19 - Sandra
Napapitlag si Conrad nang makatanggap ng message mula kay Sandra.
"Hey, my dad couldn't reach you. Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka man lang magpa-contact dyan? Nagpaplano ka na ba talaga na umalis sa company namin?"
Bumuntong-hininga siya at napilitang mag-reply.
"Kailan ka pa dumating dito?"
Wala pang isang minuto, may reply na agad si Sandra, "Kanina lang. Feeling ko kasi may pinagkaabalahan ka, e. Hindi ka na raw pumasok sa office."
"May ginawa akong business related sa labas. Ako na lang mismo ang nag-background check ng isang employee."
"Okay. Sige, sleep ka na, dear." — Sandra.
Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Conrad nang mabasa ang endearment na ayaw na ayaw niya sa lahat.
"Stop calling me that. Wala tayong ugnayan sa isa't isa."
"Aw. Come on, bilis mo namang magka-amnesia. Dahil lang ba nahanap mo na ang babaeng 'yon? Mayaman din ba siya para pwede ka nang kumalas sa amin?"
Hindi na nag-reply si Conrad at sa halip, binato niya ang cellphone sa gilid ng kama ngunit saglit din siyang napapitlag dahil may naalala siyang bagay na dapat niyang isilid nang mabuti. Kanina lamang, natagumpayan niyang kumuha ng hibla ng buhok ni Rayden habang magkasama silang dalawa. Bukas na bukas din, ipapasa na niya sa clinic ang hibla ng buhok para ipa-DNA Test. Kung matanggap niya kaagad ang resulta sa mas madaling panahon, saka lang siya mapapanatag at matitigil sa kaka-over think kung anak ba niya talaga si Rayden.
Pinilit niyang ipikit ang mga mata ngunit naiisip pa rin niya si Janet. She was indeed attractive in his eyes. May kakaibang dagundong sa puso niya tuwing nagtatama ang kanilang paningin.
***
Kinabukasan...
Ngayon lang ulit mali-late sa trabaho si Janet. Hinatid niya muna si Rayden sa school nito at kinausap muna ang adviser na si Mrs. Arbie. Ayaw man niyang isipin, ngunit hindi mawaglit sa kanya ang posibilidad na baka nasasaktan na si Rayden sa eskwelahan ngunit hindi lang pinapaalam sa kanya ng sinumang guro. Pero bakit naman nila gagawin 'yon?
"Rayden is a humble and most behaved student in our class. Pero sa kabila ng pagiging tahimik niya, nakikipag-cooperate siya sa mga kaklase niya. I don't think na may mambu-bully pa sa anak ninyo, Everyone is his friends here," sabi ni Mrs. Arbie para pabulaanan ang assumption ni Janet. "Kahit bantayan pa ninyo ang anak ninyo, eh. Baka naman sa kalikutan niya nakuha ang mga galos niya. Baka nga careless lang siya. Sinabi n'yo rin na nagalusan siya dahil nagmamadali kayo kahapon."
"Hindi naman gano'n kalampa ang anak ko, madam." There's an obvious sarcasm and agony in her voice. Ayaw niya pa naman sa lahat ay 'yong iniinsulto ang sinumang bata o i-describe ang mga ito nang hindi kaaya-aya.
"Mrs. Castro, nagsasabi lang naman ako ng totoong naoobserbahan ko kay Rayden. Siguro dahil tahimik siya at hindi gano'n ka-athletic 'di tulad ng iba niyang classmates kaya siya nagkaganyan," depensa naman ni Mrs. Arbie.
"Nagtuturo lang ba kayo at hindi iniisip ang nararamdaman ng mag-aaral? Anong klaseng method ang ginagawa ninyo?" She tried to act calm but she couldn't take it anymore. There's something that she should know, pero mukhang ayaw ipaalam ng adviser ni Rayden.
"Hindi lang kayo dapat nagtuturo. Kinikilala n'yo rin sana ang bawat estudyante ninyo," pagpapatuloy niya.
