23 - Unconvinced

"Hindi ko masabi kung coincidence lang ang pagpunta mo rito, Sir Conrad. Ayokong i-assume na nagba-background check ka pa rin kahit malinaw naman sa'yo ang sinabi ni Ms. Sandra na siya na mismo ang magiging acting assistant mo." Nakahinga nang maluwag si Janet matapos niyang isiwalat ang laman ng isip niya nang eksaktong nasolo nila ang pagkakataong makapag-usap nang masinsinan.

"Naghahanap lang talaga ako ng pwedeng lipatan dahil nga hindi naman ako ang may-ari ng unit na tinutuluyan ko. Iyon lang ang rason, wala nang iba," paglilinaw ni Conrad at saka umiling at sumulyap sa bintana.

"Pero bakit kailangang maghanap ka pa sa lugar na ito? Bakit dito pa sa malapit sa bahay ko?" Up to this moment, Janet wasn't convinced.

"Kailangan bang may dahilan? I mean, malapit sa office ang place na ito at mukhang simple naman at tahimik. Why not?" Conrad tried to act like he's puzzled as well. Sa puntong ito, hindi naman kakagatin ni Janet ang excuses niya pero at least, nagawa niyang hindi magpahuli sa sariling bibig.

Ilang saglit pa ay tinawag na ni Aling Cita si Conrad at naantala na ang kanilang pag-uusap. "Halika na, Sir. Naayos ko na ang kalat sa bahay, pwede mo nang i-check kung magugustuhan mo o hindi."

***

"Magandang gabi ulit sa inyong dalawa. Salamat sa pagtulong, Aling Cita," pamamaalam ni Conrad.

Bahagyang ngiti naman ang isinagot ni Aling Cita sa binata. "Salamat din at okay sa'yo na upahan ang space ng bahay ko."

"Pwede naman akong lumipat, anytime. Di po ba?"

"Oo naman."

Napaismid sa isang tabi si Janet dahil sa biglang pagkadismaya sa sinabi ni Conrad. "Alam ko na mataas naman ang sahod mo, bakit kailangan mo pang sumiksik sa lugar na ito? Hindi ka magiging komportable, sir."

"Lumaki din ako sa hirap, don't worry," paglilinaw naman ni Conrad.

"Janet, si Sir Conrad ang bumili ng hapunan para sa atin, kaya naman dapat hindi ka ganyan sa kanya. Parang ipinagtatabuyan mo naman 'yong tao," sabad naman ni Aling Cita.

Nahihiyang umiling si Janet. "Oo nga pala. Pero kahit gano'n, kung sakaling manirahan siya rito, hindi pa rin pwede na pupunta siya rito kung kailan niya gusto."

Napatikhim lang si Conrad at ibinalik ang tingin kay Aling Cita. "Uuwi na po ako. Maaga pa ang pasok ko bukas. Ms. Janet, mag-leave ka na lang for a week para mabantayan si Rayden. Okay?"

Tumango lang si Janet.

***

After two days, napakaraming gusot na inayos ni Janet sa mismong paaralan na pinapasukan ni Rayden. Hindi siya payag na makipag-areglo lang sa mga magulang ng bully students dahil grabe ang mga sugat na natamo ni Rayden at hindi ito makakapasok kaagad. She insisted on her request to give disciplinary action to those students involved. Kaso ang iba sa kanila, gusto lamang siyang bayaran at hindi man lang nag-sorry.

"Nauubos ang oras ko sa inyo. Simpleng apology at disciplinary action lang ang gusto ko para mag-reflect man lang ang mga anak ninyo na b-in-ully ang anak ko dahil lang sa wala siyang tatay at tumangging gumawa ng homeworks nila. Toxic ba kayong mga magulang para hindi malaman na ganyan ang behavior ng mga anak ninyo?" Halos mapatid na ang litid ni Janet sa paglilitanya sa loob ng principal's office.

