CHAPTER THIRTEEN
"Maganda rin ang condom at napipigilan no'n ang pagbubuntis. Ang problema nga lang ang arte ni Edong. Hindi raw niya masyadong napi-feel kaya balik pills ako. Epektib din ang pills pero iyon nga lang lolobo kang tulad ko."
Napaisip si Rona. Habang tinitimbang niya sa isipan kung alin ang maaari niyang gamitin kung saka-sakaling magpumilit na naman si Caloy, napadaan sa tabi nila ni Elena ang mama niya. Dali-daling itinago ng kapitbahay ang dala nitong condom at pills sa bulsa.
"Hello po, Aling Ising," pasimpleng bati pa ni Elena. Pinakaway-kaway pa nito ang karga-kargang beybi sa ale.
Ngumiti nang mapakla si Aling Ising kay Elena at sa bata pero tumingin ito nang may pagdududa sa anak. Biglang binayo ng guilt ang dibdib ng dalaga.
"Sige, Elena. Bukas uli. Baka gabihin kayo ni beybi sa kalye."
"Sige, Rona. Anytime. Magpasabi ka lang."
Dederetso na sana sa kuwarto niya ang dalaga nang bigla na lang siyang tawagin ng ina. Nakaupo ito sa kupasin nilang sofa sa sala. Natakot agad si Rona sa ekspresyon sa mukha ng mama niya. Batid niyang narinig nito ang usapan nila ng kababatang si Elena.
"Kung hindi ka siguradong magkakatuluyan kayo ng lalaki, huwag mong ibuhos lahat. Pilipino tayo. Mayroon pa ring double standard sa atin. Mabuti kung may malawak na pag-iisip ang magiging asawa mo balang-araw, pero kung makitid ang utak niya huhusgahan ka dahil sa minsan mong pagkakamali."
"Ma?" kunwari'y pagmamaang-maangan niya.
"Huwag ka nang magkaila. Alam ko kung bakit mo kinausap si Elena. Kung ayaw na ni Caloy sa iyo, palayain mo na. Hindi mo kailangan ang isang taong mapaghanap."
Hindi na nakasagot si Rona. Napayuko siya.
**********
"Congratulations, hija! Tuluy-tuloy na ang proyekto natin sa Iloilo. The old guy also approved your designs! Isn't that great? This calls for another celebration."
Tinapik siya sa balikat ni Engineer Sandoval. Ang papa naman niya'y yumakap sa kanya nang mahigpit sabay sabi ng, "I'm so proud of you, anak."
Hindi na nabigla sa balita ng Boss Dave nila si Rona. No'ng isang araw pa pinaalam sa kanya ni Luke na maging ang ama'y nabighani sa ginawa niyang disenyo para sa binabalak nilang condo apartel sa Iloilo. Although it wouldn't matter if he disapproved, mas maganda pa rin daw, sabi ni Luke, na aprubado rin ng ama ang ginawa niyang disenyo. Para kung saka-sakaling pumalpak sila'y walang sisihan. Na sinagot naman niya no'n nang buong pagmamalaki, "Never pang pumalpak ang isang Rona Ramirez." Napangisi lang ang kumag at pinisil ang kanyang baba.
Dahil sa panibago na namang proyekto, naging abala si Rona ng mga sumunod na araw. Ganunpaman, napansin niyang dumalang ang pagdalaw-dalaw sa kanya ni Luke. Bihira na lang kung mag-surprise visit ito sa apartment niya. Sa tuwing may meeting hinggil sa kanilang proyekto nagpapadala na lang ito ng tao para tumayong kinatawan ng kompanya. Nag-aalala man sinikap ni Rona na huwag kontakin si Luke para alamin ang nangyayari rito. Ang sabi nga noon ng mama niya, dapat niyang hinahayaang ang lalaki ang siyang maghabol.
Papunta na siya sa Engineers' & Architect's Lounge ng building nila nang makasalubong si Meg. Ngumiti ito nang alanganin sa kanya bago dumeretso sa working area ng mga staff. May napansin agad si Rona sa dakilang alalay. Parang may something sa mga mata nito nang tumingin sa kanya. Kinaaawaan ba siya ng bruha? Hindi siya dumeretso sa pakay niya. Sinundan niya ang babae.
