[Chapter 4]

Miguel's POV

.

.

Nakatitig ako kay Mika masayang-masaya ang itsura niya, hindi ko alam kung bakit.

''Uhmmm...Bes?'' sabi ko sa kanya.

''Bakit?'' sabi niya habang nakatingin sa laptop.

''Kasi...nakalimutan ko may laro pala kami ng basketball nina Vince ngayon.''

Nakita ko na naging poker face sya.

''Huh?! Eh pano tong Project natin? Kailan natin tatapusin?"tanong nya.

''Pwede bang humingi ng Favor sayo?''

''Ano ba yun?''

''Pwede bang ikaw na lang gumawa ng project ko? magka-partner naman tayo eh.''

''Ang tamad mo ah! Pero sige na nga! Isend mo na lang sakin yung pictures mo, para madali tayo.'' inis ang tono ng boses nya.

''Yes!! Thank you! Thank you talaga Mikie!'' masaya kong sabi.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit pero, inalis agad niya ang pagkayakap ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Ayy nako! wag mo nga akong yakapin dyan! Hindi libre yung pagpapagawa mo ng project ah! May kapalit to, akala mo sakin yaya mo?" inis parin sya.

"Sorry na. Promise kahit anong hingin mong kapalit bibigay ko." itinaas ko ang kaliwang kamay ko.

Niligpit na nya ang gamit nya. "Thank you Mikie! Ingat ka ah!" pagpapaalam ko sa kanya. Samantalang sya ay di man lang lumingon at umalis na. Maya-maya ay umulan ng malakas, bigla kong naalala si Mikie, naka-uwi na kaya agad yon? Dapat pala ay inihatid ko na sya.

Nagbihis na rin ako ng aking jersey. At nagpahatid sa aming driver papunta sa isang malapit na covered court. Pagdating ko ay nagsho-shooting na si Vince. Isa lang namang exercise game ang gagawin namin, dahil kaming dalawa lang.

~*~*~*~*~*~*~*

Nandito ako ngayon sa kwarto kasama ang aso kong si Em-em, dala siya ng kapatid ko kanina sa mall kaya hindi siya nakita ni Mika, sayang close na close pa naman sila nitong si Em-Em. 

''Sir Miguel?!'' rinig kong tawag sa akin ni Aling Celia.

''Bakit po?''

''Kakain na po Sir.''

''Okay po bababa na po ako.''

Pagbababa ko nakita kong nakaupo na si Mom at Dad sa harap ng Dining Table. Nilapitan ko sila at kinamusta ang kanilang araw.

''Mom, Dad, kumusta po araw niyo?'' tanong ko sa kanila. "Hi Mich!" bati ko pa sa kapatid ko.

''Well, ganun pa rin nakakapagod.'' sabi ni Mom.

"Hi Kuys!" bati sakin ni Mich.

''hmmm...tulad ng dati.'' sabi naman ni Dad.

Umupo na ako at kumain.Habang kumakain naitanong ni Mom kung kumusta daw ang aming project making ni Mika.

''Okay naman po? maaga ko po kasing pina-uwi si Mika, dahil nakalimutan ko pong may basketball game po pala kami ni Vince kanina.

''Paano ang project nyo?''

''Di ko nga po alam eh..'' hindi ko sinabi na magpapagawa ako sa kay Mikie.

Pagkatapos ni Mom si Dad naman ang nagtanong.

''Anak, bukas wala na akong masyadong gagawin sa opisina gusto mo golf tayo bukas ng hapon?'' tanong sa akin ni Dad.

''I'm not sure Dad eh, it depends, if we don't have assignments I will go with you but, if we have I will not.''

Pagkatapos naming kumain tumaas na ako sa kwarto ko at nagsound trip na lang.

Hindi ko pa pala nasasabi kay Mika na marunong na akong mag-gitara.

~*~*~*~*~*~*

Kinabukasan. Sinundo ko si Mika pero sabi sa akin ni Tita Divine ay hindi daw ito papasok dahil masama ang pakiramdam nito, kaya pinuntahan ko na lang siya sa kwarto niya pero tulog pa siya.

Kasalanan ko dahil hindi ko siya inihatid kahapon. Kung hindi ko lang sya pinabayaan na umuwi mag-isa, hindi sana sya magkakasakit ngayon. Nagi-guilty tuloy ako dahil ipapagawa ko pa sa kanya ang project ko.

Tinitigan ko ang mukha niya habang natutulog at sobrang peaceful nito hindi tulad kapag gising siya parang mangangain ng tao.


Hinatid ako ni Tita sa labas ng bahay nila at nagpaalam na ako.

"Sorry po Tita.." nakatungo kong sabi.

"Bakit naman Hijo?"

"Kasi po kung hinatid ko lang po si Mikie kahapon ay hindi sana sya magkakasakit ngayon.." paliwanag ko.

