21 - Move Out

Bigla na lang naisip ni Conrad na usisain si Janet tungkol kay Rayden. Eksaktong pagkatapos ng shift ni Janet, pinatawag niya agad ito.

"May nagawa na naman ba akong mali at pinatawag mo pa ako?" tanong pa ni Janet.

"Wala naman. Gusto ko lang itanong kung saan ka pupunta pagkatapos ng trabaho?" Conrad didn't hesitate to ask. Hangga't maaari, kailangang maging straightforward lang siya kay Janet para makilala niya pa ito nang husto.

"Why did you ask? I mean, wala namang relate 'yong tanong mo sa trabaho ko," tugon ni Janet habang kumakamot-kamot sa ulo. "Hindi na magkakaroon ng internship so hindi muna dapat tinatanong kung anong mga ginagawa ko, sir."

Sinubukan pa niyang talikuran si Conrad, ngunit bigla naman itong umimik.

"Gusto ko lang talagang kumustahin si Rayden."

Dahil sa inilabi ni Conrad, napilitang lumingon si Janet. "Ayos naman siya. Kahit nga may sugat pa siya, pinilit pa rin niyang pumasok sa school."

"Okay. Anyway, free ka ba tuwing day off mo?"

"Never akong magiging free. Lagi akong hands on kay Rayden. Sige, mauna na ako." Pinigil ni Janet ang pagngiti sa pagsagot. Mabilis niyang nilisan ang office ni Conrad at nakasalubong pa niya sa hallway si Mr. Madrigal, ang number one enemy niya at kasama nito si Sandra.

"Good afternoon, Ms. Janet, the righteous one." Obvious ang sarcasm sa boses ng lalaki. Kapansin-pansin din kung paano mag-react si Sandra habang nakatingin kay Janet.

Sa puntong iyon, alam naman ni Janet na kinaiinisan siya ni Sandra. Ayaw lang din niyang isipin na baka nagseselos ito sa kanya dahil napapadalas ang pag-uusap nila ni Conrad.

"Good afternoon din sa inyo," walang kagana-ganang bati niya sa dalawa.

"Napapansin ko lang na napapadalas ang punta mo sa office ni Sir Conrad, ah. Or baka friendly ka lang sa mga tulad niyang mayaman at gwapo. Kasi, di ba, iyon naman ang target ng mga single mom na kagaya mo," pambubuska ni Mr. Madrigal. Napaismid kaagad si Sandra sa narinig niya.

"Kaya pala nagtatrabaho ka nang mabuti, Ms. Janet. Because it turns out na mag-isa ka lang pala sa pagbuhay sa anak mo. What happened to the father of your child? Hindi mo ba siya hinabol?" Sandra tried to sound empathetic towards Janet.

Napabuga ng hangin si Janet bago sumagot. Ilang segundo rin niyang pinakatitigan ang dalawang namemeste sa kanya sa sandaling iyon.

"Akala ko pa naman ay kaya ninyong maging sensitive sa mga sinasabi ninyo dahil mga professional at mas mataas ang rank ninyo."

"Sorry, dear. Hindi namin sinasadyang ma-offend ka," pakli naman ni Mr. Madrigal.

"You mean it. Nagtitiis ako sa kompanyang ito para sa anak ko. Wala akong hidden agenda from the start. Sana naman maghinay-hinay kayo sa ibinabato ninyong tanong," prangkang pagkakasabi ni Janet at saka nag-walk out. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa rin nakatanaw si Conrad at nakita nito kung paano niya sagutin ang dalawang higher-ups ng New Way. He shrugged and acted like he didn't see Sandra and Mr. Madrigal approaches him. He was looking at the floor while walking.

"Uuwi ka na ba? Mag-dinner na kaya tayo? Mr. Madrigal is willing to join us," paanyaya ni Sandra at tinangka pang ikawit ang mga braso niya sa braso ni Conrad na madali namang umiwas sa kanya.

"May gagawin ako. Magliligpit na ako ng mga gamit at lilipat na ng tirahan," pagsisinungaling ni Conrad.

"But, why?" worried na tanong ni Sandra. "Hindi ka ba komportable sa unit?"

"Sinabi ko na sa dad mo na aalis din ako doon dahil ayoko namang tumira sa isang lugar nang libre,: katwiran pa ni Conrad.

"Gift niya 'yon sa'yo dahil sa contributions mo na mapalago ang subsidiary natin sa Bangkok," tugon ni Sandra habang mas tumindi pa ang pagkalukot ng maganda nitong mukha.

"Hindi naman ako umaasa sa regalo, Ms. Sandra."

Biglang naramdaman ni Sandra ang pagkapahiya dahil sa sinabi ni Conrad. Mr. Madrigal would think that she's a loser. Naipagkalat pa man din niya sa ibang personnel ng New Way na may mutual understanding sila ng binata.

Sunod namang binalingan ni Conrad si Mr. Madrigal at pinukol dito ang makahulugang tingin. "Hindi ka dapat nagtatanong nang gano'n kay Ms. Janet o sa sinumang tao tungkol sa peronal nilang buhay na wala namang concern patungkol sa'yo."

Umiling siya at lumakad palayo sa dalawa. Tamang-tama lang din na naabutan pa niya si Janet sa labas ng company building at naghihintay lang ng tyempo para tumawid sa kabilang kalsada. Minabuti niyang paandarin ang kotse at isinakto ang paghinto sa gilid ng daan kung saan nakapwesto na si Janet.

"Ms. Janet, sumabay ka na."

Dumoble ang gulat ni Janet nang marinig na magsalita si Conrad.

"May pang-commute ako, Sir," giit niya upang tanggihan ang offer nito.

"Susunduin mo ba sa school si Rayden?"

"Oo." Pagkasabi ay nagpatuloy na sa paglalakad si Janet. Natawa lang si Conrad at napilitang bumaba sa kanyang sasakyan. Maagap din na pinayungan niya si Janet dahil umaambon na rin at nagbabadya na ang malakas na ulan.

He spoke while shining an amazing beam on his face, saying, "Inconvenient ang pagko-commute sa ganitong sitwasyon."

"Nasasabi mo lang naman 'yan dahil hindi ka naman nagko-commute dito. At isa pa, wala pang isang buwan noong bumalik ka rito. Oo, hassle ang pagko-commute pero natitiis pa naman," katwiran ni Janet.

"Okay. Sabi lang kita ng payong." Conrad handed her his own umbrella and then got back to his car.

"Take care," aniya saka isinara ang bintana ng kotse Hindi niya masisi si Janet kung bakit umiiwas ito sa kanya. Marahil marami pang tulad ni Mr. Madrigal na insensitive sa babaeng tulad niya. He assumes that a man like Mr. Madrigal would view a woman like Janet as a potential threat. Given that she is aware of her limitations, Janet is indeed confident and strong while carrying out her tasks. Women, who can outsmart them in so many ways, are the real cause of insecurities in men who act superior.

Naisip na lang ni Conrad na maghanap ng paupahang unit na malapit lang din sa bahay ni Janet. He had a hard time communicating with Mr. Lamberto, mas lalo pa siyang pressured dahil kay Sandra na hindi inaasahang darating ngayon. Kilala naman niya ang mag-amang iyon sa simula pa lang. Hindi sila katulad ni Madam Glory na maayos kausap at hindi nanunumbat. He drove for about one and a half hours, naglakad-lakad siya sa alley upang maghanap ng 'for rent' space. Nakakita naman siya kaagad ngunit habang naglalakad, isang pamilyar na paslit ang nakita niyang pinagtutulungan ng ibang mga bata sa madilim na bahagi ng alley.

"Rayden?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top