[Chapter 17]
Mika's POV
.
.
"Ang gwapo at talented talaga ni Kuya Vince! Ate!!" sabi ni Chazel sakin habang nanunuod kami sa tv ng guesting ni Vince. Si Chazel naka-upo sa sahig at ako naman ay prenteng nakahiga dito sa sofa namin.
"Oo na, kanina mo pa yan sinasabi sakin." ani ko habang tinititigan ang wallpaper ng cellphone ko.
Oh ha! Di ba ang gwapo ni Ian Santos?
Nagde-daydreaming pa ako, nang may biglang kumatok sa pintuan. Tatayo na sana ako.. "Ate ako na magbubukas."
Pagkabukas ng pinto ng kapatid ko ay bigla akong nagulat sa pag-irit nya. Bigla tuloy akong napatayo mula sa pagkakahiga ko at agad na pumunta sa may pinto para tignan kung sino yung nasa labas. Pati si Mama bigla ding napasilip mula sa kusina. "Bakit ba anak?" tarantang tanong ni Mama.
"Tita Vivian! namiss po kita! Mama! nandito si Tita Vivian!" dali-daling naglakad papunta sa amin si Mama at niyakap ang kapatid nya. "Kailan ka pa naka-uwi dito sa pilipinas? at hindi ka man lang nagpasundo sa amin."
"Pasensya kana Ate, gusto ko kasi kayong i-surprise. Ngayon lang ako umuwi, dumiretso na ako dito sa inyo. Wag nyo munang sasabihin kina Nanay na nandito na ako ha." sabi ni Tita at niyakap niya si Mama. Matagal din kasing nawalay sa amin si Tita Vivian dahil kailangan nyang magtrabaho sa U.S para narin sa pamilya nya na nasa probinsya kasama ni Lola.
"Pasok, kumain kana ba?"
"Hindi pa nga Ate. Teka yung mga bagahe ko nasa labas pa ng gate. Mika paki-tulungan mo naman ako." tinulungan ko si Tita na ipasok yung mga bagahe nya habang si Mama ay nasa loob ng bahay at inaayos yung kwarto ni Chazel dahil doon matutulog pansamantala si Tita.
"Tita gusto nyo na po bang kumain? ipaghahanda ko na po kayo."
"Sige salamat." pumunta na ako sa kusina at pinaghanda si Tita ng makakain niya. "Tita kain na po kayo." sumunod na sa akin si Tita sa kusina at kumain. Ako naman ay tumabi sa kanya.
"Tita kumusta na po kayo?"
"Okay naman. Ikaw kumusta ka? naka-move on kana ba kay Kurvie?" diretsahang tanong sakin ni Tita. Natigilan ako sandali, nakamove-on na nga ba ako kay Kurvie? masyadong naging abala ang feelings ko dahil kay Miguel.
"H-hindi ko po alam eh, pero po matagal na yun baka po nawala na yung sakit sa tagal ng panahon."
"BAKA? baka nawala na yung sakit? paano kung BAKA pagnakita mo uli siya bumalik uli yung lahat ng sakit?" ani nya sabay subo ng kanin.
"A-aray ko naman Tita." ani ko sabay nagfake laugh.
"Oh sya sige, change topic halata ng natamaan ka. Mamaya pagka-ayos ko ng gamit ko samahan mo ako sa mall. Pasensya na kayo at hindi ko na kayo nauwian, kaya ibibili ko na lang kayo ng gusto nyo."
"Wow! salamat Tita!" masaya kong sabi.
"Wow! talaga Tita Vivian?!" sabay singit ng kapatid ko.
"Oo, Chazel. Bakit ayaw mo ba?"
"Syempre gustong- gusto ko po noh. Basta po yung akin yung damit na ini-indorse ni Kuya Vince."
"Oh sige ba. Ilan ba ang gusto mo?" tanong ni Tita kay Chazel.
"10 po."
"Oyoyoy! konti lang!" saway ni Mama kay Chazel. Nagtawanan kami dahil biglang sumimangot si Chazel. "Ma naman eh!"
"Basta ibibili kita." sabi ni Tita habang nagpipigil ng tawa.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Pagkatapos ni Tita ayusin yung mga gamit nya at pagkatapos nyang magshower. Ay umalis na kami, ako at si Tita lang ang magkasama dahil hindi pinayagan ni Mama si Chazel na sumama sa amin, kaya nakabusangot yung mukha nya bago kami umalis sa bahay.
