CHAPTER ELEVEN
"Ang tagal na nating magkasintahan, ni minsan ay hindi mo ako pinagbigyan. Halik na nga lang ang hinihingi ko pero palagi ay sa pisngi pa," himutok ni Caloy.
"Nangako ako kay Mama. Ang sabi ko sa kanya hinding-hindi ako tutulad kina Elena, ang anak ni Aling Marta. Nakita mo naman ang nangyari sa kanila ni Edong, di ba? Pareho silang mapusok, kaya hayun maaga siyang nabuntis. Napilitan tuloy silang magpakasal."
"Hindi naman tayo tutulad sa kanila. Siyempre, priority pa rin ang studies natin. Ang sinasabi ko lang, kahit one time lang, Rona. Kahit kiss lang sa lips."
Sinimangutan niya si Caloy. Ba't hindi ito nakakaintindi? Hindi nga pupwede, e. Ang kulit ng taong ito! Nauubos na ang pasensya niya.
"Marahi ay hindi mo ako tunay na mahal, Rona. Ang sabi kasi nila kung mahal mo ang isang tao ay pagbibigyan mo ito."
"Sa iyo na rin nanggaling iyan, ha? Kung mahal mo ang isang tao, pagbibigyan mo. Kaya dapat iniintindi mo ako. Pagbigyan mo ako. Mahirap ba iyon? Malapit na tayong grumadweyt. Pangako ko sa iyo. Kapag tapos na tayo pupwede na ang hinihingi mo."
Si Caloy naman ngayon ang sumimangot.
"Isang taon pa ang ipaghihintay ko kung gano'n," malungkot pa nitong sabi sabay hugot nang malalim na buntong-hininga. Naawa naman si Rona. Umupo siya sa tabi nito at humilig siya sa balikat ng nobyo.
"Huwag ka nang mainip. Hindi ba nag-usap na tayong magpapakasal after graduation? Pangako, hindi ako aatras. Kapag kasal na tayo malaya na nating magawa ang kung ano ang gusto nating gawin. Meantime, tiis-tiis muna, okay?"
Bumuntong-hininga uli si Caloy. Inakbayan na siya nito at hinagkan sa ulo.
"Ano pa ba ang magagawa ko?"
Dahil na rin siguro sa awa sa nobyo at sa kyuryusidad, bigla na lang ay dinampi niya ang labi sa labi nito. Saglit lang iyon. Ni wala ngang tatlong segundo. Nakita niyang nagulatt si Caloy. Hindi agad ito naka-react. Sinamantala iyon ni Rona. Tumayo na siya bago pa maisipan ng nobyo na ulitin uli iyon.
"What was that?" Tumatawa na si Caloy. Hinabol siya nito sa dagat. Kapwa sila nagtampisaw sa alon na parang mga bata.
**********
Kapapasok pa lang niya sa upisina nang hapong iyon nang biglang nag-ring ang intercom. Ang Boss Dave niya. May excitement sa boses nito.
"How was your meeting with the Santillans?" kaagad nitong tanong. Ni hindi na nag-hello. Para na itong umaasa na katulad ng dati'y nagawan niya ng paraan ang problema. Na-guilty tuloy siya. Paano ba niya sasabihin dito na lalo niyang ibinaon sa mas masalimuot na sitwasyon ang kompanya?
"Uhm---ano po kasi Boss. H-hindi ko p-po nakausap ang matandang Santillan. K-kasi p-po---," pagsisinungaling niya. Hindi na niya natapos ang gustong sabihin dahil inatake siya ng guilt.
"You were not able to change their minds, right?" malungkot nitong sagot. Tila nahulaan ang totoong nangyari.
Napalunok nang ilang ulit si Rona. She really felt bad. Okay na kasi sana ang lahat kung bakit nagpadala siya sa halik ng hayop na Luke na iyon.
