24 - Like The First Time
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Sir Conrad. Hindi kita kilala—"
"Ikaw 'yon. I'm sure it was you. We met at the noisy bar. Nando'n ka para magsaya kasama ang friends mo at ako ang kinuha mong escort na magpapasaya sa'yo," salaysay ni Conrad na lalong nagpatindi ng kaba sa puso ni Janet.
Walang ibang nagawa si Janet maliban sa pag-atras hangga't sa nasubsob na ang kanyang likuran sa pinto ng refrigerator. Napaigik pa siya sa sakit kaya dali-daling hinatak siya ni Conrad palayo doon.
"Ayos ka lang?" malumanay na tanong niya kay Janet.
Nahihiyang tumango si Janet at umiwas na naman ng tingin. When she finally had the urge to face Conrad once more, kinuha na rin niya ang timing na 'yon para isiwalat ang mga salitang kinikimkim niya sa simula pa lang.
"Kalimutan na lang natin ang bagay na 'yon. For sure, hindi rin 'yon nakabubuti sa reputation mo bilang acting co-founder ng New Way. Umarte na lang tayo na parang hindi nangyari ang bagay na 'yon."
"Kung gagawin natin 'yon, paano na si Rayden? Paano na ang anak natin?" May hesitation man sa kanyang mga tanong, mas maigi pa rin na nasabi na ni Conrad dahil hindi rin siya pinapatulog ng alalahaning iyon para sa inosenteng bata na in-assume niyang kanya at napabayaan sa mahigit sampung taon.
Pumagitan ang mahigit sampung segundong katahimikan sa kanilang dalawa hangga't sa napilitan si Janet na hatakin si Conrad palabas sa bahay. Nakapagtimpi naman siya na hindi ito pagbuhatan ng kamay. Sa halip na magalit, napabuga lang siya ng hangin.
"So, inakala mo talaga na anak mo siya? Hindi mo siya anak, okay? Kung 'yon lang ang reason kung bakit ka sunod nang sunod, pwede bang tumigil ka na? At hindi mo pwedeng banggitin ang past natin sa kahit sino, lalo na rito sa bahay ko dahil baka marinig ni Rayden," sikmat naman ni Janet.
"Okay. Pero malalaman ko rin ang totoo, Ms. Janet," tugon ni Conrad nang hindi pinahahalata ang disappointment sa kanyang boses.
"Hindi ako nagsisinungaling dahil alam ko kung ano ang totoo," giit pa ni Janet.
"Bakit nandito kayo sa labas?"
Kapwa nagulat sina Conrad at Janet sa tanong ni Aling Cita na papalapit sa kanila.
"Pinuntahan ko 'yong kakilala ko na makakaayos ng gripo sa bahay. Pasensya na Sir Conrad, huh? Nawala na rin sa isip ko na palyado ang restroom. Pero madali namang ayusin ang bagay na 'yon," apologetic na wika ni Aling Cita na madaling sinuklian ng ngiti ni Conrad.
"Okay lang po. Sanay naman akong gumamit ng balde. Kaso wala lang extra doon eh. Pero bibili na lang po ako para may magamit," sagot ng binata.
"Hindi ka ba pinayagan ni Janet? Naku, pasensya na. Hindi ko man lang siya nai-text."
"Okay lang po 'yon. Papayagan ko naman siya, eh. Saka kararating ko lang din," turan ni Janet.
"O siya. Sir Conrad, dito ka na rin mag-dinner. Para hindi ka na lalabas," paanyaya ni Aling Cita.
***
"Ihatid mo muna si Sir Conrad sa bahay, janet. Tapos baka pwedeng pakitulungan mo na rin siya na mag-ayos ng mga gamit. Babantayan ko lang si Rayden dito. Okay?"
Hindi na tumanggi si Janet sa pakiusap ni Aling Cita.
"Goodnight. Tito Conrad. Sana lagi kang nandito. Tapos kapag magaling na po ako, maglaro po tayo at saka ipapakita ko po sa inyo ang drawings ko, okay?" masiglang bigkas ni Rayden at dahan-dahang ginawaran ng yakap si Conrad.