"Meg!" tawag niya rito sa malakas na boses nang hindi agad ito lumingon.
Biglang napaharap sa kanya ang staff. Kakitaan na ito nang kaunting kaba.
"Bakit po, Architect Ramirez?"
"May problema ba?" deretsahan niyang tanong.
"P-problema p-po? W-wala po! Wala po, Architect Ramirez!"
Tiningnan niya ito nang matiim. Biglang napayuko ang babae. Tinanong niya ito ulit, pero ganoon pa rin ang sagot. Uuriratin pa sana niya ito nang mapadaan sa kanila si Engineer Sandoval. Very cheerful ang mood nito't napaakbay pa sa kanya nang wala sa oras. Ang saya-saya raw nito't nadagdagan ang proyekto ng kanilang kompanya. Ang ibig sabihin lang daw ay patuloy ang pagtatrabaho sa kanila ng ilang libo nilang construction workers.
Dati-rati, madaiti lang ang palad sa kanya ng enhinyerong ito'y natuturete siya. Pero ngayon, kahit na nakaakbay na sa kanya'y wala siyang naramdaman kahit na ano. She was thrilled. Kaso nga lang naisip na naman niya si Luke at nalungkot na naman siya.
Papaliko na sila sa nasabing Engineers' & Architects' Lounge nang makasalubong nila si Luke at ang presidente ng kanilang kompanya. Nagpalipat-lipat agad ang tingin ni Luke sa kanila ni Engineer Sandoval. Ang Boss Dave naman nila'y dedma sa tensyon. Hindi pa rin napalis ang lawak ng ngiti nito.
"Oh, here you are guys. Kayo nga ang sadya sana namin ni Luke. Mabuti't nandito kayo. Why don't we all go to my office at nang makapag-usap tayo nang masinsinan?"
"Yes, boss!" magiliw na sagot agad ni Engineer Sandoval. Nakangiti na rin. Masaya rin itong bumati kay Luke, pero biglang napalis ang ngiti nang malamig na tingin lang ang sagot sa kanya ng lalaki. Nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa si Engineer Sandoval. Siguro nahalata ang tensyon kung kaya inalis nito ang braso sa balikat ng kasama.
Ang boss lang nila ang salita nang salita nang nasa upisina na sila nito. Ang tatlo'y parang nakikiramdam sa isa't isa. Manaka-naka'y napapa-oo o napapangiti rin sa mga sinasabi ng matanda ang enhinyero, pero ang dalawa nama'y halos hindi kumikibo.
Abala kasi ang isipan ni Rona. Marami siyang gustong itanong kay Luke. Naguguluhan na siya sa mga inconsistent signals na pinapakita nito. Minsa'y atat na atat sa kanya. Minsan nama'y kasing lamig ng yelo. Kagaya ngayon. Wala naman silang hindi pagkakaunawaan no'ng huli silang magkita, pero bakit parang back to square one sila? Parang hindi na naman sila magkakilala.
"Whatever you decide, Dave. It's your call. Just send the final copy of the proposed costs to my office so we can proceed with the paperworks. If you'll excuse me, I still have another meeting to attend," bigla na lang ay nasabi ni Luke sabay tayo. Ni hindi pa tapos sa pagpapaliwanag ang matanda tungkol sa detalye ng maaaring gastusin para sa proyekto. Nagulat tuloy ito. Ganunpaman, hindi nito pinigilan sa pag-alis ang bisita. Napasulyap na naman si Engineer Sandoval kay Rona na ngayo'y tahimik lang at prenteng-prente na nakahalukipkip habang nakaupo sa isang sulok ng sofa.
Nang wala na si Luke, nagpaalam na rin ang dalaga sa dalawa. Pinuntahan nito sa Engineers' & Architects' Lounge ang kanina pa sana gustong makausap kung hindi lang siya naantala.
"Ate!"
Naningkit ang paningin ng dalaga nang marinig kung paano siya tawagin ng half-brother. Kailanman ayaw niyang matawag-tawag siya nitong ate. Napahalukipkip siya agad.
