[Chapter 7]

Kate's POV

.

.

"Salamat sa paghatid." sabi ko kay Migs sabay ngiti.

Oo tama ang pagkakabasa niyo hinahatid-sundo na niya ako simula pa nung unang araw ng panliligaw niya sa akin. Pero pagkatapos ng tatlong buwan niyang panliligaw sa akin...now we're officially couple!

"Bye... I love you." pagpapaalam niya sa akin.

"Ingat I love you too." at isinara ko na ang gate at pumasok na sa loob.

Siya ang first ever boyfriend ko kaya ngayon ko lang nae-experience ang lahat ng ito. Balak ko ng ipakilala si Miguel this weekend.

Nakahiga na ako ng biglang nagtext si Migs.

From:Miguel

To:Kate

Matulog kana KC ko ^-^ I love you <3

To:Miguel

From:Kate

Goodnight Migs ko...I love you too <3

Nilapag ko na ang cellphone ko sa drawer at natulog na.

*~*~*~*~*~*~*~

Pagkagising ko biglang nagring ang cellphone ko kaya naman kinuha ko yun at binasa ang message.

From:Miguel

To:Kate

Good morning KC ko^-^ masarap ba tulog mo?

Napangiti ako sa text niya dahil sa sobrang sweet kasi, at nakakagood vibes.

To:Miguel

From:Kate

Good morning din. Syempre masarap tulog ko dahil sayo :")

Bumangon na ako at bumaba para kumain ng Breakfast.

"Good Morning Ma'am." bati sa akin ni Manang Sonia. Ang matagal na naming kasambahay.

Nagmano ako sa kanya at dumiretso na sa dining room dahil naroon na si Mama at Papa.

"Good morning po!" bati ko sa kanila habang papalapit sa kanila.

"Kain na." -Mama.

Umupo ako sa harap ni Mama para kumain.

"Uhhhmmm...Ma...Pa?" bigla silang tumigil sa pagkain at tumingin sa akin.

"Aalis po ako mamaya. Pwede po ba?" pagpapaalam ko sa kanila.

"Sure anak, san ka naman pupunta." Papa.

"U-Uh..sa bahay ng classmate ko lang po..May group project po kasi kami." I lied.

"Oh sige, magpasama kana lang sa driver." suggest ni Mama.

"Uh, hindi na po Ma. Susunduin po ako dito ng classmate ko..hindi ko kasi alam yung house nila."

"Ok sige. Just be safe and wag kang magpapagabi. Okay?" Mom.

"Thank you!" I said and slightly sighed.

Let me say about myself naman...nag-iisa akong anak kaya spoiled ako pero hindi naman ganoon ka-spoiled. Ang mga parents ko naman ay may Restaurant...oo restaurant nila yun pero ipapamana naman nila sa akin yun kaya ang gusto nilang kunin ko sa college ay HRM or Culinary. At si Miguel ang aking First ever Boyfriend.  Hindi dahil pihikan ako sa lalaki, kundi dahil bawal pa talaga akong magkaroon ng Boyfriend at hindi alam ni Miguel ang tungkol doon. Oo bawal pa, bakit ko sinagot si Miguel? Hindi ko rin alam. Pero ang alam ko gusto ko sya.

Ang totoo nyan may usapan kami ni Miguel kahapon sa school na magdedate kami ngayon. Kaya nagpaalam ako na aalis ng bahay, but I lied.

To:Miguel

Fro:Kate

Migs. Nakapagpaalam nako. Pwede mo kong sunduin ng 10am.

Text ko sa kanya. Tuwing Saturday lang kasi whole day na wala sina Mama at Papa.

From:Miguel

To:Kate

Ok..excited na ako.

To:Miguel

From:Kate

Hahaha.Ingat! I love you!

By 8:30 am ay siguradong nakaalis na sina Mama.

Tumingin ako sa wall clock sa aking kwarto at nakitang 9am na kaya naisipan ko nang magshower. After kong magshower ay ginawa ko na ang aking daily routine.

From:Miguel

To: Kate

Papunta na ako diyan. See you

To:Miguel

From:Kate

Okay ingat ka

Pagkasend ko nagmadali na akong magbihis at bumaba na.

Bigla kong narining ang isang busina kaya lumabas na ako ng gate para tignan kung siya na nga iyon.

Tumigil ang sasakyan sa aking harap at bumukas ang window sa front seat nakita ko siyang nakaupo roon. Bumaba sya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan sa back seat. Sumakay ako at tinabihan nya ako sa back seat.

"Flowers for you." iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses na kinuha nya sa front seat kung saan sya naka-upo kanina.

Tinanggap ko ang bouquet, "Sweet naman, Thank you."

Ngumiti sya. "Excited kana ba sa first date natin?"

"Oo naman"

"Tara na po Manong." utos nya sa driver.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin at nakarating na kami sa isang chinise restaurant.

"Tara na." hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako pababa. Iniwan ko na lang ang bouquet sa sasakyan.

Pagpasok namin ay winelcome kami ng isang receptionist na nakasuot ng pulang polo na kinausap ni Migs pagkatapos.

Iginiya kami ng receptionist sa isang room kung nasan ang tables ng mga nagpapareserve.

Pagpasok namin sa room ay inilibot ko kaagad ang aking mga mata, nasa gitna yung mababang table for two na ang upuan ay cushion lamang at may balcony pa na may parang mini zen garden.

Tinulungan ako ni Miguel na umupo at umupo rin sya sa harap ko. Iniabot na sa amin ng waiter ang menu.

"Pili ka ng kahit anong gusto mo ah." bilin sakin ni Migs.

"Sabi mo yan ah." sabi ko.

"Kuya. Isang Fried Ribs and Meatballs and Fish with Chinese Sauerkraut sakin." sabi ni Miguel.

"Sayo KC?" tanong nya sakin.

"Hmm.." habang namimili ng pagkain na oorderin ko.

"Ah. Itong Dandan noodles and Kung Pao Chicken." sabi ko.

"Good Choice KC. Kung Pao Chicken ang best seller nila dito." sabi ni Migs. I smiled in reply.

"How about for drinks po?" tanong ng waiter samin.

"Soda na lang, Kuya." sambit ni Miguel. Sumang-ayon naman ako.

At umalis na ang waiter.

"I'am so happy, this is our first ever date." sabi nya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"I'm happy too. Tama pala yung choice ko na mag-Tranfer ng school." sabi ko.

"Yes, you really made the right choice. Kung hindi ka lumipat, hindi sana kita makikilala." Miguel.

Hindi talaga kami originally nakatira sa lugar na yon. My Mom and Dad bought a lot their and decided to build a house. Ayun, lumipat na kami dun kaya nag-transfer din ako ng school. It was a big adjustment for me, dahil marami na akong friends sa school ko before.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga inorder namin.

Sa itsura pa lang ay natakam na agad ako.

"Wow" unconscious kong nasabi dahil sa pagka-excited kumain. Hindi naman ito ang first time kong kumain sa Chinese Restaurant pero lagi kasi akong kumakain lang sa resto namin. Kaya namiss ko to'.

Nang mailagay na lahat ng orders namin sa table ay kinuha ko na agad ang chopstick at ang spoon at nag-umpisa nang kumain.

"Woah! Hinay-hinay naman KC. Baka mamaya mabulunan ka nya." saway nya sakin.

"Ano kaba. Ako mabubulunan? No way! Kumain kana lang din dyan." sabi ko sabay subo ng chicken.

It was my first ever date... Yeah..Really..

To be Continued...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top