Palagay niya sinadya talaga ng kumag gawin iyon dahil gusto ring malagay sa alanganin ang kompanya nila. Hindi ba't gusto nga nitong patawan sila ng penalty dahil sa aberiya ng konstruksiyon sa kadahilanang bumitaw sa tungkulin ang dati nilang foreman? Ang foreman na nagnakaw ng mga materyales na nagkakahalaga ng milyones.
"It's all right, hija. Don't worry. I will talk to the Santillans myself. Hindi ko dapat pinapasa sa iyo ang mga ganitong klaseng problema," sabi uli ng matanda at nagpaalam na.
Pagbaba na pagbaba ni Rona ng telepono, napaiyak siya. Habang humahagulgol napasulyap siya sa nakangiting larawan ng ina na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
"Nagpakatanga na naman ako, Mama. Ang tanga-tanga ko talaga!"
Natigil siya sa pagsinghot nang bigla na lang may nagbukas ng pinto ng kanyang silid. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Luke in his impeccable black suit. Marahil nakita nito ang pagkagulat sa kanyang mukha, kumatok ito nang tatlong beses sa nakabukas nang pintuan. Baliw! Tumalikod na lang siya para ayusin ang sarili.
Shit! Nag-smudge ang mascara ko. Kinapkap niya ang tissue sa ibabaw ng mesa. Dahil nakatalikod hindi niya mahagihagilap kung nasaan na iyon. Wala na sa dati niyang kinalalagyan. She was groping for it when suddenly she felt his hand. May inabot ito sa kanya. Panyo. Napaharap siya bigla sabay tapon ng panyo sa harapan nito. She didn't care anymore kung nagkalat ang mascara sa mukha niya. She had to shoo this bastard away.
"Get out!"
Napangisi si Luke. Imbes na sumunod ito sa mando niya, kampante pa itong naupo sa visitor's chair sa harap ng desk niya at nag-de kuwatro.
"I came here personally to tell you that ---"
"I don't care about your reason for coming here! Just get out!" sigaw niya rito habang pinupunasan ng tisyu ang basang mukha.
"Won't you even hear me out? I'm pretty sure you'll be ecstatic with my news."
Natigilan si Rona. Mabilis na kanina pa ang tibok ng puso niya dahil sa pagdating ng kumag na ito, pero nadagdagan iyon nang matinding antisipasyon. Ang ibig bang sabihin no'n ay nagawan ng paraan ng mokong ang problema nila?
"Dad and I talked about our business deal. He agreed to honor the contract, which means we will continue the project with your company."
Napanganga sa narinig si Rona. Paano nangyari iyon? Malinaw ang sinabi ng matandang Santillan na tapos na ang kontrata nila. Na ipapatigil na nito ang konstruksiyon for good.
Napangisi na naman si Luke. Siguro nakita ang kalituhan sa kanyang mukha.
"Dad may be impulsive sometimes but he's still a businessman. He knows that if he totally rejects the project, his name will suffer in the long run. Who wants to deal with somebody who lets personal matters get in the way of a good business deal?"
Napalunok si Rona. Hindi siya makapagsalita. Naisip niya agad na matutuwa ang Boss Dave nila pati na rin si Engineer Sandoval. She couldn't wait to tell them the good news. Maghuhumiyaw na sana sa tuwa ang puso niya nang may bigla siyang naalala.
"Ano ang kondisyon?" tanong niya kay Luke. Malumanay na ang boses niya. Nakaupo na rin siya sa kanyang swivel chair at nakaharap sa lalaki.
Imbes na sumagot si Luke, dumukwang ito at pinahiran ang gilid ng kanyang mga mata. Awtomatikong napapikit siya to let him do it. Nang ma-realize ang ginagawa nito tinabig niya ang kamay ng lalaki. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
"You should buy waterproof mascara. Kahit sa beauty products nagtitipid ka."