"Can you come here?" naiinis niyang sagot. Nang makita niyang nakatingin na sa kanila ang mga enhinyero't arkitekto nang mga oras na iyon, sinenyasan niya ang kapatid na sundan siya nito sa upisina.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Rona. Dinampot niya ang nakarolyong disenyo sa mesa at winasiwas sa harapan ng kapatid. Nang akmang aabutin na ito ng huli bigla na lang niya itong binitawan. Nang bumagsak ito sa sahig, tinapakan niya ang nakarolyong papel. Nakita niyang napakislot ang kaharap.
"Yes, that's right. Diyan nababagay ang disenyo mo! Wala kasing kuwenta! Kung hindi lang senior partner ng kompanyang ito si Papa, I'm pretty sure hindi ka pag-aaksayan ng oras ni Boss Dave! Ayusin mong trabaho mo't ayaw kong papetiks-petiks ka lang rito."
Nakita niyang napakuyom ito ng mga palad, pero hindi naman sumagot.
"O, ano? Lalaban ka? I could easily recommend you for termination! Now, go! Sinisira mo'ng araw ko!"
Tahimik na yumuko ang kapatid at dinampot nito ang nalukot na disenyo.
Nang wala na ang kapatid saka binalingan ni Rona ang portrait ng ina sa mesa at hinipo-hipo ito. "Unti-unti na kitang naigaganti, Mama. Hindi ako titigil hangga't hindi sila nasisingil sa lahat ng pasakit na pinadama nila sa iyo."
Natigil lang siya sa pakikipag-usap sa larawan ng ina nang biglang may bumukas ng pintuan. Nakita niya si Luke in his impeccable black designer suit. Kalmado itong lumapit sa kanya. His face is devoid of emotions. Akala ko ba may meeting pa ang kumag na ito?
"You've always given me the impression that you're a one-man woman. But now I know..." at ngumisi ito sa kanya nang may pang-uuyam.
Nangunot ang noo ni Rona. Ano ang pinagsasabi ng hunghang na ito?
"So I should not worry about you then, because it seemed like you've found someone who's a better match for an architect like you."
Nag-flash back sa isipan ng dalaga ang nangyari ilang sandali lang ang nakalipas. Naalala niya ang ginawang pag-akbay sa kanya ni Engineer Sandoval. Iyon ba ang dahilan ng pang-iinsulto sa kanya ng kumag na ito?
"If you're referring to Engineer Sandoval, you better stop. Nakakahiya. The man is already taken. Huwag mo siyang gawan ng kuwento dahil hindi siya tulad mo. He's faithful to his girlfriend."
Lalong napangisi si Luke.
"Oh! He's also taken! So you love guys that are already committed?" patuloy pa nito sabay upo sa visitor's chair na nasa harapan ng kanyang mesa. Dumekuwatro ito bago humarap sa kanya. Dadamputin sana nito ang maliit na photograph holder na pinaglagyan ni Rona nang larawan ng ina nang bigla na lang pinatid ng dalaga ang kamay nito.
"This is off limits!"
Lalong na-curious si Luke.
"Who's picture is it?" pamimilit pa niya kay Rona.
"Wala ka nang pakialam dito," sagot ng dalaga sabay tago sa larawan sa kanyang drawer. Umupo siya nang matuwid at hinarap si Luke gaya ng pagharap niya sa iba pang bisita. She looked at him with a formal and business-like expression.
"Ba't ikaw na naman ang pumunta rito? Akala ko ba okay na sa iyo ang pagpapadala ng company representative n'yo? What makes this day special?"
Napangiti si Luke, but it didn't reach his eyes.
"So you've noticed?" balik-tanong sa kanya. May kislap na ng kapilyuhan sa kanyang mga mata. "If you've wondered about it, why didn't you call and ask me?"
"Ba't ko naman gagawin iyon? Para do'n lang tatawagan pa kita?"
Biglang naging seryoso ang mukha ni Luke.
"Yeah. Why would you?"
Hindi pinansin ni Rona ang paglambong ng lungkot sa mga mata ni Luke. Mas abala kasi siya sa sariling damdamin.
"Why are you here?" tanong pa niya sa lalaki.
"I just want to make sure you're okay," sagot nito sa mahinang tinig.
"Why wouldn't I be okay?" at tumawa pa siya to prove her point. Kaso nga lang it sounded empty. Pero mukhang hindi naman napansin iyon ni Luke. Sinang-ayunan lang siya nito at tumayo na.
