8 - Pretentious
"Sà-wàt-dee yaam bàai kráp kun pôo chaai (Sir, good afternoon)," biglang bungad ni Janet nang paunlakan siya ni Conrad sa office nito.
"Kun róo wí-tee gaan pôot paa-săa tai rĕu mâi? (Marunong ka bang masalita ng Thai o hindi?")
Seryoso ang pagkakatanong ni Conrad sa kanya. Napanganga lang si Janet, dahil wala siyang naintindihan sa sinabi nito. Kakahanap lang niya ng translation sa google kanina bago siya kumatok sa opisina nito. Mahigit isang minuto rin ang pamamayani ng katahimikan sa pagitan nila.
"kun kâe glâeng tam bpen wâa kun róo wí-tee pôot paa-săa tai (Nagkukunwari ka lang na marunong kang mag-Thai.)
Bumuntong-hininga si Conrad at nginitian sa wakas si Janet na halatang naiilang sa sitwasyon nilang dalawa. "Impressive ang pagsasalita mo ng Thai kahit hinanap mo lang sa internet ang phrase. I think madali ka namang matututo kapag nasa Thailand ka na. And I'm assuming that you like to be there because you're starting to rehearse speaking that language in front of me."
"Huwag n'yo sanang isipin na iyon ang dahilan kung bakit ako bumalik para kausapin kayo," paglilinaw ni Janet.
"I think magkasing-edad lang naman tayo. 34 pa lang ako," pagsiwalat ni Conrad habang naglalaro ang ngiti sa kanyang labi habang tinatapunan ng mapanuring tingin si Janet. He knew it, she's just trying to act like she doesn't know or even recognize him.Pinagbabasehan lang niya ang gestures nito.
"I think you didn't pay enough attention to my personal details. Mas matanda ako sa'yo ng isang taon," sagot ni Janet na halos magkandaumid ang dila. "Pero kailangan kong gumamit ng 'po' o kaya maging ganito kapormal para ipakita ang paggalang ko."
"I feel old when you're speaking like that. Huwag ka na lang mag-po at opo. Okay na 'yon," Conrad insisted with an apologetic beam.
"Also, hindi mo kailangang magsalita ng Thai. I'm not requiring you to do that. I grew up here and I tried different jobs before I had a chance to work in New Way. Baka nga may instance na nagkita na tayo noon pero hindi mo lang ma-recall," pagpapatuloy ni Conrad.
"Pasensiya na. Kinakabahan lang akong mag-sorry in Tagalog or English language. I mean, nahihiya ako dahil talagang nagkamali ako kanina. Pinaliwanag na ni Jhon sa'kin na hindi naman ikaw ang nag-hold ng leave approval," nahihiyang pag-amin ni Janet at inilihis sa ibang direksyon ng opisina ang paningin.
"It's not a big deal for me, Ms. Janet. Sana in-email mo na lang itong apology mo, baka naabala pa kita dahil 'di ba't pinapapasa kita ng previous reports?"
Napatanga lang si Janet at marahang tumango. When she returned her gaze to Conrad, she felt a sudden sense of excitement while looking at his neck as he spoke calmly. And it was his most appealing feature to her. Biglang lumikot ang isipan niya at naalalang muli ang bagay na hindi na dapat pang alalahanin.
"Ms. Janet?" untag ni Conrad at bahagyang inilapit ang mukha sa kanyang kaharap.
"Tapos ko nang i-email, Sir Conrad."
"Great. I like your efficiency though," he complimented.
Sa kabilang banda naman, napasulyap si Conrad sa jacket na suot ngayon ni Janet. Noong isang araw lang, nakita niyang suot iyon ni Jhon sa meeting dahil nabasa ang suit nito na dulot ng malakas na ulan sa labas.
"Nilalamig ka ba?"
Biglang naging conscious si Janet sa kanyang sarili at napagtanto na sinuot pala niya ang jacket na isinauli ni Jhon kanina. "Sorry, sir. I know na may strict dress code dito sa office. Pasensya na at hindi ko natanggal. Sinuot ko lang naman ito dahil ayaw kong maiwan sa office ko ang jacket na hiniram ni Jhon."
"It seems like you're close to each other. He's also complimenting you while I'm asking him about you," Conrad remarked in a serious tone. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi sa kanya ni Mr. Madrigal habang nakapanayam niya ito. As per him, may ibang motive si Janet at hindi naman talaga ito malinis na magtrabaho. May sinabi rin si Mr. Madrigal na naghahanap talaga ng mayaman na mapapangasawa si Janet at nagpapa-impress lang ito sa mga lalaki at binalaan din siya na baka siya ang target nito.
He dismissed that sudden thought when he noticed that Janet seemed to feel enraged at that moment.
"Kung sinuman ang lalaking insecure na nagpakalat sa inyo ng tsismis, hindi 'yon totoo. Mas devoted ako sa pag-aalaga sa anak ko, sir," mabigat sa loob na sagot ni Janet. Narinig niya ang naging usapan nina Mr. Madrigal at Conrad. Kanina rin, gusto na niyang suntukin ang matandang lalaki na 'yon ngunit naisip niya na kung gagawin niya ang kanyang naiisip, Conrad would assume that she's secretly spying on them even if she unintentionally heard them talking.
"So, you're aware that some of the people here are talking behind your back?" confused na tanong ni Conrad. But since earlier, alam naman niyang napakinggan ni Janet ang pinag-usapan nila kanina ni Mr. Madrigal dahil napansin niya ang bahagyang pagbukas ng pinto sa office niya.
"Hindi naman maiiwasan 'yon lalo na sa kompanyang ganito. Hindi lang sociopaths ang matatagpuan dito; marami ring tsismoso na walang mapagkaabalahan sa malungkot nilang buhay," sagot naman ni Janet at sinalubong ang tingin ni Conrad. "Hindi mo kailangang i-surprise ako sa pagba-background check, sir. Wala naman akong tinatago."
"Don't think that I'm doing that just because I found you suspicious. Hindi lang naman ikaw ang iba-background check ko. Procedure din naman ito ng HR since this company has been founded."
"Ito lang pala ang gusto kong sabihin. Itigil n'yo ang pag-approve ng substandard materials sa ginagawang site kung ayaw n'yong maulit ang aksidente na nangyari noong nakaraang linggo," pakiusap ni Janet.
Umangat ang magkabilang kilay ni Conrad. "How did you find out? Nakikinig ka ba sa usapan ng iba?"
"Hindi ko sinasadyang marinig," paglilinaw ni Janet.
Conrad chuckled. "Siguro 'yon din ang sadya mo sa'kin. I know what I'm doing, Ms. Janet."
"Sana nga, Sir Conrad. At sana hindi ka tulad ng ibang big bosses sa kompanyang ito," malumanay na tugon ni Janet.
"Alin? Sociopath o tsismoso?" Hindi inalis ni Conrad ang ngiti habang nagtatanong.
"Both." Nilakipan ni Janet ang nag-iisang salita na kaya niyang sabihin. At gaya ng ginawa niya kaninang umaga, mabilis siyang lumakad palabas ng office ni Conrad. Mabilis pa rin ang pintig ng puso niya sa mga sandaling iyon at hindi siya huminto kahit narinig niyang sinabi ni Conrad na "Pakidahan-dahan naman kung bubuksan mo ang pinto ng office."
"Nakakainis! Nagtago naman ako nang mabuti. Paano niya ako napansin?" pagmamaktol niya at padabog na naghintay sa tapat ng elevator door.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top