6 - Reminder

"Your performance is quite impressive. However, I don't tolerate late employees in my office. Pinahahalagahan ko ang oras ng bawat tao," paunang sambit ni Conrad habang binabasa ang credentials ni Janet at pati na rin ang list ng contribution niya sa New Way sa loob ng sampung taon niyang pagtatrabaho.

"Hindi naman ako na-late sa pagpasok kanina. Na-late lang ako sa pagpasok sa office mo, sir. Kinakabahan kasi ako," pag-amin ni Janet.

"Why? I can't believe that a righteous woman like you would feel uneasy. Sabi ng colleagues mo, hindi ka nakakaramdam ng doubt sa sarili mo habang nagtatrabaho ka. That's why Madam Glory wants you to have an internship to my office. That could also help your career advancement with us. Magbibigay kami ng tour package while you're also going to have a privilege to attend overseas events. Gano'n ka-generous ang kompanya lalo na sa loyal employee na kagaya mo," paglalahad ni Conrad at sinadya niyang patunugin ang ballpen na hawak niya sa mesa.

"Para saan ba itong meeting, sir? Sa pagkakaalam ko, may problema ka sa mga in-approve kong budget para sa third quarter ng taon. Tapos hindi rin in-approve ng HR officer ang leave ko. At ngayon, nagbabanggit ka ng overseas related events na parang gusto mo akong i-terminate o ipadala sa abroad. May nagawa ba akong hindi nagustuhan ng kompanya?"

"Oo. Hindi ka kumukunsulta sa mga nakatataas sa'yo regarding sa budgeting ng kompanya. You are low-key disrespecting the policies here," walang kagana-ganang sagot ni Conrad.

Hindi sumagot si Janet. As far as she remembered, binigyan siya ng authority ni Madam Glory na magkaroon ng independence pagdating sa pagbu-budget at pag-approve ng business deals sa New Way. Lahat ng deals at partnership, walang sabit niyang nagawa.

"Silence only indicates that you are guilty. Hindi por que wala ang dating boss mo, hindi ka na gagawa ng paraan para i-reach out ang mas mataas sa'yo."

"So, this is only the reason kung bakit hindi n'yo pinayagan ang HR officer na i-approve ang leave ko kahit isang araw lang? Naapakan ko ba ang pagkatao mo? Hindi ko rin naman alam na dapat pala, kinausap muna kita sa approvals. You just came out of nowhere," apela ni Janet. Aminado siya na nasaktan siya sa sinabi ni Conrad. Parang pinamumukha kasi nito na naging bastos siya samantalang wala naman siyang kaalam-alam na may changes na pala sa protocols ng New Way. Wala rin namang sinabi sa kanya si Madam Glory na kailangan pa niyang dumaan siya sa another strict approval ng budget releasing ng kompanya. But this isn't the issue why she's sulking. Alam ng lahat kung gaano kahalaga ang isang araw na leave para sa death anniversary ng ate niya at hindi naman niya ugaling um-absent nang walang dahilan. Napaka-inconsiderate naman pala ni Conrad, gayong isang araw na leave lang ang hinihingi niya.

"I didn't come out of nowhere, Janet. Pinagsasabihan kita nang maayos," pagtatama ni Conrad.

"It doesn't sound that you are reminding me. Pinaratangan mo ako kaagad without being aware na hindi pa naman kita kilala at walang nagsabi sa'kin sa changes ng kompanya—"

"Ganyan ka talaga makipag-usap?" pag-aawat na tanong ni Conrad sa naglilitanyang si Janet.

"Why? Nababastusan ka ba?"

"Sort of. Ganyan ka rin ba sa mga dating boss dito?"

"Hindi. Pero nasaktan ka ba? Kasi ako, nasaktan ako dahil valuable employee n'yo ako pero hindi n'yo man lang ako kayang pagbigyan sa hiling kong one day leave." Nagsimulang makipagsukatan ng tingin si Janet kay Conrad. Ngunit kahit nagpakita siya ng kagaspangan sa harap nito, hindi man lang niya nabakas na na-offend ito sa kanya.

