona.

**********

May kung anong pride sa puso nang dumating si Rona sa dati nilang tinitirhan. Malayo pa sila'y nakaabang na ang kanyang mga kapitbahay. Nangagsitayuan ang mga ito sa harap ng kani-kanilang mga bahay habang kandahaba ang mga leeg sa katatanaw kung sinu-sino ang mga kasama niya. Sinalubong sila ng mga anak ni Elena. Ang pinakabunso na ngayo'y halos magdadalawang taong gulang ay napatingin pa nang matagal kay Luke at sa mommy ng lalaki. Nanibago siguro sa hitsura nila.

Nang tumambad na sa paninging nila Elena, Edong, at Aling Maring kung sinu-sino ang mga dala niyang bisita, biglang nataranta ang mga ito. Pinagkaguluhan nila siyempre si baby Johan. Hindi nga magkamayaw ang yaya ng bata sa pagsaway sa mga bata na huwag kurutin ang pisngi ng bata dahil baka umiyak.

"Naku, pasensya na kayo mga ser at mam sa lugar namin," paghingi naman ng paumanhin ni Aling Maring. "Sige po, pasok po muna kayo sa bahay."

Inabot ng dalawa nilang katulong ang mga dalang pagkain kay Edong at pumasok na silang lahat sa loob. Nang tuluyan nang makapasok ang ama ni Luke parang biglang kumulimlim ang mukha nito. Nakita pa ni Rona na napatingin ito sa sinasabing dating silid ng mama niya na ngayo'y inookupa na nila Elena at Edong. Matapos nga niya itong ipakilala sa lahat, bigla na lang itong tumayo at sumilip doon. Si Eira nama'y na-curious kung saan daw ang dati niyang silid. Masaya namang binalita ng panganay ni Elena na silang magkakapatid na ngayon ang natutulog doon. Inalok pa nito si Eira na silipin din nito ang kuwarto nila.

"Iyong biyenan mong lalaki, iyan ang nagpunta rito sa atin noon at nagtanong tungkol sa mama mo," bulong ni Elena kay Rona.

May kung anong humaplos sa puso ni Rona sa narinig.

"Dati siyang kasintahan ni Mama sa college."

Namilog ang mga mata ni Elena.

"Kung gano'n siya iyong lalaking sinasabi ni Aling Ising na first and true love niya! Wow! Siya pala iyong pinadalhan ko ng iniwang loveletter sa akin ng mama mo."

Tumangu-tango si Rona. Napalingon lang siya nang maramdaman ang masuyong pag-akbay sa kanya ng asawa.

"What are you guys whispering about? Are you telling your friend that I'm not treating you well at home? Is that correct?"

"Baliw!" asik kunwari ni Rona sa lalaki. Halik sa sentido ang sinagot ni Luke kay Rona at nginitian niya si Elena. Parang na-conscious naman ang kababata. Nagpaumanhin itong sisilip daw saglit sa niluluto sa kusina.

"Why don't you make this place bigger, babe? It's pretty obvious that your friend and her family are too many for this house. Or better yet, they can all move in in one of our houses."

Naisip din iyon ni Rona at ikinatuwa niyang si Luke pa ang nagboluntaryo no'n. Pagbalik ni Elena sinabi nga niya iyon sa kababata. Ngumiti ito na tila nalulungkot na nasisiyahan.

"Hindi namin maiiwan ang lugar na ito, Rona. Pakisabi na lang sa pogi mong asawa na maraming salamat."

"Nakakaintindi ng Tagalog iyan. Kita mo na? Ang lawak ng ngiti dahil sinabihan mong pogi."

Nagsabi na lang si Luke na ipapagawa niya na lang daw ang bahay nila Rona nang maging komportable naman ang buong mag-anak sa pagtira roon. Naalarma nang kaunti si Rona. Hindi sa ayaw niyang maging maayos ang lagay ng kababata pero parang may pumipigil sa kanyang ibahin ang istruktura ng nakagisnang bahay.

"Huwag na po, ser. Okay na okay na po kami rito. Nakakahiya naman kay Aling Ising na nakikitira na nga lang kami rito pero magtitibag at magtatanggal pa kami ng kung anu-ano. Huwag n'yo po kaming intindihin dito dahil karpentero po ang asawa ko. Nakukumpuni naman niya ang mga dapat kumpunihin dito."

Nakahinga nang maluwag si Rona. Kung siya ang tatanungin ayaw din niyang ibahin ang istruktura ng bahay. Masyadong maraming memories ang bahay na iyon na iniingat-ingatan pa rin niya sa kanyang puso magpahanggang ngayon.

Makaraan ang ilang sandali, dumating ang papa niya at ang pamilya nito. Hindi sila magkandaugaga sa mga dalang pagkain. Nang magkaharap ang dad ni Luke at ang papa niya naramdaman agad ni Rona ang tensyon. Siguro naramdaman din iyon ng lahat kaya biglang natahimik ang paligid. Buti na lang bumaba si Eira. Siya ang nagbasag ng katahimikan. Malayo na ito sa mahiyaing babae na kinukwento ni Luke noon sa kanya.

Nang maihanda na ang mga pagkain, nagsiksikan sila sa maliit na kusina at pinagdiwang ang civil wedding nila Luke at Rona. Siguro dala na rin ng kasikipan ng bahay, napakomento si Mrs. Perez na kung alam lang daw niya na sa bahay lang kami maghahanda para sa reception, disin sana'y doon na lang daw sana sa kanila dahil mas maluwag.

