31 - Finale

"Rayden..." Nanlabo ang mga mata niya sa biglaang pagpatak ng mga luha. Niyakap niya nang mahigpit ang pamangkin at pinakatitigan ang mga tao na naghihintay pala sa kanila.

"Happy birthday, Janet. Our lovely daughter," sabay na bigkas ng mga magulang ni Janet na mabilis siyang sinalubong ng mainit at mahigpit na yakap.

"Pumunta kayo? Akala ko nakalimutan na ninyo na birthday ko na," luhaang sambit ni Janet sa mga magulang.

"All of this was made possible by your soon to be husband. Alam ko nang magpapakasal din kayo. We already know his past too. At sino ba naman kami para pigilan ang kaligayahan mo? Ayaw na naming mangyari ang nangyari sa ate mo. Pinagsisisihan namin ang lahat. Sana mapatawad mo kami," paumanhin ni Mrs. Castro.

"Ma, napatawad ko na kayo. Sana napatawad na rin ako ng pamangkin ko," luhaang pakli naman ni Janet.

"Napatawad ko na po kayo, tita. Para sa'kin, kahit hindi ko po kayo tunay na nanay, itinuring n'yo naman po ako bilang tunay na anak. Salamat po sa sacrifices ninyo sa'kin. Hindi na po ako mag-aaral sa ibang bansa dahil mami-miss ko lang din po kayo," luhaang litanya naman ni Rayden nang yakapin ang kanyang tiyahin.

"Pero hindi ka na babalik sa school na maraming nam-bully sa'yo. Sa ibang school ka na mag-aaral," sagot naman ni Janet.

"Tungkol sa bagay na 'yon, pinademanda na namin ang parents at admin na involved sa pambu-bully kay Rayden," balita naman ni Mr. Castro. "Hindi namin naprotektahan ang mama at tita mo kaya ngayon, babawi kami at aalagaan ka namin, Rayden."

Naantig naman si Conrad sa nakita niyang emosyonal na tagpo ni Janet sa mga kaanak nito. Hindi na kailangan ng closure kung may reconciliation namang naganap, just now. Lihim din niyang dinarasal na sana, magkaroon na siya ng chance na makita rin ang kanyang kapatid at ang kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap simula nang bumalik siya sa Pilipinas.

"May surprise din ako sa'yo. Akala mo ba, ikaw lang?" Binalingan ni Janet si Conrad.

"Makakalabas na po kayo. Nandito na siya."

"Sino?" Conrad looked around and wondered. At parang tumigil ang mundo niya nang makitang papalapit sina Chloe at ang kanyang ama. He had dreamed of this and now, Janet made it real. Hindi pa rin siya makapaniwala.

"Papa..." He already broke down in tears as he embraced his dad who was also emotional.

"Sorry dahil ako dapat ang nagbibigay ng magandang buhay sa inyo pero mas pinili mong magsakripisyo," sambit ni Mr. Guevarra, ama ni Conrad.

"Naintindihan ko, pa. Matagal na 'yon. Matagal ko na kayong napatawad. Hindi ko lang alam kung paano ko kayo haharapin," madamdaming sagot ni Conrad na bumaling sa nakababata niyang kapatid.

"Chloe, thank you ha."

"Bukod sa'kin, magpasalamat ka kay Janet na magiging hipag ko na," sagot naman ni Chloe.

That day was the happiest birthday of Janet. Tuluyan na nga silang nakalaya sa mga lihim at hinanakit sa kani-kanilang pamilya. After the celebration, nagkaroon na naman sila ng solo moment ni Conrad.

"Tama ka Janet, hindi tayo makakabuo ng sariling pamilya kung may hinanakit pa tayo sa sariling kapamilya natin. Hindi sumagi sa isip ko na mami-meet ko ulit si papa. Ngayon, wala na akong mahihiling pa," sincere na saad ni Conrad habang nakatingala sa kalangitan. Kasalukuyan silang nasa labas ng townhouse para lumanghap ng sariwang hangin, habang ang lahat ay nasa kani-kanilang silid at natutulog na.

"Kung si Sandra nga, gusto ng maayos na pag-compromise kay Sir Lamberto bago magpakasal, tayo pa kaya?" naakangiting sambit ni Janet at matamang pinagmasdan ang kanyang nobyo. "Alam mo, akala ko noon, about sex lang ang pagmamahal. Nang ma-heartbroken ako kay Jerome, akala ko hindi na ako makakaramdam ng kilig. Pero noong makita kita sa bar, aaminin ko, kinilig talaga ako no'n. At feeling ko, that's how destiny worked. Kahit na iniwan kita after no'ng may namagitan sa'tin, nagkaroon pa rin ng chance na magkita tayo kahit hindi ko na inasahan pa."

"Kung wala bang nangyari sa'tin, kikiligin ka ba?" maintrigang tanong naman ni Conrad habang nangingislap ang kanyang mga mata sa sandaling iyon.

"Noong una pa lang kitang makita, kinilig na ako. I guess, love at first sight ang naramdaman ko," pagtatapat naman ni Janet.

"Thank you dahil dumating ka, Conrad."

"Ako ang dapat na magpasalamat."

"No. Ako."

"That should be me—"

"Wait!" Natatawang tinapik ni Janet si Conrad at niyakap ito. "Bakit hindi ka nag-propose kanina?"

"Family moment 'yon. I think hindi pa dapat. Sa susunod na lang. At isa pa, wala rin akong singsing," pag-amin naman ni Conrad. "At hindi naman mahalaga ang proposal, hassle lang 'yon saka hindi na natin kailangang gumawa ng eksena."

"Paano kung gusto ko pala no'n?"

Naiiling na natawa si Conrad. "Sana pala sinabi mo. Pero, wala nang thrill. Expected mo na rin na magpo-propose ako."

"Binibiro lang kita. I-kiss mo na lang ako." Tumingkayad si Janet at ipinikit ang mga mata. Ginawa naman ni Conrad ang kanyang gusto.




Wakas.

-Michielokim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top