29 - Tell The Truth

"Mama, papa. Pwede ba tayong mag-family picture?" hirit ni Rayden. Napansin ng bata na tahimik lang sina Janet at Conrad habang nagliligpit at naghuhugas ng pinggan sa kusina. Hindi pa rin dinadalaw ng antok si Rayden kaya patuloy pa rin siya sa pangungulit at ito lang din naman ang paraan niya ng paglalambing at para sulitin ang mga sandaling kasama niya ang nga magulang.

"Janet, narinig mo naman, nagre-request si Rayden," untag ni Conrad. Siya kasi ang unang huminto sa kanyang pinagkakaabalahan.

Napatango lang din si Janet. Pineke niya ang kanyang ngiti at kinuha ang kanyang phone.

"Tara, picture tayo," pakli niya sa dalawa. 

Nakailang selfie rin sila bago sila tuluyang magsawa. Nag-request din si Rayden na kung maaari ay basahan siya ng bedtime story ni Conrad at ginawa naman iyon ng binata. Matapos ang ilang minuto, tuluyan ding nakatulog si Rayden kaya nagkaroon na naman ng pagkakataon na muling mag-usap nang masinsinan sina Janet at Conrad.

"Alam mo ba, hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin kung paano ka napadpad sa New Way. Dati naman kasi iba ang propesyon mo. Isa kang..." She intentionally paused and looked at Conrad who seemed intrigued.

"Isa akong bayarang lalaki. Totoo naman," kaswal na tugon ng binata at saka umismid. "Dark past ko 'yon na gusto kong mabura. Actually, ginawa ko lang naman 'yon dahil sobrang hirap na kami sa buhay. Kailangan ng tuition ng kapatid ko. Yung tatay ko naman, walang trabaho tapos lugi ang negosyo. Ang pinakamasaklap pa, hindi rin maganda ang kalusugan niya. Desperado na ako noong napasok ako sa party bar na 'yon. Noong una, nakakahiya sa part ko; hindi dahil sa pinasok ko ang ganung trabaho. Nahihiya ako dahil nakapagtapos naman ako ng college, pero failed akong makapasok sa top paying companies. Kulang daw kasi ako sa experience. Kaya ayun, nag-sideline ako habang naghihintay na tawagan ng mga in-apply-an ko. Siguro mga ilang linggo pa lang ako sa bar noong makilala kita roon. Ikaw ang kauna-unahang babae na nagbayad sa'kin kapalit ng isang gabi ng aliw."

"Kaya pala. I'm sorry na kailangan mo pang umabot sa gano'n. Pero, paano ka nga pala napunta sa New Way?" curious na tanong naman ni Janet.

"I accidentally saw Mr. Lamberto, may problema siya sa client niya na nagkataong patronizer din ng party bar na 'yon. He followed that client para kumbinsihin lang sa isang business deal. Muntik pa silang magpang-abot. Buti na lang at naroon ako tapos ako ang namagitan para magkaayos sila. Si Mr. Lamberto kasi, hindi 'yon matatas kung magsalita ng Ingles. Ang client niya ay isang briton. Hindi sila magkaintindihan. Kumbaga, ako ang naging translator nila sa mga sandaling iyon at sa tulong ko, nagkaintindihan naman sila," pagsisiwalat pa ni Conrad.

"Akalain mo 'yon, kaya pala broken English speaker iyong si Mr. Lamberto, kasi hindi pala talaga siya magaling mag-english. Tapos kung maliitin niya kaming mga empleyado niya, akala niya alam na niya ang lahat. May tinatago rin pala siyahg kahinaan," komento ni Janet sabay iling.

"Oo. Ganun nga siya. Nagkukunwaring matalino kaya nakakapagod na ring magtrabaho para sa kanya," pag-amin pa ni Conrad.

"Teka. Balik tayo sa kwento mo, after that? Pumayag na yung briton sa business deal dahil sa'yo?"

Tumango-tango si Conrad. "Gano'n na nga. Sinabi pa nga ni Mr. Lamberto na napakagaling ko raw at may karisma. Hindi raw ako nababagay sa isang bar kaya nagulat din siya nang malaman niya na degree holder ako sa comm arts. Nag-offer siya ng job opportunity, naging assistant muna ako ni Sandra before she focused her duties in Bangkok."

"At doon kayo naging close, tama?" Kahit alam ni Janet na masasaktan siya sa posibleng sagot, nakuha pa rin niyang magtanong.

"Oo. Para nga kaming magkapatid."

"Magkapatid lang, hindi magkasintahan? Nakikita mo lang ba talaga siya bilang kapatid?" Tila nagdiwang ang puso ni Janet habang nagtatanong.

"Ano ba dapat?" Conrad smirked a bit. May gusto lang talaga siyang ipahiwatig kay Janet na sana'y mahinuha nito kaagad.

"Girlfriend? Fuck buddies? Hindi ko alam. Nung makita ko kayo sa office dati, parang naantala ko pa kayo sa intimate moment ninyo," pag-amin naman ni Janet.

"Actually, kinailangan naming mag-pretend na may relasyon. Para itago ang sexuality niya," pakli naman ni Conrad.

"Bakit? Anong mayro'n?"

