[ Chapter 20 ]

Mika's POV

.

.

Bago makarating sa beach ay kailangan munang dumaan sa pathway na may mga magagandang halaman at puno sa gilid, mga cottages na may mga puno sa paligid at tatlong malalaking pools, habang may mga sunbathing chairs sa gilid nito.

Pagkarating namin sa beach ay, bumungad agad sa amin ang magandang buhangin at tubig ng dagat. "Wow! Ang ganda!" Agad na nilabas ni Mich ang kanyang cellphone upang kumuha ng litrato ng lugar. Habang si Miguel naman ay palingon-lingon.

"Ang ganda pala dito." sabi ni Vince.

"Oo nga eh, ang galing pumili ng resort ni Tita Celin." sabi ko habang nakatingin sa mga taong busy sa paglalangoy sa dagat at sa mga nagsa-sunbathing.

"Guys! Tara groufie!" pagkasabi ni Michelle non ay agad kaming pumunta sa likod nya para magpicture.

Pa-slant ang pwesto namin. Nasa likod ni Mich si Miguel, nasa likod naman ni Miguel si Vince at ako ang nasa pinakadulo. "Ok na?" tanong samin ni Mich. "Wait lang." sabi ni Vince at inakbayan ako.

Napatingin ako sa kanya ng masama dahil nakatingin samin pareho si Miguel at Mich.

"What?" he chuckled.

"Pwede na?" sabi ni Miguel.

"Yes." mabilis na sagot ni Vince.

"Say Cheese!" sabi ni Mich bago pinindot ang phone nya.

Tinignan nya ang photo namin pagkatapos. "Ang ganda talaga!" lumapit ako sa kanya para tignan rin yon. "Alam ko naman na maganda ako, kaya wag mo ng paulit-ulitin." confident kong sabi sa kanya.

"Grabe ka ate Mika!Hahahahaha!" sabi nya habang tawa ng tawa.

Nagulat ako nang may biglang humawak sa wrist ko. "Nanggugulat ka ah." sabi ko kay Vince.

"Tara." pagyaya nya sakin.

"Huh?Saan?"

"Basta.." nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagpaalam ako kay Mich na panay parin ang selfie, bago kami umalis ni Vince. Naglakad kami patungo doon sa mga souvenir shops habang hawak parin nya ang wrist ko. Ang mga nakakasalubong namin ay napapatingin kay Vince dahil naka-shades lang sya, kaya maaaring mamukhaan parin sya ng mga tao. Hindi naman ako nag-aalala na baka magkaroon ng rumor, dahil alam naman ng mga tao na Bestfriend ako ni Vince.

Pagpasok namin sa unang store ay tumambad sa amin ang mga wind chimes, keychains, dream catcher, t-shirts, bracelets, kwintas at earrings na gawa sa shells. Meron pa ngang couple shirts. Hindi gaano marami ang mga taong nasa loob at isa pa ay malaki ang store na ito.

"Bakit tayo nandito? Wala naman akong dalang pera." maktol ko sa kanya.

"Wag ka mag-alala, I'll treat you." cool nyang sabi.

"Treat pala ha." pumunta agad ako doon sa rack ng mga T-shirts at namili. Sinundan naman nya ako.

May nakita akong white T-shirt na may colorful na design, kaya kinuha ko agad at idinikit sa katawan ko para tignan kung kasya ba sa akin.

"Gusto mo yan?" tanong nya. I nodded as an answer.

"Can we buy a matching shirt?" nag-aalinlangan nyang tanong sakin. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ok. It's a couple shirt, but we're not a  couple so let's call it a matching shirt. Alright?" paliwanag nya.

"Ok! Ikaw naman magbabayad eh. Edi go!" masigla kong sagot.

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila ako doon sa counter ,sa pinakaloob ng store kung saan pwedeng magpagawa ng personalize couple shirt.

"Uh..Miss, pwede po bang makita yung mga sample designs nyo?" tanong ni Vince sa babaeng nasa counter, saka itinaas sa kanyang ulo ang kanyang shades.

Nagulat ang babae, "O-Okay po sir, Vince." utal na sagot nung babae. May kinuha sya sa ilalim ng counter na clearbook at ibinigay sa amin.

