CHAPTER SIX
Nagising ang sampong taong gulang na si Rona sa tungayaw ng kanyang ina. Parang may kaaway ito. Napabangon siya agad kahit na inaantok pa dahil naintriga siya kung sino ang kaaway nito. Hindi na siya tuluyang bumaba ng hagdan dahil tanaw na niya sa kalagitnaan pa lang ang nagsisigawan sa sala. Dumating pala ang papa niya.
"Ba't ayaw mong ipahiram sa amin ang bata? Hanggang kailan mo ba siya ipagdadamot sa akin? Wala naman siyang pasok ngayon dahil Sabado."
"Baka akala mo hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa anak ko noong nakaraang taon? Birthday niya, Damian! Excited ang batang mag-celebrate sa Jollibee pero ano ang ginawa mo? Mas inuna mo pa ang ikalawa mong pamilya! Bwisit ka!"
Napasinghap si Rona. Paanong natuklasan iyon ng kanyang ina? Sinabihan niya si Caloy na huwag na huwag iyong banggitin kahit kailan sa mama niya. Si Aling Loleng kaya...?
"O, ano? Wala ka nang masabi dahil totoo? Tapos ngayon kukunin mo rito ang anak ko at ipamumukha mo na naman sa kanya na hindi mo siya priority?"
"You're being melodramatic. Gusto ko lang namang punan ang pagkukulang ko sa kanya. Pero parang ikaw ang ayaw. Hindi ka pa ba nakapag-move on sa nangyari sa atin? It has been a long time."
"Lumayas ka! Layas!"
No'n sumilip ang asawa ng kanyang ama. Nainip siguro sa paghihintay sa labas. Pumasok ito dahil nakabukas ang pinto. Parehong natigilan ang kanyang mga magulang. Nagpalipat-lipat ng tingin ang babae sa kanila at kumapit ito sa braso ng papa niya. Nakita ni Rona ang pagguhit ng pait sa mukha ng kanyang ina. Hindi na ito nakapagsalita kahit nang ipakilala ng papa niya sa tunay nitong asawa. Pag-alis na pag-alis ng kanyang ama, bigla itong napahagulgol. Saka lang bumaba si Rona para daluhan ito.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ng ina. Pinigilan na ang pagsinok.
Tumango siya. May nangingilid na ring luha sa kanyang mga mata. Kinabig siya ng ina at niyakap nang mahigpit na mahigpit.
"Gusto kong malaman mo na hindi lahat ng lalaki katulad ng papa mo. Huwag mo sanang gawing basehan ang nangyari sa amin sa desisyon mo sa buhay balang araw."
Tuluyan nang bumagsak ang kmga luha ni Rona.
"Ipangako mo rin sa mama na magmamahal ka lamang sa taong mahal ka. Kasi --- kahit gaano mo ka mahal ang isang tao at gaano mo ibuhos ang sarili mo sa kanya, kung hindi ka niya totoong mahal hindi niya mabibigyang halaga iyon. Sa bandang huli, ikaw ang magdurusa."
"Opo!"
**********
Pagpasok ni Rona sa bulwagan, napansin niya agad ang isang panauhin. Namumukud-tangi kasi ang ganda nito sa suot na floor-length, A-line gown na mala-prinsesa. Ang V-neck neckline nito ay lalong nagbigay-pansin sa mahaba at mala-modelo nitong leeg. Napansin din ni Rona ang ganda ng hugis ng mga braso ng babae dahil sleeveless ang suot at kombinasyon pa ng itim at kulay rosas na lalong nagpatingkad ng makinis at maputi niyang balat. Napatingin tuloy siya sa sariling mga braso. Oo nga't maganda rin ang hugis pero kulay kayumanggi ang kanyang balat. Wala siyang problema sa kanyang kulay ngunit minsan, gaya ng libo-libong Pilipina sa mundo, nais din sana niyang maging kasing puti ng panauhin. Paano kasi halos lahat ng mga mata ng kalalakihan sa bulwagan ay nakatuon sa kanya. Kada galaw niya sumusunod ang kanilang mga mata. Nagbulung-bulongan pa ang mga ito na tila excited nang tumambad sa kanilang paningin ang makinis nitong likod. Hanggang waistline pala ang hindi natatakpan ng suot nitong evening gown. Ang landi! Nakaramdam ng inggit at selos si Rona. Nagmukha kasi siyang dugyot sa napili niyang trahe. Akala pa naman niya kanina stand out na ang nabili niyang black evening gown na trumpet style ang tabas. Maganda kasi ang half-sleeve, lacy bodice nito na parang pinatong lang sa trahe niya. Nagmukha siyang kagalang-galang na seductress. Kaso nga lang, may dumating na prinsesa. Bwisit! Panira talaga ng gabi ko! Kahit si Engineer Sandoval ay ni hindi man lang siya napansin. Nakatutok din ang mga mata nito sa magandang bisita.
