[Chapter 16]

Mika's POV

.

.

Isang araw na ang nakakalipas simula ng makagraduate kami, at college na kami next school year.

*Beep*

Napatingin ako sa cellphone ko na may text message. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.

From: Unknown

Good morning! Busy ka?

-Vince

Huh?! Pano nya nalaman number ko, eh hindi naman nya hiningi sakin yun. Isinave ko ang number nya sa cellphone ko.

To: Vince

Good morning din. Hindi naman ako busy, bakit? Tsaka pano mo nalaman no. ko?

Sent

Nagpapasalamat ako kay Vince dahil kahit papano nakalimutan ko yung nangyari samin ni Miguel...
Narealized ko na kayang Mabuhay ng Isang Babae ng walang Boyfriend o Crush, pero Hindi kayang mabuhay ng Isang Babae na Walang Bestfriend.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at bumaba na lang ako sa salas.

Pagkababa ko nakita ko si Tita Celin at Tito Micheal na kausap si Mama at Papa. Ngayon nga pala nila pag-paplanuhan yung bakasyon namin ngayong summer.

"Good morning po sa inyo." bati ko sa kanilang lahat. Tumingin sila sakin at binati ako saka sila nagpatuloy sa pag-kukwentuhan. Bigla namang pumasok si Michelle. "Hi Ate Mika!"

"Hello Michelle! Long time no see!" lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Sorry ngayon lang uli ako nagpakita. Busy kasi sa school eh."

"Ok lang, kumusta kana?" tanong ko sa kanya.

"Eto, still single but my heart is snatched by Jeon Jungkook!" kilig na kilig nyang sabi. Hindi parin pala nagbabago ang babaeng to' sa pagiging fangirl ng KPOP.

"Manuod ka kasi ng music videos nila, para kapag KPOP fan kana magkasama tayo sa mga concerts nila."

"Sige kapag may free time manunuod ako. Nakakain kana ba?"

"Oo, nakakain na kami kanina sa bahay."

Bigla namang pumasok si Miguel galing sa labas. Nagkatinginan kami pero agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Ah, sige kakain muna ako ha."

Dumiretso ako sa kusina at doon nakita ko si Chazel na naka-upo sa dining chair habang titig na titig sa laptop namin na naka-patong sa dining table.

"Uy! Anong ginagawa mo? Aga-aga laptop kana agad dyan." tanong ko sa kanya habang kumukuha ng kanin sa rice cooker.

"Shh! wag ka maingay Ate! pinapanuod ko yung live streaming ng guesting ni Kuya Vince, kaka-umpisa lang." sabi nya habang nakatitig parin sa laptop.

May guesting pala yun ngayon pero nakuha pang makapag-text sakin kanina. Saan kaya nun nakuha no. ko?

Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at kumain, may pagkakataon na nakiki-nuod din ako sa kanya.

[Host: And here our guests for today. Vince Castillo, Ian Santos and Dona Park. Let's Welcome them.] pinakilala nung Host yung mga guests at pumasok sila sunod-sunod saka sila pina-upo nung Host. Teka Ian Santos?! Oh my god! sya yung bagong Singer-Dancer na sumabak na rin sa pag-arte. Bago pa lang syang singer crush ko na sya. At sabi mabait daw sya.

At yung Dona Park na yun, mukha pa lang nya halatang maldita na. Isa rin syang Singer-Dancer na sumabak lang din sa pag-arte tulad ni Ian at halata sa babae na to' na may gusto siya kay Ian KO!, marami na syang naging successful projects. Ang sabi mabait NAMAN daw sya.

Maraming itinanong yung Host sa kanilang tatlo, yung mga tanong puro nakaka-intriga.

[Host: Kamusta naman ang Lovelife mo Vince? May nagtrend last time na may kasama kang babae. Kayo ba?] may pinakitang picture at iyon yung picture namin ni Vince na nakapinky swear. Napangiti si Vince sa tanong nung host. Napatingin ako sa comment box at biglang dumami yung comments.

"Ate!! Di ba ikaw yan?! Sabihin mo kayo ba?" tanong sakin ni Chazel habang masama ang tingin sa akin.

"Hindi ah." bigla kaming napatingin sa screen at nagsalita na si Vince.

[Vince: Actually wala akong lovelife ngayon but I have a new Bestfriend and she was the girl at the picture.]

[Host: Here's the last question for you Vince. We heard a rumour na may new Project ka daw, is that true?] curious na tanong nung host kay Vince.

[Vince: Yes it's Definitely true, and malapit na ang airing nito sa KVS. Ang makakasama ko dyan ay sina Ian Santos, Dona Park at si Jaes Kim. Ilan lang po yan sa mga makakasama namin. Kaya subaybayan niyo po.]

[Host: Maraming salamat sa inyong tatlo. At susubaybayan talaga namin ang inyong project dito sa KVS.] Nagpaalam na yung Host at yung mga guests nya sa mga viewers.

"Aabangan ko yung project ni Kuya Vince! excited na ko." masayang-masaya na sabi ng kapatid ko habang nagbo-browse pa ng mga videos ni Vince.

Ako naman ay tumayo na sa pagkaka-upo ko at niligpitan ang pinagkainan ko.

~*~*~*~*~*~*~*~*~

Miguel's POV

.

.

"Miguel anak, gising na." gising sa akin ni Mom habang niyuyugyog ang binti ko. Minulat ko agad ang mata ko at inalis ang kumot ko.