"Ay? Kasalanan ko na ba kung ganyan ang attitude na nakikita ko kay Rayden? Na-offend ba kita Mrs. Castro?"
"Hindi ganyan ang anak ko. Gusto ko lang na matiyak kung talagang nababantayan ninyo ang bawat estudyante ninyo o kung napapanatili ninyo ang safety—"
"Mrs. Castro—"
"It should be—'Ms. Castro.' Wala po akong asawa." Naging seryoso ang timbre ng kanyang pananalita.
"Sorry huh? Napakaraming bata na nag-aaral sa school na ito at hindi ko na sila maisa-isang i-check. Kayo na magulang ang dapat laging tumingin sa anak ninyo. At baka kaya ganyan siya katahimik dahil wala siyang tatay," giit ni Mrs. Arbie na ikinapantig ng tainga ni Janet.
"Do you really think na lahat ng buong pamilya ay masaya?" She was provoked at this time.
"Of course. Hindi magiging masaya ang bata kung kulang ang magulang niya," walang hesitation na sagot ng guro. Lalong uminit ang pisngi ni Janet. Kulang na lang ay sabunutan niya si Mrs. Arbie. Ngunit para hindi siya malagay sa kahihiyan pati si Rayden, mas nangibabaw pa rin ang pagiging kalmado niya.
"Hindi naman lahat ay kapareho ninyong mag-isip," ganti ni Janet at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Maraming salamat pa rin dahil sa pagsisikap ninyo na turuan si Rayden pati na rin ang iba niyang classmates. May pasok pa po ako sa trabaho. Pasensiya na."
"Okay. Ms. Castro. Hindi ako nagto-tolerate ng bully student. Wala pang kaso ng bullying sa school na ito," pakli naman ni Mrs. Arbie.
Matapos makapagpaalam kay Rayden, nagmadali nang mag-commute si janet papunta sa New Way. Sayang ang incentive ngayong buwan kung mali-late siya. Kahit nagmadali siya, nabigo pa rin siyang makapasok on time. Hindi pa man din siya nakakaupo sa desk, humahangos na agad si Jhon na lumapit sa kanya.
"Janet, hindi mo pa ba alam?" Bakas ang pangamba sa tinig ni Jhon. Sapat na iyon para mabahala rin si Janet.
"Ang alin? May mali ba akong nagawa? Nai-turn over ko naman na ang lahat bago ako mag-leave," kinakabahang sambit ni Janet. Clueless siya sa nais iparating ng kanyang katrabaho.
"Nandito na si Ms. Sandra," tugon ni Jhon.
"So? Sino ba 'yon? May kinalaman ba siya sa department natin?" She was dumbfounded at this moment.
"Huh? Hindi mo kilala si ms. Sandra? Anak siya ni Mr. Lamberto, yung dati mong boss! Pinapatawag ka niya sa office ni Sir Conrad. Nando'n siya ngayon," paliwanag ni Jhon. Mariin tuloy ang pagkakahawak ni Janet sa ballpen niya at wala sa wisyong napatango na lang.
"Okay, pupunta na ako do'n," kibit-balikat niyang sagot.
Hindi nagpatinag sa tensyon si Janet. Kampante siya na wala siyang nagawang mali at hindi siya dapat mabahala kung pagagalitan siya ni Sandra. Sa totoo lang, wala rin siyang idea kung anong magiging role nito sa kompanya dahil aware naman siya na si Conrad lang ang acting co-founder o CEO sa ngayon ng New Way at wala nang iba.
Pagkapihit pa lamang niya sa pinto ay bumungad kaagad ang tagpong nagpagimbal sa kanyang damdamin nang hindi inaasahan. Nakapulupot ang mga braso ni Sandra kay Conrad habang magkalapit ang kanilang mga mukha. Mukhang naantala niya ang intimate moment ng mga ito. She had not expected to feel as though a sharp dagger were piercing her heart as she saw them standing there.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top