25 - New Plans And New Lies

Ipinagtaka ni Conrad ang biglang pagkabalisa ni Janet nang lumayo ito sa kanya. Dali-dali itong humarap sa salamin upang punasan ng tissue ang bakas ng lipstick sa labi nito.

"Bakit sila nandito? At paano nila nalaman na nandito ako?" Halos masabunutan ni Janet ang kanyang sarili. Hanggang ngayon, clueless pa rin si Conrad. Nilingon niya ang binata at inabutan din ito ng isang pirasong tissue.

"May trace ka ng lipstick. Pakitanggal 'yan. Maiwan na kita. Bukas na lang o sa ibang araw tayo magtulungan na ayusin ang space na 'to." Bakas na bakas ang hindi maipaliwanag na kaba sa tinig ni Janet. Conrad could tell that something's bothering Janet, it may be about Rayden—o baka may mas malala pang bagay na hindi nito gustong ipaalam.

Napatanga lang si Conrad nang tuluyang makaalis si Janet. Siya naman ang humarap sa salamin at kusang napangiti. The smudge of her lipstick on his lips seemed like an art to him. Parang nakapanghihinayang kung tatanggalin niya iyon sa kanyang labi.

'Nakuha pa niyang mag-lipstick kahit katatapos lang namin na mag-dinner.'

Naiiling siyang kinuha ang kanyang cellphone na inilapag niya kanina sa mesa sa glid ng kama. Unang naisip niyang tawagan sa mga sandaling ito ay si Chloe, ang nakababata at nag-iisa niyang kapatid na babae.

"Kuya? May sakit ka ba? Bakit ka napatawag? Anong nangyari?" Chloe sounded too worried for her brother whom she hadn't seen for almost five years.

"Nandito na ako sa Pilipinas," sagot ni Conrad.

"Alam ko, nakatawag ka gamit ang PH number mo eh," tugon ni Chloe habang humahagikhik.

"Huh? Natatawagan kita gamit ang number na 'to kahit nasa Bangkok pa ako."

"Okay. Pwede bang malaman muna kung bakit ka tumawag? Tungkol ba 'to kay papa? Okay naman siya if you want to ask about him lang naman."

"Tumigil ka nga sa pagko-conyo mo, naiinis ako," pabirong tugon ni Conrad at may kaakibat iyon na paghalakhak para naman alam ni Chloe na hindi niya intensyon na ma-offend ito.

"Seyoso ako, Kuya. Bakit ka ba napatawag? Sana okay ka lang talaga. At sana gusto mo nang kumustahin si papa. Sana."

"Oo. Gusto ko siyang kumustahin at makikipag-usap na ako kapag talagang ready na ako na harapin siya."

"For real? Kuya! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!"

Sa timbre pa lang ng boses ni Chloe, navi-visualize na agad ni Conrad na tumatalon-talon na ito at nagpipigil lamang na tumili.

"Nasaan ka ba ngayon? Sana wala ka sa public place dahil nakakahiya kung makita ka ng ibang tao na parang bata d'yan." Maski si Conrad ay nahawa na rin sa paghalakhak ni Chloe sa kabilang linya.

"Kauuwi ko lang sa bahay, kuya. Anong nagtulak sa'yo na kumustahin si papa? Hindi ka na ba galit sa kanya?"

"Hindi naman ako nagalit sa kanya. Pero nagalit lang ako sa mga ginawa niya. Na hindi niya tayo kayang bigyan ng marangyang buhay noon. Na umabot tayo sa point na muntik ka nang pumasok sa prostitusyon at para hindi mangyari 'yon, ako na lang ang nagsakripisyo. Pero hindi ako nagsisi, Chloe. Kita mo ngayon, professional ka na," he recounted with a heavy sigh.

"Kaya nga sobrang thankful ako sa'yo, kuya. Kung napatawad mo na si papa, ibig sabihin ba no'n ay in-love ka na ngayon? Sabi mo, saka ka lang makikipag-reconcile kay papa kung matatagpuan mo na ang babaeng mamahalin mo at kung natagpuan mo na siya, willing ka nang bumuo ng pamilya kasama siya. Tama ba ako? Saan mo ba siya nakilala? Sa Thailand ba?" Chloe's voice is full of hope. She's at ease knowing that his brother could finally let go of his resentment and hatred.

"Natandaan mo ba 'yong babaeng sinasabi ko? Yung na-meet ko sa bar?"

"Si J? Ja—jane?"

"Janet."

"Hindi nga? Saan? Paano kayo nagkita?"

"Boss niya ako ngayon. Sa New Way din pala siya nagtatrabaho. Tama nga ang wishful mind ko, baka destiny kami. And she's still single." Kinikilig pa si Conrad habang inaalala si Janet at kung paano sila nagparaya sa halik na naudlot lamang kanina.

