16 - Familiar Doctor

Nakahinga nang maluwag si Janet nang may mag-assist na sa kanilang doktor para ipatingin ang sugat ni Rayden. Habang si Conrad naman, nakatanga pa rin at hindi alam kung paano pagagaanin ang loob ni Janet sa tagpong iyon.

"Ma'am, the attending physician wants a minute with you," seryosong pagkakasabi ng nurse kay Janet. Mabilis na tumayo si Janet sa kinauupuan at binalingan si Conrad. "Sir, excuse me for a while."

Pagtango ang sagot ni Conrad na naging hudyat kay Janet para umalis at sumunod sa nurse na tumawag dito.

Laking gulat naman ni Janet nang mamukhaan niya ang doktor na kasalukuyang gumagamot kay Rayden. Napangiti ito sa kanya na parang may nais ipahiwatig. Malas yata ang araw na ito para sa kanya. Hindi ito nahulaan ni Dorothy. Lahat ng taong iniiwasan niya ay nakita niya ngayong araw! Hindi exception si Conrad dahil kung maaari lang sana, hindi na siya pumasok sa trabaho basta huwag lang itong makatagpo.

"Are you really his mother?"

Madaling naasar si Janet sa tanong ng ex boyfriend ng kanyang Ate Janice na ngayo'y successful na doktor na si Julius. Sinumpa niya ang lalaking ito hanggang kamatayan niya. Noong pumanaw ang Ate Janice niya, wala man lang siyang natanggap na pakikiramay mula rito. Siguro matagal na itong namatay kung nakamamatay lang ang pag-iisip ng masamang bagay sa isang tao. At ang pinakamatinding dahilan kung bakit ayaw niyang makita si Julius ay dahil ito rin ang lalaking nakabuntis sa kanyang ate. Si Julius ang tatay ni Rayden at noon pa man, sinikap niyang burahin ang traces nito sa buhay nila. Napakamapagbiro nga naman ng tadhana.

"Doc, why can't you just tell me what happened to my son? Pwede bang maging blunt ka na lang regarding his condition?" Naitago pa rin ni Janet ang kanyang pagkaasar sa mga sandaling iyon.

Julius or Doctor Julius made a hissing sound before responding to Janet's question. "You're a total opposite to your sister. Masyado kang palaban kahit wala ka namang napapatunayan."

"Kaysa naman sa'yo na kailangang manakit ng ibang tao para lang may mapatunayan sa buhay. Matagal na 'yon pero hindi ko nakakalimutan ang ginawa mo sa ate ko. Sa isip ko, pinapatay na kita nang paulit-ulit," tiim-bagang tugon ni Janet kasabay ng pagkuyom ng kanyang palad.

"Hindi ako martyr gaya ng ate ko. Lalaban ako hangga't kaya ko, kahit wala akong koneksyon at kayamanan," pagpapatuloy niya.

"Nasa ibang bansa ako nang mamatay siya. Alam mo naman 'yon—"

"Wala akong pakialam kahit lumipat ka ng ibang planeta. You abandoned her and you hid your status. Ginalaw mo siya habang may asawa ka na pala. Kadiri ka. Gusto ko sanang sirain ang reputasyon mo pero hindi ko na lang gagawin dahil mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang anak ko," nanggagalaiting sagot ni Janet at nagpakawala ng buntong-hininga. Gusto niyang maging propesyonal pa rin ngunit madaling mag-init ang dugo niya kay Julius. Hanggang ngayon, pinakademonyo sa lahat ng demonyo ang tingin niya rito.

Napailing si Julius at saka dumilim ang kanyang mukha. Inabot pa ng mahigit isang minuto bago niya sagutin si Janet.

"Hinanap ko naman siya. Hinanap din kita after kong maka-graduate. Nalaman ko na lang sa batch mates namin ang nangyari. At sinabi rin nila na may anak siya. Janet, alam mo ba kung anong nangyari sa anak—"

"Wala kang anak. Maaaring gumagawa lang ng kwento ang mga batchmate ninyo," pagputol ni Janet sa mga inilabi ni Julius.

"Janice told me that she's pregnant. Dahil nabigla ako, hindi agad na-process ng utak ko ang lahat. Pero papanagutan ko naman siya," paliwanag ni Julius.

"Nakakaloka! Paano mo pananagutan ang ate ko? Itatago mo lang siya habang buhay? Gagawin mo lang siyang kabit? Hibang ka na. Bakit pa naging matagumpay ang tulad mong manggagamit? Napaka-unfair talaga ng mundo," giit naman ni Janet. "Pwede bang sabihin mo na lang kung ano pang naobserbahan mo sa anak ko? Kung hindi mo naman siya magagamot, lilipat na lang kami ng ibang ospital."

"Kanina habang ine-exam-in ko si Rayden, may mga kakaibang pasâ siya sa tiyan at sa hita. Alam mo ba 'yon? Iba pa 'yon sa nakuha niyang galos na ginamot ko na," seryosong sagot naman ni Julius.

