CHAPTER FOUR

"Papa!" Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Rona sa kanyang ama. Hindi mailarawan ang kanyang pananabik. Matagal-tagal din kasing hindi niya ito nakita. Halos kalahating taon!

Saglit lang siyang niyakap ng papa niya bago ito nagmadaling humabol sa traysikel na sinasakyan ng mag-inang Caloy at Aling Loleng. Sila kasi ang naghatid sa kanya sa Jollibee nang umagang iyon.

Nang matanaw ng driver ng traysikel ang papa niya tumigil ito. Dumungaw ang nalilitong si Aling Loleng.

"O, bakit Damian? May problema ba?" narinig niyang tanong ni Aling Loleng. Sumulyap pa ito sa kanya na tumatakbo rin para humabol sa ama.

"Pakibalik na lang muna si Rona sa bahay. Wrong timing kasi."

"H-ha?" nalilito namang tanong ng kapitbahay.

"Sweetheart!" tawag ng isang sosyal na ginang sa papa niya. Kabababa lang nila sa magarang kotse. Kinawayan pa nito ang kanyang ama. Hawak-hawak ng babae ang batang lalaki na sumigaw sa direksiyon nila ng, "Daddy!"

Dali-daling bumaba sa traysikel si Aling Loleng at sinalubong siya. Ang papa naman niya'y tumakbo na sa mag-ina at humalik sa pisngi ng babae. Ginulu-gulo pa nito ang buhok ng batang lalaki.

Alam niyang may iba nang pamilya ang ama pero iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang mga ito at gano'n na lang ang lungkot na naramdaman niya. Kahit hanggang kanina kasi ay itinatanggi pa iyon ng puso't diwa niya. Iniisip niya lang palagi na busy sa trabaho ang ama kaya hindi ito nakakauwi sa kanila. Pero ngayong nakita na niya ang isa pang pamilya nito pakiramdam niya'y tumigil sa pag-inog ang kanyang daigdig. Bago niya namalayan, nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Aling Loleng at tumakbo pabalik sa Jollibee.

"Rona! Bumalik ka rito!"

Nasa bungad pa lang siya nakita niya agad ang hinahanap. Nagtatawanan sila sa isang sulok. Panay pa halik ng papa niya sa bata. Tila tuwang-tuwa ito sa kuwento ng paslit.

"Anak, halika na," masuyong sabi ni Aling Loleng sa kanya. Marahan siya nitong hinila palabas ng Jollibee. Hindi na siya nagmatigas pa...

Nasa labas ng maliit nilang apartment ang mama niya nang bumaba siya ng traysikel. Pagkatapos magpasalamat sa kapitbahay at sa kababata tumakbo na siya rito at yumakap sa baywang nito. Natawa naman ang ina sa pagitan ng pag-ubo.

"O, ba't ang aga n'yo? Kumusta ang Jollibee? Nag-enjoy ka ba sa birthday mo ro'n, anak?"

Tiningala niya ang ina at tumango nang ilang beses. May nangilid pang luha sa kanyang mga mata. Napaluhod ang mama niya at sinapo nito ng magkabilang palad ang maliit niyang mukha.May duda sa mga mata nito.

"O, ba't ka umiiyak?"

"E kasi ang tagal kong pinangarap na mag-bertdey sa Jollibee kasi --- kasi akala ko masarap ang tsiken joy nila, iyon pala mas masarap pa luto n'yo! Niloloko lang tayo ng Jollibee, Mama! Sayang lang ang pangarap ko!" at umiyak siya sa balikat nito. Natawa ang ina. Pero mayamaya'y sinapo na naman nito ang magkabila niyang pisngi. Tila inaarok ang katotohanan sa kanyang mga sinabi. Nang sa tingin niya'y lalo itong nagduda, sinikap niyang pigilan ang mga luha. Ngumiti siya rito at nagsabi ng, "Pero ang guwapo pa rin ni Papa. Tenk yu, Mama, at pumayag kang makasama ko si Papa sa ika-siyam kong bertdey."