"She's a lesbian. Conservative si Mr. Lamberto at hindi nito matanggap na may karelasyon dati si Sandra na isang babaeng anak ng isa sa mga magnate ng Thailand. Tapos yung girl, married na sa isang lalaki. Nagkaroon ng rumors about doon so tinulungan ko rin siya na pagtakpan ang katotohanan para hindi na rin siya masira. May usapan na kami noon, na pagbalik ko rito sa Pilipinas, magre-resign na rin ako. Masyadong masalimuot ang role na ibinigay sa'kin ng tatay niya, may involved na korapsyon so hindi ko maatim at ayokong madawit kung sakaling magkabukuhan. Hindi ko lang ma-gets kung bakit parang kapag magkaharap tayo, umaarte siya na parang nilalandi ako. Pinipilit pa niya na may affair kami kahit naman malinaw sa amin na may iba siyang mahal," paglalahad ni Conrad.

"Siguro ginagawa niya 'yon dahil pressured siya sa dad niya. Baka napag-utusan lang siya," Janet assumed.

"Does it mean na naniniwala ka nang wala talaga kaming relasyon?" A hint of a smile appeared on his lips while asking.

"Hindi ah. Naisip ko lang na baka pressured na siya sa tatay niya. Kaya uma-attitude siya nang gano'n," katwiran pa ni Janet na parang matutunaw na sa pagkakakatitig sa kanya ni Conrad.

"Okay. Sabi mo, eh." Napatikhim si Conrad at umusog palayo sa kinauupuan niya dahil nasa iisang couch lamang sila ni Janet habang nag-uusap.

"Hindi ka talaga mapilit ano? Naalala ko tuloy noong una kitang makita, parang hindi ka pa convinced sa mga sinabi ng kaibigan ko na gusto kong makakuha ng aliw mula sa'yo dahil virgin pa ako that time. Tapos parang hindi ka interesado. I mean, parang pag sinabi ng isang tao na ayaw niya, parang hindi ka gagawa ng pamimilit. Mga gano'n," alanganing pahayag ni Janet saka umiwas ng tingin.

"Hindi ba't gano'n naman dapat? Hindi ka dapat mamilit? No means no. Tapos."

"Sabagay. Tama ka nga." Tumango-tango lang si Janet. Halos ikabingi na niya ang lakas ng heartbeat niya habang tinititigan siya ni Conrad. Parang inaanalisa nito ang buo niyang pagkatao. Or she must say, parang gusto siya nitong hubaran!

"Wala ka na bang gustong itanong? Matutulog na ako eh," sabi pa ni Conrad.

"Wala na. Sige, tulog ka na. Doon na lang ako sa room ni Rayden. Dito ka na lang din matulog," nahihiyang sambit naman ni Janet at mabilis na tumayo sa kinauupuan.

"Hindi mo ba itatanong kung anong nararamdaman ko ngayong magkasama na tayo? Hindi mo ba itatanong kung paano ko nalaman na hindi ko anak si Rayden? Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit handa kitang tulungan?" madamdaming tanong ni Conrad at napatayo na rin sa couch. Mabilis siyang kumilos upang pigilan sa pag-alis si Janet sa kinatatayuan nito.

"Marami kang koneksyon kaya hindi malabong malaman mo na hindi talaga ikaw ang tatay niya."

"Pina-DNA test ko si Rayden. Nakakuha ako ng buhok niya noong pinaospital natin siya," pagtatapat ni Conrad. "Kasi dati pa lang, kinutuban ako. Na baka may anak tayong dalawa."

"Imposible, may proteksyon ka nang gawin natin ang bagay na 'yon," pagpapaalala ni Janet.

"Pero malay ko ba, lasing ako no'n, I mean, tayo."

"Okay. Sige, paano ba? Anong gusto mong mangyari? Na totohanin na lang natin ito? Ni hindi pa nga kita lubos na kilala."

"Why not? Saka inamin ko naman sa'yo na mahal kita," straightforward na pagkakasagot naman ni Conrad.

"Pero, hindi naman kita mahal." Mahinang pagtawa ang pinakawalan ni Janet saka umatras palayo kay Conrad. Hangga't sa na-corner na siya nito sa pader.

"Hindi ako naniniwala," giit naman nito.

"Anong pinagsasabi mo? Akala ko ba, no means no? Kasasabi mo lang kanina," aburidong sambit ni Janet na halos kapusin na rin ng hininga dahil sa sobrang pagkakalapit nilang dalawa. "Isang pagkakamali mo lang, masusuntok kita. Wala akong pakialam kung magising si Rayden at makita niyang binubogbog kita."

"No means no, pero ang alam ko, tama talaga ang intuition ko sa simula pa lang. Na may gusto ka rin naman sa'kin. And last time, we already kissed, napatunayan ko 'yon," he explained and slowly touched her face without breaking his lovely stare towards her.

"Nagkakamali ka. Mali nga ang intuition mo na anak mo si Rayden, e," pagmamatigas naman ni Janet. Itutulak na niya si Conrad ngunit hindi na niya nagawa iyon nang tuluyan siya nitong hagkan, na sa una'y marahan ngunit naging marubdob at nag-aalab. Huli niyang napagtanto na nahulog na nga siya sa patibong nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top