PROLOGUE
11 years ago...
Ang makulay na ilaw ng nightclub ay kumikislap sa bawat sulok, sinasabayan ng malakas na tibok ng bass na parang sumasayaw sa paligid. Huminga nang malalim si Janet, pilit nilulunod ang sakit na iniwan ng nakaraang heartbreak. Ayaw niya talagang lumabas ngayong gabi, pero mapilit ang mga kaibigan niya.
"Janet, ano ba? Game ka na kasi!" Hinila siya ng isa sa mga ito, may pilyang ngiti sa labi. "Isang lalaki lang. Usap lang, flirt-flirt lang. No strings attached, promise! No sex! Pero ikaw ang bahala kung gusto mo i-try, just practice it safely."
Napairap siya, pero alam niyang may punto ang mga ito. Siguro nga, kailangan niyang gawin ito—isang bagay na labas sa karakter niya. Isang bagay na makakalimot siya, kahit saglit lang. At sa isang iglap, nakita ang lalaking mukhang dapat i-target.
Isang matangkad at sobrang gwapong lalaki ang kakapasok pa lang sa club, may hawak na sigarilyo, dahan-dahang bumuga ng usok habang parang walang pakialam sa mundo. May kakaibang aura ito—misteryoso, hindi matatawaran ang tiwala sa sarili, at tila mapanganib. Ang paraan ng paglakad nito, ang matatalim na matang gumagala sa paligid, ay matibay na palatandaan na dapat mag-ingat ang lahat sa kung sinumang mangangahas na lapitan ito.
Napalunok si Janet. Why not?
Ngayon na ang pagkakataon niyang maging iba. Hindi na muna siya ang prim and proper na babaeng hinulma ng kanyang mga magulang.
"Go na, girl! Ang hot no'n, jusko!" kilig na sabi ng isang kaibigan niya.
"Bahala na," bulong niya sa sarili, tinungga niya ang natitirang alak sa baso para lumakas ang loob, at saka matapang na lumapit sa lalaking iyon.
Sa bawat hakbang ni Janet papalapit sa lalaki, ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Ano bang ginagawa niya? Hindi siya sanay sa ganito—ang lumapit sa isang estranghero sa isang nightclub. Pero nandito na siya. Baka naman isang casual conversation lang talaga ang kailangan niya para makalimot, kahit panandalian lang. Huminto siya ng ilang hakbang mula sa lalaki, nag-aalangan kung paano sisimulan ang usapan. Pero bago pa man siya makapagsalita, tumingin ito sa kanya, tila ba nabasa na agad ang motibo niya.
"I'm Rad," anito, walang halong pag-aalinlangan sa boses. "Bakit mo ako nilapitan?"
Nagulat siya sa diretso nitong tanong. Hindi niya alam kung paano sasagutin—kung aaminin ba niyang isang dare lang ito o kung gagawa siya ng palusot. Pero imbes na umatras, ngumiti siya nang bahagya at umupo sa bakanteng upuan sa harapan nito.
"Wala lang," sagot niya, pilit na nagpapakakalmado. "Bawal bang makipag-usap?"
Napangiti si Rad, parang naaaliw sa kanya but he knows, that girl in front of him was just parading an obvious façade. "Hindi naman. Pero usually, kapag may lumalapit sa'kin dito, may dahilan talaga."
Nagkibit-balikat siya at tinawag ang bartender para umorder ng inumin. Nagsimula silang mag-usap. Sa una, simpleng palitan lang ng mga tanong at sagot tungkol sa basic info nila, na komportable naman nilang i-share sa kahit sino. Pero habang tumatagal, naging mas makabuluhan ang usapan nila. Hindi niya inasahan na may lalim pala ang lalaking ito—hindi lang basta isang misteryosong estranghero na may matalas na tingin.
Hanggang sa hindi na niya namalayang naparami na pala sila ng inom. Hindi pa naman sanay uminom si Janet nang ganito karami. Ang init sa loob ng club ay tila sumisipa sa sistema niya, at bahagyang bumibigat na ang talukap ng mata niya. Parang gusto na niyang umuwi.
