9 - Rayden
"Mama!"
Abot tainga ang ngiti ni Rayden nang salubungin siya ni Janet. Gaya ng nakagawian, mahigpit na yakap at halik sa pisngi ang unang binibigay ni Rayden sa nanay niyang mag-isang bumuhay sa kanya.
"Excited na akong ipakita ang drawing ko, mama," proud na sambit ni Rayden at inilabas ang sketchbook niya mula sa bag.
"Tingnan mo 'to, ma. Ikaw 'yan at ako," pagmamalaki ni Rayden nang ipakita ang isang mother and son sketch niya. Kapareho ng nasa guhit ang mga buhok nila kaya madaling natukoy ni Janet na siya at si Rayden nga ang nasa drawing na iyon.
Janet was moved at that time. Hinaplos niya ang ulo ni Rayden bago niya ito yakapin. "Thank you, anak. I'm sorry kung wala nang akong time, huh?"
"Okay lang, mama. Alam kong gusto mo lang mag-ipon para sa college ko. Lagi mong sinasabi sa'kin 'yon, di ba?" pang-aalo ni Rayden at niyakap pabalik si Janet.
"Naku. Kung nabubuhay lang ang mama mo, proud na proud 'yon kasi katulad niya, magaling ka rin sa pagguhit," naiiyak na sambit ni Janet at ikinulong niyang muli si Rayden sa kanyang bisig.
Napaangat naman ang mukha ng bata at buong pagtatakang tinapunan ng tingin ang kinikilala niyang magulang.
"Buhay pa naman kayo, mama. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," naguguluhang ani Rayden.
Natauhan si Janet at niluwagan ang pagkakayakap kay Rayden sa sandaling iyon. "Ang ibig kong sabihin, kung buhay lang ang Tita Janice mo, siguradong matutuwa 'yon sa'yo dahil katulad ka niya na magaling din sa pagd-drawing, anak."
Ngayon lang siya muntik na mahuli sa sarili niyang bibig. Buti na lang at sampung taon pa lang si Rayden at hindi pa masyadong palatanong kung minsan ay nagiging absent minded siya.
"Bibisitahin po natin si tita sa puntod niya, di po ba?" Malumanay at puno ng lumbay ang boses ni Rayden.
Mabilis na pagtango naman ang sagot ni Janice. "Pagkatapos no'n, mamamasyal din tayo. Okay?"
"Gusto ko po 'yan, ma!" Naging masigla ang tinig ni Rayden. Napakabilis talagang mag-shift ng emosyon ang batang ito lalo na kapag pinapangakuan ni Janet ng mga bagay na gusto nitong gawin. Sa sobrang saya ni Rayden, itinaas niya ang magkabila niyang braso para salubungin ang kamay ni Janet. Gusto nitong makipag-apiran sa kanya.
Nagitla si Janet nang mapansin niya na may pasâ sa braso at sîko si Rayden.
"Anak, saan mo nakuha ang mga ito?" Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil batid niyang hindi basta-basta makukuha ni Rayden ang pasâ sa katawan nito dahil lang sa simpleng pagkakasubsob. She quickly considered bringing him to the hospital.
Napakislot naman si Rayden at itinago ang mga braso niya. Binigyan niya ng "assuring smile" si Janet nang muli niya itong pinakatitigan.
"Rayden, bakit tinatago mo?"
"Eh kasi, wala lang naman ito, ma. Nagalusan lang ako habang may P.E class po kami," pag-amin ni Rayden.
"Dahil ba busy ako kaya hindi mo na nasabi? Sorry, anak." Halos maluha-luha si Janet at hinaplos ang maliit na pisngi ni Rayden na sumakto lamang sa kanyang mga palad.
"Okay lang, mama. Pero minsan po, naiisip ko kung anong feeling na may tatay at magce-celebrate ng father's day. Iyong mga classmate ko po kasi, may mga tatay sila."
Janet felt uneasy while hearing Rayden's words. Ngayon lang ito nagsalita na parang nangungulila sa pagmamahal ng isang ama. Samantalang dati, wala itong bukambibig kundi mga bagay na tungkol lamang sa kanila, sa mga paborito nitong hobby, at sa mga pinag-aaralan sa school na pinapasukan nito.