Pinandilatan niya ito. She felt her cheeks burned in embarrassment. Kung hindi lang dahil sa maganda nitong balita ay gusto sana niya itong sapakin.
"Gaya ng tanong ko kanina, ano na naman ang kondisyon ng ama mo? Hindi naman pupwede na bigla na lang siyang pumayag ng walang kondisyon."
Sumeryoso si Luke. Nawala na ang boyish grin sa mukha nito.Nakitaan pa ni Rona ng lungkot ang mga mata nito bago sumagot ng, "I promised to marry Linda as soon as possible."
Parang may sumaksak ng punyal sa puso ni Rona. Napahawak pa siya sa dibdib sa tindi ng impact ng balitang iyon. Para pagtakpan ang nadarama napatikhim siya. Binuksan niya ang drawer at hinanap ang powder niya. Tumalikod siya saglit kay Luke at inayos kunwari ang mukha. Ang totoo niyan, nagpahid uli siya ng luha.
**********
Habang tinitingala ang tulo sa kisame napabuntong-hininga si Rona. Kailan pa ba matatapos ang pag-ulan na ito? Nakakainis na! Sirang-sira na ang kanyang wooden ceiling. Kumulo tuloy ang kanyang dugo sa nakuhang karpentero na pinaayos niya ng bubong. Marahil ay hindi naayos ng unggoy na iyon ang pagkakalapat ng yero.
Habang nagpupunas ng basang sahig may narinig siyang nag-doorbell. Tinapunan lang niya ng tingin ang salamin sa ibabaw ng tokador at kinuha ang limang daang piso do'n. Tamang-tama at kumukulo na ang tiyan niya. Na-excite na siyang kumagat ng inorder niyang double cheeseburger at fries sa Jollibee.
Nanlaki ang mga mata niya nang pagbukas ng pintuan ay makita niya si Luke. May dala itong supot. May naamoy siyang herbs. Parang rosemary at thyme. Kumulo bigla ang tiyan niya. Nagulat naman do'n si Luke. Kasunod no'n napangiti ito.
"It's already five in the afternoon. Don't tell me you haven't eaten lunch yet?" sabi nito at tumuloy-tuloy na sa loob.
"Who said you can come in?" habol niya rito. Hindi siya pinansin. Tumingin-tingin ito sa paligid habang naghuhubad ng leather jacket. Iniwan nito ang baby blue polo shirt. Napasinghap si Rona nang makita ang kabuuan nito. Kahit sa simpleng polo shirt at maong jeans ang guwapo pa rin ng hudas! It's unfair, Lord!
Habang nakatalikod si Luke, sinamantala na niya ang pagkakataon. Sinuklay niya ng mga daliri ang magulong buhok at inayos ang pagkakatali nito. Sinulyapan niya ang salamin sa tokador at pinahiran ang kaunting pawis sa noo. Inayos din niya ang pagkakalapat ng puting t-shirt sa upper part ng sweat pants.
Tumuluy-tuloy na sa living room niya si Luke. Dahil nakatingin ito kung saan-saan hindi nito nakita ang nakabalandrang balde na ginawa niyang tagasalo ng tulo sa kisame. Natisod siya do'n at muntik nang ma-out balance. Mabuti na lang at nakatukod ang isa nitong kamay sa sofa.
"Fvck!" mura nito.
Napahawak sa dibdib si Rona. Pati siya'y nabigla rin sa pangyayari. Nang maayos nang nakatayo si Luke lumapit siya rito at kinuha ang tumalsik na balde. Inayos niya ang pagkakalagay no'n sa gitna ng living room. Hindi niya matingnan ang lalaki. Alam niya nadagdagan na naman ito ng rason para maliitin siya.
"How can you live in this place?"
Nagpanting ang tainga niya. Hinarap na niya ito. Taas-noo.
"What's wrong with my place?" galit niyang sagot. May naalala siya bigla. "Teka, paano mo nalaman na dito ako nakatira? Are you stalking me?"