Ang mama naman niya ngayon ang pinangiliran ng luha.

"Siyempre naman, anak. Malakas ka sa akin, e!"

**********

Natigil siya sa pagsunod sa kasama. Hindi niya napigilan ang sariling mapatingin sa loob ng Jollibee kung saan may ginaganap na isang kiddie's party. Nakita niya uli ang batang lalaki na una niyang napansin sa Cassandra Resort. Hinihipan nito ang chocolate cake na dala-dala ng isang crew. Maaninag sa mukha ng bata ang labis na kasiyahan.

"Buti ka pa," naibulong niya sa sarili.

"Are you okay?" nakakunot ang noo na tanong sa kanya ni Engineer Sandoval. Napasulyap din ito sa tinitingnan niya.

Imbes na sumagot dali-daling umakyat ng escalator ni Rona. Tiningnan niya ang relos. They only have five minutes. Hindi dapat sila ma-late. Isang minuto bago ang napagkasunduang oras ay narating nila ang harapan ng isa sa mga upisina ng Santillan Group of Companies. Nasa ikalimang palapag ng pag-aari nitong mall sa Ortigas.

"To be early is to be on time. To be on time is to be late," salubong sa kanila ng arogante nitong CEO, si Luke Santillan. Businessman na businessman ang hitsura nito sa suot na Gucci suit. Seryoso pa ang mukha at sa kanya lang nakatingin. Na-conscious tuloy siya sa ayos. Although she was in her best suit that morning, nanliit pa rin siya dahil wala iyong pangalan. Ganunpaman, hindi niya iyon pinahalata.

Saglit na sumulyap sa relos si Engineer Sandoval at nangunot na naman ang noo ng binata, pero hindi na ito nangatwiran pa. Kaagad itong humingi ng paumanhin kay Luke. Si Rona nama'y nagtaas lang ng kilay.

"We're not late. We came just in time."

Tumingin si Luke sa Rolex watch niya at sinabi ang oras sa dalaga. Isang minuto na ang nakalipas sa takdang oras ng kanilang pagkikita roon. "Dahil kararating n'yo lang at nag-didiskusyon pa tayo rito kung late kayo o hindi, late nga kayo for our meeting. Iyan ang sinabi ko kanina. If you came early, these preliminaries would have been spent prior to the agreed time for the meeting pero dahil ngayon nga lang kayo dumating---"

"Oh, cut this bullshit! Lalo mo lang sinasayang ang oras. Let's start the meeting now nang makabalik na kami sa upisina. I still have to prepare documents for an important bidding."

"Architect Ramirez!" saway ni Engineer Sandoval. Para itong naeskandalo. Humingi na naman ito ng paumanhin kay Luke. Hindi siya pinansin ng huli. Napatingin lang ito kay Rona sabay taas ng isang kilay. Tapos ngumiti. Hindi na iyon nakita ng dalaga dahil nauna na ito sa conference room. Dahil iritado na naman at sobrang nagmamadali natapilok siya. Paglakad niya uli napansin niyang hindi na balanse ang mga hakbang. Napilitan siyang hubarin ang isang sapatos at tingnan kung ano'ng nangyari. Gano'n na lamang ang inis niya nang makita na nabali ang takong ng isa.

"You should not save on shoes. Expensive ones are always better," bulong sa kanya ni Luke nang dumaan ito sa tabi niya. Hindi ito ngumingiti pero halata sa boses na pinagtatawanan siya. Lalong nalukot ang mukha ng dalaga.

"We could ask one of the staff to have that repaired downstairs. May nakita akong shoe repair shop sa ground floor," sabi naman ni Engineer Sandoval.

"I'm fine," paangil niyang sagot sa lalaki sa halos hindi marinig na tinig at tuluyan nang tinanggal ang takong. Sinuot niya ulit ang sapatos. Dahil hindi na balanse ang taas ng dalawa nagmistula siyang pilay nang pumasok sa conference room. Nasa harapan na si Luke at nagsasalita sa mga nandoon.