"Magkakaroon na ba talaga ako ng hipag? Finally! Kailan ang kasal ninyo? Please sabihin mo na para mapaghandaan ko 'yong isusuot ko. Please, kuya!"

"May anak na siya."

"Ano naman kung may anak siya? At least single siya ngayon at hindi pa naikasal sa iba. Iyon ang pinakamahalaga. Pwede naman nating mahalin ang batang 'yon. I'll make sure that I will become the most loving tita in this world!" Lalong na-excite si Chloe sa mga naiisip niyang possibility sa pag-aasawa ng kanyang kuya.

"Hindi niya ako gusto. Pinagtatabuyan niya ako at wala siyang ibang gustong papasukin sa buhay niya," malungkot na pag-amin ni Conrad.

"Sure ka ba na wala siyang gusto? Baka ngayon lang 'yan. Saka what if lang, what if ikaw pala 'yong tatay ng anak niya? Kasi 'di ba may nangyari naman na sa inyo?" pangungulit na tanong pa ni Chloe.

Napaisip tuloy si Conrad. May point naman ang nakababata niyang kapatid sa mga katanungan nito lalo na sa part na kung sigurado ba siyang wala talagang chance na magustuhan siya ni Janet. Hindi nga ba siya gusto? Ano palang ibig sabihin ng first move nito kanina? Bakit si Janet pa ang unang humalik na halos ipaubaya nito ang sarili sa kanya kung wala sanang tumawag sa phone nito? Bakit tila ipinababatid ng mga halik nito na siya lang ang lalaking minahal nito at hinintay nang kay tagal?

"Hindi raw ako ang ama. Pero hindi niya pa sinasabi kung sino ang naging boyfriend niya. Hindi ko rin naman tinanong," pag-amin ni Conrad.

"Pero kung mahal mo talaga siya. Ipaglaban mo na lang ang pagmamahal mo sa kanya. Umamin ka sa kanya. Ipakita mo na sincere ka."

"Oo. Gagawin ko naman 'yon. Pero iniisip ko pa muna kung paano ako makakaalis sa New Way. Gusto ko na ring matapos ang pagiging acting co-founder o CEO ko. Once it's over, baka magsimula na lang ako ng business. Basta ayoko nang magkaroon ng utang na loob kina Madam Glory at sa kapatid niya."

"So, iyong pera na pinatago nila sa'yo, hindi mo naman ginalaw 'di ba?"

"Yup. Lahat naman ng perang hawak ko ay pinagpaguran ko sa pagtatrabaho ko sa kanila. Wala silang maisusumbat sa'kin."

"Basta anuman ang gusto mong gawin, nakasuporta lang ako sa'yo. Okay?"

"I know, Chloe. Sige, goodnight."

"Bye. Kuya. Magkita naman tayo soon!"

"Oo naman."

Matapos ang tawag, naisip ni Conrad na usisain ulit sina Janet at Aling Cita sa kabilang bahay. Pakiwari niya kasi, may hindi magandang balita na sinabi si Aling Cita kay Janet kaya nagmadali itong umalis kanina. At saktong hindi kaaya-ayang eksena ang kanyang naabutan.

"Apo namin si Rayden. At alam kong may iba ka pang tinatago sa amin, Janet! Nararamdaman ko na hindi mo siya anak. Kung gano'n, kanino siyang anak? Bakit nag-aalaga ka ng hindi mo kaano-ano?" Dinig niyang tanong ng isang matandang babae na may hawig kay Janet. Namukhaan niya iyon, siya rin ang babae na iniwasan ni Janet sa sementeryo. Si Aling Cita naman ay umaawat sa matanda.

"Madam, gabi na po. Nakakaistorbo na tayo sa kapitbahay," ani Aling Cita at inilalayo pa si Janet sa ginang dahil gusto itong sampalin.

"Ano naman kung hindi ko siya anak? Or anong big deal sa inyo kung mag-alaga ako ng hindi ko kaano-ano? Matagal ko na kayong kinalimutan. Ako pa rin ang sinisi ninyo nang mawala si ate, di ba? Para sa'kin, hindi na kayo nag-e-exist. Bakit kayo nanggugulo?" Halos mangilid na ang luha ni Janet sa kanyang mga mata.

"Anak ba siya ni Janice? Huh?"

"Anak ko si Rayden! Umalis na nga kayo rito! Huwag n'yo na kaming guluhin pa!" Galit na galit na si Janet sa sandaling iyon. Nakakuyom na ang kanyang mga palad nang lapitan siya ni Conrad.

"Magandang gabi po. Ako po si Conrad. Ako po ang boyfriend ni Janet. Anak namin si Rayden."

Lahat ay nagulat sa kasinungalingang sinabi ni Conrad, lalong-lalo na si Janet na walang idea na susulpot ang binata. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top