[Chapter 19]
Mika's POV
.
.
"Mika!Chazel!bilisan nyo baka dumating na sila Tito Michael nyo!" sigaw ni Mama mula sa salas. Na halata mong naiinis na sa bagal naming mag-ayos. Medyo maaga pa naman at may 45 minutes pa bago sumapit ang tinakdang nilang oras ng pagsundo nila samin dito.
Kinuha ko ang duffel bag ko na kahapon pa nakahanda para i-check kung wala ng kulang. Nung nasigurado ko na, na wala ng kulang ay bumaba na ako dala ang duffel bag at isang lightblue backpack.
Nang bumaba ako, nakita ko na ang mga bag nila na may lamang mga gamit nila na nakapatong sa sofa malapit sa pinto. Inilapag ko rin ang duffel bag ko roon. Nakita ko si Mama na nagpapack ng baon naming pagkain, medyo matagal din kasi ang magiging byahe namin papuntang bangtangas.
"Mika, puntahan mo nga ang kapatid mo para madali." nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ng kapatid ko ay bumungad na sya sakin na naka-ayos na at dala-dala na ang bag nya.
"Ate!Maganda ba yung suot ko?" sabi niya sakin at umikot pa para maipakita ang harap at likod ng damit nya.
"Oo, nakita ko na yan. Halika na at na ba-badtrip na si Mama." lumabas na kami at nilagay nya ang bag nya sa sofa saka umupo.
Napatingin ako sa sa itaas nang bumukas ang pintuan ng kwarto nina Mama. Lumabas si Papa na may suot na blue na tokong at white v-neck shirt. Nayon ko lang uli siya nakitang maaliwalas ang itsura, nitong mga nakaraang buwan kasi mukha syang stress sa trabaho nya. Bumaba na si Papa at dumiretso sa kusina para tulungan si Mama. Maya-maya lang ay may bumusinang sasakyan sa labas ng bahay, siguro ay sina Tito na iyon. Maigi na lang at tapos na kami sa pag-aayos nuon.
Lumabas na kami bitbit ang mga gamit namin. Paglabas namin ay nadatnan namin ang nakahintong van nina Miguel na si Tito Michael ang driver, nang binuksan ang side door ng van ay bumaba si Miguel para tulungan si Papa na ilagay sa likod ang aming mga bag, nakita namin si Tita Celin na naka-upo naman sa unang row ng upuan, habang si Michelle ay nakita ko sa sunod na row na may katabing panlalaking bag sa gilid niya na siguradong kay Miguel. Ang bakante na lang ay ang likod, ang passenger's seat. Pagkapasok namin sa van ay binati kami ni Tita Celin, Tito Michael at Michelle. Umupo kami ni Chazel sa likuran na row, si Mama at Papa naman ay sa tabi ni Tita Celin sa unahang row.
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi sakin ni Mama kagabi, pagdatung ko sa bahay. Na pumunta sa amin si Miguel at hinahanap ako...bakit?
"Okay na? wala ng naiwan? may susunduin pa tayong dalawa ha." sabi sa amin ni Tito Michael. Siguro ay iyong dalawa ay 'yong sinasabi ni Tita Celin na kapatid niya.
"Tara na!" masiglang sabi ni Michelle.
Umandar na ang sasakyan at ilang minuto lang ay tumigil kami sa isang maganda, at malaking bahay. May nakasulat sa gate na "Castillo's" nanlaki ang mga mata ko. Ito ba yung bahay nina Vince?o ibang bahay to?sina Vince yung susunduin namin?
Nang bumukas ang gate ay nasagot ang mga tanong ko. Nagulat ako sa mga nakita ko maging sina Mama at Papa ay nagulat, si Chazel naman ay ngiting-ngiti. Tiningnan ko sina Miguel at Michelle pero hindi na sila nagulat. Wala silang nasasabi sakin na magpinsan sila, na maghalf-cousins sila. Pero hindi naman Castillo ang middle name nina Michelle at Miguel.