"Mom naman eh." iritang sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Bangon na anak since may driver's liscense kana, ipag-drive mo kami ng Dad mo papunta kina Tita Charlin mo."

Kahit ayoko bumangon na lang ako dahil hindi na ako uli makakatulog. Pagkatayo ko chineck ko ang cellphone ko kung may message.

From: Vince

Miguel, alam mo ba kung anong no. ni Mikay? please gusto ko lang syang itext.

---
To: Vince

Bakit ko ibibigay sayo?

Sent

---
From: Vince

Sige na Bro, matapos mo kong hingan ng favor para kay Mika nung nasa clinic sya. Tapos ngayon ako naman humihingi ng favor ayaw mo. Your too unfair Bro.

---
Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang no. ni Mika. Lalaking to' talaga napakakulit at mapilit.

Pagka-tap ko ng home button nakita ko nanaman yung wallpaper ng cellphone ko na picture namin ni Kate na magksama. Nagpaliwanag na si Kate kung bakit hindi sya lagi nakakapunta sa Date namin tuwing monthsary. Ang nai-celebrate lang namin ng magkasama ay nung first monthsary namin. Napatawad ko na naman sya don. Ang hindi ko lang matanggap ay nu--

"Mag-ayos kana anak. Aalis tayo before 8 o'clock." nagulat ako ng magsalita uli si Mom, nakalimutan ko na nandito pa pala sya. Hinawi ni Mom yung kurtina sa kwarto ko dahilan para masikatan ng araw ang loob ng kwarto ko pagkatapos non ay lumabas na si Mom. Tinignan ko ang alarm clock ko at nakita kong 7:25 pa lang. Ako naman ay nag-shower na at nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako. Nakita ko si Mom na inaayos yung mga pagkain sa mesa.

"Ang bilis mo naman anak. Kumain kana muna habang hinihintay natin ang Dad mo at si Michelle." umupo na ako at kumain.

Maya-maya bumaba na si Michelle at si Dad.

"Halina kayo, kumain na tayo." sbi ni Mom at umupo na si sa tabi at sa harap ko saka kumain.

After naming kumain ay ipinagbilin na lang ni Mom ang sa mga kasambahay na aalis kami at sila na ang bahala sa bahay.

Dahil may Driver's liscense na ako, ako ang pinag-drive nila papunta kina Tita Charlin. Si Dad ang naka-upo sa passenger seat at si Mom at Michelle ang naka-upo sa likod. Hindi masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse dahil ayokong masita ako ni Mom.

Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami kina Tita Charlin. Nauna ng bumaba ng sasakyan si Mom at Dad, si Michelle naman ay nagre-touch pa. Pfft. Para namang may photoshoot daig pa ang model. Ako naman ay naghanap ng parking sa tabi ng kalsada.

Pagka-parked ko ng sasakyan ay bumaba agad si Michelle. Ayoko pang bumaba..ayokong makita si Mika na malungkot dahil sakin. Dati sinabi ko sa kanya matapos syang iwan ni Kurvie na ako ang poprotekta sa kanya at hindi ko sya sasaktan tulad ng ginawa sa kanya ni Kurvie. Pero anong ginawa ko, ako mismo yung nanakit sa kanya. Kung hindi lang ako naging manhid.

Humginga muna ako ng malamin saka bumaba sa sasakyan. Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa bahay nila. Pagkapasok ko magka-usap sila ni Michelle at nagkatinginan kami nung ngiti nya habang kausap niya si Michelle biglang nawala nung nakita nya ako. Biglang bumigat yung dibdib ko. Pakiramdam ko nasaktan ko siya ng sobra-sobra. Nagpaalam siya kay Michelle at pumunta sa kusina.

Hinayaan ko na lang sya dahil siguro mas makakabuti muna sa amin ang hindi magkibuan muna. Halos 30 minutes na nasa kusina si Mika, siguro nga iniiwasan nyang makita ako. Nung lumabas sya galing sa kusina ay kasama nya si Chazel na may hawak na laptop.

"Hi po Kuya Miguel at Ate Mich! Kumusta po?" bati sa amin ni Chazel.

"Ok naman kami. Ikaw?" tanong ni Mich.

"Ok lang din po ako. Pero si Ate po hindi." ani ni Chazel at tumingin kay Mika. Napatingin din naman ako kay Mika na hinihintay si Chazel sa may hagdan.

"Sige po sa taas po muna kami ni Ate." sabay silang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ni Mika.

Inabot ng dalawang oras ang pagkukwentuhan nina Mom, Dad, Tita Charlin at Tito Charles. Ayaw pa kaming pauwiin ni Tita Charlin dahil gusto niya na doon kami sa kanila magtanghalian.

Hindi ko na nakita si Mika at Chazel bago kami umuwi dahil sabi ni Tita ay busy daw sa pagla-laptop.

Ako uli ang nag-drive pauwi ng bahay. Pagkarating namin agad akong nagbihis at nahiga sa kama ng pabagsak, kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ang no. ni Mika. Nagdadalawang isip ako kung itetext ko ba sya o hindi.

Pero sa huli pinili ko na lang na hindi siya itext. Nahihirapan na ako. Namimiss ko na siya, yung tawanan namin, yung asaran namin at yung kwentuhan namin. Lahat namimiss ko at ang dami ko ng hindi alam tungkol sa kanya. Nagseselos na din ako sa kanila ni Vince..

To be Continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top