"Meg! 'Lika nga," tawag niya sa staff nang mapadaan ito. "Sino ang impaktang iyan at feeling niya siya ang may-ari nitong banquet hall?"
Napakamot-kamot ng ulo si Meg na parang asiwa.
"E---siya po ang kaisa-isang anak ng may-ari nitong hotel, Architect Ramirez."
May karapatan nga namang mag-astang prinsesa ang loka.
Hindi niya pinahalata kay Meg ang pagkagulat. Kunwari'y hindi siya apektado.
"E ano ngayon? Imbitado ba ang may-ari nitong hotel? Para sa atin lang naman itong salu-salo at sa bago nating kliyente, a. Ba't siya nandito? Sino ba'ng in charge ng reception at nagpapapasok ng mga outsiders?"
Nagpalinga-linga siya at hinanap ang table ng reception. Nakita niya si Zyra na aligaga sa pag-guide ng mga dumadating na bisita. Ang babaeng iyon pala! No wonder nalusutan sila. Pagsasabihan niya ito. Hindi porke VIP ay papapasukin na.
"Bisita po siya ni Mr. Santillan, Architect," pabulong na sabi sa kanya ni Meg nang pupuntahan sana niya sina Zyra. Kasasabi lang no'n ng alalay nang lumitaw naman si Luke sa harap ng babae at binigyan ito ng halik sa labi. May binulong ang bisita kay Luke at nagtawanan sila. Habang pinagmamasdan ang dalawa biglang naalala ni Rona ang ina. May isang tagpo sa kanyang kamusmusan na nagpabago ng kanyang pagtingin sa kanyang ama. Iyon ay noong dumalaw ito sa kanila kasama ang tunay na asawa sa unang pagkakataon. Klaro pa sa kanyang alaala ang naging reaksiyon ng mama niya. Awtomatikong natahimik ito mula sa pagtutungayaw at may gumuhit pang pait sa kanyang mukha. Parang gano'n ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.
Shit! I shouldn't be feeling this way! Hindi ko pa nga siya kilala. Siyempre, sa estado niya sigurado nang kabi-kabila ang girlfriends niya. Ba't ba ako nagpapaapekto ng ganito?
"Okay lang po ba kayo Architect?" Si Meg uli.
"Ikuha mo ako ng maiinom at nanunuyo na ang lalamunan ko. Hindi pa ba magsisimula ang party? Nangangati na ako sa suot ko."
Kaagad na tumalima si Meg at naghanap ng waiter na may dala-dalang drinks. Pero bago makabalik si Meg sa pinag-iwanan nito sa kanya, dali-dali siyang naghanap ng exit. Hindi na siya dadalo sa party. Magdadahilan na lamang siya sa bosing nila na masakit ang ulo.
"Architect Ramirez?" tawag sa kanya ng pamilyar na boses-lalaki. Napapikit siya agad. Kainis! Kung kailan ka eeskapo saka ka pa matitiklo! "Hey Rona!" May kabuntot nang tawa ang pagtawag sa kanya. It's too late...She has to turn around now.