Nakita ko si Vince at isang lalaking may katangkaran, may kasing puti na balat tulad ng kay Vince, may malaking pangangatawan at hindi mapagkakaila na kahawig ito ni Vince, tantya ko ay nasa 47 na ang edad nito.
Bumaba si Tito Michael at tinulungan ang Papa ni Vince sa paglalagay ng gamit nila sa likod. Nakita ko galing sa loob ng van si Vince na bubuksan ang side door. Nang buksan nya ang pinto ay nagulat sya nang makita si Mama at Papa, agad syang nagmano at bumati kina Tita, Michelle at Miguel. Napatingin sya sa akin at napangiti, umupo sya sa tabi namin ni Chazel, sya ang nasa gitna.
Pagka-ayos nya ng upo sa tabi namin ay hindi ko alam ang una kong gagawin, kung babatiin ko ba sya o tatanungin sya ng mga bagay na hindi ko alam. Nginitian nya ako at sinuklian ko din sya ng ngiti.
Pumasok ang Papa nya sa passenger's seat at pumasok na din si Tito Michael sa driver's seat.
"Kumpleto na!! Batangas here we are!!"excited na sabi ni Michelle. Umandar na ang sasakyan. Habang nasa byahe naririnig ko sina Mama at Tita Celin na nag-uusap maging si Tito Michael at ang Papa ni Vince ay nag-uusap din. Wala pa sa dalawang oras ang nagiging byahe namin pero tulog na agad si Chazel na lumipat sa tabi ni Mama. Si Michelle ay nagsa-soundtrip, si Miguel naman ay nakatingin sa mga nadadaanan namin.
"Mikay..." nagulat ako sa pagsasalita ni Vince. Napatingin ako sa kanya, nakita kong nakuha namin ang atensyon ni Miguel kaya napalingon sya sa amin.
"Na-miss kita Bestfriend!" niyakap nya ako ng patagilid at ipinagdikit ang mga gilid ng ulo namin. Nang makita kami ni Miguel na magkayakap ni Vince ay bumalik sya agad sa pagsa-sight-seeing nya.
"Ano kaba naman, magkasama tayo kahapon na-miss mo agad ako." ani ko at maya-maya ay kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin.
"Kahapon lang uli, pagkatapos ng graduation naging busy na tayo." pagtatama nya sa akin.
Sumagi uli sa isip ko kung dapat ko na bang itanong sa kanya ang tungkol sa nangyayari, pero mina-igi ko na lang muna na manahimik at humanap ng tyempo o hintayin na sya na mismo ang mag-open noon sa akin.
Naisip ni Tita Celin na magstop over muna sa isang gasoline station na nadaanan namin para kumain at mag-cr nadin. Pagkatapos noon ay tuloy-tuloy na ang byahe namin. Medyo inantok ako, napansin naman iyon ni Vince kaya inoffer nya ang balikat nya para pagpatungan ng aking ulo. Hindi naman ako tumanggi dahil alam kong kukulitin nya ako hanggang sa pumayag ako.
Siguro ay naka-idlip ako ng ilang minuto. Pagkamulat ko ng mata ay naka-park na ang van at nagbababaan na sila maliban sa amin ni Vince. Ini-angat ko ang ulo ko sa pagkakapatong sa balikat ni Vince nakita kong ibinababa na nina Papa, Tito Michael at ng Papa ni Vince ang mga gamit namin. Si Miguel naman ay dala ang mga small bag ni Michelle at Tita Celin. Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na.
"Bakit hindi moko ginising?" tanong ko kay Vince.
"Parang ang sarap pa kasi ng tulog mo, eh." nakangiti nyang sabi at hinawakan ang balikat na pinagpatungan ko ng ulo saka hinilot iyon.
"Pasensya kana ah. Ikaw kasi, pwede namang hindi na. Nakakangawit ba talaga?" kinuha ko ang backpack sa tabi ko at isinakbit sa aking balikat.
"Oo, grabe ang bigat ng ulo mo Mikay." umaarte pa syang sobrang sakit ng balikat nya.
