[Chapter 3]

Miguel's POV

.

.

Matutulog na ako pero hindi ko parin mai-alis sa isip ko ang ngiti ni Kate habang nag-uusap sila ni Mikie(read as Miki) kaninang tanghali.

Bakit ganito?! May gusto na ba ako sa kaniya?

Pagkabangon ko parang may naaalala akong panaginip, sa panaginip kong yun may nililigawan daw akong babae pero hindi ko alam kung sino at nakakainis dahil nagising na ako.

Sinundo ko si Mikie sa bahay nila para sabay na kaming pumasok.

"Good morning Mikie!" bati ko sa kanya pagkalabas niya ng pintuan ng bahay nila.

"Anong good sa morning? huh?!" kontra niya sa bati ko sa kaniya habang naka simangot.

"Agang-aga nakasambakol nanaman yang mukha mo." sabi ko sa kaniya.

"Hindi kaya noh?!" kunot noo nyang sabi at naka-pout pa.

"Oh eh ano nagyon yan?" turo ko sa mukha nya.

"Mukha ko." sarkastiko nyang sagot.

"Ewan ko sayo." pinisil ko ang ilong nya at hinila ko na palabas.

Habang naglalakad kami kinuwento ko sa kaniya yung panaginip ko kagabi.

"Hahaha! ikaw manliligaw?! eh ang torpe mo kaya!" pang-aasar niya sakin.

Napatitig ako sa kaniya, kita ko ang saya sa mukha niya kahit hindi sya good mood.

Hay naku! iba talaga ang isang to' pagdating sa pang-aasar sakin.

Tumingin sakin si Mikie.

"Bakit natahimik ka?" tanong niya sakin habang pinanlalakihan niya ako ng mata.

"Ikaw kasi eh. Sinasabihan moko ng torpe."

"Eh totoo naman eh! Wala ka pa ngang nililigawan ni-isa." pang-iinis nya pa.

"Paano kung mapatunayan kong hindi ako torpe?" hamon ko sa kanya.

"Edi hindi ka torpe." sabi nya at tinawanan ako.

"Tss.." sagot ko dahil talong-talo talaga ako sa kanya pagdating sa mga pang-aasar.

Pagpasok namin sa classroom una kong nakita si Kate na nakikipagkwentuhan sa new friends nya na classmates namin.

~*~*~*~*~*~*~*~*

Lunchbreak...

Sa canteen kami kumain ng lunch ni Mikie dahil wala ako sa mood na kumain sa classroom dahil baka asarin nanaman niya ako kay Kate.

"Mikie may sasabihin ako sayo secret lang ah?" sabi ko.

"Oh sige ano yun?"

"Magpromise ka muna na secret lang."

"Promise! cross my heart!"

"I think nauutot ako." bulong ko sa kanya.

"Yuck! Kadiri kumakain pa ako! Mahiya ka nga! Pumunta kana dun sa cr!" sigaw niya at bigla nyang tinakpan ang ilong niya. At tinulak-tulak na ako patayo.

"Sssshhhh!di ba sabi ko secret lang."

"Oo na..Go na! Baka sumabog na yan." nagmadali na akong pumunta sa cr.

Hindi naman talaga ako nauutot..hahaha. Sinabi ko lang yun para asarin yun dahil napaka-arte talaga nun kahit kailan. Dahil nasa cr na rin ako ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. You know..pee. 

Noong nasa sink ako ay lumapit sakin si Vince at classmate din namin sya. Si Vince ay kaibigan ko hindi nga lang kami ganoon ka-close, isa siyang sikat na model ng isang sikat na clothing brand sa bansa, kaya sobrang dami nyang fans dito sa school.

"Hey bro!" sabi nya sabay high-five namin.

"Kumusta na? Wala ka kahapon ah." sabi ko.

"Eto, busy parin. Oo nga eh, kahapon lang kasi ako umuwi galing sa abroad." sagot nya.

"Ah ganoon ba? Sige, babalik na ako sa canteen. Hinihintay na ako ni Mikie eh." sabi ko.

"Mikie?" nagtataka nyang tanong.

