12 - Another Apology

Tumagal ang office meeting sa loob ng dalawang oras. Mas maraming napag-usapang mahahalagang puntos patungkol sa advertising plan ng New Way.

"Hindi ako magrereklamo dahil ang larangan ng advertising ay hindi ko naman expertise. Pero natutunan ko na rin na makipag-negotiate anything about this sa Thailand. Salamat sa ideya, Ms. Golda. Sa palagay ko ay magagamit ko ito sa hinaharap." Nginitian ni Conrad si Ms. Golda pagkatapos ng successful nitong presentation. He had to put his trust on her since Ms. Golda used to work in their advertising department before she was assigned to auditing.

"You're welcome," magalang na sagot ni Ms. Golda.

"So, kung wala nang ibang suggestions, let's conclude this meeting," sambit ni Conrad. Napasulyap na naman siya kay Janet at hanggang ngayon, hindi pa rin ito ngumingiti at bakas sa mukha nito ang matinding pagkabagot.

Nang matapos ang meeting, tumingin si Conrad sa kanyang relo at nakitang 5 pm na, ibig sabihin ay tapos na ang kanilang trabaho. This is such a tiring day of speaking for several hours and what added to his overwhelming feeling is Janet's presence. Pasakay na sana ng elevator si Conrad pababa sa ground floor nang humabol si Janet na halatang nagmamadali.

"I'm sorry for being mean earlier. May personal lang akong problema, sir. Hindi na mauulit," pormal at mabilis na paghingi ni Janet ng paumanhin.

Hindi man lang lumingon si Conrad. Pineke nito ang pag-ubo saka muling nagsalita. "You should really feel sorry if you're really sorry, Ms. Janet. Anyway, you had a point earlier. I applaud you for that. And also, I'm not a sociopath boss to resent what you did. You're really the righteous one."

"Sana hindi ka sarcastic. Gusto ko lang sanang malaman kung saan naka-confine ang mga contractual worker ng nag-collapse na establishment?" Napagtagumpayan ni Janet na i-divert ang usapan.

"Perhaps, are you planning to go there? Doon din ako pupunta," sambit ni Conrad. Eksaktong nagbukas na ang elevator matapos ang kanyang pagsasalita. Inunahan siya ni Janet sa paglabas.

"Oo sana. Isa sa mga worker ay tatay ng kaibigang matalik ng anak ko," mabilis na tugon ni Janet at nilingon si Conrad na nahuhuli sa paglalakad.

"Wait for me. Sabay na tayong magpunta doon," alok ni Conrad.

"Hindi na kailangan. Sabihin mo lang kung saan ang ospital."

"Bakit naman ayaw mong sumabay?" naguguluhang tanong ni Conrad at pinahahalatang disappointed siya sa nakuha niyang sagot.

"Kaya ko namang mag-taxi o kaya Uber." Nauuna pa rin sa paglalakad si Janet. May hindi maipaliwanag na kaba sa puso niya lalo na't pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid. Maaaring subject na naman siya ng tsismis sa New Way dahil sa mga superior niya na madalas niyang salungatin.

"Okay, kung hindi mo ako mahihintay, umalis na tayo kaagad. Makakatipid ka sa fare since sasakay ka naman sa kotse ko. Pwede rin kitang ihatid pauwi."

"Naku, huwag na. Hindi na kailangan. Kukunin ko pa ang anak ko sa bahay ng nag-aalaga sa kanya. Ayokong maabala ka, sir. Ayokong maging burden sa inyo," matinding pagtanggi ni Janet saka bumuga ng hangin. Ayaw niyang mag-assume ng kahit ano ngunit nagiging signal ng namumuong pag-ibig para sa kanya ang kabutihan ni Conrad. He might really recognized her since the day they met again and maybe he's just afraid to open up about how they knew each other.

"Are you sure? Okay then. Hindi na kita pipilitin." Tipid na ngumiti si Conrad. "So, payag ka nang sabay tayo sa ospital?"

Marahang tumango si Janet. "Baka kasi pagalitan mo ako o hindi mo na tanggapin ang sorry ko kung tatanggihan kita."

***

Matapos dalawin ang contractual workers ng New Way na nagpapagaling sa ospital, oras na rin para maghiwalay ng landas sina Janet at Conrad.

"Thank you dahil pinaalam mo sa'kin kung saan ang ospital. Ikukwento ko na sa anak ko na maayos na ang lagay ng tatay ng kaibigan niya," nangingiting sabi ni Janet at may kaakibat na ningning sa mga mata niya nang tingnan si Conrad. Kinailangan pa niyang iangat ang mukha niya dahil mas matangkad ito sa kanya. Hindi niya mapantayan ang height nito kahit nakasuot na siya ng three inch heels.