Nagitla si Janet. Matagal na niyang hindi inaalalayan si Rayden sa pagligo, simula nang tumungtong ito sa pitong taong gulang dahil kaya naman nitong paliguan ang sarili. At isa pa, ayaw din ni Rayden na parang bini-baby pa siya. Hindi rin naman nakakapagpaligo kay Rayden si Aling Cita kaya hindi rin nito mapapansin ang kakaibang galos sa katawan ng bata.

"See? Hindi mo alam. Kaya nga tinatanong kita kung ikaw ba talaga ang nanay ng bata. Baka naman pinagbubuhatan mo siya ng kamay," he accused Janet of something that she will never do. Although Janet doesn't want to have a child on her own, hindi niya ma-imagine ang sarili na mananakit ng inosente at walang kalaban-laban na bata.

"Hindi mo ako kilala, doc. Huwag mo akong husgahan nang ganyan. Ipatitingin ko na lang sa iba ang anak ko. ich-check ko rin ang katawan niya pag-uwi namin sa bahay," angil ni Janet. Halos maduwal siya sa pagsabi ng 'doc' sa taong kinaiinisan niya ngayon.

"Okay. Pwede namang iuwi ang bata. Pero I highly suggest na ipa-X-Ray mo siya. Para makasiguro ka na hindi naman malala ang bruises na nakita ko," kalmadong tugon ni Julius.

"Pwede mo siyang ibalik dito at ako pa rin ang susuri sa kanya." Sinulat lang niya ang mga gamot na irereseta para kay Rayden at iniabot ang kapirasong papel kay Janet.

"Salamat, doc." Umasim ang kanyang mukha at kapansin-pansin pa rin ito kay Julius.

"Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko kung nandidiri kang tawagin akong doktor."

"Oo nandidiri talaga ako, Julius demonyo." Tumayo kaagad si Janet pagkakuha ng reseta.

Nailabas naman ni Janet si Rayden sa ospital. Agad niyang napansin ang sudden closeness nina Rayden at Conrad. Para silang mag-ama. Sana nga anak na lang talaga niya si Rayden at sana nagbunga na lang ang one night stand nila noon. Napapitlag siya sa biglang naisip.

'Bakit ko nga ba naisip 'yon?' Bahagya niyang natampal ang kanyang pisngi at nagbalik siya sa wisyo nang ibaba ni Conrad si Rayden.

"Rayden, kailangan na nating umuwi. Hindi maganda ang panahon para mamasyal," mungkahi ni Conrad. Ipinagbukas pa niya ng car door ang bata.

"Kaya na naming mag-book ng taxi, sir," Janet insisted.

"Hindi ako mapapanatag hangga't di kayo nakakauwi nang ligtas. Please? Allow me to bring you to your house," pakiusap ni Conrad. Para makuha ang mabilis na pagpayag mula kay Janet, pinakatitigan niya si Rayden para bigyan ito ng hudyat na pilitin si Janet sa gusto niyang mangyari.

"Mama, please. Payagan na natin si tito," pagmamakaawa naman ni Rayden at niyakap si Janet.

Pinandilatan ni Janet si Rayden. She found it weird, bakit ang bilis makuha ni Conrad ang loob ng kanyang pamangkin?

"Anak, hindi mo tito 'yan. Hindi mo siya kadugo. Boss ko siya —I mean, amo ko sa trabaho. Siya ang nagpapasahod sa akin," paglilinaw ni Janet.

"Pero sabi po niya, pwede naman daw po siyang tawagin sa kahit anong gusto kong itawag sa kanya maliban sa 'sir'. Pwede raw kuya, tito at kahit papa. Kung kuya ang itatawag ko, parang hindi bagay dahil po matanda na siya. Kung papa naman, hindi rin pwede dahil hindi ko siya papa. Kaya tito na lang," paliwanag ni Rayden na nagpaluha kay Janet. She did well in raising her nephew like she's a biological parent of him. Masyadong pure ang puso ni Rayden at hindi nito deserve na masaktan sa mga katotohanang ibinaon na niya sa limot.

Naantig din ang damdamin ni Conrad. Nararamdaman niya ang matinding pangungulila ni Rayden sa isang ama kaya batid niya ang rason kung bakit madali niyang nakuha ang loob nito. Kanina pa naging clingy sa kanya si Rayden. Naisip din niya na baka nakaramdam ng lukso ng dugo ang bata. Pero ewan ba niya, hindi niya makumbinsi pa ang sarili na anak niya talaga si Rayden. He just found this child as the most sincere and loving kid. He admired him as a kid, but not his own son. Kanina lang niya napagtanto ang bagay na iyon pero sa kabilang banda, maaaring distant pa siya dahil ngayon lang naman sila nagkasama. Kailangan pa rin niyang timbangin ang lahat. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top