"Sorry, Ms. Castro, pero mga bata 'yan. Hindi nga natin alam ang pinagmulan ng away," katwiran naman ng isang parent ng isang bully ni Rayden.

"Umamin na ang anak ninyo na ginawa nilang saktan si Rayden noong isang gabi dahil tumanggi si Rayden na gawin ang assignments nila. Walang pumilit sa anak ninyo na magsabi ng ganoong bagay, madam," paasik na tugon pa ni Janet saka bumaling kay Teacher Arbie.

"Ikaw naman ma'am, totoo bang hindi mo alam na matagal nang nabu-bully ang anak ko? Kinausap kita pero sinabi mong never naman na nasaktan ang anak ko. Tapos heto na, hindi pa makapasok ang anak ko dahil sa ginawa sa kanya!"

"Ms. Janet, totoo naman na hindi ako aware," nahihiyang sagot ng guro.

"I don't buy that. I urge the principal to release a statement para maging aware ang ibang parents na kahit teacher, pwedeng pagtakpan ang kamalian ng iba niyang estudyante."

"Mag-iingat ka sa accusations mo, Ms. Janet. Mabigat ang mga sinasabi mo." Pumagitan na ang principal sa kanilang girian. Hindi makapagtimpi si Janet at sa halip na gumanti pa, minabuti niyang umalis sa principal's office dahil hindi na talaga niya gusto ang kanyang naririnig. Iba pa naman ang nagiging ugali niya kapag napipikon.

Wala na siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya habang umiiyak siya. Nadudurog ang puso niya para kay Rayden dahil batid niya ang pagkukulang niya bilang guardian nito. Kung nabubuhay lang ang kanyang Ate Janice, malamang hindi rin nito palalampasin ang nangyari kay Rayden na kanyang anak. Lalabas din ang masama nitong attitude. Ni hindi na nga niya namalayan ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya at wala sa sariling pumara siya ng taxi para makauwi agad sa bahay.

Pagbukas niya ng pinto ay tumambad agad ang note ni Aling Cita.

"Lumabas lang ako saglit. Tulog si Rayden sa room niya. Nakatulog siya ng mga alas dos ng hapon."

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at uminom muna ng isang basong tubig. Naantala ang kanyang pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto. Alam niyang hindi si Aling Cita ang tao dahil hindi na ito kumakatok kung papasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at mabilis na pagkunot ng noo ang isinalubong niya sa kanyang kaharap.

"Anong ginagawa mo rito, Sir Conrad?" Madali siyang nakaiwas ng tingin. Parang mina-magnet na naman siya ni Conrad papalapit. Hindi niya kayang i-deny na masarap simsimin ang pabango na nanunuot sa suot nitong polo shirt.

"Kagagaling ko lang sa New Way. Ngayong gabi na ako lilipat at hinihintay ko na lang 'yong truck na may dala ng mga gamit ko. Pwede bang makiligo muna rito? Hindi ko pala na-check na sira ang gripo ng restroom sa bahay ni Aling Cita," apologetic na sagot ni Conrad.

"Hmmm... Galing ka sa trabaho, di ba? Huwag ka munang maligo. Masama raw iyon ayon sa expert. Baka maging pasmado ka," sagot ni Janet para itaboy ang binata.

Bahagyang lumitaw ang ngiti sa mga labi ni Conrad at sumeryoso rin iyon pagkalipas ng ilang segundo.

"Pinagtatabuyan mo ba ako dahil ayaw mo sa'kin? O dahil nagkukunwari ka na hindi mo ako natatandaan?"

Mabilis na binundol ng kaba ang puso ni Janet. Napaatras siya habang papalapit naman si Conrad sa kanyang kinatatayuan. Ilang beses siyang napalunok ng laway tuwing nagtatama ang kanilang paningin.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo—"

"Kahit isang gabi lang 'yon. Hindi ko nagawang burahin ka sa isip ko."

She's doomed upon hearing that. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top