20 - Fond To See Her

"Good morning, ma'am and sir."

Madaling napapitlag si Conrad nang marinig ang boses ni Janet. Natitiyak niya na nakita nito kung paano maging sweet si Sandra sa kanya kanina lamang at ayaw niyang i-assume ni Janet na nakikipaglandian siya habang nagtatrabaho.

"Buti naman at naparito ka na. Do I have to introduce myself to you?" Sandra asked. Ipininta niya ang mayuming ngiti sa kanyang labi, sapat na iyon para hulihin ang totoong reaksyon ni Janet ukol sa nakita nito kanina. For her, it would be better if Janet and other employees would assume that she and Conrad were already an item.

"Ikaw si Ms. Sandra. Anak ka ni Sir Lamberto. Nice meeting you, ma'am." Nagawang itago ni Janet ang pagkaasiwa niya kay Sandra. Sa simula pa lang na makita niya ito, alam niyang may same vibes ito sa dati niyang boss. Maaaring mas strict at sociopath pa nga si Sandra kaysa sa ama nito. Balewala na sa kanya kung ano man ang namamagitan kina Conrad at Sandra because clearly, it's none of her business anymore.

"Marami kang lapses sa work na hindi ko nagustuhan," paasik na tugon ni Sandra at naupo sa kanyang swivel chair.

Habang si Conrad naman, handa nang ipagtanggol si Janet kung sakaling makwestyon siya ni Sandra. He can't just let Janet be humiliated by his boss' wicked daughter. Alam niya rin kung ano ang demeanor ni Sandra habang pinamamahalaan nito ang subsidiary ng New Way sa Bangkok. Panaka-nakang sinulyapan niya si Janet na halatang tensed. Napapansin niya ang panginginig ng mga kamay nito at saka unti-unting kinukuyom ang mga palad.

"Tungkol po ba ito sa pagbisita ko sa ospital? At sa pag-void ng approval sa Quality Control? Ginawa ko lang ang pag-void dahil may mali sa invoices," katwiran ni Janet sa kalmadong paraan. Mas dumodoble ang kaba niya tuwing nagsasalubong ang mga mata nila ni Conrad. Nakapâso ang mga tingin nito sa kanya. At ang mga mata nito, animo'y natatanaw na rin ang kaibuturan ng kanyang puso.

"Na-promote ka lang ni dad, kung anu-ano na ang ginagawa mo. He only promoted you kasi kinaaawaan ka niya dahil single mom ka," aburidong sagot ni Sandra at sinulyapan si Conrad. "Wala ka man lang bang ginawa para itama siya?"

"Approved na ang lahat bago ako dumating. Alam na rin ito ni Sir Lamberto, so what's the fuss after all? At sa pagkakaalam ko, we have to discuss the internship of Ms. Janet too," paglilinaw ni Conrad. As of now, ito lang ang kaya niyang sabihin para depensahan si Janet.

"I guess you don't need to have an intern, madalas na akong pupunta rito kaya ako na lang ang mag-a-assist sa'yo," pakli ni Sandra at saka kumindat kay Conrad.

Nakahinga rin nang maluwag si Janet. Ngayong hindi na pala kailangan ng intern, hindi na rin siya maaabala sa kanyang pwesto at hindi na rin sila magkakalapit ni Conrad. Ngunit sa kabilang banda, nakaramdam pa rin siya ng panghihinayang, hindi para sa internship, kundi sa mga pagkakataon na makilala niya pa ito nang husto.

"What do you think of it, Ms. Janet?" untag ni Sandra.

"I liked the idea, ma'am. Okay na rin ako sa department ko," mabilis na sagot naman ni Janet.

"But I can demote you anytime," pambubuska ni Sandra at nagpakawala na naman ng nakakalokong ngiti.

"Ayos lang sa akin. Mahalaga lang naman na may trabaho pa rin ako. All rounder ako, ma'am. Naranasan ko nang magpalipat-lipat ng department at magpapalit-palit ng posisyon," kampanteng pahayag ni Janet.

"Okay. Maiwan ko na kayo. I have to go somewhere. Conrad, ikaw na ang kumausap kay Ms. Janet," utos ni Sandra at tinaasan muna ng kilay si Janet bago niya ito lampasan sa paglakad palabas ng opisina.

Sinundan ng tingin ni Conrad si Sandra. Nang makumpirmang nakaalis na ito, saka niya ibinaling ang tingin kay Janet.

"I'm sorry if she acted that way. I guess, nakuha niya lang sa tatay niya 'yong traits na 'yon," he quickly apologized, which made Janet feel puzzled.

"Ako dapat ang humihingi ng paumanhin sa'yo dahil feeling ko napagalitan ka niya dahil sa ginawa ko," sagot pa ni Janet.

"Ngayon na lang ako babawi para sa ginawa mo kahapon para kay Rayden," she timidly continued.