"It looks like you're better than okay. So silly of me to worry. All right, see you around then," at walang lingon-likod itong lumabas na ng upisina niya.
Kinahapunan na napag-alaman ni Rona ang dahilan ng lahat. Nadaanan niya sa TV sa Visitors' Lounge ang afternoon news tungkol sa napipintong pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahan from two of the most prominent families in the Philippines. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Mabuti na lang at nakahawak siya sa kalapit na dingding. Ganunpaman, maraming nakapansin sa reactions niya. Nandoon kasi ang iba niyang staff. No'n niya naalala ang kakaibang kilos ni Meg nang umagang iyon at ang biglaang pagbisita ni Luke sa kanilang upisina. It all made sense...
**********
Nagpalinga-linga muna si Rona sa paligid para masiguradong wala siyang kakilala sa pharmacy na iyon bago niya dinampot ang isang pregnancy test kit. Dali-dali niya itong binayaran at isinilid sa bag. Pagdating sa upisina nang umagang iyon, sa CR na siya dumeretso. Kailangang masiguro na niya ang kakaibang nararamdaman sa katawan once and for all.
Nang dahan-dahang lumitaw ang pangalawang pulang linya, nanlamig siya. Kasabay no'n ang pagpatak ng butil-butil na luha sa kanyang pisngi. Binaba niya ang takip ng toilet bowl at naupo doon. Lalong humigpit ang hawak niya sa dala-dalang diyaryo. Pinasadahan pa niya nang isang beses ang laman ng entertainment section. Billionaire hunk to marry hotel heiress...At gaya kanina para na namang sinaksak ng punyal ang kanyang puso.
"Architect Ramirez," tawag ni Meg. "Nandiyan po ba kayo sa loob? Pinapatawag na po kayo nila Boss. Mag-uumpisa na po ang meeting."
Pagkarinig sa boses ng sekretarya, dali-dali niyang pinasok sa bulsa ng suit jacket ang pregnancy test stick at tinapon na sa basurahan ang diyaryo. Inayos din niya ang buhok at ang kaunting gusot sa damit bago nilabas si Meg. Kinakitaan ng pag-aalala ang mukha ng babae.
Mang-uusisa pa sana ito kung okay lang siya. Binulyawan niya agad ito. Masyadong usyusera. Porke't pinapalamapas niya minsan ang pangingialam nito sa kanyang buhay ay parang namimihasa na. Bahag ang buntot na mabilis itong lumabas ng banyo.
Hinanda na ni Rona ang sarili. Makakaharap na naman niya ang puno't dulo ng kanyang problema. She has to remain calm and composed. Kailangang hindi niya ito mabigyan ng rason para mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ba't simula't sapol ay alam naman niyang may nobya na ito? Tsaka simula't sapol ay ni hindi ito nangakong iiwan ang kasintahan just for her. Siya itong pumatol pa rin sa hudas sa kabila ng kawalan nito ng disposisyon tungkol sa kanilang dalawa.
Huminga muna nang malalim si Rona bago niya binuksan ang conference room. Pagpasok niya sa loob, mukha ni Luke agad ang kanyang nakita. He looked solemn.
"Sorry to keep you waiting, Boss," sabi niya sa pinakapinuno nila bago naupo sa tabi nito. Sinadya niyang huwag pansinin si Luke. Tumango lang ang matanda at sinabihan na siyang maupo. Kanina pa raw sila nag-uusap ni Luke tungkol do'n sa changes na gagawin sa ginagawa nilang hotel para sa binata. May mga gusto lang daw itong ipabago. Nabanggit na iyon sa kanya ni Engineer Sandoval noong isang araw kaya hindi na siya nagtaka tungkol do'n. Ang pinagtatakhan niya'y bakit kailangang ang kumag pa na ito ang pupunta sa upisina nila para personal na ipaalam sa kanya kung nasabi na nito noon pa sa mga enhinyero nila?
