17 - Coffee

Inabot ng 5pm bago makauwi sina Janet at Rayden. Lihim na ipinagpapasalamat ni Janet ang pagtulong sa kanya ni Conrad na ihatid sila hanggang sa bahay. Namataan pa nila si Aling Cita na naglilinis sa maliit nilang living room.

"Maaga ang pagdating mo Janet. Akala ko gagabihin kayo ni Rayden. Teka may bisita ka-"

"Si Sir Conrad po, boss ko." Si Janet na ang pumutol sa pagsasalita ng ginang. Napansin din niya na parang sinisiyasat nang husto ni Aling Cita si Conrad sa pamamagitan ng tingin.

"Ah. First time mo magdala ng boss dito. Dati sina Cassie at Nica lang ang kasama mo," nakangiting komento ni Aling Cita.

"Tuloy ka, Sir Conrad," pagpapatuloy niya.

Nakangiting pinaunlakan ni Conrad ang paanyaya ng ginang na sa sapantaha niya ay kamag-anak ni Janet.

Habang si Rayden, tumakbo agad palapit kay Aling Cita. "Lola, dito na po ako."

"Kayo po pala ang lola niya," sabad ni Conrad na hindi pa rin naaalis ang ngiti.

"Lola lang ang tawag niya sa'kin."

Napatango lang si Conrad at bahagyang sinulyapan si Janet.

"Anyway, baka may lakad ka pa, Sir. Salamat sa pagsabay sa amin," sambit ni Janet habang pinepeke ang ngiti.

"Papaalisin mo na siya? Huwag muna. Maluluto na ang hapunan," pagsingit ni Aling Cita.

Lumiwanag ang mukha ni Rayden at muling nagpakita ng paglalambing kay Aling Cita. "Paborito ko po ba ang ulam?"

"Oo. Sinigang na baboy."

"Okay lang ba sa'yo na dito ka na lang maghapunan? Pero kung may importanteng appointment ka pa, pwede ka namang bumalik na," nahihiyang tanong ni Janet. "Ito lang ang aming paraan ng pasasalamat sa pagsama sa'min kanina sa ospital."

"Sinong na-ospital?" takang tanong ni Aling Cita. Itinaas naman ni Rayden ang braso niya na may benda.

"Anong nangyari dyan?"

"Nadapa po ako, may humabol po kay mama. Mga stranger po na masama raw. Tumakbo kami tapos ayun po, nadulas ako dahil na rin sa ulan," tugon ni Rayden saka bumaling ng tingin kay Conrad. "Buti na lang po nandyan si tito, hinatid ako sa ospital kasama si mama."

"Tito? Ano kamo?" Kumunot ang noo ni Aling Cita. Wala siyang ibang pwedeng i-assume na tatawaging 'tito' ni Rayden maliban kay Conrad na pinakilala ni Janet bilang isang boss.

"Tito Conrad." Proud si Rayden na sabihin iyon.

"Walang problema sa'kin na tawagin niya akong tito," paglilinaw naman ni Conrad.

"Pagpasensiyahan mo na lang, sir. Kahit mga tatay kasi ng kaibigan niya, tinatawag niya rin na tito," sabi pa ni Janet.



***



Natapos na ang paghahapunan at pinatulog muna ni Aling Cita si Rayden sa silid nito. Hahayaan niyang makapag-usap sina Janet at Conrad ngunit ipinagtimpla niya muna ng kape ang panauhin.

"Eto na ang kape ninyo. Enjoy."

Marahang inilapag ni Aling Cita ang kape sa mesa.

Agad naman itong tinikman ni Conrad.

"Medyo matamis pero mas nangibabaw pa rin ang tapang nitong kape," komento niya habang nakangiti.

"Hindi mo ba gusto ang lasa nito?" Curious na tanong ni Aling Cita.

"Ayos lang 'ho. Nagustuhan ko po," sagot ni Conrad. He scratched his head a bit, as he was assuming that Aling Cita thought that he was being sarcastic.

"Ah. Akala ko ayaw mo. Sige, babalikan ko muna si Rayden sa kwarto," sabi ni Aling Cita at madaling naglaho sa harap ng dalawa.

Namagitan ang katahimikan kina Janet at Conrad. Mabuti na lang, nagkaroon pa ng courage si Janet upang magsalita.

"So this is how you background check an employee? Kahit pati solemn and private pa 'yong sitwasyon, magpapakita ka out of nowhere?" Biglang tanong ni Janet. Bahagya tuloy na naibuga ni Conrad ang sinisimsim na kape. Parang napâso pa ang kanyang dila.

"That wasn't intentional, Ms. Janet," paunang paglilinaw ni Conrad saka humugot ng malalim na buntong-hininga.