"Grabe ka sakin, wala pa namang isang oras yun." pabiro kong hinampas ang balikat nya.
"Ehemm...Ehemm..." natigil kami ni Vince sa ginagawa namin at napatingin kami sa kung sino ang taong halatang peke ang pag-ubo. Si Miguel at nakatingin sya sa amin mula sa likod, nakabukas ang pinto sa likuran namin kaya kitang-kita kami rito.
Kaya bumaba na kami ng van. Pagkababa namin ni Vince ay kasabay namin sina Tita Celin na naglakad papunta sa loob ng resort. Sa harap ng resort ay makikita ang maganda at simpleng building ng resort. Puro matatayog na puno ang makikita pagpasok sa gate ng resort. Nagpicture taking pa muna sa entrance ng resort. Nauna na si Tita Celin sa receptionist table dahil sa kanya nakapangalan ang reserved houses. Dalawa ang nirentahan ni Tita na bahay. Isa para kina Mama, Papa, Tita Celin, Tito Michael at Papa ni Vince. At isa para sa aming mga teenagers, kaya kasama nina Mama at Papa si Chazel, kaya ayun may sumpong nanaman yung kapatid ko.
Sabi ni Michelle ay may pool at beach daw dito sa resort. Mas feel ko mamasyal sa beach. Nakakasawa na kasi sa pool.
Pumunta na kami sa titirhan namin, katabi lang ito ng titirhan nina Mama. Malaki yung bahay, kaya may sari-sarili kaming kwarto. Pinili ko yung kwarto na katabi ng kay Michelle, ang kay Miguel naman ay sa harap ng kwarto ko at katapat ng kay Michelle ang kwarto ni Vince.
Tinulungan ako ni Vince na itaas ang mga bag ko sa kwarto. Tama lang ang laki ng kwarto para sa akin at may sariling bathroom.
Nagpalit ako ng damit which is maong shorts, and a black and pink rash gaurd. Masyado kasi akong conservative, hanggang shorts lang ang kaya kong isuot kapag outings. Bago lumabas sa kwarto ko ay kinuha ko muna ang sunglasses ko at kinatok si Michelle pagkalabas.
"Gagala kana?" sigaw ko mula sa labas ng kwarto nya.
"Ah..Oo Ate, wait lang." sagot nya.
Pagkalingon ko sa likod ay lumabas si Vince sa kwarto nya na naka shorts at white sando. Kitang kita ang malaki nyang katawan sa suot nya. At ngayon ko lang syang nakita na ganuon ang suot.
"Papasyal kana din?" tanong ko sa kanya.
"Oo, sasama ako sayo. Gusto ko muna dun sa beach." ani Vince.
Lumabas na din si Mich sa kwarto nya na naka short shorts, racerback at sunglasses. Halata mong naka two-piece sya sa loob.
"Sasama ka samin kuya Vince?" tanong ni Mich kay Vince.
"Oo, sasamahan ko kayo." ani Vince. "Ay teka!" pumasok uli sya sa kwarto nya para kunin ang sunglasses nya.
"Tara na." pagyayaya ni Mich.
"Si Miguel?hindi ba yun sasama?"
"Ay oo nga pala, si Kuya." si Mich.
"Kuya sasama kaba mamasyal sa beach?" kinatok ni Michelle ang pintuan ni Miguel.
"Sino kasama?" tanong ni Miguel mula sa loob ng kwarto niya.
"Si Ate Mika at si Kuya Vince. Sasama ka?" hindi na sumagot si Miguel sa tanong ni Mich. Kaya bumaba na kami.
Nang palabas na kami ng bahay.."Sasama ako." napalingon kaming tatlo sa kanya. Nakita namin si Miguel na naka shorts lang at nakasuot ng sunglasses. WT?!F?? ngayon ko lang sya nakitang nakaganyan sa tagal na naming magkasama sa mga outings.
Naaapektuhan parin niya ako. Jusko yung katawan nya.
Bumaling na uli ako sa aming harapan at naglakad na kami patungo sa beach.
To Be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top