[Chapter 18]
Mika's POV
.
.
"Mika!Chazel!Mag-ayos na kayo ng mga dadalhin nyong damit para sa pag-alis natin bukas!" pasigaw na utos sa amin ni Mama. Bukas na nga pala ang alis namin papunta sa isang mamahaling resort sa Batangas kasama namin ang pamilya nina Miguel at ang sabi ni Mama kasama daw yung Tito ni Miguel at yung totoong anak nito. Iniiisp ko tuloy na huwag ng sumama pero nakakahiya kina Tita Celin at Tito Michael, sila ang nagdecide at nag-asikaso sa outing namin.
Oo nga pala umuwi na si Tita Vivian sa probinsya para doon na magbakasyon kina Lola, at para makasama ang mga anak nya, dun na sya manggagaling sa pag-alis nya.
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang isang color pink na duffel bag sa drawer ng cabinet, hindi naman kami masyadong magtatagal doon, okay na siguro ang ganito kalaking bag. Nag-umpisa na akong maglagay ng mga dadalhin kong damit at gamit sa bag. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng gamit sa bag nang may narinig akong irit na nanggaling sa salas. Bakit nitong mga nakaraang-araw lagi na lang may umiirit? sa malamang ay si Chazel nanaman iyon at nanunuod lang ng videos ni Vince.
"Ate!Ate!Mama!Papa!" rinig kong tawag ni Chazel. Iniayos ko muna ang mga gamit na nasa loob na ng bag at nagtagal pa saglit sa loob ng kwarto ko saka iritadong bumaba.
"Oh?!Bakit ba?nag-aayos ako ng gamit doon eh!" sabi ko habang pababa ng hagdan at kumakamot sa ulo dahil sa pagka-irita. Natigil ako ng makita ko si Chazel na katabi si Vince sa sofa habang si Mama at Papa naman ay nakatingin sa akin na parang may hindi ako sinasabi sa kanila. Mabuti na lang at maayos ang suot-suot kong pambahay ngayon.
"V-Vince bakit nandito ka?Kanina ka pa?" tanong ko na may gulat na ekspresyon sa mukha.
"Naisipan ko kasing bisitahin ka, di na kasi kita naii-text o chat man lang. Ngayon-ngayon lang ako." nakangiti nyang sabi. Si Mama't Papa naman ay nakatayo parin doon sa sulok habang pinapanuod kami ni Vince. Habang ang kapatid ko naman ay nakatitig lang kay Vince.
"Dapat nagtext ka muna sakin na pupunta ka dito samin. Nakakain kana ba ng lunch?" umupo ako sa tabi niya.
"Hindi pa. Sa totoo lang yayayain sana kita na kumain ng lunch sa labas, kung okay lang sa Mama at Papa mo." napabaling sya ng tingin kay Mama at Papa. Ngumiti naman si Papa at si Mama ay nag-thumbs up pa.
"Close na agad kayo?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Ah. Hehe" ngumiti sya ng parang nakakaloko at kumamot sa likod ng ulo nya.
"Kuya Vince pwede po ba akong sumama sa inyo ni Ate?" tanong ni Chazel. Sasagot na sana si Vince ng biglang "Anak, hindi mo pa naaayos yung gamit mo." sabi ni Mama. Napasimangot si Chazel at tumaas sa kwarto nya.
"Mag-aayos lang ako ha." sabi ko sabay turo sa kwarto ko at tumayo na. Tumango naman sya. Pagakataas ko ay nakita ko si Mama na tumabi kay Vince at kinausap ito.
Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis, nagsuot lang ako ng printed black t-shirt, jeans at black flat shoes. Kinuha ko ang nakasabit na white sling bag sa likuran ng pintuan ng kwarto ko at inilagay doon ang mga personal kong gamit saka isinakbit ito sa balikat ko. Humarap ako sa salamin para ayusin naman ang buhok ko. Di nagtagal ay bumaba na rin ako. Nang makita ko si Vince ay wala na syang kasama doon at hawak-hawak ang cellphone niya. Napatayo siya ng makita ako.
"Ok kana?" tanong niya agad sa akin.
Tumango lang ako. "Magpapaalam lang ako." hinanap ko si Mama at nakita ko sila sa kusina na may pinag-uusapan.
"Ma. Aalis na po kami" bigla silang natigil at lumapit sa amin.
"Sige anak. Ingat kayo ni Vince ha." nakangiting sabi ni Mama at siniko si Papa. "A-ah o-oo, Vince ingatan mo ang anak namin."
"Opo sir, uuwi po kami ng maaga."
"Naku, hindi nyo naman kailangang magmadali umuwi. Basta mag-enjoy kayo." tinulak na kami ni Mama palabas ng bahay.
"Naku, Vince pasensya kana kay Mama at Papa ha? Masyodo silang weird."
Bahagya syang napatawa. "Hindi ah, ang cute nga nila eh."
"Lika na." pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya. Pumasok ako at umupo sa passengers seat. Umikot naman sya at sumakay sa driver's seat. Isinusuot nya ang seatbelt nya nang mapatingin siya sa akin, itinigil nya iyon at lumapit sa akin. "A-anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong.
Hindi nya ako sinagot, sa halip ay lalo siyang lumapit sa akin at may kinuha sa likuran ko tsaka isinuot ang seatbelt ko.