Napansin iyon ni Rad. "Hindi ka sanay uminom, ano?"
Napangiti si Janet, tinatago ang hilo. "Medyo."
Doon siya tumigil nang magsalita ulit si Rad, mas seryoso na ngayon ang tono. "Akala ko, alam mo."
"Alam ang ano?" tanong niya, bahagyang nalilitong tumingin dito.
Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga bago sumandal sa upuan. "I'm a part-time escort."
Napakurap si Janet, agad na nahimasmasan. "Wait, what?"
Tumikhim si Rad na walang halong hiya o pag-aalinlangan sa ekspresyon nito. "You heard me right. Escort ako. Akala ko, alam mo na. Kasi sa una mo pa lang tingin sa akin... para bang sigurado ka na sa gusto mong mangyari."
Nanlamig ang katawan ni Janet. Hindi niya alam kung paano siya dapat mag-react. Hindi niya inaasahan ito. Ang buong akala niya, simpleng lalaki lang si Rad na gusto niyang kausapin dahil sa dare. Pero ngayon... ibang usapan na 'to.
Nanlaki ang mata ni Janet at agad na napaatras sa kanyang upuan. "Oh... I-I didn't know. Pramis," aniya, pilit inaayos ang tono ng pananalita pero halatang may halong gulat at pagkalito.
She felt so stupid. Ano bang iniisip niya? Na basta na lang siya lalapit sa isang estrangherong gwapo sa isang nightclub at makikipag-usap nang walang halong komplikasyon?
Tumawa nang mahina si Rad, halatang sanay na sa ganitong reaksyon sa kahit sino. Sa unang tingin naman kasi, at sa pormahan niya, walang makakapag-isip sa nature ng kanyang trabaho. "It's fine. Wala namang masama kung hindi mo alam."
Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Nag-aalangan siya kung tatayo na lang ba siya at aalis. Pero nang subukan niyang bumangon, saka niya napagtanto kung gaano siya kalasing. She almost lost her balance. Napapaurong siya, at bago pa siya tuluyang bumagsak, isang malakas na bisig ang sumalo sa kanya.
Napakapit siya sa braso ni Rad, at sa isang iglap, naramdaman niya ang init ng katawan nito, ang tibok ng puso nitong bahagyang bumibilis. Hindi lang siya ang nagulat sa nangyari—gano'n din pala ang binata.
Out of the blue, their gazes met. Ilang saglit lang iyon. Isang tahimik na sandali sa gitna ng ingay ng club, pero dama niya ang kakaibang koneksyon sa pagitan nila. Isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
She snapped out of it first. "I—Sorry," agad niyang sabi, pilit na lumalayo rito.
Ngumiti si Rad, pero may kung anong pagbabago sa ekspresyon nito. "Sigurado ka bang okay ka lang?"
"Yes," sagot niya, kahit hindi siya sigurado. Tumalikod siya at mabilis na naglakad pabalik sa lamesa nila, pero pagdating niya roon... wala na ang mga kaibigan niya!
Napaatras siya, biglang kinabahan. Saan sila nagpunta? Bakit siya iniwan ng mga ito?
Napalingon siya sa paligid, nagbabakasakaling makita sila. Pero sa dami ng tao sa club, imposible. She fumbled for her phone, but her vision was slightly blurred. Lasing na nga siya.
"Looks like iniwan ka nila," biglang boses ni Rad sa likod niya. He can't just let her go, may nasimulan na sila.
Napalingon si Janet at nakita niyang bumalik ang binata sa dati nilang pwesto. Mabilis itong pumosisyon sa counter ng bar, pinagmamasdan siyang papalapit. She knows that she's the only one he's been looking at. Ang ganda pala niya kung gano'n.
"Damn it," bulong niya saka napapikit saglit at huminga nang malalim. Ngayon, anong gagawin niya?
Janet bit her lip, her mind racing. She was stuck—her friends were gone, she was tipsy, and the only person around was Rad, the mysterious, dangerously attractive escort she had just met. Any reasonable person would wait, sober up, and figure things out logically. But the reason was not what she wanted tonight.
For the first time in her life, she wanted to be reckless. To make a decision not based on her parents' expectations, not based on what was right or proper, but simply because she wanted to.
