7 - Good Impression
"Wala na akong ibang sasabihin, Ms. Janet. And I also wish for what's good for your motherhood."
Parang sirang plaka ang mga sinabi ni Conrad kay Janet. Hangga't sa nakasakay na siya sa loob ng elevator, hindi niya kayang iwaksi ang moment na muli silang nag-usap ni Conrad. Kung naging close lang sila noon, o kung hindi niya ito iniwan sa hotel, baka nalaman niya kung paano ito nagtagumpay na mag-shift ng career.
"Napakagaling niya dahil nagsumikap siya na makaalis sa trabahong hindi niya gusto," bulong ni Janet sa kanyang sarili. Natutuwa siyang makita na successful na si Conrad at hindi na kailangang magtiis sa club na may rowdy ambience.
Nagpamulsa siya at napagtantong dala niya pala ang panyo ni Conrad. Ginamit na lang niya iyon para punasan ang pawis sa kanyang mukha. Then she inadvertently smelled the scent of the handkerchief, which gave her a rush.
"Bakit hindi na ito 'yong gamit niyang pabango?"
Nagbalik siya sa katinuan nang magbukas ang elevator. Madali siyang kumaripas ng takbo at namataan niya kaagad sa opisina niya si Jhon, na coordinating manager ng New Way.
"Buti at nandito ka na, Janet. Ikaw talaga ang sadya ko," sabi ni Jhon na may alanganing ngiti.
"Magso-sorry lang ako," dagdag pa niya na ikinalukot ng mukha ni Janet.
"Bakit ka magso-sorry? Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi na-approve ang leave ko? Hindi naman yata. Wala ka namang authority na harangin ang HR," tugon ni Janet at mabilis na naupo sa desk niya para makapagbukas ng email.
"Actually, nasabi ko kasi sa HR natin na may backlogs ka kaya na-hold ang leave request mo. May urgent matters ka kasi na dapat tapusin at gusto kang kausapin ni Sir Conrad. Akala ko kasi sa Biyernes pa siya papasok kaya sinabi ko sa HR head natin na huwag munang i-approve ang leave mo," pagtatapat ni Jhon.
Napaismid naman si Janet. "Naiintindihan ko. Dahil may pinagsamahan naman tayo at ninong ka ni Rayden, pinapatawad na kita."
"Oh? Sigurado ka? Hindi ka nagtatanim ng sama nang loob sa'kin?" Lumiwanag ang mukha ni Jhon habang nagtatanong.
"Okay naman na, eh. At nakausap ko na rin si Sir Conrad." tugon ni Janet at saka napangiti.
"Ang gwapo, noh? At mukhang interesado siya, sa'yo," pambubuyo ni Jhon.
"Jhon, may kailangan akong i-email kay Sir Conrad, huwag mo muna akong kulitin. Bumalik ka muna sa workstation mo dahil napatawad naman na kita." Hindi ibinalik ni Janet ang tingin kay Jhon at kung maaari lang, ayaw niyang madala sa panunudyo ni Jhon tungkol kay Conrad. It makes her feel confused to think about him. She has to guard her heart.
Sa halip na isipin si Conrad, binusisi muna ni Janet ang bagong update sa Financing department.
"Ano 'to? Bakit magsu-supply tayo ng substandard materials sa public works ng LGU pero mataas pa rin ang presyo na ilalagay natin sa invoice? Mali. Bakit may in-allow na substandard materials? Hindi ito papasa sa'kin. Hindi naman ito product ng New Way."
Napakunot-noo lang si Jhon. "Ah, baka na-approve na ni Sir Conrad ang product na 'yan baka sa sister company nakuha ang materyales. Hindi pa ako familiar d'yan Janet."
"Si Sir Conrad lang ba ang pwedeng mag-approve? Nasaan ang mga taga quality control sa planta?" usisa ni Janet. "Kapag na-release ang materyales na hindi pasok sa quality ng local government, ang kompanya natin ang sisisihin. At isa pa, hindi akma ang presyo ng produktong nakasulat sa invoice. Dapat mababa lang ito."