"Si Mika, si Mikie..hindi mo ba natatandaan? Matagal ko namin yung tawag sa kanya." paliwanag ko.

"A-ah! Oo nga pala. Sige." nagkamot sya sa ulo.

Bumalik na ako sa canteen kung nasaan si Mikie. Nakita ko siya na nililigpit na ang bag nya at tapos nang kumain.

"Tapos kana sa business mo?" natatawang sabi.

"Hindi naman talaga ako nauutot kanina eh." sabi ko.

"Asus! Nagpalusot pa." tusok nya sa tagiliran ko.

"Ay! Ewan! Tara na!" kinuha ko na ang bag ko na nasa katabing upuan nya. At naglakad pabalik sa classroom.

~*~*~*~*~*~*~*~*

"Bye Miggy! ingat sa paglalakad baka madapa ka sa kakaisip sakin ha!?" pagpapaalam niya sa akin.

While I gave her a wide smile.

Lagi na lang akong inaasar ng Bestfriend kong mukhang pusa. Pero masaya naman akong lagi ko siyang kasama at hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko sya nakakausap.

~*~*~*~*~*~*~*~

3 months na ang nakakalipas mula ng mag-umpisa ang school year namin bilang grade 12 ang bilis talaga ng panahon. 

Linggo ngayon kaya maggagawa kami ni Bes ng Project dito sa bahay namin. Sinabi ko sa kanya na ipapasundo ko na lang sya sa driver namin pero ayaw niya, nakakahiya daw kasi.

Nahihiya pa pala siya sa lagay na yan.

Tumunog ang cellphone ko at binasa ko ang message.

"Malapit na ako :)" text ni Mikie sakin.

Wow!may smiley face.

Binuksan ko na ang laptop ko para pagdating niya ay makapag-umpisa kami agad. Syempre bumili na din ako ng pagkain, kasi alam ko magugutom agad yun, hindi lang naman ako ang patay-gutom sa aming dalawa.

Maya-maya lang biglang may nagdoorbell sa gate namin, binuksan ng aming katulong ang gate at pinapasok si Mika.

"Bes! May pagkain ka diyan?" pangbungad niyang tanong sa akin.

"Pagkain agad? kararating mo nga lang eh." sabi ko.

"Edi tara ng mag-umpisa."

Ang una naming ginawa ay ang project namin na Photo Biography. May dala si Mika na USB kung saan nakasave lahat ng lumang pictures niya.

"Ako na muna ang gagawa ah?" tanong niya.

"Oh sige."

Ipinalsak niya ang USB niya sa laptop ko at nag-umpisa na siyang maggawa. Nakita ko ang picture niya nung 1 year old pa lang siya ang cute niya dun. Lalo na nung 5 years old pa lang siya naka suot ng mahabang daster. Alam niyo naman siguro yung daster di ba? yung sinusuot ng mga lola na parang padress pero sleeveless yung iba.

"Hahahaha! Ikaw ba talaga yan Bes? yan yata yung kapatid mo eh?"pang-aasar ko sa kanya.

"Ako yan noh! kita mong kalbo yung kapatid ko nung baby siya eh!" inis niyang sabi.

Kumuha ako ng isang chichiryang clover na malaki at ininggit ko siya.

"Mmmm...sarap ng clover!"

"Huy! pahinge ako!"

Tumayo ako at itinaas ko ang kamay ko na may hawak ng clover chips.

"Kunin mo kung kaya mo!"

Tumayo siya at pilit na inaabot ang clover sa kamay ko.Mas matangkad ako sa kany, kaya mahihirapan syang abutin ako kamay ko. Na-out of balance ako kaya napahiga ako sa sofa.

"Aray!" sabi ko

Napapikit ako dahil sa sakit ng balakang ko, pakiramdam ko may nakadagan sa akin. Pagmulat ko...

"Sorry!"

Pagkamulat ko nakita ko si Mika na sobrang lapit ng mukha sa akin at nakita kong namumula ang mukha niya. Agad siyang tumayo at nag-sorry sa akin.

"Okay lang, ako may kasalanan."

Kumuha siya ng konting clover at itinuloy na ang ginagawa niya. Ako naman ay umayos na ng upo.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top