28 - Like A Family
Hindi mapakali si Janet sa passenger seat hangga't sa na-stuck na siya sa traffic kasama si Conrad.
"Mukhang inaantok ka. Pwede ka namang matulog. I never expected na magiging ganito kalala ang traffic sa Pinas," mahinang sambit ni Conrad na matamang pinagmasdan ang wiper sa harap ng kanyang sasakyan at sunod naman na iginala niya ang tingin sa mga sasakyan na naipit na rin sa traffic lalo na't malakas din ang ulan sa mga sandaling ito.
Janet remained silent. Panakaw ang tingin niya sa side mirror para sulyapan ang gwapong mukha ni Conrad. At this point, kakalimutan niya muna ang inis na nararamdaman niya para sa binata. Inuulan din ng maraming tanong ang isip niya lalo na kung paano nalaman ni Conrad ang kasinungalingang itinago niya nang kay tagal. She was just hesitating to ask him. But knowing his connections and wealth, malabong hindi malaman ni Conrad ang totoo. Pero palaisipan pa rin kung bakit isinasalba pa siya nito kahit na alam niyang she's good for nothing.
"Hindi ko magawang makatulog, Sir Conrad. Anong makukuha mo sa'kin sa mga kabutihang ginagawa mo? Is it your move to get Rayden from me? Eh alam mo naman pala na hindi mo siya anak." Para siyang nabunutan ng tinik nang makapagsalita na.
"Sinabi ko naman sa'yo na mahal kita. Is it not enough reason? Hindi ko kukunin ang bata sa'yo, tutulungan pa nga kitang ilayo siya sa evil parents mo," seryosong pakli ni Conrad saka nagpakawala ng buntonghininga.
"Alam kong hindi mo gagawin 'yon nang walang kapalit. Wala akong balak gawin na masama sa'yo, sir. Kung natatakot ka na malaman nila ang past mo, hindi ko naman ipagkakalat."
"Hindi 'yon ang issue. Gusto ko lang namang makatulong. At wala na akong pakialam kung malaman pa ng lahat. Kahit si Sandra alam ang past ko na 'yon," pag-amin ni Conrad.
Napalunok naman si Janet. "Ano nga palang sinabi niya? For sure magagalit na 'yon sa'yo dahil umalis ka during working hours."
"I resigned."
"Huh?" Lalong naguluhan si Janet.
"But it's not immediate like yours. May isang task muna akong dapat na gawin bago ako kumawala."
"Ano?"
"I have to go to an out of town event. At sasamahan mo ako doon. Pwede na rin nating gawing way ang pagpunta doon para makalayo for a while."
"Sira! Why would I accompany you? Hindi na ako employee ng New Way and for sure, wala na akong kinalaman sa event na 'yan," mariing pagtanggi ni Janet.
"Because we're about to get married."
"Ano?" Kulang na lang ay hampasin ni Janet ang dashboard saka suntukin si Conrad dahil ikinagulat niya ang tinuran nito. "At ikaw pa talaga ang nag-decide na magpapakasal tayo."
"Bakit hindi? Usap-usapan na rin naman na nagdi-date tayo at kaya ka nag-resign ay dahil tayo na," he smirked and finally, the car was able to move forward. Medyo lumuwag na rin ang traffic. Buti na lang dahil hindi na makakababa si Janet.
"Pinagkalat mo ang isang kasinungalingan?" pasikmat na tanong ni Janet at namumula na ang mukha sa inis.
"Just kidding." Nagpakawala ng halakhak si Conrad. Tanging sa daan lang ang focus niya sa ngayon dahil nararamdaman niya na kailangan niyang magmadali para makapagpahinga man lang si Janet at magkaroon ng quality time kay Rayden.
***
Kitang-kita sa mga mata ni Rayden ang labis na excitement nang makitang magkasama sina Janet at Conrad. Sa sobrang saya ng bata, halos madapa na siya sa katatakbo para lang masalubong ang dalawa.
"Ang ganda at ang gwapo talaga ng parents ko," pakli ni Rayden na may kinang sa mga mata at unang niyakap si Conrad.
"Thank you papa. Thank you dahil bumalik ka sa amin ni mama."
Niyakap pabalik ni Conrad si Rayden dahil nabakas na sa tinig ng bata ang paghikbi.
"Babawi ako, anak." Conrad was also moved at this moment. Nangilid na nga rin ang luha sa kanyang mga mata habang nakasulyap kay Janet. He felt bad for the kid, for believing in this kind of lie that they have to live on.
Maagap na pinunasan ni Janet ang mga luha sa kanyang mata at niyakap na rin si Rayden. Kahit si Aling Cita, lubos na naantig sa moment nina Conrad at Janet. Para na talaga silang masayang pamilya kung ituturing.
Maghapon na sinikap ni Conrad na makipag-bonding kay Rayden nang sinamahan niya ito sa kanyang silid. Ginaya niya ang hobby ng bata na gumuhit sa sketchpad na pag-aari nito.
"Gusto mo ba talagang maging artist balang araw?" nakangiting tanong ni Conrad.
Mabilis na tumango si Rayden. "Noong five pa lang po ako, gusto ko na laging may hawak akong pencil at crayons."
"Pinangarap ko rin ito dati," pag-amin ni Conrad na sincere mula sa kanyang puso. As he reminisced about his childhood days, he couldn't help not to feel a sort of a bittersweet thing. May mga bagay siyang gustong i-revive ngunit mas marami ang mga bagay na gusto niyang kalimutan kung maari lang.
"Bakit po hindi ninyo ginawa ang gusto ninyo, papa?"
"Wala kasi kaming pera noon. Walang pambili ng krayola at lapis. Basta, sobrang hirap. Ni hindi man lang ako nabilhan ng mga laruan na kagaya sa mga laruan mo," may pait na saad ni Conrad.
Nanatiling tahimik si Janet at kahit papaano, kinurot din ang puso niya sa munting backstory ng binata. Alam niyang hindi ito nagsinungaling sa part na 'yon dahil kung marangya ang buhay ni Conrad, hindi ito mamamasukan sa isang party club noon.
"Hayaan mo po papa. Tuturuan na lang po kitang mag-drawing. Okay?" Lumapad ang ngiti ni Rayden at pinahawak niya ng lapis ang kinikilala niyang tatay.
Naaliw naman si Janet na pagmasdan ang dalawa sa kanilang bonding bilang mag-ama—kunwari. She wanted not to distract them. Hinayaan niyang magsaya ang dalawa. Conrad really did his part very well.
At nang kinagabihan, niyaya pa ni Conrad sina Rayden at Janet na doon muna mag-stay sa unit na kanyang inupahan para mag-dinner na para bang tunay silang pamilya.
"Gawa ni papa ito. Sana magustuhan mo itong sinigang," masayang sambit ni Conrad at magiliw na ipinag-serve ng pagkain sina Janet at Rayden sa iisang mesa.
Mukhang na-enjoy naman nilang dalawa ang hapunan. Janet didn't expect na marunong at magaling din palang magluto si Conrad. Siguro dahil may iba rin itong karanasan sa pagtira sa ibang bansa kaya nahasa ang cooking skills nito.
"Lagi mo na po akong ipagluto, papa. Okay?" magiliw na tanong ni Rayden kahit may busal pa ng pagkain ang kanyang bibig.
"Oo naman. Kahit anong gusto mong pagkain, lulutuin ko para sa'yo."
"Salamat, Conrad." Finally, Janet mouthed her gratitude. Napaiwas siya ng tingin at hindi maka-concentrate sa pagkain dahil sa mga tingin ni Conrad. Parang napapaso siya at hindi mapakali nang dahil doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top