"Anak, nasabi ko naman sa'yo na wala na ang tatay mo. Hindi ba?" Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ni Janet. Hindi niya kailanman dapat na i-explain na tumakas sa responsibilidad ang ama ni Rayden at ginawa pang kabit ang tunay nitong ina na si Janice. Matagal na niyang nilibing sa hukay ang bahaging iyon, kasabay din ng sikreto tungkol sa tunay na sitwasyon nilang magkapatid habang pinagbubuntis ni Janice si Rayden noon bago ito pumanaw.
"Sinabi mo lang po na wala na siya, pero hindi n'yo po nasabi kung namatay ba siya gaya ni tita o umalis lang." Naging malamlam ang mata ni Rayden at nababagot na lumayo kay Janet.
"Mama, magkaiba raw ang umalis lang at ang taong namatay. Dahil kapag daw po umalis, babalik pa. Pero kapag namatay na, hindi na raw po makakabalik."
"May mga umalis lang na hindi na talaga babalik dahil hindi na nila gustong bumalik pa. Nandito naman ako, anak. Kaya kong gampanan ang pagiging ama sa'yo. Hindi ko kailangan ng kapareha," malungkot na paliwanag ni Janet na inaasam niyang tanggapin na lang ng inosenteng bata sa kanyang tabi.
"Hindi na po ba sila pwedeng hanapin?"
Lalong nadurog ang puso ni Janet nang mapansin ang pagluha ni Rayden. Kaagad niyang pinunasan ang luhang umagos sa pisngi nito.
"Paano natin hahanapin ang isang taong nagtatago at ayaw nang magpakita? Anak, sana maintindihan mo na hindi lahat ng tao, willing na makasama ang iba kahit pa sarili nilang kadugo. Hindi lahat ng tao ay umaako sa kanilang responsibilidad. Lahat ng bagay na 'yon, kailangang indahin ng mga iniwan. At ang mga iniwan, hindi na dapat tinatanggap pa ang mga taong ayaw na sa kanila na walang iba kundi ang mga taong umiwas sa responsibilidad at nagdulot ng pasakit sa kanilang mga damdamin."
"Kung gano'n pala, ayaw sa'kin ni papa? Ano bang nagawa kong mali noong bata ako, mama?" Sa puntong ito, humahagulhol na si Rayden.
"Wala kang naging pagkakamali." Sinalong muli ni Janet sa bisig niya si Rayden. Pinatahan niya ito hangga't sa makatulog din.
Nagkaroon siya muli ng pagkakataon na mag-isip. Mas kailangan niyang i-distract si Rayden sa ibang bagay para hindi na nito isipin pa na kakailanganin nito ng ama. Sa kabilang banda, batid din niya na hindi niya mapanghahawakan ang isip ng isang naive na batang puno ng kuryosidad ukol sa galaw ng mundo. Napasinghap siya, matapos kumutan si Rayden at naisip niyang i-check muna ang kanyang phone habang nanatili pa rin sa tabi nito.
"Chăn kŏr tôht săm-ràp préut-dtì-gam yàap kaai kŏng chăn (Nagso-sorry ako dahil sa bastos kong pag-uugali.)" Iyon pala ang naka-paste na Thai sentence sa notepad niya kanina. Iyon dapat ang sasabihin niya kay Conrad pero hindi na niya nasabi dahil sa pagtatanong nito sa lenggwaheng Thai.
'Iniisip niya siguro na baliw ako sa part na 'yon.'
Parang mahika ang lahat. It's hard to explain why she felt sudden rush when she's looking at him. Gustong-gusto niya rin na malaman ang lahat tungkol sa binata.
'Ano bang nangyayari? Hindi naman niya ako maalala at hindi big deal ang namagitan sa amin. Isang magdamag lang ang lahat. Ngayon lang ulit bumilis ang tibok ng puso ko dahil nagkita na ulit kami.'
Hangga't sa hinanap na nga ni Janet ang social media ni Conrad at anumang info na pwede niyang makita sa internet. Binasa niya ang LinkedIn profile nito at na-impress naman siya.
"Siya talaga si Rad. Nagawa niya nga ang pangarap niya para sa sarili niya."
Mas lalo siyang kinilig sa sandaling iyon. At sa kabilang banda, nagkaroon na naman siya ng panibagong motivation para pumasok sa trabaho bukas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top