"Pero binigay ko na ang number ko. Kaya dapat tinawagan mo na lang muna sana ako, sir." Umiwas ng tingin si Janet. Hindi niya alam kung ano ang umiinit sa bahagi ng katawan niya tuwing nagsasalubong ang mga mata nila ni Conrad. Hindi niya matukoy mainit ang ulo niya o mainit lang ang pisngi niya dahil sa kakaibang thrill na iyon-na dapat sana'y ipagsawalang-bahala na lang pero biglang bumagabag sa kanyang sistema.

"Hindi kita ma-reach. But that's fine. Anyway, pakisabi kay Aling Cita na salamat sa kape," pakli ni Conrad. Mauubusan na siya ng alibi dahil sadyang mausisa si Janet at hindi kuntento sa kanyang sagot. Kaya walang duda ang effectiveness ni Janet sa pagiging financial manager dahil parang nang-uusisa rin ito gaya ng tipikal na proseso sa pananalapi ng kompanya.

"Ano bang urgent matter na dapat sana'y sasabihin mo?"

"Well, nabalitaan kasi ni Sir Lamberto ang pagbisita natin sa mga on call workers sa ospital," hesitant na pagbubunyag ni Conrad.

"Masama na bang dumalaw sa mga taong nagpapagaling dahil sa fault ng kompanya? Hindi na dapat isyu 'yon sa kanya kung may natitira pa siyang faith in humanity sa katawan niya." Hindi tuloy napigilan ni Janet na tumayo sa kinauupuan at uminom ng isang basong tubig.

"He said that it was like admitting that we are in fault for the accident," sagot ni Conrad. Sa wakas, nagawa niyang ubusin ang kape kahit ikapâso ng kanyang dila. Nai-intimidate din siya sa paraan ng pagsagot sa kanya ni Janet. He should've never felt this way, lalo na't siya naman ang boss. Something's not right.

"Pakisabi na lang sa kanya na tatay ng kaibigan ng anak ko ang isa sa mga naaksidente."

"But he won't accept that-"

"E, kung gano'n, wala siyang pinagkaiba sa demonyo. Dahil ang mga demonyo, walang mata at pandinig. Wala itong pakialam kung sino ang sinaktan nila. Wala itong naririnig kaya kahit itanong ng biktima kung bakit siya ang napiling biktimahin, wala siyang makukuhang sagot."

He was dumbfounded with Janet's answer. "You know what, I thought that's not your own quote. Right?"

"Pero na-amaze ka. Halata," kampanteng tugon ni Janet. "Sabi lang ni father."

"You're a believer?"

"Hindi ko masasabi. Madali akong maniwala sa lahat, exception na lang doon ang tatay ni Rayden at ang parents ko."

"Sorry to hear that." Naging apologetic si Conrad sa ipinakita niyang reaksyon. Sa kabilang banda, parang kinabahan na naman siya sa sinabi ni Janet. Baka pinapahapyawan siya nito.

"Hayaan mo na. May mas nakakaawa pa sa'kin, so hindi ka pa dapat maawa sa lagay kong 'to. Tingnan mo naman, kahit single mom ako, nagawa kong bigyan ng disenteng tirahan si Rayden at napag-aaral ko pa siya. Fruit of hard work ko lahat ng mayro'n ako dahil sa pagtitiis ko sa mga sociopath sa New Way. Aalis din ako, siguro kapag nakapag-save lang ako ng pera para sa college ni Rayden," pagsisiwalat ni Janet.

"Hindi naman ako naaawa, totally. Dahil alam ko ang kapasidad na mayro'n ka. It amazes me, sana magtuloy-tuloy pa."

"Sana hindi ka sarcastic."

"Hindi naman talaga." Conrad suddenly flashed a smirk on his lips. "This is not the right time to talk about work. Bukas na lang. Goodnight."

"Pasensya na sa abala," sambit ni Janet.

"Hindi ka naman naging abâla kahit abalâ ka kanina. Ako pa nga ang nakasira sa araw ninyong dalawa ni Rayden," tugon naman ni Conrad.

"Salamat pa rin, sir. Kung wala ka kanina, baka hindi ko na natakasan ang mga 'yon. Hayaan mo, babawi ako sa ibang paraan. O kaya babayaran ko ang nagastos mo sa diesel para maihatid kami," sincere na mungkahi ni Janet.

"Ako ang masusunod kung paano ka babawi. At bukas mo na malalaman 'yon. Okay?" For the nth time, nagpakita na naman ng kakaibang ngiti si Conrad na napakapamilyar kay Janet. Gano'n na gano'n ang ngiting ipinakita nito sa una nilang gabi na pareho nilang pinipilit na burahin sa kanilang mga alaala as if hindi iyon nag-exist.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top