11 - Past And Future

Abala sa pagbabasa ng email si Conrad bago pa man siya pumasok sa opisina. He could have just opened his email during working hours but since being an acting co-founder is a tough position, he had no choice but to read all of them while he's still heading his way to work.

Isang strange email ang pumukaw sa kanyang atensyon dahil wala itong subject. Sa pagkakataong iyon, bahagya siyang nakaramdam ng kaba. Pagbukas pa lang niya ng email thread ay may attached photos na at hindi maikakailang siya ang naroon.

These are several photos from where he's still working at the club somewhere in Taguig. Escort pa siya sa mga panahong iyon na kasalukuyang tinatapos ang kanyang degree; kasama niyang umiinom ang mga middle aged businesswoman at queer people at depende na lang sa usapan kung may magaganap bang aliw o wala. Napalunok siya habang tinitingnan ang bawat detalye ng litrato. It looks like he was photographed without his knowledge. Lahat ng anggulo ay maganda at klaro ang pagkakakuha. Nanginginig niyang minarkahan ng 'spam' ang email na iyon at hindi niya rin babalakin na mag-reply sa sender nito. Wala siyang kaalam-alam na napapansin na pala siya ni Mang Lito, ang driver na inutusan niyang magmaneho para sa kanya ngayong araw dahil kailangan niyang makipagkita sa isang importanteng kliyente sa labas.

"Ayos ka lang ba, Rad? Este, Conrad?" tanong ni Mang Lito habang nakatingin sa rear view ng sasakyan at patuloy sa pagmamaneho.

Napilitang tumango si Conrad. "Oo, ayos lang naman ako. Ganito lang ako dahil kinakabahan ako sa mga gagawin ko. Natatakot akong pagalitan ni Madam Glory o kaya ng kapatid niyang matanda at masungit."

"Nandito ka naman na sa Pilipinas, Conrad. Bakit hindi mo na lang ituloy ang balak mo na umalis na sa kompanya nila? Total naman eh bayad na bayad ka na lalo na sa ginawa sa'yo noon ni Sir Lamberto at ng anak niyang si Sandra," concerned na tanong ni Mang Lito. Since he's the only close friend of Conrad, alam na rin niya ang nakaraan nito at kung paano ito nahirapan sa Thailand habang nagti-training sa pagka-CEO nito.

But who could have sent that email? Bakit ngayon niya lang natanggap iyon?

"Do you think na matatakasan ko pa ang nakaraan ko?" malungkot na tanong ni Conrad.

"Hindi. Tandaan mo lang na ang mga santo, may kasaysayan ng pagiging makasalanan. At ang mga makasalanan, may hinaharap sa kanilang nakalaan. Iyan ang sinabi ng kaibigan kong pari noon. Kahit ako, may nakaraan din ako. Isa akong sugarol na muntik nang mamatay dahil dinaya ko ang kalaro ko noon. Pero, nabigyan ako ng pagkakataon na magbagong buhay. Gano'n ka rin. Huwag mong isipin na masisira ka dahil sa past na 'yan. Isipin mo na lang na nandito ka na, planuhin mo nang kumawala rito dahil 'yon naman ang gusto mo, 'di ba?"

Somehow, he became motivated with the elder man's advice. Pero nangingibabaw pa rin ang mga balakid niya sakaling kumalas siya sa New Way.

"Baka isipin nila na napaka-ungrateful ko dahil aalis na ako sa company nila. Natatakot akong masumbatan," katwiran ni Conrad.

Napabuga ng hangin si Mang Lito. "Bayad ka na sa dami ng ginawa nilang pagpapahirap sa'yo, Conrad. Tama na, kailangan mong lumaban."

"Sana nga, sana kaya kong lumaban." He bit his lower lip as he shifted his gaze back to the outside view of his car.

***

Matapos ang mahalagang meeting sa labas, nagpakita naman agad si Conrad sa opisina niya at may katagalan na pala ang paghihintay ni Janet, kasama ang mga mahahalagang empleyado sa auditing department.

Everyone else was staring at him with full respect and admiration in their eyes, but Janet was an exception. Madaling ma-sense ni Conrad na parang may hindi maipaliwanag na pagkaaburido si Janet sa tuwing nakikita siya. She probably still has a grudge against him for not knowing that they had a child. At may posibilidad din na si Janet ang nagpadala ng email na may kalakip niyang litrato.

Napatda siya nang magtama ang kanilang mga mata. Madali namang na-conscious si Janet sa bahaging iyon kaya siya na ang sumuko at umiwas ng tingin.

"Good morning, Sir Conrad." Masigla ang bati ng lahat ng tao sa opisina habang sabay-sabay silang tumayo sa kinauupuan. Si Janet lang ang nahulîng kumilos sa kanilang lahat.

"Good morning. Magsisimula muna tayo sa budget approvals ni Ms. Janet. I'm curious that she didn't approve a higher budget for the upcoming event since she was aware that prominent officials are expected to attend." His words amazes everyone.

Napasimangot lang din si Janet. Alam niyang pinag-iinitan siya ni Conrad dahil sa attitude na ipinakita niya rito kahapon.

"Expected to attend isn't the same as the fact that they will confirm their attendance," paglilinaw ni Janet.

"Mabuting paglaanan na lang ang budget para sa mga worker na napinsala dahil sa nag-collapse project sa isang site," dagdag niya nang walang pag-aalinlangan.

Napahilot lang sa sintido si Conrad at naisip niyang mas maigi pang i-divert na lang ang usapan at i-separate na lang ang budgeting issues. May immediate concern din siya sa ads para sa Idealistic Press na isang kompanya na kasosyo din ng New Way.

"Ano ang susunod na step pagkatapos kong maglunsad ng ad?" Iyon ang mabilis na ibinatong tanong ni Conrad.

"Sa tingin ko kailangan ko ng isang marketing staff na tutulong sa akin sa paglalabas ng ad, na maaaring nasa isang online na post o sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang mini event."

"Mabuti ang iyong ideya, Ms. Golda; ano sa palagay mo, Sir Mon?" Tanong ni Conrad na nakatingin sa kausap niyang high rank employee.

"She had a great idea," nakangiting sabi ni Sir Mon.

"I see. Women employees here are much more empowered than those working overseas. That's why at some point, they think that they wouldn't face consequences for being against the rules of their superior," matabang na pagkakasabi ni Conrad at sinulyapan si Janet na aware sa patama niyang iyon.

"Women here aren't empowered because men in higher positions will only consider some of our important ideas when they realize that their ideas aren't effective at all and they only came back to their senses at the last minute that they have to save their career." Si Janet na naman ang pumalag at buong tapang na sinalubong ang mapanuring tingin ni Conrad.

Namayani ang katahimikan sa office. At this point, Conrad swiftly realized that Janet seemed like to declare a war against him and he's up for it. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top