Naglaho bigla ang bagsik sa mukha ni Luke. Ngumiti ito.
"Why would I do that when I can ask your HR staff directly?"
Nangunot ang noo ni Rona.
"And why would you want to come here?"
"Isn't it obvious?" Binaba muna nito ang dalang supot sa ibabaw ng center table at hinila ang isa niyang kamay. Nang magkalapit na ang kanilang mga katawan hinawakan siya nito sa baywang at inamoy-amoy. "You smell sweaty, yet still so hot," anas nito sa punong tainga niya. Nakiliti si Rona at biglang nag-init ang kanyang katawan. "I missed you so much," sabi pa nito.
Rona used all her power to push him away. He looked a bit hurt. Pero hindi naman ito nagpumilit. Lumayo ito sa kanya at naupo sa kanyang sofa. Na-tense si Rona nang pagmasdan siya nitong mabuti. Napahawak siya agad sa parteng dibdib. May suot siyang bra pero manipis masyado ang puting t-shirt kung kaya naaninag pa rin nang kaunti ang paninigas ng kanyang mga dunggot. Nakita nga niyang ilang beses na napalunok si Luke habang nakatingin do'n.
"Stop staring at me!"
Ngumisi lang ito at itinaas na sa ibabaw ng center table ang dalawang paa.
"I couldn't believe I am in an architect's house. I mean the best architect in the country?"
Nasaktan si Rona sa sinabi nito. Totoo nga naman. Isa siya sa pinakamagaling na architect sa buong Pilipinas and yet nagtitiis siya sa isang maliit na bahay sa Alabang. Ang iba niyang mga kasamahan ay mayroon nang mala-mansiyong bahay sa isang eksklusibong subdivision sa Makati o di kaya'y sa Muntinlupa.
Hindi naman kasi siya tulad ng mga kasamahan niya. Unlike them she had to pay off their loans. Ang laki ng nagastos nila dahil sa pagkakasakit ng ina. Ilang taon din iyong nagpa-chemotherapy kasi dahil sa sakit na lung cancer. Nagbibigay nga no'n ang kanyang ama para sa pagpapagamot ng mama niya pero hindi sapat. Siyempre, kailangan niyang mangutang. Uunahin pa ba niya ang kapritso kaysa sa pagbabayad ng utang?
"Hindi naman ako dito titira forever. May pinapatayo na akong bahay at malapit na iyong matapos. Naantala lang nang kaunti dahil may pinagkagastusan ako kamakailan na wala sa budget," sagot niya. Iyon ay ang pagbili niya ng branded suit and bag dahil na rin sa pangungutya ng damuhong ito.
Tumayo uli si Luke at lumapit sa kanya.
"Why do you have to do that?" tanong nito habang tinatanggal ang isang hibla ng buhok na nakatabing sa kanyang mata.
Nakita siguro nito ang pagkalito sa kanyang mukha kaya nagpaliwanag. "I mean, girls like you don't need to buy houses for themselves. You should let your man do that for you."
Napasimangot si Rona sa narinig. Girls like me? Ano'ng pinagsasabi ng unggoy na ito?
"You're beautiful Rona and beautiful girls like you deserved to be taken cared of by their man."
Tinabig ni Rona ang kamay nitong humahaplos-haplos sa pisngi niya.
"Tigilan mo ako, Luke! Why don't you go home? Go!"
Bago nakasagot si Luke, may nag-doorbell. Dali-dali niya iyong pinagbuksan nang makitang Jollibee delivery. Pagkatapos niyang magbayad sa mama dinala na niya ang supot sa kusina at do'n na kumain. Hindi na niya pinansin pa si Luke. Naramdaman niya itong pumasok din doon at naupo pa sa harap niya. Binuksan nito ang dala. At ibayong pagpipigil ang ginawa ni Rona para hindi sumulyap sa mabangong putaheng hinain ng lalaki sa kanyang harapan.