"Ipagtimpla mo ako ng kape," walang hesitation na suggestion ni Conrad.

"Pardon?"

"You told us earlier that you're an all rounder. Lahat ng all rounder naranasang mag-photocopy at magtimpla ng kape para sa superiors nila. I guess you can do that very well." Unti-unting nilapitan ni Conrad si Janet habang pinupukol ito ng seryoso ngunit mapaglarong ngiti.

"Okay. Pero pwede rin ba akong magtimpla ng para sa'kin?" Nahihiyang tanong ni Janet.

"Hulaan ko, hindi ka nakapagkape dahil late ka. Right?"

"Gano'n na nga, Sir Conrad." Janet swiftly averted her gaze away from her charming boss. Nais niyang sawayin ang puso niyang tila unaawit dahil sa paraan ng pag-i-interrogate sa kanya. Biglang may bagay na naman na naglaro sa kanyang isipan.

"Dahil sinabi ni Ms. Sandra na hindi na kailangan ng intern, it only means na ititigil mo na ang background checking, right?" Parang nabunutan siya ng tinik nang maisatinig na rin niya ang tanong na 'yon.

Mabilis na tumango si Conrad. "For sure, masaya ka."

"Oo, masayang-masaya. Dahil hindi na masasagasaan ang time ko para kay Rayden. Feeling ko kasi, kapag tinanggap ko ang internship sa office mo, lalo lamang dadami ang responsibilidad na iaatang sa akin," sagot ni Janet. Kusa siyang napayuko at tumalikod kay Conrad.

"Ipagtitimpla muna kita ng kape, sir."

"Okay, go ahead." Lihim na napangiti si Conrad habang sinusundan ng tingin si Janet. From now on, he really became fond of looking at her even more. Parang mabilis na makumpleto ni Janet ang araw niya.

***

"Sa susunod ay magtitimpla na ako ng mas masarap na kape," paumanhin ni Janet nang mapansin ang pagngiwi ni Conrad nang una nitong tikman ang brewed coffee na ihinanda niya para rito.

"Huwag ka nang mag-alala sa reaction ko. Sa katunayan nga, mas okay na 'to kaysa sa wala. Hindi ko lang ma-appreciate ang sweetener pero sigurado akong magugustuhan ko ito sa hinaharap. Or I should say, mas masarap magtimpla ng kape si Aling Cita." Muling ininom ni Conrad ang kape hanggang sa maubos niya ang laman ng cup.

"Buti ka pa, kaya mong uminom nang tuloy-tuloy kahit mainit pa ang kape," puna ni Janet.

"Why? Hindi naman iyon mahirap gawin," nagtatakang tanong ni Conrad saka inilapag ang tasa sa kanyang table.

"Hindi ako matapang uminom ng mainit na kape. Sanay na akong hayaan na hindi mahawakan ang tasa ko dahil mainit pa ang kape ko. Isa pa madalas naman akong busy kaya minsan lumalamig na lang din ang mga itinimpla ko," Janet politely disclosed.

"Well, para sa akin, hindi masarap ang kape kung malamig na."

"Pero, kanya-kanya naman tayo ng preferences," katwiran ni Janet.

"You really prefered working without a good coffee? Para sa'kin hindi ko ko mapapatawad ang sarili ko kapag napalamig ko ang kape ko," pag-amin pa ni Conrad habang nakatuon na ang mga mata kay Janet.

"Also, I feel like I'm just like coffee. Some people out there love to have me and their day isn't complete without me," biro ng binata.

"Si Ms. Sandra lang naman yata ang gustong-gusto kang kasama. Mukha kayong close, e."

"What do you think of us?" Namilog ang mga mata ni Conrad habang nagtatanong. He was hopeful na sa pagkakataong ito, malaman man lang niya ang impression ni Janet. May bahagi ng puso niya na nag-a-assume na awkward para kay Janet ang mga nakita nito. She probably gave a meaning to that scene. Kanina, umaarte si Sandra na parang inaayos nito ang kanyang necktie at naabutan pa iyon ni Janet.

"Hindi ka kape. Hindi naman yata lahat ng tao, gusto kang i-consume. Baka plain water ka lang, kailangan ka ng lahat at hindi sila mabubuhay kung wala ka. I mean, hindi kayang mag-function ng company kung wala ka rito." Napilitang magpinta ni Janet ng ngiti sa kanyang labi.

"Siguro nga, plain water lang ako. Anyway, try mo na kayang inumin ang kape mo habang mainit pa?" Conrad raised his eyebrows and then proceeded to drink the remaining coffee in his cup.

Pilit na napatango si Janet. Ginawa niya ang suggestion ni Conrad. Napâso lang ang kanyang dila at lalamunan ngunit madali naman palang ma-overcome iyon. "Anyway, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Sa tingin mo, ano ba kami ni Sandra?"

Lalong nasamid sa pag-inom ng kape si Janet.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top