"The Skyline Builders are here to help us build these dream projects. So I want you to coordinate with them. Though they are tasked to design our hotels and shopping malls as well as build them, I encourage everyone to pitch in their ideas especially with the design. If you feel like there is still a need to revise their concept feel free to tell the group."

May nagtaas ng kamay. Ito ang pinakamatanda sa grupo. Halos puti na ang buhok nito at halos hindi na kita ang mata sa kapal ng salamin. Nagpakilala itong Mr. Matabungkay ng Finance Department.

"I have one concern, Mr. Santillan, if you don't mind. The estimated cost the Skyline Builders gave us seemed to be too expensive. I think we could find cheaper---"

"I'm sure you can, Mr. Matabungkay," agaw agad ni Luke. "But elegance and grandeur are always expensive. And expensive things are in turn, always dependable," at sumulyap ito kay Rona. "Right, Ms. Ramirez?"

Napakagat-labi si Rona. Sinimangutan niya si Luke pero hindi na siya nagsalita pa. Nagpatuloy naman ang lalaki sa pagpapakita pa ng ibang bahagi ng disenyo na pagpipilian nila para sa gagawing bagong hotel sa bansa at sa mga shopping malls na itatayo malapit dito. Napa-wow ang halos lahat sa konsepto ni Rona maliban na lang kay Luke.

"Though this has character and elegance, I feel there's something missing," at tumingin ito sa dalaga. "It doesn't have a heart."

Nagsalubong ang mga kilay ni Rona. Ano'ng heart ang pinagsasabi ng damuhong ito?

"We will be catering to families who are always on the go, so our hotel will be like second home to them. Therefore, I want it to exude not just elegance and character, but it should also have warmth. That way our clients will feel they haven't left home."

"Wait!" agaw agad ni Rona. "Isn't that the concern of your interior designer? We're just designing the structure here. Plus --- let me finish!" Tumaas na ang boses ni Rona sa huling sinabi dahil nakita niyang sasabat na naman sana si Luke without making her finish her point. "You cannot say for sure the building has no warmth 'till you see the finished product. The warmth that you are talking about can be achieved through the choice of materials and of course, the interior design, which is no longer our problem."

"Rona," pabulong na saway ni Engineer Sandoval sa tabi niya. Si Luke nama'y napataas ng kilay samantalang ang mga kasamahan niya sa kompanya ay parang biglang naging hindi komportable. Panay nga ang ayos ni Mr. Matabungkay ng kanyang salamin. Ang iba nama'y halos hindi na humihinga sa paghihintay sa sagot ng kanilang pinuno.

"I know what I'm saying Architect Ramirez. I have a knack for ---"

"...seeing a good design when you see one? Well, you're not the only one, Mr. Santillan! And I'm confident that there's nothing wrong with my concept. Allow it to be implemented and I assure you that it will be as perfect as you have envisioned."

"You're one hard-headed woman, aren't you?" halos pabulong na sagot ni Luke. Nakatitig na ito sa kanya with his icy blue eyes.

Natahimik na ang lahat. Halata ang tensyon sa paligid. Halos sabay na napadampot ng kani-kanilang inumin ang anim pang naroroon. Kasama na riyan si Engineer Sandoval. Napatingin pa ang huli sa kanya na parang inuutusan siyang humingi ng paumanhin sa lalaki. Pero hindi niya ito pinansin. Nakipagtagisan siya ng tingin sa aroganteng binata.

"You know, I've lived in a hotel most of my young years so I am very particular about making this homey. You better make sure you know what you're doing Architect Ramirez or I'll ask your company to reimburse me with every centavo I've spent in the building if it doesn't live up to my expectations."

Ngumiti nang sarkastiko si Rona sa lalaki. Hindi pa rin nayayanig.

"Don't worry, Mr. Santillan, that will NEVER happen!"

