27 - Resign

Wala sa sariling ipinasa ni janet ang kanyang resignation letter. Napatanga lang ang HR head nang tingnan siya nito.

"Why all of a sudden? Ten years ka na sa kompanya at wala ka namang nagagawang mali. Nakalagay ba rito ang reasons mo, Ms. Janet?" pagkwestyon ng HR head na tinanguan lang ni Janet.

"Kailangan ko pa ba ng kapalit? Yung isa sa pioneer sa department na kinabibilangan ko, ire-recommend ko na lang siya since pareho lang naman kami ng ginagawa," pakli ni Janet.

"Okay. Pero nakakalungkot naman itong biglaan mong pagre-resign. Ikaw pa naman ang isa sa top employees at kahit single mom ka, hindi ka nabigong gampanan ang duties mo bilang manager ng financing department," komento naman ng HR head

"Everything must come to an end. Kailangan ko nang mag-focus sa pag-aalaga sa anak ko, salamat."

Naiiling na nilisan ni Janet ang office at dumiretso na sa sarili niyang cubicle. Tumambad agad sa desk niya ang note na naka-paste sa mismong monitor ng kanyang computer.

"Come to my office. — Conrad."

Her fists crumpled automatically upon reading the entire note. Lumingon pa siya sa paligid at nagbakasakaling nandoon pa rin si Conrad.

"Ma'am, nandito kanina si Sir Conrad. Hinahanap ka."

Nilingon niya ang colleague na nagsalita sa likuran.

"Oo nga, may nakita akong note sa desk ko. Salamat." Nginitian ni Janet ang katrabaho at nagmadaling humagilap ng elevator papunta sa opisina ni Conrad. May kakaibang pintig sa kanyang puso habang siya ay kasalukuyang naglalakad.

Bumilang siya ng hanggang tatlo bago kumatok. At sa pagbukas nito ay ikinagitla niya ang pagtambad ni Sandra sa kanyang harapan.

"Your boss is waiting," sabi pa ni Sandra at sumulyap kay Conrad. "Sige, mag-usap lang kayo at magkunwaring wala ako rito."

"We have to talk privately, Ms. Sandra," pormal na giit naman ni Conrad.

"Hindi mo na siya kailangang paalisin. Hindi ba pwedeng i-email na lang ito, sir?" tahasang tanong naman ni Janet na ikinatawa ni Sandra habang nakaupo sa working station nito.

"Magre-resign ka na nga lang, medyo bossy at demanding ka pa rin," komento ni Sandra.

"Pasensiya na. Hindi lang naman high rank employees ang may karapatan na maging tunog passive paminsan-minsan," katwiran pa ni Janet. Panakaw ang sulyap niya kay Conrad at tinaliman niya ang tingin sa binata nang magsalubong ang kanilang mga mata.

"Okay. Pagbibigyan ko kayong magsolo. Since hindi n'yo na rin makikita ang isa't isa sa mga susunod na buwan dahil magre-resign na si Ms. Janet," pambubuska naman ni Sandra sabay tayo sa swivel chair.

"Hindi ko pa siya pinapayagang mag-resign," paglilinaw ni Conrad.

"Huli ka na naman. Na-approve ko na ang resignation niya, dear."

"Dear?" bulong ni Janet at pinakatitigan ang dalawa. Bahagya siyang nakaramdam ng selos sa paraan ng pagtawag ni Sandra kay Conrad. It seems like they were really a thing. Pero kung silang dalawa talaga ang nagdi-date, bakit naman itinanggi iyon ni Conrad sa kanya kagabi?

"At bakit mo ginawa 'yon?" May himig ng galit sa boses ni Conrad habang pinupukol niya ng matalim na tingin si Sandra.

"Because that's how it should be. Binisita ninyo ang mga contractual employee sa ospital at nagbigay iyon ng pangit na image sa company dahil parang pinalabas ninyo na may fault sa mishap ang New Way," tugon ni Sandra. Wala man lang mabakas na empathy sa pananalita nito kaya hindi rin maiwasang mairita ni Janet.

"Sociopath."

"I know what it means, Ms. Janet." Tinaasan siya ng kilay ni Sandra.

"Buti alam mo. Aalis na ako at tatapusin ang dapat kong tapusin," sagot ni Janet at nang tangkain niyang lumabas sa office, bigla na namang nagsalita si Sandra.

"Hindi mo na kailangang gawin lahat ng mga naiwan mo. Immediate na ang resignation mo, you can leave now."

"Pabor na pabor sa'kin, ma'am." Nilakihan pa rin ni Janet ang pagkakangiti kahit napipikon na talaga siya. Mabilis siyang umalis sa office ng CEO at nagligpit ng mga gamit niya.

Matapos iyon, pinagtitinginan pa siya ng mga tao sa hallway. Kahit nag-resign naman siya sa maayos na paraan, it turns out na parang pinagmukha siyang tinanggal nang wala sa oras ni Sandra. Nagpupuyos man sa inis ang damdamin niya, wala siyang magawa kundi kimkimin lahat iyon hanggang sa tuluyan siyang makalayo. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam sa mga naka-close niya sa New Way lalo na kay Jhon.

"Nagseselos siya sa'kin dahil lumalapit si Conrad. Ano bang dapat niyang ikaselos, eh sila ang mas matagal na magkasama?" Napabuga siya ng hangin habang nakatanga sa bus stop. Kasalukuyan din na umulan kaya kailangan niya munang huminto.

Sinikap din niya na huwag mapaluha habang nag-iisa. Her emotions were already bottled up inside her. Napaisip siya bigla sa desisyon niya. Hindi rin kasi praktikal ang biglaan niyang pag-quit sa trabaho. Bukod sa mababawasan ang savings niya na itinabi niya para sa pagkokolehiyo ni Rayden habang bakante at wala pang napapasukan, another dilemma rin niya ang iba pang gastos sa paglipat ng tirahan.

Kagabi lang din niya sinabi kay Aling Cita ang balak niyang pagtira sa ancestral house nito sa probinsya. Syempre, paniguradong gastos din ang paglipat pero wala naman siyang choice, kailangang mailayo niya si Rayden sa lalong madaling panahon dahil alam naman niya ang radar ng mga magulang niya sa simula pa lang. Dagdag pa sa alalahanin niya ang mga banta nito na aalamin nila ang katotohanan. Kapag nalaman nga nila ang totoo, posibleng ilayo na sa kanya si Rayden. Hindi na siya mapakali sa mga pwedeng maganap sa mga susunod na araw dahil na rin sa kasinungalingang matagal niyang itinago.

Iglap na napahinto siya sa pagmumuni-muni nang may humintong sasakyan sa gilid ng bus stop. At napahinto na rin pala ang kanyang mundo. Conrad followed her and he looked concerned about her too. Naglabas siya ng payong at kinuha ang malaking box ni Janet na naglalaman ng mga gamit niya sa office.

"You can't say no to me, this time." He flaunted a smirk and opened the car door for Janet.

"Uuwi na tayo," dagdag niya.

"Excuse me?"

"Uuwi na tayo sa anak natin."

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Hindi mo anak si Rayden!" Lalong dumoble ang pagkairita ni Janet.

"Alam ko." Iniwasan ni Conrad ang matalim na tingin ni Janet. Sa halip ay sinimulan na niyang paandarin ang kanyang sasakyan.

"Alam kong hindi mo rin siya anak. Pero mamaya na lang natin pag-usapan kung paano ko nalaman."

Tila naigapos sa kinauupuan si Janet at nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan habang napako ang tingin niya kay Conrad. She's totally doomed. Nagbukas na ang Pandora box na kanyang pinakakaingatan! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top