"My mom made this soup. My favorite," sabi pa nito habang binubuksan ang container sa harapan niya. "Try mo. You'll love it."
Napaurong si Rona nang bigla na lang siya nitong subuan. Nang hindi pa rin siya tuminag, inagaw nito ang kinakain niyang burger and fries at pinalitan ng dala nitong pagkain. Mabango ang baked fish na hinain nito sa harap niya. Pati na ang Jasmine rice. Nakakatakam. Pero siyempre hindi agad sinunggaban iyon ni Rona.
"Luke, akin na ang burger ko!"
Imbes na ibigay nito sa kanya ang burger, kumagat do'n si Luke.
"Hmn, not bad," sabi pa nito.
Nag-init ang pisngi ni Rona nang makitang do'n pa mismo sa portion na may kagat niya kumagat ang damuho. At hindi na nga niya iyon binigay sa kanya hangga't hindi naubos. Pati fries niya'y inubos din ng mokong. Patuloy sana siyang makipagmatigasan sa lalaki, pero bandang huli'y pinagkanulo siya ng kumukulong tiyan. Iniwan siya saglit ni Luke para siguro hindi siya mahiyang lantakan ang dinala nitong pagkain. May kinausap ito sa cell phone.
Natapos na siya't lahat, hindi na bumalik pa sa kusina si Luke. At wala na rin siyang narinig na kung ano mula sa living room maliban sa manaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Nang matapos niyang mahugasan ang pinaglagyan ni Luke ng pagkain, pumunta siya sa banyo at nagsepilyo. Inayos na rin niya ang mukha sa harap ng salamin doon. Pagbalik niya sa living room, nakita niyang nakahiga na sa sofa si Luke at mukhang mahimbing na natutulog.
Gigisingin sana niya ito para pauwiin na pero na-guilty naman siyang istorbohin ang tulog. Mukha kasi itong anghel na bumaba sa lupa. Hindi niya napigilan ang sarili. Pinagmasdan niya itong mabuti. Letse! Ang swerte ng Lindang iyon. Kada umaga'y ganito ang makikita niya sa tabi niya.
Pinakiramdaman ni Rona ang lalaki. Narinig niya ang paghinga ng isang taong tulog na tulog. Lumapit siya at winasiwas ang kamay sa harapan ng mukha ni Luke. Hindi man lang ito gumalaw. Lumuhod siya sa harapan ng lalaki. Pinagmasdan ang maamo nitong mukha mula sa malalantik na pilik-mata, bushy but shapely eyebrows, matangos na ilong at mamula-mulang pisngi. Nang bumaba sa mga labi ni Luke ang kanyang paningin nakaramdam siya ng matinding excitement. Naalala niya ang ginawa nila noon sa upisina nito. Parang kailan lang iyon.
Kung ipapakasal ito ng ama sa babaeng iyon, hindi na niya kailanman matitikman ang mga mapupulang labi na ito. Nalungkot siya. At biglang may naisip. Bumaba ang kanyang mukha at dinampian ng butterfly kiss sa labi si Luke. Kaagad din siyang lumayo tulad ng ginawa niya noon kay Caloy. Pero hindi tulad ng boyfriend niya noon, mabilis kumilos si Luke. Hinila siya agad nito. Nag-landing siya sa katawan ng binata. Mabilis pa sa alas kuwatrong kinubabawan siya ng hudas. Tumatawa itong parang bata.
"Got ya!" ang sabi pa.
"Nagtutulug-tulogan ka lang pala!"
"Sabi ko na nga ba't pinagnanasaan mo ako, e," sabi pa nito bago bumaba nang tuluyan ang mukha at siniil siya ng halik sa labi. Napapikit si Rona. Hindi na niya napaglabanan ang damdamin. Sa ikalawang pagkakataon ay nagpaubaya siya kay Luke.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top