"Ikaw pala, Mr. Santillan," magalang niyang sabi. Sinikap niyang huwag lumagpas ang tingin sa lalaki. From the corner of her eye, nakita niya kasing bumuntot ang babae.
"Don't tell me you're leaving? The party has not started yet."
"Of course not! Why would I be?" at tumawa pa siya kunwari. Hindi pa rin nakatingin sa kasama nito. Yes, that's right, Rona. Show him you don't give a fucking rat's ass to his eye candy.
"That's good to know. By the way, this is Linda, a special friend."
Pumagitna na ang babae sa kanila sabay unat ng kamay.
"It's his way of saying a long-time girlfriend," nakatawang sabi pa nito habang nakikipagkamay. Nagkunwari uli si Rona na she finds it amusing. Tumawa-tawa rin siya kagaya ng bisita.
"You must be one of the architects of this project."
Paano nito nahulaan? Napasulyap siya kay Luke. Nahuli niya itong seryosong nakatitig sa kanya. Umiwas lang ito ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.
"Yeah. I designed the whole project."
"Wow! Really? Wow! That's really amazing!" tila hindi makapaniwalang sagot ng babae. Mukhang totoo ngang napahanga ito sa kanya. "Luke is very demanding when it comes to his buildings. He rarely approves designs in just one try. Usually there's a pool of architects who come together and brainstorm to ---"
"Let's not bore Architect Ramirez with that, Honey. Why don't we get some drinks. See you around, Rona!" at inalalayan na nito ang babae paalis sa harapan niya. Lumingon pa ang huli at kumaway sabay ngiti.
Nakaramdam ng guilt si Rona. Minura-mura niya ang babae sa isipan, mukhang ang bait naman pala.
Hindi na nga siya nakaalis dahil umakyat na sa makeshift stage ang Boss Dave nila para pormal nang pasimulan ang banquet. Tinawag nito si Luke para magbigay ng speech para sa lahat ng mga dumalo. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa lalaki. Naramdaman ni Rona ang excitement sa paligid. Halos lahat yata ng babae, bata man o matanda, may asawa o wala, nakilig nang husto nang umakyat na sa entablado si Luke. Sino naman kasi ang hindi sa tikas ng anyo? Bukod sa naiiba ang kulay mais nitong buhok, mas matangkad ito sa lahat ng naroroon. Nabatid niyang mahigit ding anim na talampakan ito kagaya ng mga Norwegian engineers ng kompanya. Sino ang mag-aakalang may lahi itong Pinoy?
Bago magsimula sa talumpati niya ang lalaki, parang may hinanap ito sa audience. Nang magtama ang kanilang mga mata bahagya itong tumango at ngumiti. Napalingon siya. Wala namang tao sa kanyang likuran. Pero mayamaya ay namataan niya ang nobya nito na nakatayo sa bandang likuran niya. Siguradong napagkamalan na naman niyang para sa kanya ang tinging iyon. Peste! Lagi na lang false alarm!
Dahil abala sa kung anu-anong iniisip, hindi agad rumehistro sa kanyang utak nang binanggit siya ni Luke sa speech. Kailangan pang tapikin siya sa balikat ng isa sa mga kasamahan sa trabaho para i-acknowledge niya ang pagbanggit na iyon ni Luke. Kumaway-kaway siya sa mga naroroon habang nakangiti. Sumakit din ang panga niya pagkatapos.
Nang matapos si Luke, saglit lang siyang nakihalubilo sa mga kasamahan sa trabaho at sa staff ng Santillan group of companies at dali-dali ring umeskapo. Hindi niya kasi matagalan ang sweetness ni Luke at ng girlfriend nito. Kahit saan siya tumingin pinagkakaguluhan sila na tila bagang wedding reception nila ang party na iyon at hindi thanskgiving party ng kompanya. Kaysa magpakalunoy siya sa unlimited cocktail drinks, minabuti niyang umuwi na lang.
Pasakay na siya sa taxi nang may biglang dumaklot sa braso niya.
