22 - Rescued Child
Nakahingi agad ng saklolo si Conrad sa mga tanod na malapit sa neighborhood kung saan niya nakita si Rayden na binugbog ng mga kabataang animo'y kaklase nito dahil pareho lang din ng mga suot na uniporme. Mabuti na lang at naipagtanong niya rin ang bahay ni Aling Cita kaya na-inform niya agad ang ginang tungkol sa sinapit ni Rayden.
Naisugod din ni Conrad ang bata sa ospital kung saan niya rin ito isinugod noon. Kapansin-pansin na nagmamadali ang physician na si Doc Julius sa pag-asikaso kay Rayden, iyon ang bagay na nakaka-curious para kay Conrad.
"Ikaw ba ang guardian ng patient? Mukhang malubha ang mga pása na natamo niya," diretsahang remark ni Julius nang lapitan niya si Conrad.
"Also, I saw you with his mother," pagpapatuloy niya.
Umiling lamang si Conrad. "Boss ako ng nanay niya. And she's already on her way."
"May boss ba na kailangang mangialam sa personal na buhay ng employee niya? You even rushed the kid here on your own. It's sketchy for me," aburidong sagot ni Julius.
"Nagkataon lang naman na napadaan ako sa neighborhood ni Ms. Janet," katwiran pa ni Conrad.
"Hindi yata ginagampanan ng babaeng 'yon ang responsibilidad niya sa anak niya," Julius assumed. Hindi nakalagpas sa pandinig ni Conrad ang kanyang mga sinabi.
Syempre, dahil alam naman ni Conrad kung gaano inaalagaan ni Janet si Rayden, nararapat lang din na ipagtanggol niya ito sa isang doktor na tila nangingialam sa parenting style nito.
"Excuse me? Magkakilala ba kayo ni Ms. Janet para sabihan siya nang ganyan?" pabalagbag na tanong ni Conrad at nagsimulang tumayo sa kinauupuan.
"The way you react makes me think that you're not just her boss. If she's going to flirt with someone else, sana naman binabantayan niya nang maayos ang anak niya," sarkastikong sagot ni Julius.
Napabuga ng hangin si Conrad at sasagot pa sana siya nang bigla namang dumating si Janet kasama si Aling Cita.
"Nasaan na ang anak ko?" naiiyak na tanong ni Janet sabay hawak sa kanyang dibdib. Ngayon, tatanaw na naman siya ng utang na loob kay Conrad dahil sa pagsagip nito kay Rayden. Hindi na muna niya iisipin kung paanong nangyari na naisalba nito ang bata. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang pag-asa na sana'y hindi na si Julius ang maging doktor ni Rayden pagkatapos nitong magamot. Ni hindi niya tiningnan si Julius at napatanga lang din siya sa isang tabi.
***
Nakapag-file na rin ng complaint si Conrad sa pulisya at nahuli na rin ang mga kabataan na bumugbog sa walang kalaban-labang si Rayden. Nakumpirma nga niya na pareho lang ng pinapasukang school si Rayden at ang mga batang iyon. Napatawag na rin ang kanilang mga magulang at hindi rin makakapayag si Janet na pagbigyan ang mga bully na iyon dahil halos mapatay na nila si Rayden.
Kahit nasasaktan, pilit pa ring pinakita ni Rayden na masigla siya sa harap ng kanyang kinikilalang ina.
"Sorry po kung hindi ko sinabi na may nambu-bully sa'kin. Natatakot po kasi ako dahil nagbanta sila na may mangyayari raw sa'yo kung sakaling lumaban o magsumbong ako, mama." Hindi man umiiyak, ramdam pa rin ni Janet ang pighati sa boses ni Rayden.
"Okay lang 'yon, anak. Hindi ka dapat nagso-sorry," sambit ni Janet sabay yakap kay Rayden. Saglit na napasulyap siya kina Aling Cita at Conrad. At this moment, nagpa-discharge na sila sa ospital pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang pinag-usapan nila ni Julius habang nasa ospital pa sila.
"Sir Conrad, bakit ka nga pala nandito? I mean, paanong nakita mo ang anak ko sa eskinita?" tanong pa ni Janet.
Napatikhim saglit si Conrad. "Actually, babalikan ko lang sana 'yong house for rent na malapit dito kaso parang wala na yata. I'm planning to move out from my unit. Saka hindi naman ako ang may-ari no'n. Pangit nga lang ang oras ng paghahanap ko dahil gabi na pero ito lang kasi ang free time ko."
May bahagi ng utak ni Conrad na nagdarasal na sana'y convincing na para kay Janet ang kanyang dahilan.
"Bihira ka lang makakita ng for rent house dito pero 'yong extra space ko sa bahay na nasa ikalawang palapag— pwede kong parentahan sa'yo. Pero kailangan mo munang makita iyon, Sir Conrad," sabad naman ni Aling Cita.
Conrad's face lit up as he beamed at the old lady. "Talaga po? Kahit maliit lang uupahan ko pa rin."
"Naku, kailangan mo munang makita 'yon para hindi ka naman magsisi," katwiran pa ni Aling Cita.
"Kung gano'n, aalis ka na ba, Sir Conrad? Patutulugin ko lang si Rayden at kung pwede sana, makausap muna kita bago ka umalis," kinakabahang sambit ni Janet at sinalubong ang mga tingin ni Conrad.
"Pwede po bang kumain muna tayo bago paalisin si Tito Conrad?"
Lahat ay napatda sa biglang tanong ni Rayden. Nagkatinginan pa sila na parang hesitant kung papayag sa request ng bata o hindi.
"Anak, busy si Sir Conrad," pakli ni Janet at sumulyap nang palihim kay Aling Cita.
"Please? Minsan lang naman po, e," pagmamakaawa ni Rayden saka biglang hinawakan ang mga braso ni Janet at hinila palapit naman kay Conrad.
"Pero—"
"Pakiusap?" Nagmamakaawa ang mga mata ng batang paslit at tila pinahihiwatig nito kay Conrad ang pagbitiw ng pagsang-ayon.
Napabuntong-hininga si Janet. "Pero hindi natin alam kung ayos lang kay Sir Conrad."
Sa wakas ay ngumiti si Conrad bilang paunang sagot. "Oo naman, dito na ako magdi-dinner."
Tuwang-tuwa si Rayden at napayakap kay Conrad. "Salamat tito. Alam n'yo ba, sobrang nagpapasalamat ako dahil iniligtas ninyo ako kanina. Para nga kayong tatay ko, eh."
May kung anong kumurot sa puso nina Janet at Conrad nang marinig ang inosenteng bata. For Janet, she can't help not to feel bad for her nephew dahil inakala talaga nito na siya ang tunay nitong nanay. At para naman kay Conrad, naaawa siya sa bata dahil sa frustration nito na walang kinagisnang ama. Kung pwede lang sana niyang gampanan ang role na iyon. But for now, Conrad has to stay low-key as a trying hard father to Rayden dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top