"Well, kung magkakaroon man ng isyu sa mga ganyan, hindi naman sinisilip ang supplier. Kayang pagtakpan ng gobyerno ang kapalpakan nila. Pwede naman nilang bayaran ang media o magpalabas ng propaganda para ma-cover ang pagkakamaling ayaw nilang aminin."
"Gano'n na lang ba 'yon? Tama nga na hindi mapaghihiwalay ang tatlong K."
"KKK? Ano 'yon? Andres Bonifacio?" naguguluhang tanong ni Jhon.
"Kasinungalingan—Korapsyon—Kawatan. Kasinungalingan ng mga korap at kawatan." Napahilot sa sentido si Janet.
"Ano ba 'yang kawatan na sinasabi mo? Magnanakaw ba 'yon? Yung mga naka-wheelchair sa TV?" natatawang tanong ni Jhon.
"Oo. Mula barangay hanggang national level."
"Janet, alam ko na lagi kang pumapanig sa tama. Pero, hindi na natin mababago ang sistema nila," sambit ni Jhon.
"Pero hindi tayo dapat na dumagdag sa problema, simple as that," giit ni Janet. "Alam mo, may kapangalan din akong korap at ikinaiinis ko 'yon. Basta, aayusin ko agad ito bago ako mag-leave."
"Ako na lang ang kakausap kay Sir Conrad," presinta ni Jhon saka bumuntong-hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "Natatakot lang ako, baka magkasagutan kayong dalawa. Hindi ko pa mabasa ang ugali ni sir. At iba rin ang working environment na nakasanayan niya sa Bangkok."
"Kahit mataas ang posisyon niya, hindi mag-a-adjust sa kanya ang trabaho."
Napakamot-ulo lang si Jhon at inilapag ang jacket na dala niya sa bakanteng upuan. "Isasauli ko din pala ang jacket mo, salamat. Nakabili na rin ako ng payong at di ko na kailangan magpandong niyan."
"Salamat, make sure na bagong laba 'yan," nakangiting sagot ni Janet.
"Hindi ako magiging impolite kay Sir Conrad, kung 'yon ang inaalala mo."
***
"Naprubahan ko ang pinansiyal na tulong para sa mga biktima ng pag-collapse ng ginagawang establishment; as a responsible company, kailangan nating sagutin ang pagpapagamot sa kanila. Maaari nating gamitin ang sitwasyon na 'to para palakasin ang ating negosyo kung makita ng ating mga consumer ang kawanggawa na ibinigay natin sa mga kontraktwal na empleyadong nadisgrasya," maingat na bilin ni Mr. Madrigal. Ngayon ay kasalukuyang nakikipagpulong siya kay Conrad sa opisina nito. Si Mr. Madrigal lang naman ang head ng quality control department ng New Way.
"No. I think we have to take full responsibility without thinking about the growth of business. Hindi magiging sincere ang paghingi natin ng apology kung iisipin pa natin ang revenue loss. Tao muna ang dapat nating unahin. I will handle this matter, sir."
"Palaging inuuna ang empleyado," dagdag ni Conrad.
"Mr. Guevarra, napakadali lang naman nilang palitan. Kung aayaw na sila sa pagtatrabaho after the accident, pwede namang magbayad na lang tayo ng separation pay nila o kaya maghanap ng batch of construction workers na naghahanap ng trabaho," suggestion naman ni Mr. Madrigal.
"Sorry. I won't consider that. We have to be more compassionate lalo na't may nag-aalala rin sa kanila habang nagpapagaling sila sa ospita, ang mga pamilya nila."
Nagpatuloy ang pag-uusap nila habang walang kamalay-malay na nakatanga lang si Janet sa pinto. At hindi niya maiwasang mapahanga sa kabaitan ni Conrad. Napakalayo kasi ng characteristics nito kay Sir Lamberto na masyadong authoritative at walang simpatya.
'Bigla akong naging interesado sa'yo. Parang ibang tao ka na, Conrad. Kung dati, mukhang rowdy ang aura mo at madalas kang manigarilyo sa labas ng club, ngayon naman parang nakakahiyang i-disrespect ka dahil sa attitude mo ngayon. Mukha kang mamáhalin. You're such a mystery.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top