"Are you sure that you really can go home on your own?" paninigurong tanong ni Conrad. He wanted to make sure that Janet can go home safe and if Janet will insist to be on her way alone, he will simply follow her secretly.

"Dapat nga ako ang magtanong sa'yo niyan, halos maligaw na tayo kanina kahit may waze ka. Feeling ko talaga hindi ka naman tagarito sa Pilipinas at baka talagang lahing Thai ka," sagot ni Janet. Lumitaw ang maliit na biloy sa isa niyang pisngi at napadako sa bahaging iyon ang tingin ni Conrad. Lalo siyang na-conscious sa sarili niya.

"Kailangan ko lang talagang i-familiarize ang sarili ko rito. Para akong estudyante na magma-masteral at kailangang mag-review," natutuwang turan ni Conrad.

"Let's not have any issues while working together, Ms. Janet. Madam Glory was rooting for you to consider the internship in my office and the last deal you made with a client had a good outcome, right?" pagpapatuloy niya.

"Biglang nagbago ang isip ko, Sir Conrad. Working in your office seemed to be a tough responsibility than being a finance manager. At alam n'yo naman na may anak ako," may bakas ng pagsisisi sa boses ni Janet at tumigil sa loob ng limang segundo.

"Masyado na akong binigyan ni Madam Glory ng pabor. She should just give the opportunity to someone else," dagdag niya at muling ngumiti.

"Well, hindi na talaga kita mapipilit. I guess I have to consider another employee," malungkot na sambit ni Conrad kahit wala sa hinagap niyang magkonsidera ng ibang empleyado maliban kay Janet. Noon pa man, gusto na niyang mapalapit dito kung hindi lang ito nawala at hindi na nagpakita. Ngayong nandito na ang pagkakataon, he should never waste it.

"Salamat sa pang-unawa." Mabilis na umiwas ng tingin si Janet. Hindi na niya kakayanin na titigan nang matagal si Conrad. Masyado nang nagsasaya ang puso niya sa sandaling ito. Ikinabibingi na niya ang malakas na tibok ng puso niya tuwing nagsasalubong ang kanilang mga tingin. Alam niya na pareho lang sila na may gustong ipabatid habang nagkakatinginan.

"Mauna na ako," sabi pa ni Janet nang makakita ng taxi sa hindi kalayuan.

"Sandali lang."

Dalawang kataga lang iyon ngunit parang nabulabog na naman ang kanyang puso dahil sa malamyos na tinig ni Conrad. His voice knocked her heart for the nth time.

"Bakit? May problema po ba?" Hindi ipinahalata ni Janet ang panginginig ng boses niya.

"I told you not to mention that honorific. Ayoko rin ng kinakabitan mo ng 'ninyo' ang mga sinasabi mo kapag kausap ako. I don't want to feel old," pagmamaktol ng gwapong binata.

"Sorry. Nawala sa isip ko. May nakalimutan ka pa bang sabihin? Isa pa, hindi naman natin maaalis sa kultura ang paggamit ng ganyang salita," apologetic na tanong ni Janet.

"Paki-save sa phone ko ang number mo. Kailangan kitang tawagan for work purposes dahil isa ka sa namamahala ng immediate department ng New Way." Kinuha ni Conrad mula sa bulsa ang kanyang cellphone at iniabot iyon kay Janet.

"Hindi ako nagbibigay ng personal number—"

"You gave your number to Madam Glory. Bakit sa'kin bawal?"

"Well, ayoko lang na naiistorbo kapag rest day ko."

"Ms. Janet, hindi ko ugaling manggambala ng empleyado lalo na sa tulad mong single mother," paglilinaw ni Conrad. Alam niya naman na halos lahat ng nasa New Way ay alam na ang personal number ni Janet.

"Okay." Nahihiyang kinuha ni Janet ang cellphone ni Conrad. Mabilis naman niyang na-save ang number.

"Nakalagay dyan, Janet Castro."

Dalawang beses na tumango si Conrad. "Mag-iingat ka sa pag-uwi. Salamat."

"Ikaw din po. I mean, ikaw din, Sir Conrad." Mabilis na tumakbo si Janet at pumara ng taxi.

Si Conrad naman, naghintay lang ng ilang segundo bago sundan ang sinakyang taxi ni Janet. Buo na ang desisyon niya na susundan niya ito para makita ang hinihinalang anak nilang dalawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top