And right now, she wanted him, nobody else.
She turned to face Rad fully, meeting his dark, unreadable gaze. "Will you sleep with me?"
Rad blinked, his expression unreadable for a moment. "Seryoso ka?"
Iniangat ni Janet ang kanyang mukha, pretending to be more confident than she actually felt. "Yes."
He studied her, his gaze lingering on her face as if searching for hesitation. "Bakit?"
Napahinga siya nang malalim. "Because I want to," sagot niya, pero hindi niya kayang sabihin ang totoo—na gusto niyang patunayan sa sarili niya, at sa mga magulang niya, na kaya niyang maging rebellious. Na hindi lang siya isang perfect daughter na palaging sumusunod sa mga utos ng iba. Papangatawanan na lang niya ang maling impresyon ng mga ito sa tulad niya dahil lang hindi siya kasingtalino ng ate niyang si Janice na ngayon ay nagme-med school.
Rad watched her for a few seconds, then smirked. "Alright." Hindi siya tumanggi. Hindi siya nagtanong ng higit pa.
At sa moment na iyon, kahit lasing na si Janet, kahit impulsive ang desisyon niya, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya. Dapat nga cautious siya sa estrangherong ito, pero ramdam niya na may tinatago ito at hindi iyon panganib. Baka hindi ito ang nature ni Rad. Baka gaya niya, nagpapanggap lang din ito.
What she didn't know was that for Rad, this wasn't just business. From the moment he caught her in his arms, he felt it—that spark. That rare, undeniable pull. He had met several women before. He had spent nights with countless strangers. But Janet... She was different.
And now that she was standing in front of him, asking him to be the one to help her escape—he knew one thing for sure. Hindi na niya ito dapat pakawalan.
So, he took her hand. "Let's go."
Habang lumalabas sila ng bar, ramdam ni Janet ang bahagyang hilo sa ulo niya, pero mas nangingibabaw ang excitement na bumalot sa kanya. Hindi niya alam kung dahil lang ito sa alak o dahil sa presensya ni Rad, pero ang sigurado siya—ngayong gabi, wala siyang balak umatras.
Pagdating nila sa parking lot, tinanggal ni Rad ang leather jacket niya at iniabot iyon sa kanya. "Isuot mo. Medyo malamig sa biyahe."
Nag-aalangan niyang tinanggap iyon. "Thanks."
Sumakay si Rad sa kanyang motor, saka tumingin kay Janet. "Hawak ka lang nang mahigpit."
Napalunok siya. First time niyang sasakay sa motor, at hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon pa mangyayari. Pero imbes na kabahan, may kung anong saya ang sumisibol sa dibdib niya. Nang umupo siya sa likuran ni Rad, marahan nitong inilagay ang kanyang kamay sa tagiliran nito.
"Mas mahigpit pa," utos ni Rad, ang boses nito mababa at kalmado.
Wala siyang nagawa kundi sundin ito, at tuluyan nang idinikit ang katawan sa matigas nitong likuran. Doon niya mas naamoy ang pabango nito—isang halong lalaking-lalaki, may bahagyang halimuyak ng sigarilyo at alak, pero sa halip na ma-turn off siya, mas lalo lang niyang naisip kung paano niya matatandaan ang amoy na ito.
The scent of the night. The scent of him.
Habang bumabagtas sila sa kalsada, malamig ang simoy ng hangin, pero ni katiting ay hindi siya nangamba. Kahit mabilis ang takbo ng motor, kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Rad ngayong gabi, ramdam niya ang kakaibang seguridad. Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Sa hotel? Malamang. Pero kahit saan pa, hindi man lang niya maramdamang may panganib na hatid ang pagsama niya kay Rad.
She wanted to slap herself. Pangalan lang ang alam niya sa lalaki at kakaunting interest nito. But his full name? Ewan, parang natatakot siyang magtanong pa. Ang mahalaga na lang, masaya siya. Parang tutulungan siya nitong mag-move on.
Is it true love? Hindi niya alam. Pero ngayon, sa piling ni Rad, pakiramdam niya... safe siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top