2 - Conrad
Five years ago...
"Mami-miss ko kayo. Salamat."
Walang humpay ang pagluha ni Cassie dahil napipinto na ang kanyang flight. Nakayakap pa rin sa kanya ang mga kaibigan niyang sina Nika at Janet.
"Live your best life there, magkasama naman kayo ng mapapangasawa mo at alam kong mas maraming oportunidad na nakalaan para sa inyo doon sa Belgium kaysa rito sa Pilipinas," pagpapalakas-loob na tugon ni Nika sa kaibigan at dati niyang katrabaho.
"Totoo, mas maunlad ang bansang pupuntahan mo at hindi ka na malalayo sa mapapangasawa mo," nakangiting segunda pa ni Janet.
"Bye... For now. Sana makahanap ka na rin ng mapapangasawa, Janet. At ikaw naman Nika, magpakasal na kayo ng boyfriend mo, huh?" Sa huling sandali ay yumakap ulit sina Nika at Janet kay Cassie bago ito mag-board sa eroplanong sasakyan nito.
After that bittersweet farewell, napag-isipan ni Janet na bumalik na sa trabaho, iba naman kasi ang rest day niya sa rest day ni Nika.
"Ano, kumusta nga pala sa nalipatan mong department? Okay ba ang mga boss doon?" nag-aalalang tanong pa ni Nika habang papalabas na sila sa airport ni Janet
Buntong-hininga ang una nitong response at madali namang nahinuha ni Nika na hindi nga maganda ang pakiramdam ni Janet sa bago nitong environment.
"Is it true? Na binu-bully ka nila kasi nalaman nilang sinagot-sagot mo yung superior mo na ina-under ka?"
Tipid ang ngiti ni Janet. "Nagalit lang siya sa'kin dahil tinanggihan ko siya na gawin ang report na pinagagawa sa'min ng boss."
"Sabihin mo lang kung inaapi ka huh? Isusumbong ko talaga 'yan kay Ma'am Glory!" eager na pahayag ni Nika.
Ngumiti ulit si Janet. Inayos niya muna ang suit bago ipagbukas si Nika sa car door ng taxi na nakaabang dito.
"Ingat," she uttered as she finally waved goodbye.
Wala siyang kahit anong motivation na pumasok sa New Way, panibagong pag-iinitan na naman siya ng kanyang boss na matandang lalaki. May pagka-OCD ito kaya laging pinauulit ss kanya ang reports na pinapasa niya sa desk nito. Naulit at naulit na lang ang pagpapahirap nito hangga't sa namanhid na lamang siya.
Hangga't sa nagbunga rin ang pagpapaalipin ni Janet sa kanyang trabaho, na-promote din siya bilang manager after two years. Mas lalo siyang nagpursigi dahil mas malaki na ang kanyang sinasahod na inilalaan niya para sa future ni Rayden. Si Rayden ang naging inspirasyon ni Janet para magsumikap nang husto.
***
Present day...
"Please accept my apologies for a little late arrival. Umuulan na sa labas at katatapos ko lang makipagkita sa isang kliyente sa malapit na cafeteria," mabilis na paghingi ng paumanhin ni Jhon kay Conrad.
Ngumisi lang si Conrad. "Huwag kang mag-alala, Jhon; alam ko kung gaano kahirap ang trabaho mo."
Sumimsim muna siya ng kape habang isa-isang binabasa ang resume ng mga kwalipikadong manager para sa higher position ng New Way. Isa sa mga pinalad na empleyado ay ang babaeng nagngangalang Janet Castro.
Isinantabi niya ang resume na nakatambak sa desk at kay Janet lamang ang tinira niya upang basahin.
"She's working in our company for more than ten years? Now she's 35 years old. Ibig sabihin, 24 pa lang siya noong nagsimula siya at palipat-lipat siya ng department." Walang kamalay-malay si Conrad na isinasatinig na pala niya ang remarks niya patungkol kay Janet.
"Sir Conrad..."
Bumalik sa katinuan si Conrad matapos ang pagbanggit ni Jhon sa pangalan niya.
"Apologies, Jhon," pormal na sabi niya sabay shake hands kay Jhon.
"Tungkol saan nga ulit yung meeting natin?"
"Merging ng projects sir. Sa New Way at Idealistic Press," sagot naman ni Jhon at sumulyap sa hawak na papel ni Conrad. Awtomatikong napangiti ito.
"Magaling na empleyado si Ms. Janet. Tinawag siyang "Righteous Janet" dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa ikabubuti ng kompanya. Dati, inuutos-utusan lang siya ng nga kasamahan niya sa dati niyang department pero ngayon, isa na siya sa mga boss. Kaya sa tingin ko, deserving siya sa internship sa office ninyo, sir," paliwanag naman ni Jhon.
"Kung manager siya sa financing dept., Ibig sabihin ba nito, kahit minsan hindi siya tumatanggap ng suhol?" curious na tanong ni Conrad. Ibinalik niya ang tingin sa naka-attach na picture ni Janet sa resume nito.
How could he ever forget this woman? Si Janet ang una niyang naging customer noong nag-sideline siya sa night club bilang escort. At alam niya na brokenhearted ito noon at may naikwento pang conflict about sa kanyang pamilya habang magkainuman sila sa isang table.
"Hindi talaga, sir. Halos lahat tumitiklop sa pagiging mabusisi ni Ms. Janet. Sabi niya, ginagawa niya 'yon para pamarisan siya ng anak niya," natutuwang sagot ni Jhon.
"Anak? May anak na siya?" Nagtaas ng kilay si Conrad. Bahagyang panghihinayang ang naramdaman niya sa sandaling iyon. Ibig sabihin lang, taken na si Janet, ang babaeng hinanap niya matapos ang gabing may namagitan sa kanilang dalawa.
"Pero walang asawa. Sa pagkakaalam ko, bago lang si Ms. Janet sa New Way noong mabuntis siya. I think mga 2007 something. Tapos nag-resign siya dahil maselan daw ang pagbubuntis niya pero nagre-apply siya agad two months lang after niya manganak sa isang batang lalaki. Inaanak ko 'yon, si Rayden."
Biglang bumilis ang tahip sa puso ni Conrad. Early 2007 niya na-meet si Janet sa night club at may nangyari na sa kanila. Inamin din sa kanya ni Janet na siya ang una nitong nakasiping. Bigla siyang nagkaroon ng intuition na baka siya ang tatay ng anak ni Janet.
'Matagal kitang hinanap, at ngayong may mag-uugnay na sa ating dalawa—hindi na ako dapat mag-aksaya pa ng panahon.'
"Sir Conrad? Natahimik po kayo. May problema po ba?" untag ni Jhon.
Biglang napailing si Conrad. "I will consider Janet as my intern. Pero, pag-usapan muna natin ang main agenda sa meeting na ito."
"Mabuti pa nga, sir." Tumango-tango si Jhon at isinawalang-bahala ang napansin niyang kakaiba sa mood ni Conrad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top