Umiling sya ng nakangisi at tuluyan ng isinuot ang seatbelt nya.
Pinaandar na niya ang kotse. Napagmasdan ko siya habang nagmamaneho. Nakasuot sya ng light blue na long sleeves na bahagyang nakatupi, ang kaliwang braso naman nya ay nakadantay sa may bintana sa kanyang side. Hindi ko talaga akalain na magkakaroon ako ng sikat na kaibigan.
"Mika, bakit kanina ka pa tulala sakin? Siguro, nagu-gwapuhan ka nanaman sakin?" Nakangisi nyang tanong.
"Hindi noh!" Itinigil nya ang sasakyan sa harap ng isang sikat na restaurant.
"Dito tayo kakain?" tanong ko.
"Oo, bakit ayaw mo?" Sagot nya habang inaalis ang seatbelt nya at bumaba sa kotwe. Inalis ko rin ang seatbelt ko.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan, iginalaw pa nya ang kanyang kamay na para bang isa akong prinsesa na bumababa sa isang karwahe at pinagbuksan ng isang prinsipe.
Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng isang waiter, sinamahan niya kami sa isang lamesa sa dulo at doon kami pumwesto. Inabutan kami ng waiter ng menu.
Napatingin ako sa mga pagkain na nasa menu at talagang nakakatakam ang mga ito pero ng makita ko ang presyo ng mga it ay nakakalula sa mahal. Tumingin ako ng pinakamurang pagkain sa menu.
"Mikay, anong order mo?"
"Ito na lang carbonara." itinuro ko ang picture sa menu at pinakita sa kanya.
"Iyan lang? Wag ka mahiya sakin Mikay. Hindi kana nasanay sakin na lagi kang nililibre kahit sa school."
"Iba naman kasi yung presyo ng pagkain sa school kesa dito."
"Hindi, basta kung ano ang oorderin ko yun din ang iyo. Okay?"
"Sige." Pilit kong sabi.
"Dalawang piniñahang adobo with rice, dalawang pesto, dalawang chocolate Ice cream cake, at dalawang mango juice." pagkakuha ng waiter ng order namin ay umalis na ito.
"Vince, bakit mo nga pala naisipan na pumunta samin at sunduin ako para maglunch? Tapos hindi ka man lang nagsabi."
"Ang totoo kasing dahilan eh galing ako sa shooting tapos bigla kitang naalala habang pauwi ako.. namiss kita bestfriend." Nakangiti sya atnakita kong namumula ang tenga nya. Bigla tuloy akong napayuko. Dapat pala hindi ko na naitanong yun bigla tuloy may namagitang katahimikan sa aming dalawa.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang pagkain na inorder namin. Inilapag ng dalawang waiter ang order namin. Bigla akong natakam nang makita ang mga pagkain na inorder ni Vince, ngayon na lang kasi uli ako makaka-kain ng ganito.
"Hindi ba magkakaroon kana ng teleserye? Hindi pa kayo nag-uumpisa ng taping?" mabuti na lang at may naisip akong i-open na topic.
"Nabalitaan mo na pala, isa din yun sa dahilan kung bakit niyaya kitang maglunch . Oo, meron na nga. Last week pa kami nag-umpisang mag taping." ani nya.
"Wow! Ang saya naman, lume-level up ang career ng bestfriend ko."
"Kaya lalo nang mapapadalas ang paglibre ko sayo, kaya masanay kana."
"Wag mo kong gawing spoiled, ayoko namang sabihin ng fans mo na pera lang ang habol ko sayo, kaya kita kinaibigan." depensa ko.
"Oo nga pala Mikay. Bakit nag-aayos ka ng gamit? Saan kayo pupunta? Lilipat na kayo?" sunod-sunod nyang tanong.
"Ano ka ba! Hindi, magbabakasyon lang kami kasama ang pamilya ni Miguel."
"Si Miguel? Bati na kayo?" naikwento ko nga pala kay Vince yung nangyari peri hindi nya alam ang buong istorya. Umiling lang ako.
"May outing din kami bukas, kasama ko si...Papa. Sabi nya may iba pa daw kaming kasama eh."
"Talaga? Bumabawi na yung Papa mo. Tignan mo, sya na mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon kayo ng bonding time." ani ko.
"Ayoko nga sana eh. Naiilang parin ako." ani niya ng may malungkot na boses.
"Alam mo, for sure pagkatapos ng bakasyon nyo ng Papa mo, hindi kana maiilang sa kanya."
Umuwi na kami pagkatapos naming kumain. Dahil halata ko sa mukha ni Vince na pagod sya.
"Salamat Mikay, pinagbigyan moko." ani niya habang kitang-kita ko ang mga mata niya na ngumingiti kasama ang labi niya.
"Ako dapat ang nagpapasalamat sayo. Bye. Ingat ka ha." paalam ko sa kanya.
Bumaba na ako at hinintay siyang makaalis. Nang papasok na ako sa bahay ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na kotse di kalayuan sa tapat ng bahay namin. Di ko na lang yun pinansin at pumasok sa loob.
Pagpasok ko nakita ko si Mama na naka-upo sa sofa at nanunuod ng Tv, tumingin siya sa akin. "Anak, galing dito si Miguel. Hinahanap ka."
Biglang nawala ang malawak kong ngiti nang marinig ang sinabi ni Mama.
To be Continued..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top