"Thank you." binuklat ito ni Vince. May iba't-ibang designs may mga boy stickman na nasa tabi ng isang coconut tree at ang partner naman na shirt ay isang girl stickman na nasa bangka, ang gaganda at unique yung designs nila.

"Eto oh. Ang cute." turo ko dun sa isang picture na tinignan naman nya. Ang design ay isang chibi girl na nakatwo-piece at ang partner naman nito ay chibi boy na naka shorts.

"Mas cute ka kaya dyan." nakangiti nyang sabi.

"Hmmp. Tumigil ka nga! Atsaka hindi ako cute." sabi ko at pinag-cross ang mga braso ko. Pinisil-pisil pa nya ang magkabila kong pisngi.

"Uy! Tumigil ka nga! Nakakahiya kay Ate!" hawi ko sa kamay nya.

"Sorry Ate." nakangiti parin nyang sabi.

"Ito na Ate yung ipapagawa namin, tapos may names sa likod ng shirt and numbers." sabi pa nya.

"Pakisulat nalang po dito yung ipapalagay nyo sa likod ng shirts. At size po ng shirts" sabi ni Ate. At binigyan kami ng kapirasong papel at isang ballpen.

"Lady's first." binigay nya sakin ang ballpen.

Mikay
28
S

Pagkatapos kong magsulat ay ibinigay ko na kay Vince ang ballpen.

"Bakit 28?" tanong nya sakin habang nagsusulat.

"Yun kasi yung date ngayon." sagot ko.

"Ah ok, number 28 na lang din akin."

Vince
28
M

Pagpapa nya sakin nung papel. Saka ibinigay doon sa babae. "Pakihintay na lang po, 5 minutes po." banggit ng babae saka pumunta doon sa lalaking nasa harap ng computer at ibinigay ang papel.

Inu-umpisahan nang gawin ang shirt namin, kaya naisipan muna ni Vince na tumingin pa ng pwedeng ipasalubong. Lumapit kami sa shelf ng mga keychain, dream catcher, at iba pa.

May nakita sa Vince na isang malaking color blue dream catcher. "Favorite color mo tong blue, diba?" taning niya.

"Oo, bakit?" sabi ko habang nakatingin sa hawak nya. Kinuha nya yung dream catcher mula sa pagkakasabit nito at namili pa ng mga keychains.

Pagkatapos pa naming tumingin sa ibang souvenirs ay tinawag na kami ng babae.

Kinuha na namin, ang T-shirt namin at saka binayaran. "Thank you po." sabi ng babae. Si Vince ang may hawak ng supot ng mga binili namin.

Umalis na kami sa store at hinanap sina Mich. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang kamay ni Vince na hinawakan ang kamay ko at saka ito pinag-intertwined. Napatingin ako sa kamay namin tapos ay sa kanya na may gulat na ekspresyon. But he just gave me a sweet smile na kahit ang mga mata nya ay ngumingiti rin.

Isusuot na sana nya ang kanyang shades nang mapagtanto nya na nawawala ito, marahil ay nalagkag ito sa kung saan. Wala syang suot na shades kaya marami ang napapatingin at naglalabas ng kanilang cellphone para magpicture sa kanya.

"Si Vince yon diba? Yung sikat na artista?" bulong ng isang babae.

"Wow! Ang hot nya pala lalo sa personal!" sabi ng mga tao.

Meron pa ngang  humihila sa kanya para magpapicture. Pero hindi parin nya inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Hanggang sa napagitnaan na kami ng maraming tao, sobrang sikip, nahihirapan akong huminga. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya dahilan kaya napatingin sya sakin. "Ok ka lang? Namumutla ka.." nag-aalala nyang tanong. Umiling ako ng bahagya.

"Excuse me!Please!" paki-usap nya sa mga tao para padaanin kami. Nanghihina na ang tuhod ko at naninikip na ang dibdib ko. Sumigaw sya uli at hinawi ang mga taong nasa daanan namin gamit ang isang kamay nya. Nakakaalis na kami sa gitna ng maraming tao. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Kaya mo pang maglakad?" nag-aalala nya paring tanong. Tumango ako.