"As Luke and I were discussing before you came in we were thinking of redesigning the lobby area. Gaya ng mga magagarang hotel sa ibang bansa, we also want it to be spacious and practical. Kailangan bawat ----"
"Practical. Of course, Boss. There's no problem with me. I'll make sure that it will be practical as it is elegant. Gaya sa ibang bansa," agaw niya. May diin sa salitang practical. Tinapunan pa niya nang masamang tingin si Luke. Parang gusto niyang ipagduldulan dito na praktikalidad lang ang rason kung bakit nito gustong pakasalan ang nobya.
Pagkatapos ng meeting, siya ang kauna-unahang tumayo at lumabas ng conference room. Hinabol siya ni Luke.
"What was that for? I thought you understood," anas nito sa kanya habang sinusundan siya papunta sa kanyang upisina.
Itinaboy niya ito, pero hindi ito nagpapigil na pumasok sa kanyang upisina.
"Ano ba'ng pinagsisintir mo? It's not as if there's something deep between us."
Parang sinampal nang ilang beses si Rona. Gano'n pa man sinikap niyang maging matatag.
"Don't be so assuming. Hindi lahat ng pinaggaganito ko ay dahil sa iyo!" pagsisinungaling niya.
Tumaas ang kilay ni Luke. Pinagkurus pa nito ang mga braso sa dibdib at tinitigan siya sa paraang parang tinatamad. Lalo siyang nainsulto.
"We lost the bidding. At isa sa mga dahilan ay ang design ko. Hindi nagustuhan ng may-ari," sabi niya sa mahinang tinig. Pinalungkot pa lalo ang mukha. Ang tinutukoy niya ay ang bidding nila sa ipapatayong gusali ng isa sa mga mayamang Intsik na negosyante sa bansa.
Nakita ni Rona na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Luke. Tila nakisimpatiya na ito sa kanya. May karapatan nga naman siyang maging moody. Sino ba naman ang hindi? Bilyones ang halaga ng proyektong iyon.
Natigil ang bangayan nila nang dumating si Meg kasama ang isang napakagandang babae. Kahit hindi iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya ang babae, napanganga pa rin si Rona sa hitsura nito. Ang sabihin ng mga diyaryong long lost twin ito ni Gigi Hadid ay parang kulang. Parang ito nga si Gigi Hadid! Kulang na lang ay magsalita ito nang may American accent. Lalo siyang nanliit sa sarili.
Kumaway sa kanya ang babae at nakipagkamay pa. She felt guilty. Humingi ito nang paumanhin sa kanya't hindi natuloy ang proyekto sana nilang dalawa ---iyong mansyon na gusto san nitong itayo. Hindi raw muna nito itutuloy dahil marami ng bahay si Luke. Mamili na lang daw siya ng gusto nilang tirhan. Pero sakali raw na maisipan nitong ipagpatuloy ang proyekto ay siya agad ang lalapitan nito.
Hindi na siya umimik tungkol do'n. Mapaklang ngiti lang ang isinukli niya sa babae. Ewan ba. She seemed nice and kind but she sensed something else. At medyo hindi siya kumbinsido sa sinabi nitong dahilan kung bakit hindi na itutuloy ang project. Kung sa bagay, her hands are full right now. Hindi na niya iyon mabibigyan ng atensyon. Ngayon pa?
Nagpaalam si Luke sa kanya at inalalayan nitong lumabas din ng silid niya ang nobya. Naramdaman na naman ni Rona ang sakit sa dibdib. Ganunpaman, pinatatag niya ang kalooban. She had to be tough not just for herself...
Nang pininid ni Luke ang pinto pagkalabas sa upisina niya, nabatid niyang isinara na rin nito ang posibilidad na magkakaroon pa uli sila ng ugnayan. Daig pa niya ang nauupos na kandila. Napasandal siya sa dingding at hinayaan ang sariling dumausdos hanggang sa napaupo na siyang tuluyan sa malamig na sahig.
Naalala niya ang sinabi noon ng ina.
"Kung hindi ka siguradong magkakatuluyan kayo ng lalaki, huwag mong ibuhos lahat. Pilipino tayo. Mayroon pa ring double standard sa atin. Mabuti kung may malawak na pag-iisip ang magiging asawa mo balang-araw, pero kung makitid ang utak niya huhusgahan ka dahil sa minsan mong pagkakamali."
Lalo siyang nag-alala sa kinabukasan nilang mag-ina. Sigurado na siyang she is doomed to be single forever!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top