"Where are you going?"
Si Luke! At mukhang galit. Ba't naman ito magagalit?
"I'm tired. I'm going home."
"You're one of the important people for this project. You should stay."
"Much as I want to, my migraine is killing me."
Naningkit ang mga mata nito sa paraang gustong ipahiwatig sa kanya na hindi siya nito pinaniniwalaan.
"My workload doubled after people heard that you accepted my designs in just one try. I've been working a lot lately. Plus, I still have my private clients."
"I'll talk to Dave about this. He should not overwork you just because you're the best he got."
"Oh no! Please don't do that. Kailangan ko ang mga extra work na binibigay niya. I've just started building my own house so I need the money."
Mukhang natigilan ito. Sinamantala na ni Rona ang pagkakataon. Pumasok na siya sa taxi at nagpaalam na rito.
Akala niya pipigilan pa siya nito, pero nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sa papalayong taxi. May kung ano na namang naramdaman si Rona. Pinagalitan na naman niya ang sarili.
**********
"May nakilala akong lalaki kamakailan, Ma. Pero kagaya ng mga nauna, parang tagilid din ang lagay ko sa kanya. Don't worry about me. I've learned my lessons with guys. Makakaasa po kayong hindi na mauulit ang pag-iyak ko dati kay Caloy at --- kay Trond."
Nag-alay muna ng munting dasal para sa ina si Rona bago tumayo sa harapan ng puntod nito. Pagpihit niya, gulat na gulat siya nang makitang nakatayo sa hindi kalayuan si Luke. Nakatingin nang matiim sa kanya habang nakapamulsa sa maong niyang pantalon at nakasukbit naman ang sunglasses sa neckline ng gray t-shirt niya.
"What are you doing here?!" sita niya rito habang nakahawak sa dibdib sa matinding pagkagulat. Nag-alala din siya na baka narinig nito ang pakikipag-usap niya sa puntod ng ina.
"I visited my grandmother's grave. I didn't know that I'll find you here."
Iba ang dating no'n kay Rona. Parang ang pagkakasabi ay sobrang mahal ng memorial park na iyon para sa isang kamag-anak ng isang hamak na architect lang.
"Si Papa ang nagpalibing kay Mama rito. He said it's the least he could do for what he had failed to provide her when she was still alive. If it were up to me, hindi ko siya ipapalibing rito. I can't afford this place."
Bigla ang realisasyon sa mukha ni Luke.
"Oh no! I didn't mean it that way," napangiti pa ito nang alanganin at napakamot-kamot sa ulo. Lumapit ito sa kanya at tumingin sa lapida na nasa lupa. "Hi there, Mrs. Ramirez."
"It's her maiden name. Anak ako ni Papa sa labas," sabi niya sa mahinang boses. "It's her maiden name. Anak ako ni Papa sa --- sa labas," sabi niya sa mahinang boses. Iyon ang simpleng paliwanag. Komplikado kasing sabihin na sila sana ang unang pamilya kaso pina-annul ng papa niya ang kasal sa kanyang ina kung kaya lumalabas na anak lamang siya sa labas.
Napalingon sa kanya si Luke. At biglang natahimik. After a long silence, tumalungko na lang ito bigla sa harap ng puntod ng mama niya at nag-sign of the cross. Nangunot ang noo ni Rona. Nanibago siya sa pinakita ng lalaki. Pero bago pa humantong sa kung ano na namang isipin iyon, itinaboy na niya agad sa isipan ang kung ano pang pakahulugan sa ginawa ng binata.
"You must be very proud of your daughter. She's one of the best architects I've known."
"Huwag mo nang bolahin ang nanay ko. Hindi ka na niya maririnig," sabi niya sa himig pagtataray. Iyon lang kasi ang paraan para hindi siya ma-excite sa mga pinagsasabi nito.
"Then why did you talk to her like she was just around the corner?"
Napamulagat si Rona. Narinig niya ako?
Tumayo si Luke. Nginitian siya nang makahulugan at nauna na sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top