Lalo nyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Tumingin sya sakin. "Sorry...Mikay..." sabi nya na may malungkot na ekspresyon. "Kasalanan ko to." he added. Umiling ako. Dahil hindi naman nya kasalanan na ganun sya kasikat. It's my fault kasi hindi ako healthy na tao.

Binilisan namin ang paglalakad na halos tumatakbo na kami at magka-hawak parin kami ng kamay.  Napatigil kami saglit nang makasalubong na namin sina Mich at Miguel, napatigil din ang dalawa at nakita kong nakatingin sila sa kamay namin ni Vince na magkahawak. Tapos ay napatingin rin sila sa aming likod na maraming tao na may mga hawak na smartphones at panay ang kuha ng litrato.

Kaya nagmadali na kaming bumalik sa nirentahan naming bahay para duon na lang kumain ng lunch. Pagkapasok namin sa bahay ay agad akong naupo sa couch dahil sa napagod ako saginawa namin. Binigyan ako ng tubig ni Mich saka tumabi sa akin, "Salamat."

Si Miguel ay nakatayo sa aming harap at nakapa-mewang habang nakatingin kay Vince ng masama. Sinundan ko ang tingin nya. Si Vince ay nakatayo sa likod ng isang couch habang nakasalalay ang kamay sa sa couch.

"Anong nangyari? Bakit namumutla si Mika?" galit na tanong ni Miguel kay Vince.

"Naipit kami ng mga tao.." sabi nya, at alam mong nagagalit rin sya sa tono ng boses nya.

Napasabunot sya sa kanyang sariling buhok. "Bakit ba kasi wala ka nang suot na shades huh?!Kasalanan mo to eh!" galit na galit na si Miguel. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

Bakit ka ganito? Ang cold mo sakin pero sobra ka kung magalit nang malaman mong muntik nakong mahimatay kanina..

Tumayo na si Mich para pigilan ang kuya nya.

"Hindi ko sinasadya." sagot ni Vince.

Tumayo na ako sa kina-uupuan ko."Wag na kayong mag-away, okay na ako oh." I said in frustration. Grabe naman kask silang mag-react, ok na naman ako.

"Eh pano kung maospital ka nanaman tulad dati?!" sabi sakin ni Miguel.

Flashback

Naalala ko nung 10 years old pa lang ako, pumunta kami nina Tita Celin at Miguel sa isang bagong bukas na mall at may sikat pang artista na nagmo-mall show kaya sobrang daming tao. Naglalakad kami non habang nakahawak kaming pareho ni Miguel kay Tita Celin. Kaya lang may nakita akong magandang sapatos na nakadisplay sa isang store kaya bumitaw ako, na hindi naman napapansin ni Tira Celin. Nang makuntento nako sa pagtitig dun sa magandang sapatos ay saka ko lang napagtanto na napahiwalay na ako kina Tita. Pumunta ako sa gitna ng maraming tao para hanapin sila kaya lang  nahirapan akong huminga at nahilo sa dami ng taong nakapaligid kaya nahimatay ako. At pagkagising ko ay nasa ospital na ako. At sinabing may hika daw ako.

End of Flashback

"Hindi naman ako nahimatay hindi ba? Kaya wag na kayong mag-away." paliwanag ko. Umiling si Miguel at tumaas sa kanyang kwarto.

Lumapit sakin si Vince at pina-upo ako. "Sorry talaga Mikay ko.." malungkot nyang sabi at niyakap ako sa aking ulo.

"Uh..oorder na ako ng lunch natin.." awkward na sabi ni Mich. Naramdaman kong tumango si Vince. Pumunta sa kusina si Mich para gamitin ang telephone doon.

"Ok kana ba talaga?"

Kumalas ako sa pagkakayakap nya. "Ok na ako, wala kang kasalanan. Okay?" I assured him with a smile.

To be Continued...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*

A/N: Sorry po~ Sobrang tagal na simula nung huli kong update 😥 Sana basahin nyo parin tong Bestfriends ❤ at may mga mababago po sa previous chapters ah. Ang gulo kasi...aayusin ko po itong Bestfriends 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top