Nabawas-bawasan ang tensyon sa paligid. Nakahinga naman nang maluwag si Engineer Sandoval nang nagpatuloy si Luke sa pagpapakita ng disenyo ng magiging malls. Nang matapos ang meeting pinaiwan sila ng lalaki. May ibinigay itong folder sa kanilang dalawa. Lihim siyang natuwa nang makita ang kontrata, pero hindi niya iyon ipinakita kay Luke. Si Engineer Sandoval lang ang nagpamalas ng kasiyahan at mainit pang nakipagkamay sa binata. Sinamantala na niya ang pagkakataon. Nagpaalam siya sa dalawa at nauna nang lumabas ng conference room.

Pumipili siya ng sapatos sa hanay ng mga black shoes na nagkakahalaga ng dalawang libo nang bigla na lang sumulpot si Luke sa likuran niya at nagsabi ng, "No wonder they let you down. You're a big time architect of a huge construction company and you can't afford a designer shoes? Shame on you!"

"I don't buy names. I buy comfort and style. And you can get that from any other shoes in this price range," galit niyang sagot dito. Umatras ang sales clerk. Parang natakot. Lumingon naman sa kanya si Luke. Itinaas nito ang dalawang kamay na animo'y sumusuko bago naglakad palayo.

Napakuyom siya ng palad. Nawalan siya ng ganang bumili ng sapatos. Sa halip, pumunta siya sa nirekomendang shoe repair shop ni Engineer Sandoval. Pinabalik niya ang natanggal na takong sa isang pares.

Habang nakaupo sa bench sa labas ng shop at nagbubutingting ng cell phone, may lumapit sa kanyang tauhan ng mall. May bitbit itong shopping bag ng Prada.

"Ma'am, may nagpabigay po sa inyo."

"Ha? Sino?"

Prenteng lumapit si Luke sa kinaroronan niya. Napasulyap siya sa sapatos na ngayo'y binababa ng sales clerk sa kanyang harapan at sa over confident na lalaking ngayo'y tatlong talampakan na lang ang layo sa kanya.

"Did I ask you to buy me a pair of shoes?"

"Nope. But I can tell when a woman needs help."

Dinampot niya ang sapatos at basta na lang binalik sa shopping bag nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Naghahanap ng basurahan.

"Don't you ever dare," banta sa kanya ni Luke. Nahulaan siguro ang balak niya.

Hindi niya ito pinakinggan. Nang makakita ng garbage bin sa hindi kalayuan, nag-tiptoe siya papunta roon. Sinundan pala siya ni Luke.

"Throw that away and I'll kiss you right here, right now."

Natigilan siya. Napasulyap siya rito at inalam kung seryoso ito sa banta. Sa tingin naman niya'y hanggang pananakot lang iyon at isa pa naisip niyang hinding-hindi siya pag-interesan nitong halikan kung kaya basta na lang niya hinagis ang sapatos sa nakangangang basurahan. Kasabay ng pagkalabog ng sapatos sa garbage bin, lumapat ang mainit na labi ni Luke sa labi niya at kinuyumos siya ng halik. Dahil sa kabiglaanan napaawang ang mga labi niya na sinamantala ng binata. Pinasok pa nito ang dila at nilaliman ang halik. Hindi malaman ni Rona ang gagawin. Bahagya niyang naitulak si Luke nang una, pero nang lumaon ay nagpadala na rin siya sa agos. Tuliro ang utak niya dahil it was her first torrid kiss! Nang bitawan siya ng lalaki nanginig ang kanyang mga tuhod. Muntik na siyang matumba kung hindi nito nasalo.

"You want to be kissed..." anas nito. Ngumisi pa sa kanya.

"W-wala kang modo! Bastos!"

"Too late, Rona! You enjoyed the kiss!" At walang lingon-likod itong lumayo. Naiwan siyang nanginginig sa sobrang excitement at pagkamangha.

[d]��_ ���

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top