"Wala kang kasalanan hijo. Kasalanan iyon ni Mika dahil hindi sya lagi nagbabaon ng payong kapag umaalis ng bahay. Kaya wag mong sisishin ang sarili mo. Sige at pumasok kana, baka mahuli kapa."

 Nagpaalam na ako kay Tita Divine at sinabi ko na babalik ako mamayang hapon para kumustahin si Mika.  

Habang naglalakad...nakita ko si Kate na naglalakad din sa kabilang side ng kalsada. Tumawid ako.

"Good morning!"masigla kong bati sa kanya.

"Good morning din."bati niya din sakin.

"Pwede sumabay?"tanong ko sa kanya.

"Ah o-oo pwede."

"Yun!"

Tumabi ako sa kanya habang naglalakad.

"Bakit hindi mo kasabay ngayon si Mika?"tanong niya sakin.

"Ah kasi may sakit siya."

"Ah ganun ba."

"Oo eh, ang lungkot nga eh walang makulit ngayon."

Nakarating na kami sa school, at buti umabot kami sa flag ceremony.

"Kate goodluck ha, ikaw pala kukumpas."

"Hahaha...nashocked nga ako eh, dapat pala si Mika yung kukumpas. Kaya lang wala sya."

Umakyat na siya sa stage at tumugtog na ang National Anthem. Inilagay na ng mga estudyante ang kanilang kanang kamay sa kanilang dibdib.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala yung pagkahiya ko sa kanya..

~*~*~*~*~*~*

Breaktime na, walang manglilibre sakin ngayon, kaya...ako na lang bibili ng akin.

Nakakamiss din pala tong si Mikie..Hay!

"Uy!"

"Ay p****!"napamura ako dahil sa sobrang gulat.

"Grabe ka naman Kate"

"Hahahahahahahaha!"

"Ang cute mo pala kapag nagugulat."

Hinawakan ko ang tenga ko at ang init nito. Feeling ko kasing pula na ng sili ang mukha ko. Ngayon lang may nagcompliment sakin ng ganun bukod kay Mikie.

"Oh! bakit?" tanong niya.

"A-ah w-wala."

"Siguro!"

"Siguro namumula ka noh?!"sabi niya sa akin.

"Ah wait lang pupunta lang ako sa restroom."

"Ah oh sige, babalik na rin ako sa room." rinig na rinig ko ang pagpipigil niya ng tawa niya.

Nandito parin ako ngayon sa loob ng restroom at nakaharap ako sa salamin dahil namumula parin ang mukha ko.

Grabe talaga ang epekto sa akin ng babaing yun.

"Oh! bakit nandito ka parin? at bakit namumula yang tenga mo?" tanong sa akin ni Kevin na isa sa classmate namin.

"Wala to!"

"Weh? baka dahil kay Kate, kanina nakita ko kayo ni Kate sa madalas niyong tinatambayan ni Mika...may gusto kaba sa kanya?"

"Hindi ah."

"Weh!?so may pag-asa na magustuhan pa mo si Kate?" tanong niya sa akin.

"Ewan ko sayo."  sagot ko.

"Ewan ko rin sayo!" at nagtawanan lang kami ron, dahil para kaming mga loko-loko.

"Tara na malapit nang magbell." yaya niya sa akin.

Eksaktong paakyat na kami sa hagdanan ng makasabay namin si Ms. Hidalgo na sunod naming subject teacher.

Nung science at english subjects namin nag-activity lang kami.

Sayang wala si Mika.

Lunch Time...

Lumapit sa akin si Kate at niyaya akong kumain, syempre pumayag ako wala din naman akong kasabay kumain eh.

''Tara kumain dun sa may puno.'' yaya ko sa kanya.

''oh sige para maiba naman.''

Umupo kami sa ilalim ng puno ng mangga na malapit sa canteen. Presko kasi dito kaya dito ko siya niyaya.

''Wow! ang sarap naman ng ulam mo Miguel!''

''Anong masarap sa beef steak? sawang-sawa na nga ako dito.''

''Ano bang ulam mo?''dagdag ko pa.

''Tinolang manok.''

''Iyang iyo pa nga ang masarap!''

''Kung gusto mo palit tayo?''tanong ko.

''Wag na kuntento na ako dito.''

''Pala naman eh.''

Dumiretso na kami sa pagkain habang nagtatawanan. Nalaglag ang kutsara ni Kate una niya tong hinwakan at nahawakan ko naman ang kamay niya. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. Agad ko namang inalis ang kamay ko at nagiwasan kami ng tingin.

''K-kumain na lang uli tayo.'' sabi niya.

Pagkatapos namin kumain nanatili muna kami doon saglit at nung malapit na magbell sabay na kaming bumalik sa aming classroom.

To be continued...






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top