"There's nothing wrong with this place. This is perfect for us," sagot agad ng dad ni Luke.

Sasagot pa sana ang babae pero pinigilan na ng papa ni Rona. Nagtaas pa ito ng kopita ng alak at nagsabi ng toast niya para sa mag-asawa.

"Cheers!" masayang sagot naman ng lahat.

Halos patapos na ang kainan nang may dumating na hindi inaasahang bisita. Ang mag-ina ni Edmund! Nagulat si Rona pero mas nagulat ang kanyang kapatid.

"Vanessa! What are you doing here?" sita nito agad sa babae. Nasa mukha ang labis na pag-aalala lalo pa't lumabas din ang papa nila para alamin kung sino ang bagong dating.

"Jason texted us to come here. He said you asked for us to come and join you here," sagot naman ng babae. Nasa tinig na rin nito ang biglang pagkabahala. Nang makita nito ang papa nila, bigla itong namutla. Ang bata naman ay parang nalito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila na parang naguguluhan.

"Why don't you invite them in?" mungkahi ni Rona sa kapatid. Napalingon naman si Edmund sa ama na ngayo'y nakahalukipkip na habang nakatingin sa kanila at bigla na lang ay nilapitan nito ang mag-ina at sinenyasang umalis muna para walang gulo.

Biglang nangilid ang mga luha sa mata ng babae at malungkot na inakay ang anak palayo sa lugar nila. Nainis naman si Rona sa nasaksihan. Nilingon pa sana niya ang ama para pagsabihan pero mabilis itong nakapasok sa loob.

"Why did you shoo them away?"

"That fvcking Jason! I'll kill that bastard when I see him!"

Napahinga nang malalim si Rona. Gusto niyang kutusan ang kapatid pero nagpigil siya.

"What's your plan for them? If you don't love her, end your relationship with her so she can move on and find someone better."

Napatingin sa kanya si Edmund na parang nasaktan.

"Ayaw na ayaw sa kanila ni Dad. Tatanggalan nila ako ng mana kung magpakasal kami ni Vanessa. I can't afford my lifestyle. If I---"

"You're a fool!"

"Kasi Ate---," putol agad nito sa sasabihin pa niya pero wala ring naidugtong sa sinabi. Napakamot-kamot lang ito ng ulo na tila nalilito na rin. Sumilip uli sa kanila ang ama at pinapasok na silang dalawa sa loob.

"If you truly love her, go after them now! Don't repeat Papa's mistakes," mando niya sa kapatid. Hindi niya inalintana na nandoon lang sa likuran nila ang papa niya.

Napatingin sa ama si Edmund at tila lalo itong nawalan ng lakas ng loob.

"True love is rare, Edmund. Very few people are blessed with it in their lifetime. If you let it go, you might never find it again. Just like Papa. Ikaw rin," sabi pa niya rito bago pumasok sa loob. Narinig niyang nagtalo ang dalawa nang iwanan niya, pero hindi na pumasok pang muli si Edmund. Nang sumunod na buwan nakatanggap na lang siya ng imbitasyon sa kasal nito kay Vanessa sa simbahan. Best man pa ang hinayupak na kapatid ng babae. Si Jason.

**********

Biglang napadampot ng magasin tungkol sa engineering and architecture si Rona nang makita niya ang pamilyar na mukha sa front cover. Actually, maliit na portrait lang iyon pero sapat na para makuha ang atensiyon niya. Nang buklatin niya ang magasin, nakita niyang nasa centerfold pala ang larawan nito. Kung dati niya ito nakita naturete na sana siya. Pero ngayon wala nang epekto sa kanya ang lalaki.

Another award? He's pretty good, indeed.

Umangat siya ng mukha nang tumabi sa kanya si Luke. Pinangunutan niya ito ng noo dahil hindi pa nakapagbihis pero nagrampa na sa kuwarto. Basa pa nga ang kulay mais nitong buhok na kinukuskos-kuskos nito ng face towel.

"Who's that?" tanong agad nito at nakisilip sa larawan sa centerfold.

"A former acquaintance."

Nag-squint nang bahagya si Luke nang tingnan uli nito ang picture at nagtaas pa ng kilay.

"A former boyfriend?"

"Of course not! He was the engineer assigned to build Mr. Petersen's hotel. I was the architect for the project."

Tumangu-tango si Luke.

"I'm better-looking," sabi nito bigla at inagaw sa kanya ang magasin saka tinapon sa paanan ng kama. Lumuhod ito sa harapan niya sabay tanggal dahan-dahan sa tuwalyang nakabalot sa baywang.

"Luke, ano ba?!" protesta niya.

Hindi siya pinansin ni Luke. Nang tuluyan na itong nakahubo't hubad kinuha nito ang isang kamay niya at pinadama ang kahandaan. Napasinghap naman siya. Hindi na siya nakatanggi nang tuluyan nitong ihiga sa kama. Masaya siyang nagpaubaya na naman sa asawa at habang kayakap niya ito, naisip niya bigla ang sinasabi lagi ng mama niya sa kanya. You know you're with the right person when he makes your world a better place. For the nth time, tama na naman ang kanyang ina.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top