"Oo naman. Pangako, kapag wala akong trabaho, dadalawin kita rito. Pero, dapat ka munang magpagaling. Okay?" Ginantihan ng marahan na yakap ni Conrad si Rayden. Unbeknownst to him, that scene made Janet melt and almost cried. Ngayong alam na niya ang intensyon ni Conrad, alam niyang masasaktan din ito kapag nalaman talaga nito na hindi naman nila anak si Rayden. On the other hand, nararamdaman niya na gustong-gusto ni Rayden si Conrad na aabot sa point na gugustuhin nitong si Conrad ang maging ama na pwedeng mag-fulfill sa curiousity at pagkagusto nito na lumaking buo ang pamilya. Nakakalungkot lamang na isipin na hindi kaya ni Janet na ibigay ang kahilingan nito.
Matapos makapagpaalam, sinamahan na rin ni Janet si Conrad sa bahay ni Aling Cita. To be exact, sa pangalawang palapag tutuloy si Conrad, sa space na iniwan ni Dorothy. Habang si Aling Cita, mananatili sa first floor na may sarili namang restroom at kitchen na ideal para sa kanya na mag-isa lang na naninirahan doon.
"Since mukhang pagod ka na, ako na lang at magtatanggal ng alikabok. Magpahinga ka na," presinta ni Janet na mabilis nakakuha ng basahan at feather duster pagkapasok pa lang nila sa loob ng space na rerentahan ni Conrad.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Tulungan mo na lang akong mag-organize ng mga gamit sa kusina. Sa totoo lang, ang kusina ang pinakagusto kong maayos sa lahat. Kaya nga na-amaze din ako sa pagiging organized ng kusina ninyo, e," pakli naman ni Conrad sabay ngiti. Dumiretso siya sa kusina at sumunod lang din si Janet.
"Si Aling Cita ang nag-aayos palagi ng kusina namin. Ayaw niya talagang makita na makalat sa lugar na 'yon," Janet revealed and shyly looked away. Minabuti niyang ituon ang atensyon sa mga utensil na nagkalat sa kitchen sink. Pinagsama niya ang mga bagay na 'yon sa isang lagayan para mahugasan bago iligpit.
"Pansin ko ang closeness nila ni Rayden. Para silang mag-lola," sambit naman ni Conrad na nagsisimula namang mag-sort ng babasagin at plastik na mga pinggan.
"Matagal na rin namin siyang kapitbahay. Mabait talaga siya pati 'yong si Dorothy na pamangkin niya. Siya 'yong dating nakatira dito. Baka may maligaw na pambabaeng gamit sa bedroom niya, pakitabi na lang muna para maiabot sa kanya kung sakaling bibisita siya rito," paglalahad naman ni Janet. Malapit na sana siyang matapos sa gawain nang may sumulpot na ipis sa lababo. Sa sobrang gulat ay nabitawan niya ang mga kutsara at tumapon iyon sa sahig. Also, she's not aware na napasandal siya kay Conrad at aksidenteng nahawakan siya nito sa balikat bago sila natumbang dalawa.
"Sorry. May ipis kasi, e." Mabilis na kumilos si Janet para makaalpas ngunit nawalan pa rin siya ng balanse. Parang unan na naipatong niya ang kanyang sarili sa dibdib ni Conrad. Mas lalong uminit ang pakiramdam niya na alam niyang hindi tama. She shrugged and managed to get up. Iniabot niya ang palad niya upang tulungan si Conrad sa pagtayo pero napasama lang ang move na 'yon.
Their faces were only a few inches apart.
"Anong gagawin mo?" She almost gasped as he looked Conrad in the eyes.
"Gusto kitang halikan," he confessed. Janet closed her eyes, lost in thought. He almost drowned when he felt the kiss on his lips. She missed his lips so much that all she could do was kiss him back. Parang first time nilang ginawa iyon at si Janet pa talaga ang unang nag-initiate.
Janet's lips tightened as she felt Conrad's hands on her hair. She's enthralled by the sensation of his lips moving, and she completely lost it when she felt him move up and carry her on top of the empty table. They didn't stop there, and Janet noticed Conrad gently touching her back as they continued to kiss each other. If this thing takes off, may God forgive them.
Ayaw na sana nilang magpaawat kaya nga lang ay nag-ring ang phone ni Janet. Hindi niya maaring ipagpaliban ang tawag ni Aling Cita. Naitulak niya si Conrad nang makahuma siya sa mga pangyayari. Humuigot siya ng malalim na hininga nang sagutin niya ang tawag.
"Hello, bakit po, Aling Cita?"
"Nandito ang parents mo, Janet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top