Pagkaratig namin ni Tita sa mall, pumunta kami agad sa 'The Castillo's' ito yung brand kung saan model si Vince at kung saan ang tatay din ni Vince ang may kanya. Agad akong pumunta dun sa rack na may mga dress na magaganda, pero pagtingin ko sa tag price ay bigla akong nalula sa mahal.
"Gusto mo ba yan?" bigla akong nagulat kay Tita Vivian.
"Opo eh, pero ang mahal." saby kamot ko sa ulo.
"Ako naman ang magbabayad, basta pumili ka ng gusto mo. Ipili mo na din ang kapatid mo."
"Salamat po Tita ah."
Nagtingin pa ako ng ibang damit na maganda at mas mababa ang presyo. Thanks god nakakita ako ng dalawang T-shirt na medyo mura lang at nasa taste ko ang style. Pati ang kapatid ko ay ipinili ko na rin.
"Tita ito na po." kinuha ni Tita yung mga damit at tinignan nya isa-isa.
"Sigurado kana ba dito?" tanong ni Tita habang ipinapakita yung isa sa mga damit sakin.
"Opo." pumunta na si Tita sa counter para bayaran yung mga damit. Pati pala si Tita ay bumili din ng damit para kina Venise at Via, sila yung dalawang anak na babae ni Tita Vivian.
Pagkalabas namin nagyaya si Tita na mag window shopping, syempre pumayag ako dahil minsan lang din ako makapaggala na kasama s Tita. Palakad-lakad lang kami ni Tita habang dala-dala ko yung mga paper bags na binili ni Tita para sa aming magkapatid at para kina Venise at kay Via. Nagpaalam si Tita sa akin na papasok muna sya sa isang boutique habang ako naman ay naglakad-lakad habang nakatingin sa mga damit na nakadisplay sa mga boutique na nadadaanan ko.
"Ouch!" pagdaing ko ng may biglang bumunggo sa akin dahilan kaya nabitawan ko yung mga dala kong paper bags.
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw sakin ng lalaki na nakabungguan ko.
"Bro, hayaan mo na yan." sabi ng isang lalaki na kasama yata nya. Habang pinupulot ko yung mga paper bags.
"Ano ba?!" pabalik kong sigaw sa lalaki. Pero nagulat ako ng may mga taong nag-iiritan na nagsikumpulan dun sa dalawang lalaki na nabunggo ko. May mga securities na pumaligid duon sa dalwang lalaki kaya napigilan yung mga tao na makalapit sa kanila ng matagal, naglakad na papalayo yung dalawang lalaki. Napatitig ako sa dalawang lalaki na yun habang papalayo sila sakin at bigla akong natigilan....
si Jaes Kim?!.....
at si Ian Santos?! s-sila y-yung nakabungguan ko?!
"Mika, anong nangyari?bakit sila nag-iritanat nagkumpulan?" tanong ni Tita sa akin na hindi ko halos napansin na nasa tabi ko na pala dahil sa sobrang pagkagulat sa mga nangyari.
"T-tita! s-si Ian Santos at yung isa nyang kabanda n-nakabungguan ko po." nauutal kong sabi kay Tita.
"Ok ka lang ba? hindi ka ba nadaktan sa pagkukumpulan nung mga tao kanina?gusto mo ba kumain na lang muna tayo?"
"Ok lang naman po ako, masyado lang po talaga akong nagulat. S-sige po Tita kumain na lang po tayo."
Pumunta kami ni Tita sa isang fastfood restaurant at doon kumain. Naupo kami sa isang bakanteng lamesa sa gilid ng bintana. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mainis dahil sa nasayang na chance para masabihan sana si Ian ng "I love you" lagi ko kaya 'yong pina-practice tuwing gabi bago matulog. Hay ang pangit pa ng una naming pagkikita.
Pero hindi parin nawawala yung saya, at hindi ako makapaniwala dahil sa super unexpected ng nangyari. Super unexpected na makabungguan mo ang idol mo sa isang mall. Nakakainis nga lang at nagalit sya sakin.
Pagkakain namin ay nagtake-out si Tita ng pagkain para kay Chazel pagkatapos ay umuwi na kami. Pagkauwi namin ay ikinwento ko kay Mama, Papa at Chazel ang nangyari sa akin kanina sa mall, lahit sila ay hindi makapaniwala sa nangyari sa akin.
Mas gwapo ka pala talaga sa personal Ian Santos! Sayang nga lang at nagalit kapa sakin. Bakit nga ba kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko?!
To be Continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top