"Walang nakapagsabi sa akin na magle-leave ka. So, huwag kang magalit sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit ka magli-leave," Conrad clarified. Pakiwari niya, nakahinga rin siya nang maluwag matapos niyang ilabas ang side niya. Clearly, they misunderstood each other from the start of their conversation.

"Sa Biyernes na ang death anniversary ng ate ko. Isang araw lang naman iyon at kailangan ko ng oras para sa anak ko, sir. Hindi habang buhay iikot sa kompanyang ito ang mundo ko." She was teary-eyed. Parang na-weirdo-han siya sa kanyang sarili dahil kahit naranasan niya ang matinding humiliation, hindi siya umiyak sa harap ng sinuman. Ngunit sapantaha niya na maaring nasasaktan siya sa malamig na pakikitungo ni Conrad. Wala siyang makuhang hint kung talagang natatandaan pa siya nito o isa lang din siyang forgotten memory na isinumpa nito. Gaya ng naramdaman niya noon.

"Hindi ako naghihigpit when it comes to family matters. Okay?" Walang pag-aalinlangan na iniabot ni Conrad ang kanyang panyo kay Janet dahil alam na niya ang napipintong pagluha nito sa kanyang harapan. On the flip side, bigla siyang nakaramdam ng curiosity tungkol sa anak ni Janet. May kung anong bumubulong sa kanya at nagsasabing dapat niyang kilalanin ang bata upang makumpirma kung siya ba ang ama nito.

"Mukhang mamahalin ang panyo mo. May sariling panyo naman ako, sir." Isang indikasyon na hindi tinatanggap ni Janet ang pag-comfort sa kanya ni Conrad dahil hindi niya kinuha ang panyo sa kamay nito.

"Sampung piso lang naman ito sa Chiang Mai," paglilinaw ni Conrad. Pinilit niyang ilagay sa kamay ni Janet ang royal blue na panyong pag-aari niya.

"Huwebes na bukas, Ms. Janet. Kung sa sunod na araw ang leave mo, please allow me to have a meeting with you so we can discuss any finances related to this company. Kung kakayanin mo, paki-email ang previous reports mo starting year 2017 up to this date."

"Kahit ngayon mismo, maibibigay ko na ang reports na 'yan," kampanteng tugon ni Janet.

"It seems like you prepared enough for this." Lumitaw ang ngiti ni Conrad. Nakikita niya ang determinasyon kay Janet at alam niyang inspired ito bilang ina.

"Lagi po akong handa sa anumang bagay. Noong na-promote ako, pinangako ko na gagalingan ko pa. Hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay sa'kin."

"Well, I appreciate that attitude. Be ready for tomorrow. Magkakaroon tayo ng meeting. Anyway, willing ka ba na mag-intern as my assistant habang pinagsasabay mo ang managerial position mo sa financing department?" diretsahang tanong ni Conrad. Hopefully, hindi tatanggihan ni Janet ang offer niya.

"Si Madam Glory ba ang nagsabi na willing ako sa career advancement? Sa totoo lang, gusto ko talagang tanggapin 'yan pero mas priority ko muna ang anak ko. Okay na ako sa pagiging manager," paglilinaw ni Janet.

"Sayang naman. Malaki pa naman ang sahod at mas marami kang privileges," may panghihinayang na sagot ni Conrad. This promotion could help Janet to earn more for her son.

"Tuwing naiisip ko pa lang na maaaring lumayo na ang loob ng anak ko tuwing busy ako sa trabaho, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung magkatotoo 'yon? Sa iba n'yo na lang muna i-offer."

"Okay. But once you change your mind, sabihan mo lang ako." Sinulyapan ni Conrad si Janet bago niya ibinalik ang tingin sa laptop na nakalagay sa desk.

"Wala na akong ibang sasabihin, Ms. Janet. And I also wish for what's good for your motherhood." He was sincere, ngunit alam niyang iti-take lang iyon ni Janet bilang isang sarcastic remark.

"Okay. Babalik na ako sa office. Salamat, Sir Conrad." Mabilis na tumayo si Janet at kumaripas ng takbo palabas sa opisina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top